TomasinoWeb logo
TomasinoWeb logo

Friday, May 09, 2025

UST tuloy ang dominanteng kampanya sa V-League; panalo sa EAC

1 min readDahil sa panalong ito, nakuha ng Tiger Spikers (3-1) ang solo second seed sa V-League standings, sa likod lamang ng Ateneo Blue Eagles na may 3-0 kartada.
Profile picture of Rob Andrew Dongiapon

Published over 1 year ago on August 30, 2023

by Rob Andrew Dongiapon

SHARE

Main image of the post

(Photo Courtesy of the V-League)

SHARE

Tuloy ang dominasyon ng UST Tiger Spikers sa V-League Collegiate Challenge matapos pataobin ang Emilio Aguinaldo College Generals, 25-18, 25-19, 25-19, nitong Miyerkules, Agosto 30, sa Paco Arena.

Nagtala si UAAP Season 85 MVP Josh Ybanez ng 19 puntos, sa pamamagitan ng 13 attacks, apat na blocks, at dalawang aces para pangunahan ang UST.

Dahil sa panalong ito, nakuha ng Tiger Spikers (3-1) ang solo second seed sa V-League standings, sa likod lamang ng Ateneo Blue Eagles na may 3-0 kartada.

Dinomina ng Tiger Spikers ang net defense sa pamamayagpag ni middle blocker Popoy Colinares na may apat na kill blocks, kasabay ng limang attacks para sa kabuuang siyam na puntos.

Dikit pa ang laban sa kalagitnaan ng ikalawang set ngunit nagpakawala ng 7-1 run para makuha ang 2-0 set lead at tuluyang tanggalin ang momentum sa panig ng EAC.

"We're still working on the mastery nung new system na being implemented. Marami pang kulang, tapos nag-slide back sila. We have to work harder," ani ni UST head coach Odjie Mamon pagkatapos ng laban.

Susunod na makakalaban ng UST ang FEU sa Linggo, Setyembre 3, ng tanghali sa parehong venue.

UST

Tiger Spikers

V-League

EAC

Josh Ybanez

Profile picture of Rob Andrew Dongiapon

Rob Andrew Dongiapon

Sports Editor

Rob Andrew L. Dongiapon is a Sports Editor at TomasinoWeb. He is an avid fan of sports and competition. He also finds great entertainment in combat sports, He continues to strive to make this love of sports pay his future bills. Aside from studying journalism, he writes for Thunderous Intentions where he displays his unhealthy love of the Oklahoma City Thunder. When he is not writing, he probably is watching YouTube videos of how to take over the world.

Comments

Loading comments...

Leave a Comment

*

*

(will not be displayed)

*