TomasinoWeb logo
TomasinoWeb logo

Thursday, February 29, 2024

BINI, BGYO mangunguna sa Thomasian Welcome Party

1 min readSa kanilang Facebook page noong Lunes, Hulyo 31, kinumpirma ng UST Tiger TV ang pinakahihintay na pagbabalik ng Thomasian Welcome Party.
Profile picture of Alexandria Grace Magno

Published 7 months ago on August 02, 2023

by Alexandria Grace Magno

SHARE

Main image of the post

From left to right: BGYO and BINI (Photos from BGYO_Ph and BINI_Ph Facebook pages respectively)

SHARE

Pormal nang inanunsyo ng UST Tiger TV na ang PPop groups na BINI at BGYO ang pangunahing magtatanghal sa darating na Thomasian Welcome Party sa Huwebes, Agosto 3.

Tampok rin ang mga Thomasian solo artists na sina Anton Stefano at JC Herrero sa nasabing pagtitipon na gaganapin sa Quadricentennial Pavilion pagkatapos ng Thomasian Welcome Walk, ROARientation, at Welcome Mass.

Kinumpirma ng UST Tiger TV ang pinakahihintay na pagbabalik na ito ng Thomasian Welcome Party sa kanilang Facebook page noong Lunes, Hulyo 31.

Ayon sa pinakabagong ticketing guidelines na inilabas ng UST Tiger TV, prayoridad ng naturang event ang freshmen, ngunit tatanggap pa rin ng walk-ins ang mga organizer kung may bakante pang mga upuan para sa iba pang mga Tomasinong nais manuod.

Nakasaad na rin sa ticketing guidelines ang mga dapat tandaan ng mga dadalo sa event, gaya ng kung paano makakakuha ng ticket at ano mga dapat gawin bago pumasok sa venue.

Ang nasabing pagtitipon ay magsisimula mula ala-siyete hanggang alas-nuwebe ng gabi.

Samantala, ang in-person “ALAB 2023” orientation ng mga incoming senior high school at freshmen ay idadaos sa Biyernes, Agosto 4. Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na bagong mga detalye tungkol dito.

Ito ang inaabangang pagbabalik ng Thomasian Welcome Party sa Unibersidad, matapos itong ipagpaliban noong mga nakaraang taon dahil sa pandemya.

Ito na ang ikalawang Thomasian welcoming rites na idadaos onsite magmula noong pandemic.—with reports from Patricia Lumenario

#ThomasianWelcomeWalk2023

#ThomasianWelcomeParty2023

#USTROARingWelcome

#BINI

#BGYO

Profile picture of Alexandria Grace Magno

Alexandria Grace Magno

Managing Editor

Alexandria Grace Magno is the Managing Editor of TomasinoWeb. She is a third-year Journalism student with almost nine years of experience in Campus Journalism, particularly in the Radio Broadcasting and Scriptwriting category. She has experience writing for live shows and university programs under Tiger Media Network. During her vacation, she worked as a volunteer for Move PH, Rappler's civic engagement division, where she gained skills in covering and writing wrap-ups as well as human-interest stories.

Comments

Loading comments...

Leave a Comment

*

*

(will not be displayed)

*