TomasinoWeb logo
TomasinoWeb logo

Friday, October 11, 2024

Thomasian Welcoming activities ipinagpaliban; panibagong iskedyul inaasahang makumpirma bukas

2 min readBagamat nadismaya, naiintindihan naman daw ng ilan ang naging desisyon ng Unibersidad na kanselahin ang lahat ng aktibidad na nakatakdang idaos ngayong araw.
Profile picture of Princess Patricia Lumenario

Published about 1 year ago on August 03, 2023

by Princess Patricia Lumenario

SHARE

Main image of the post

(Photo by Anton Ivan Victorino/TomasinoWeb)

SHARE

KANSELADO ang mga kaganapan na inihanda ngayong araw, Agosto 3, para sa mga Freshmen, dahil sa pabugso-bugso at malakas na pag-ulan dala ng habagat kaninang umaga.

Ilang oras bago magsimula ang naturang pagdiriwang, nagbaba ng abiso ang opisina ng Secretary General (OSG) na nagkakansela ng klase at lahat ng nakalinyang aktibidad para sa mga bagong Tomasino, kasunod ng suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa Maynila.

Nakatakdang ganapin sana ngayong araw ang ROARientation, Thomasian Welcome Walk, at Thomasian Welcome Party.

REAKSYON NG ILANG TOMASINO

Nagpahayag ng pagkadismaya ang ilang mga Freshmen dahil sa abiso. Giit nila, maayos naman ang panahon at maraming mga mag-aaral na ang patungo sa paaralan bago ibinaba ang nasabing anunsyo.

“Dismayado ako dahil buong umaga, hindi naman halos umulan at tirik pa ang araw. Nasa loob lang din [naman] ng QPAV most of the time,” ani alyas Ivan na isang Doctor of Medicine freshmen na lalahok sana ngayong araw sa ikatlo nitong Thomasian Welcome Rights.

Bagamat nadismaya, ay naiintindihan naman daw ni alyas Ivan ang naging desisyon ng Unibersidad.

“Pero understandable dala na [rin na] the school would always prioritize the safety of the students, and for sure, the government also prioritizes such,” paliwanag niya.

Pinayuhan ng OSG ang mga mag-aaral na mag-ingat dahil sa masamang panahon na patuloy na nararanasan sa Maynila. Nabanggit din nito na ipapahayag ng opisina ang bagong iskedyul ng ROARientation at Thomasian Welcome Walk sa agarang panahon.

Ilang estudyante rin ang nangangamba na mapalitan ang naunang line up ng mga artists na nakatakda sanang magtanghal sa Thomasian Welcome Party ngayong araw na inilabas ng UST Tiger TV noong Miyerkules, Agosto 2.

“Sana hindi mabago na BINI at BGYO yung magpeperform since busy [rin ang schedule ng] dalawang groups,” ayon kay alyas CDC sa kaniyang pahayag sa Twitter.

Si CDC ay matagal nang tagahanga ng BGYO at BINI, isa siya sa mga student volunteer na makikilahok sa welcoming rites para gabayan ang mga mag-aaral mula sa kanyang kolehiyo. Bagamat hindi siya bahagi ng Freshmen, umaasa si alyas CDC na mapabilang sa mga walk-ins na mabibigyan ng upuan sa nasabing pagtitipon.

Nakasaad sa inilabas na mga panuntunan sa pagkuha ng ticket ng UST Tiger TV na maaaring makapasok ang mga walk-ins kung mayroon pang mga bakanteng mauupuan.

MGA DAPAT ABANGAN

Nilinaw ni Asst. Prof. Faye Abugan, Assistant Director ng UST Communications Bureau, na ang pinal na line-up na magtatanghal sa Thomasian Welcome Party ay nakabatay sa availability ng mga artists sa itatakdang bagong iskedyul ng pagtitipon.

"If yung artists are not available on the date of the TWP, we’ll have to get another artist, pwedeng madagdagan or mabawasan sya," saad ni Abugan.

Sa panayam ni Abugan sa TomasinoWeb, sinabi niya na inaasahang kukumpirmahin ng OSG ang bagong schedule ng Thomasian welcoming activities bukas, Agosto 4.

Samantala, ayon sa UST Senior High School Student Council, tuloy ang pagsasagawa ng "ALAB 2023" para sa mga paparating na mag-aaral ng senior high school, bukas, Agosto 4, liban nalang kung muling magsususpinde ang Local Government Unit ng Maynila sa araw na iyon.

#FRESHMENWEEK

#WELCOMEWALK

#ROARIENTATION

#WELCOMEPARTY

Profile picture of Princess Patricia Lumenario

Princess Patricia Lumenario

Managing Editor

Princess Patricia Lumenario is the Managing Editor of TomasinoWeb. Over the years, Pat continued her writing journey despite studying in a different field. Now in her third year as a medical technology student, she still dedicates a part of her time to journalism. Amid her studies and work, Pat finds comfort in finishing books off her list and doing a movie marathon even during a stressful exam week. However, her ultimate comfort space is with her cats, healing everything with just a cuddle with them.

Comments

Loading comments...

Leave a Comment

*

*

(will not be displayed)

*