TomasinoWeb logo
TomasinoWeb logo

Tuesday, June 16, 2026

Marissa: Ang radikal na pagsibol at pagtatapos ng ika-48 na taon ng Teatro Tomasino

2 min readPara sa ika-48 nitong taon, inihahandog ng Teatro Tomasino ang Marissa. Sa panulat ni Isagani Cruz at direksyon ni Angel Ocampo, ang Marissa ay isang dulang may ganap na haba tungkol sa buhay sining, pagsusulat, at ang marami nitong kabaliwan.
Profile picture of TomasinoWeb

Published about 2 months ago on April 28, 2026

by TomasinoWeb

SHARE

Main image of the post

(Photo from Teatro Tomasino)

SHARE

This is a press release by Teatro Tomasino.

Para sa ika-48 nitong taon, inihahandog ng Teatro Tomasino ang Marissa. Sa panulat ni Isagani Cruz at direksyon ni Angel Ocampo, ang Marissa ay isang dulang may ganap na haba tungkol sa buhay sining, pagsusulat, at ang marami nitong kabaliwan.

Alinsunod sa temang ng “Sibol”, binibigyang diin ng Marissa ang tunay na kapangyarihan ng sining na maging isang tulay upang pag-alabin hindi lamang ang entablado, kundi ang bawat isang may tiwala at tunay na pagmamahal rito. Hindi ito lamang nabubuo ng kaakit-akit na ilaw, kasuotan, o pag-arte—kundi pagsalungat sa karaniwan at pagpapalaya sa katotohanan na pilit na ibinabaon. Sapagkat ang sining, sa lahat ng anyo nito, ay palaging isang uri ng paglaban sa lahat ng nagsisikap na patahimikin ang sariling totoo. Ang “Marissa” ay isang paalala na kahit sa mga panahong walang katiyakan ang buhay, ang sining ay nandoon pa rin, umuusbong, at hindi tumitigil.

Kung kaya’t layunin ng produksiyong ito na maging daan sa pagpapatunay kung saan ang sining ay hindi lamang talento at pagtatanghal, kundi isang puwersang pinagyayaman ang bawat pusong naghahanap ng katarungan. Ang sining at pagbuo ng “Marissa” ang kolektibong diwa ng rebolusyonaryong pagsibol ng Teatro Tomasino na patuloy na naghahangad na mabuhay, lumikha at lumaban.

Para sa kanyang disertasyon, kailangang interbyuhin ng estudyanteng si Mario ang tanyag na mandudula na si Corazon Roja. Ang dapat na simpleng usapa’y nauwi sa isang hapon puno ng samu’t saring kalokohan.

Ang “Marissa” ay itatanghal sa Abril 28-30 (12:30 NH, 3:00 NH, 6:00 NG) at Mayo 2 (10:00 NU, 12:30 NH, 3:00 NH, 6:00 NG) na gaganapin sa Tan Yan Kee Audio Visual Room, University of Santo Tomas.

Para sa mga ticket inquiries at karagdagang detalye, bisitahin ang Teatro Tomasino - UST sa Facebook, Instagram at Gmail ([email protected]) o lapitan sina Heaven Nicole (0929 106 6166) at Jhon Patrick (0929 106 6218).

Ang produksyon na ito ay sinusuportahan ng mga sumusunod:

RANK MAGAZINE, Thomasian Film Society, Mediartrix-UST, The UP Repertory Company, DLSU Harlequin Theatre Guild, Teatro Lasalyano-Laguna, Dulaang Roc, Rotaract Club of UST - Central Chapter, UST Scarlet Commerce, Studio 53 - NU Laguna, UST Microbiology Society, Tanghalang

Batingaw, Mint Creatives, Teatro Rizal, Vi Are, UST MAD Society, AB The Flame, Dulaang Unibersidad ng Pilipinas, Monster RX 93.1, Now You Know, Platform Playhouse, Tanghalang Tanglaw, The New Channel, Theater Fans Manila, Tiger Shoot SHS UST, Tomasino Web, When In Manila, HomeRoom Co-Working and Study Lounge, 933 Creatives, Motociclo Cafe, Features & Shades, Fashion 21, Aido Care, AliCom, Tinapayan, Dolce, Erehwon Center for the Arts at Ettas Cosmetics.

UST

TEATRO TOMASINO

Profile picture of TomasinoWeb

TomasinoWeb

TomasinoWeb

TomasinoWeb, the premier digital media organization of the University of Santo Tomas

Comments

Loading comments...

Leave a Comment

*

*

(will not be displayed)

*