Bigong makopo ng UST Golden Tigeresses ang Shakey's Super League finals ticket laban sa reigning UAAP champions DLSU Lady Spikers, 25-22, 18-25, 25-14, 24-26, 24-26, Biyernes ng gabi sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan.
Binandera ni freshman Angeline Poyos ang ratsada ng mga Tigresses matapos magtala ng 29 puntos mula sa 23 attacks, tatlong blocks, at tatlong aces ngunit hindi ito naging sapit upang pataobin ang La Salle.
Nagpamalas din si Regina Jurado ng 25 puntos para sa UST habang si Jona Perdido ay umiskor ng siyam na puntos galing sa attacks.
Nagmistulang regular set ang deciding fifth set ng laban matapos ang back-and-forth affair ng magkabilang koponon na nagresulta sa 24-26 na iskor sa panghuling yugto.
Tila naman palaging kinakapos sa dulo ng sets ang UST makaraang bitawan ang limang match points sa ikaapat na set at pakawalan ang ilang pagkakataon para tapusin ang laro sa decider na nagresulta sa pagtaob ng koponan sa laro.
Nagpalipad agad ng mga nagiinit na attacks ang UST sa simula ng laro upang masungkit ang momentum laban sa mas matatangkad na Lady Spikers.
Nagkaroon ng pagkakataon ang Tigresses na tapusin na ang laro sa dulo ng fourth set ngunit hindi ito naging matagumpay na makamit ang match point kahit man lumamang na ng 24-21.
Mula rito, kinontrol na ng La Salle ang laban patungo sa ikalimang yugto.
Makakalaban ng UST ang University of Perpetual Help Altas sa Miyerkules sa bronze medal match ng torneo.
Comments
Loading comments...
Leave a Comment