TomasinoWeb logo
TomasinoWeb logo

Sunday, May 11, 2025

Tiger Spikers nakamit ang pangalawang panalo sa V-League laban sa Altas

1 min readDikit ang laban sa simula ng laro, ngunit agad nakabawi at nanaig ang UST sa kanilang pambihira at kapansin-pansing atake sa buong laro para pabagsakin ang reigning NCAA champions.
Profile picture of TomasinoWeb

Published over 1 year ago on August 25, 2023

by TomasinoWeb

SHARE

Main image of the post

(Photo Courtesy of the V-League)

SHARE

Nakamit ng UST Tiger Spikers ang kanilang ikalawang panalo sa V-League Collegiate Challenge laban sa Perpetual Help Atlas, 25-19, 25-19, 25-15, nitong Biyernes, Agosto 25 sa Paco Arena.

Dikit ang laban sa simula ng laro, ngunit agad nakabawi at nanaig ang UST sa kanilang pambihira at kapansin-pansing atake sa buong laro para pabagsakin ang reigning NCAA champions.

Naparangalan bilang Player of the Game si Gboy De Vega matapos magpamalas ng 10 puntos, mula sa 7 attacks. Napuna rin ang kanyang napakahalagang 3 service aces na natamo sa buong laro.

Kapansin-pansin din ang UAAP Season 85 MVP-Rookie of the year na si Josh Ybanez na nagtamo ng 14 puntos, habang si Popoy Colinares ay nag-ambag ng 10 puntos.

“Pinanatili lang namin ang disiplina tapos sinipagan lang namin ‘yung ginagawa namin sa ensayo tapos inexecute lang namin sila and then, nagtiwala lang kami sa isa’t isa” ani ni De Vega matapos maipanalo ang sunud-sunod na sets.

“Naniwala lang kami sa program na binibigay ng coach, sinunod lang namin ang sinasabi nila at syempre usual routine at sinamahan ng dasal, syempre,” dagdag pa niya

Nagtamo ng walong unforced errors ang parehong team sa ikalawang set ngunit naitawid pa rin ng UST ang pagkapanalo. Gayunpaman, napansin ang kakaibang estratehiya at ang kakaibang galaw ng Tiger Spikers.

Mula naman sa kabilang koponan, namukod-tangi si Jefferson Marapoc na bumida rin sa laro na may 15 puntos mula sa 11 attacks, 1 block, at 2 service aces, ngunit nauwi ito sa unang talo ng Altas sa torneo.

Ang Tiger Spikers naman ay mayroong kasalukuyang rekord na dalawang panalo at isang talo..

Tuloy pa rin ang Tiger Spikers sa kanilang paghahanda sa susunod na laban na gaganapin sa Miyerkules, Agosto 30 sa parehong venue laban sa Emilio Aguinaldo College.–mula sa mga ulat ni Rishna Maglinao

Profile picture of TomasinoWeb

TomasinoWeb

TomasinoWeb

TomasinoWeb, the premier digital media organization of the University of Santo Tomas

Comments

Loading comments...

Leave a Comment

*

*

(will not be displayed)

*