TomasinoWeb logo
TomasinoWeb logo

Friday, April 25, 2025

Tomasino pasok sa top 10 ng kauna-unahang food tech boards

1 min readMula sa 40 na mga estudyanteng nanguna sa FTLE 2023, tanging sina Caumban at isang alumna mula sa Xavier University ang pasok sa listahan na hindi nagmula sa Unibersidad ng Pilipinas.
Profile picture of Princess Patricia Lumenario

Published over 1 year ago on August 16, 2023

by Princess Patricia Lumenario

SHARE

Main image of the post

(Photo from Audrice Serrano/TomasinoWeb)

SHARE

Kabilang ang isang Tomasino sa talaan ng mga nanguna sa katatapos lamang na Food Technologists licensure exam (FTLE) ayon sa resultang inilabas ng Professional Regulation Commission (PRC) noong Miyerkules, Agosto 16.

Nasungkit ng Tomasinong si Natalie Mae Caumban ang ika-sampung pwesto sa kauna-unahang Food Technologists licensure exam (FTLE) matapos nitong makakuha ng iskor na 84.50 porsyento.

Mula sa 40 na mga estudyanteng nanguna sa FTLE 2023, tanging sina Caumban at isang alumna mula sa Xavier University ang pasok sa listahan na hindi nagmula sa Unibersidad ng Pilipinas.

Nakakuha ng 49.30 porsyentong passing rate ang UST matapos makapasa ang 70 sa 142 na Tomasinong kumuha ng nasabing pagsusulit.

Samantala, itinanghal ang Unibersidad ng Pilipinas na top-performing school matapos nitong makakuha ng 100 porsyentong iskor. Sa nasabing Unibersidad din nanggaling ang nanguna sa pagsusulit.

Ayon sa PRC, 453 mula sa 1,133 na sumailalim sa FTLE ang kinilala bilang mga bagong licensed food technologist.

Ginanap ang pagsusulit sa mga syudad ng sa Metro Manila, Baguio, Cebu, Davao, Koronadal, Legazpi, Lucena, Rosales, and Zamboanga noong Agosto 10 -11, 2023.

FTLE2023

FOODTECH

BOARDS

Profile picture of Princess Patricia Lumenario

Princess Patricia Lumenario

Managing Editor

Princess Patricia Lumenario is the Managing Editor of TomasinoWeb. Over the years, Pat continued her writing journey despite studying in a different field. Now in her third year as a medical technology student, she still dedicates a part of her time to journalism. Amid her studies and work, Pat finds comfort in finishing books off her list and doing a movie marathon even during a stressful exam week. However, her ultimate comfort space is with her cats, healing everything with just a cuddle with them.

Comments

Loading comments...

Leave a Comment

*

*

(will not be displayed)

*