TomasinoWeb logo
TomasinoWeb logo

Thursday, April 18, 2024

Halimuyak ng pag-ibig

1 min readPalagi naming binibiro si Adrian na amoy kalawang siya. Simula noong aminin niya kay Lira na gusto niya ‘to ay mas lalong tumatapang ang amoy ng pabango niya.
Profile picture of MJ Jadormio

Published 6 months ago on November 03, 2023

by MJ Jadormio

SHARE

Main image of the post

(Artwork by MJ Jadormio/TomasinoWeb)

SHARE

Matatakutin ako.

Itinatalikod ko ang salamin sa aking kwarto bago ako matulog. Sinisiguro kong hindi ko makikita ang aking repleksyon o anino ng kung ano man o kung sino man, lalo’t madalas ay mag isa lang ako rito.

Tuwing nasa eskwelahan, hindi ako nagbabanyo kung hindi ko kasama si Lira. Nakasanayan na rin naming magkwentuhan sa harap ng salamin ng banyo habang humihipak siya sa vape niya habang pasensyoso kaming hinihintay ni Adrian sa labas ng pintuan.

Palagi naming binibiro si Adrian na amoy kalawang siya. Simula noong aminin niya kay Lira na gusto niya ‘to ay mas lalong tumatapang ang amoy ng pabango niya. Nagulat din kami nang minsang hinahaplos haplos niya ang buhok ni Lira at pinagmamasdan itong mabuti atsaka bigla na lang itong hinila.

Sobra lang naman daw ang kanyang paghanga rito.

Inaya kong mag banyo si Lira para mag retouch. Tahimik siya at hindi pa siya ni isang beses na humipak at bumuga ng usok ngayong araw. Dating gawi, maiiwan si Adrian sa labas ng pintuan. Bago kami pumasok ng banyo ay naabutan pa namin siyang nag papabango. Napatakip ako ng ilong ngunit walang reaksyon si Lira.

Inagaw ko kay Adrian ang bote ng pabango at hindi sinasadyang mabasag ito.

Pula.

Sa kaba ko ay hinila ko agad si Lira sa loob ng banyo.

Hinilamusan ko ang mukha ko, pagkatapos ay iniangat ko ang aking ulo at nakitang nakatitig siya sa akin…

Nang walang buhok at naliligo sa sariling dugo.

Simula noon, hindi na ako nagbanyo sa eskwelahan kahit kailan.

Halloween

GhoUSTe

Horror

Profile picture of MJ Jadormio

MJ Jadormio

Stories Writer

MJ Jadormio is a Stories Writer at TomasinoWeb. Being a journalism student, she is interested in writing about people, politics, and sports. She is also into creating fictional stories about the daily struggles of a student and a teen living in the present. Away from being a writer, MJ has also been devoting her time into media production. You may find her pondering upon wrong answers and making them the right answers in search of another bunch of questions or just catching up with old friends when not working.

Comments

Loading comments...

Leave a Comment

*

*

(will not be displayed)

*