Nagwagi ang UST Golden Tigresses sa Enderun Lady Titans, 25-13, 25-16, 21-25, 25-14 sa kanilang ikaapat na laban sa Shakey’s Super League 2023, noong Miyerkules na naganap sa FilOil EcoOil Center sa San Juan.
Nananatiling walang talo sa kanilang kampanya ang Golden Tigresses (3-0) at susulong sa semi-finals ng liga sa kabila ng kanilang pitong errors sa third set na sinamahan pa ng pagsiklab ng opensa ng Enderun na nagtala ng 15 attacks sa parehas na set.
Si sophomore Regina Jurado ang nanguna para sa UST matapos magtala ng 19 puntos upang masungkit ang match MVP.
Nakuha agad ng UST ang momentum nang maaga upang matapos nila ang unang set sa iskor na 25-13 para mabuo ang kanilang pinakamalaking lamang sa laban na ito.
ala masyadong naging pagkakaiba sa ikalawang set matapos ito sungkitin ng Golden Tigresses sa pamamagitan ng 19 attacks na sinamahan pa ng apat na aces sa set na iyon, 25-16.
Sa kabila ng pagkatalo ng UST sa ikatlong set bunsod ng kanilang unfamiliarity, agad naman silang nagpasiklab at naginit sa ikahuling set para makamit ang 11 puntos na kalamangan. Ito ay epekto ng kanilang pag iwas sa errors at pagiging malinis sa kanilang execution sa opensa, 25-14.
Ang laro ay natapos nang may magandang pagpapakita sa opensa ang Golden Tigresses na kumolekta ng 57 attacks kasama ang 17 aces. Ngunit, hindi sila nalayo sa errors ng Enderun matapos magtala ang Tigresses ng 15 errors laban sa 14 na errors ng kalaban na nagpapakita ng kanilang binubuo pang chemistry dahil sa kanilang mga bagong manlalaro.
Ang Golden Tigresses ay muling sasabak sa laro sa Biyernes, ika-apat ng Agosto, laban sa kampeon ng UAAP Season 85, ang De La Salle Lady Spikers sa parehong venue.
Comments
Loading comments...
Leave a Comment