TomasinoWeb logo
TomasinoWeb logo

Friday, May 09, 2025

Poyos, Pepito nag-uwi ng karangalan sa Shakey’s Super League

1 min readSi freshman Poyos ang naging sandalan ng Golden Tigresses sa mga kanilang pinaka-importanteng laro sa torneo, matapos niyang magpakawala ng isang 29-point tally laban sa DLSU Lady Spikers noong semifinals, at isang 26-point performance sa kanilang podium clinching win laban sa Perpetual Lady Altas.
Profile picture of Rob Andrew Dongiapon

Published over 1 year ago on August 13, 2023

by Rob Andrew Dongiapon

SHARE

Main image of the post

(Photo from Phillip Perez/TomasinoWeb)

SHARE

Pinarangalan si incoming rookie ng UST Golden Tigresses na si Angeline Poyos ng First Best Outside Spiker habang si Detdet Pepito ang nag-uwi ng Best Libero award sa Shakey’s Super League, noong August 13 sa FilOil EcoOil Centre in San Juan.

Si freshman Poyos ang naging sandalan ng Golden Tigresses sa mga kanilang pinaka-importanteng laro sa torneo, matapos niyang magpakawala ng isang 29-point tally laban sa DLSU Lady Spikers noong semifinals, at isang 26-point performance sa kanilang podium clinching win laban sa Perpetual Lady Altas.

Samantala, pinagpatuloy ni Pepito ang kanyang steady play mula pa noong nagdaang UAAP season. Ang Season 85 Best Libero ang naging instrumento sa pag-walis ng UST sa kanila battle-for-third series laban sa Lady Altas, lalo na noong nagtala siya ng 27 excellent receptions noong Sabado para maselyuhan ang bronze medal.

Ang panalo nila Poyos at Pepito ay isang magandang indikasiyon ng hinaharap para sa Golden Tigresses, matapos ang pag-alis sa team ng mga beteranong sina Eya Laure, Milena Alessandrini, at Imee Hernandez.

Nakuha naman ng La Salle ang apat sa pitong individual awards. Pinangalanan sina Shevana Laput na Most Valuable Player ng torneo at Best Opposite Spiker, habang nakuha ni Thea Gagata ang 1st Best Middle Blocker award.

Si Alleiah Malaluan naman ang kumopo ng 2nd Best Outside Spiker, samantalang nakamit ni Amie Provido ang 2nd Best Middle Blocker honors ng torneo para sa Lady Spikers.

Si Angelica Alcantara ang natatanging Adamson Lady Falcon na pinarangalan, matapos niyang makamit ang Best Setter Award.

Matatandaang natapos lamang ang kampanya ng Golden Tigresses sa nagdaang UAAP season sa ikaapat na pwesto, at patuloy silang yayaon para mahigitan pa ito sa paparating na Season 86.

Bernadette Pepito

Angeline Poyos

UST Golden Tigresses

Shakey’s Super League

Profile picture of Rob Andrew Dongiapon

Rob Andrew Dongiapon

Sports Editor

Rob Andrew L. Dongiapon is a Sports Editor at TomasinoWeb. He is an avid fan of sports and competition. He also finds great entertainment in combat sports, He continues to strive to make this love of sports pay his future bills. Aside from studying journalism, he writes for Thunderous Intentions where he displays his unhealthy love of the Oklahoma City Thunder. When he is not writing, he probably is watching YouTube videos of how to take over the world.

Comments

Loading comments...

Leave a Comment

*

*

(will not be displayed)

*