TomasinoWeb logo
TomasinoWeb logo

Friday, May 09, 2025

Tiger Spikers pinaluhod ng DLSU sa pagbubukas ng V-League

1 min readNanguna si Rainier Flor para sa UST na may 13 puntos, habang sinegundahan naman ito ni Gboy De Vega ng 10 puntos sa limitadong minuto sa court.
Profile picture of Rob Andrew Dongiapon

Published over 1 year ago on August 18, 2023

by Rob Andrew Dongiapon

SHARE

Main image of the post

(Photo Courtesy of the V-League)

SHARE

Masalimuot ang pagsisimula ng UST Tiger Spikers sa men's division ng V-League Collegiate Challenge matapos nitong yumuko sa DLSU Green Spikers, 28-26, 18-25, 26-28, 21-25, sa Paco Arena, Biyernes.

Nanguna si Rainier Flor para sa UST na may 13 puntos, habang sinegundahan naman ito ni Gboy De Vega ng 10 puntos sa limitadong minuto sa court.

Nagpakawala naman si UAAP Season 85 MVP Josh Ybañez ng pitong puntos sa loob lamang ng dalawang sets na paglalaro.

Pabor sa UST ang laban sa simula ng laro matapos ipamalas ang kanilang steady attacks at combination plays para basagin ang impresibong depensa ng La Salle.

Ngunit hindi ito nagpatuloy sa mga susunod na sets matapos ma-domina ng Green Spikers ang attacking department at ma-kontrol ang momentum nang matapos ang ikalawang set.

Mula doon ay nakuha na ng La Salle ang bentahe sa laban na nagbigay oportunidad sa mga second stringers ng magkabilang koponan.

Namuno si JM Ronquillo para sa Green Spikers matapos magtala ng 27 puntos sa loob ng 23 attacks at apat na blocks.

Susunod na makakaharap ng UST ang UAAP at V-League defending champions na NU Bulldogs sa Finals rematch ng nakaraang season sa Miyerkules, Agosto 23, sa parehong venue.

UST

TIGER SPIKERS

GOLDEN SPIKERS

DLSU

V-LEAGUE

Profile picture of Rob Andrew Dongiapon

Rob Andrew Dongiapon

Sports Editor

Rob Andrew L. Dongiapon is a Sports Editor at TomasinoWeb. He is an avid fan of sports and competition. He also finds great entertainment in combat sports, He continues to strive to make this love of sports pay his future bills. Aside from studying journalism, he writes for Thunderous Intentions where he displays his unhealthy love of the Oklahoma City Thunder. When he is not writing, he probably is watching YouTube videos of how to take over the world.

Comments

Loading comments...

Leave a Comment

*

*

(will not be displayed)

*