Nasungkit ng UST Golden Tigresses ang tansong medalya sa Shakey's Super League nang sila'y magtagumpay kontra sa Perpetual Help Lady Altas sa loob ng apat na set, 25-19, 25-21, 17-25, 25-14 nitong Sabado, Agosto 12, sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan.
Pinangunahan ng rookie at match MVP Angeline Poyos ang opensa ng Tigresses matapos makagawa ng 26 puntos, mula sa 16 na attacks habang kaakibat niyang namuno sa opensa si sophomore Regine Jurado na nakapagtala naman ng 19 na puntos.
Bagamat paulit-ulit ang pagtabla ng Lady Altas sa ikaapat na set, matapos ang huling paglapit ng Altas sa score na 11-10, biglaang nag-apoy ang mga hitters ng UST upang tuluyang pigilan ang ratsada ngnila na muling makaiskor ang koponan ng Lady Altas at tinapos ang laro, 25-14, para sa podium finish.
Ikinatuwa ni Coach Kungfu Reyes ang pagkapanalo ng kanyang koponan matapos nilang makamit ang ikaapat na pwestong noong nakaraan na 2022 Shakey's Super League.
“Two years, three years, nagkaroon na rin kami ng medal, finally. At least new faces, new chapter ng team.” wika ni Reyes.
Nag-ambag naman sina Xyza Gula ng 13 puntos at si Pia Abbu na mayroong walo para tapusin ang kartada ng UST sa liga na may limang panalo at isang talo.
Sa simula ng set ay maagang umalagwa ang UST para makapagtala ng anim na kalamangan, 14-8, na unti-unti namang ginapang ng Lady Altas patungo sa tatlong puntos na agwat, 16-13, ngunit tila nag-init ang hitters ng Tigresses at tinapos ang set, 25-19.
Salungat sa nangyari noong unang set ay mas naging dikit ang naging pagtutuos ng Lady Altas at Tigresses sa ikalawang markahan nang kanilang itabla sa 19-19 ang iskor ngunit matapos ang sunod-sunod na error ay kanilang isinuko ang set sa Tigresses, 25-21.
Sa ikatlong set naman ay tila nanlamig ang naging laro Tigresses. Nagsunod-sunod ang errors ng Tigresses hanggang sa katapusan ng set upang tuluyang mapako ang kanilang score sa 17 at makuha ng Lady Altas ang ikatlong set.
Hindi na lumingon pa ang UST mula doon matapos dominahin ang laro sa set four.
Tuloy ang paghahanda ng Golden Tigresses para sa susunod na UAAP season, matapos ang pag-alis ng mga beteranong players na si Eya Laure, Milena Alessandrini, at Imee Hernandez.
Comments
Loading comments...
Leave a Comment