TomasinoWeb logo
TomasinoWeb logo

Friday, January 24, 2025

Maypagasa

2 min readSana sa pag-unlad ng Inang Bayan ay maalala ng kasalukuyan ang sakripisyo ng nakaraan.
Profile picture of Ixidorre Cajucom

Published about 1 year ago on November 30, 2023

by Ixidorre Cajucom

SHARE

Main image of the post

(Artwork by Erimae Lopez/TomasinoWeb)

SHARE

Papalapit na naman ang pasko. Pero bago iyon, mauuna muna ang aking kaarawan.

Sabi nila nagtagumpay daw kami sa pagpapalayas ng mga anak ng España sa ating tahanan—Inang Bayan. Isang daan dalawampu’t limang taon, limang buwan, dalawang linggo, at isang araw simula nang iwinagayway ang bandila ng bayan na simbolo ng kapayapaan at kalayaan.

Matutuwa ang aking mga kapatid sa Katipunan kung sila ay naririto at nakikinig sa mga papuri ng mga mananalaysay at kabataan ukol sa mabuting ginoong si Dr. José Protacio Rizal. Pambansang bayani! Karapat dapat lamang. Naalala ko nung kami'y pagsangguni sa kan’ya ukol sa plano namin sa rebolusyon. Hindi man kami nagkita ng mata sa mata ngunit siya ay ginoong may dangal.

Malaki na rin ang pinagbago ng Unibersidad ng Santo Tomas. Tunay na ito'y nasa pamamalakad parin ng mga pari ngunit pari ng ating bayan, kabilang ang piling mga dayuhan, ngunit hindi na ito tulad ng dati. Binago na nila ang kinalalagyan nito. Napansin ko rin na may mga dilag na na nag-aaral sa Unibersidad, karamihan ay nasa agham. Isipin mo! Babae! Sa agham! Iba na talaga ang henerasyon na ito. Siguro kung ako'y pinagpala dati, ipagpapatuloy ko ang pag-aaral ko sa Unibersidad na ito. Magiging kagulat-gulat na balita ito kay Dr. Rizal!

Kay bilis ng oras. Hindi mo akalain na pinagdaanan ng bayang ito ang hagupit ng ibang nasyon. Sana sa pag-unlad ng Inang Bayan ay maalala ng kasalukuyan ang sakripisyo ng nakaraan.

Sana ay maalala nila ang GomBurZa at hindi MaJoHa. Ang nakatagong sandata ni Apolinario Mabini sa kanyang utak sa likod ng kanyang pagbabalat-kayo na kawawang lumpo.

Sana sa susunod na ako'y maparirito, iba na ang sagot sa katanungan na “Sino si Andres Bonifacio?”.

Hindi “sino po ‘yon? Bagong artista?” O kaya naman ay “hindi ba ‘yun ‘yung janitor?”.

Ako si Andres Bonifacio. Ama ng Katipunan. Agapito Bagumbayan. Maypagasa.—with reports from Paolo Antonio Cootauco

Profile picture of Ixidorre Cajucom

Ixidorre Cajucom

Stories Writer

Ixidorre Mikhaila S. Cajucom was a Stories Writer at TomasinoWeb and is currently a varsity player for UST Tigersharks. Ixi's main interests revolve around pop culture, fiction books, animals, Formula 1, and confectionery. When not writing or swimming, she likes to play with her dogs, catch-up on her books and personal writing, and –most importantly– go to sleep.

Comments

Loading comments...

Leave a Comment

*

*

(will not be displayed)

*