TomasinoWeb logo
TomasinoWeb logo

Monday, September 25, 2023

Tiongco: ‘Maging totoo sa sarili, mamayagpag’

2 min readICYMI: Ayon kay Tiongco, hindi kailangang itago ang totoong sarili upang mapabilang sa paaralan dahil ang pagiging totoo pati na rin ang pagtitiwala ang bubuo ng makabuluhang koneksyon sa buhay
Profile picture of Princess Patricia Lumenario

Published about 2 months ago on August 08, 2023

by Princess Patricia Lumenario

SHARE

Main image of the post

Kuha ni Adrielle Agbayani/TomasinoWeb

SHARE

Ipinaalala ng Vice Rector ng Unibersidad sa kanyang misa noong Sabado, Agosto 5, na ang pagpapakita ng totoong sarili kasama ang Panginoon ay magbibigay liwanag sa iyong buhay.

Sa kanyang homiliya sa Quadricentennial Pavillion para sa mga bagong Tomasino, ibinahagi ni Fr. Isaias Tiongco, O.P. ang mga katangian na dapat isabuhay ng mga bagong mag-aaral upang masulit ang pananatili sa paaralan partikular na ang pagiging totoo sa sarili.

Be curious, be creative, and be courageous, be ferocious in the correct way like the Thomasian Tiger, be open-minded, respectful and compassionate, be active, be engaged, and be involved. Be yourself, be happy, and be proud as a Thomasian,” saad niya.

(Maging mausisa, malikhain, at matapang, maging mabangis gaya ng Thomasian Tiger, magkaroon ng bukas na isip, makisalamuha, at makiisa. Maging totoong ikaw, masaya, at ipagmalami na ikaw ay isang Tomasino.)

Ayon kay Tiongco, hindi kailangang itago ang totoong sarili upang mapabilang sa paaralan dahil ang pagiging totoo pati na rin ang pagtitiwala ang bubuo ng makabuluhang koneksyon sa buhay.

You don’t have to wear masks to gain love and acceptance,” ayon kay Tiongco.

(Hindi mo kailangang magsuot ng maskara para lamang makatanggap ng pagmamahal at pagtanggap.)

Tulad ni Tiongco, nabanggit din ni UST Rector Fr. Richard Ang, O.P. sa kaniyang homiliya para sa pang-umagang batch ng mga bagong Tomasino, na hindi basehan ang kayamanan para sumaya at magkaroon ng masaganang edukasyon.

"In this campus, no one is too rich or too elite to experience the simple joys of life. Nobody is too deprived or too poor to not have access to quality education," ani Ang.

(Sa paaralang ito, walang sobrang yaman para lamang maranasan ang mga simpleng kasiyahan sa bahay. Walang masyadong mahirap para hindi magkaranas ng de-kalidad na edukasyon.)

Siniguro ng Vice Rector ng Unibersidad na hindi nag-iisa ang mga bagong Tomasino sapagkat ang paaralan ay isang nagbubuklod na komunidad na puno ng mga kagamitan, pasilidad, at mga taong gagabay sa pagkamit ng kanilang potensiyal.

Remember that the only limits that exist are the ones you set for yourself,” dagdag niya.

(Paalala na ang tanging limitasyon ng isang tao ay ang siyang itinakda nito.)

Hinikayat din ni Tiongco ang mga mag-aaral na sulitin ang mga darating na taon sa Unibersidad at abutin nito ang kanilang mga pangarap.

Together, let us create a legacy that will inspire generations to come,” ani Tiongco.

(Sama-sama tayong gumawa ng legacy na magbibigay inspirasyon sa mga susunod na henerasyon.)

Pagkatapos ng misa ay pormal nang sinimulan ang ROARientation na sinundan ng tradisyonal na Thomasian Welcome Walk. Ginanap naman sa gabi ang Thomasian Welcome Party.

Matatandaang naudlot ang nasabing pagdiriwang matapos makansela noong Huwebes, Agosto 3 dahil sa pagsuspinde ng klase sa Maynila.

Ito na ang ikalawang in-person welcome rites pagkatapos ng birtwal na pagsasagawa nito sa panahon ng pandemya na dinaluhan ng mahigit kumulang 9,494 na bagong Tomasino na magkokolehiyo ngayong taon.

Thomasian Welcome Mass

Roarientation 2023

ROARing Welcome

Profile picture of Princess Patricia Lumenario

Princess Patricia Lumenario

Reports Writer

Princess Patricia Lumenario is a Reports Writer at TomasinoWeb. As an active student-journalist during her high school years, Patricia joined the organization in hopes of continuing her writing journey along with being a medical technology freshman. In her free time, Pat reads novels, watches too much Korean drama, or engages in fangirling activities such as watching concerts or catching up on content. Her savings are solely for collecting photocards, albums, and merchandise of her favorite idol groups. Pat loves her cats more than anything and being with them gives her ultimate comfort.

Comments

Loading comments...

Leave a Comment

*

*

(will not be displayed)

*