Ang espiritu ay gagana lamang sa mga taong alam ang ganap na katotohanan kay Kristo at sa mga tumanggap na wala silang alam, sabi ng Obispo ng Marbel sa pambungad na misa at talumpati para sa taong akademiko 2023-2024 noong Biyernes, Agosto 4.
Sa kanyang homiliya para sa taunang Misa de Apertura, binigyang-diin ni Most Rev Cerilo Casicas, D.D., na ang katotohanan ay hindi katotohanan kung hindi pa natatagpuan ang pag-ibig ng Diyos na nahayag kay Kristo.
“Truth is not simply abstract academic truth; truth and charity and God’s love are one and the same. It is not truth if we have not found the love revealed in Christ,” sabi niya.
(Ang katotohanan ay hindi lamang abstract akademikong katotohanan; katotohanan at pag-ibig sa kapwa at pag-ibig ng Diyos ay iisa at pareho. Hindi ito katotohanan kung hindi natin natagpuan ang pag-ibig na nahayag kay Kristo.)
Ipinaliwanag ni Casicas na ang unang karanasang pang Espiritu Santo ay ang pagiging mapagpakumbaba na amining hindi pa nito kayang tanggapin ang buo at kumpletong katotohanan.
Ang Espiritu ay hindi lamang liwanag na kumikinang sa labas na karaniwang naituro, ngunit ito rin ay ang liwanag na nagniningning sa loob sa pamamagitan ng pagtanggap, dagdag pa nito.
“Whatever negative experience we face, let us discern them as gifts of the holy spirit… there is no direct path to peace, joy, gentleness, [but] it is promised first to those who cannot bear the truth,” ani Casicas.
(Anuman ang negatibong karanasang kinakaharap natin, alamin natin ang mga ito bilang mga kaloob ng banal na espiritu... walang direktang landas tungo sa kapayapaan, kagalakan, kahinahunan, [ngunit] ito ay ipinangako muna sa mga hindi makayanan ang katotohanan.)
Sa huli, sinabi niya na ang banal na Espiritu ay ang daan sa katotohanan na ipinangako ni Kristo noong ito ay ipinadala ng Diyos.
Opisyal nang inanusyo ni Casicas ang pagbubukas ng taong akademiko 2023-2024 sa dulo ng misa na may hiling na kaliwanagan sa isip ng mga Tomasino upang makamit ang layunin ng katolikong pontifical at royal na Unibersidad.
Taun-taon sinisimulan ng Unibersidad ang taong akademiko sa Mass of the Holy Spirit o Misa de Apertura na karaniwang ginagawa sa iba’t ibang institusyong Katoliko sa buong mundo.
Comments
Loading comments...
Leave a Comment