TomasinoWeb logo
TomasinoWeb logo

Monday, March 17, 2025

EJ Obiena nasungkit ang silver medal sa 2023 World Athletics Championship

1 min readIto ang kauna-unahang silver medal ng Pilipinas sa nasasabing torneo matapos niyang lagpasan ang taas na 6.0 meters. Matatandaang si Obiena din ang nakapagtala ng kauna-unahang bronze medal ng Pilipinas sa kaparehong torneo noong 2022.
Profile picture of Adriann R. Ancheta

Published over 1 year ago on August 27, 2023

by Adriann R. Ancheta

SHARE

Main image of the post

(Litrato ni: EFE/Robert Ghement)

SHARE

Muling nagdala ng karangalan sa bansa ang pole vaulter at UST alumnus na si EJ Obiena matapos niyang makamit ang silver medal sa pole vault finals ng 2023 World Athletics Championship sa Budapest, Hungary nitong Sabado (madaling araw ng Linggo sa Manila).

Ito ang kauna-unahang silver medal ng Pilipinas sa nasasabing torneo matapos niyang lagpasan ang taas na 6.0 meters. Matatandaang si Obiena din ang nakapagtala ng kauna-unahang bronze medal ng Pilipinas sa kaparehong torneo noong 2022.

Sinubukan niyang palakihin pa ang kalamangan ngunit bigo ang kanyang pagtangka sa pag-abot ng pinaangat na taas na 6.05 at 6.10 meters.

Samantala, parehas na napanalunan nina Chris Nilsen ng U.S. at Kurtis Marschall ng Australia ang bronze medal nang parehas silang makapagtala ng taas makapagtala 5.95 meters.

Dominante pa rin ang Swedish pole vaulter at World’s no. 1 Armand Duplantis nang kanyang makamit ang gintong medalya ng torneo matapos niyang lampasan ang 6.10 meters sa kanyang unang subok.

Patuloy ang paglaban ni Obiena sa larang ng pole vault pagka’t kasalukuyan niyang pinaghahandaan ang paparating na Asian Games sa Setyembre na gaganapin sa Huangzhou, China na kabilang na din sa kanyang paghahanda para sa 2024 Tokyo Olympics.

EJ Obiena

Pole Vault

Athletics

World Athletics Championship

2024 Tokyo Olympics

Profile picture of Adriann R. Ancheta

Adriann R. Ancheta

Sports Writer

Adriann Ancheta is a Sports Writer at TomasinoWeb. A man who is new into the writing scene with a bottomless love for sports and the competitive scene, mainly for basketball as well as esports. This love of his is what drove him to delve into the scene of sports writing. He is a journalism student who, outside of it, has a lot of free time which is mainly spent for lazing around and just pondering about the most random things unthinkable to man.

Comments

Loading comments...

Leave a Comment

*

*

(will not be displayed)

*