TomasinoWeb logo
TomasinoWeb logo

Monday, May 20, 2024

UST dinomina ang FEU para simulan ang kampanya sa Ang Liga

1 min readSi Kyler Ken Escobar ang nakakuha ng bihirang hatrick o tatlong goals sa isang laro para ibandera ng Golden Booters.
Profile picture of Miguel Angelo Sumalinog

Published 9 months ago on August 27, 2023

by Miguel Angelo Sumalinog

SHARE

Main image of the post

Litrato mula sa Ang Liga Facebook page

SHARE

Sinimulan ng UST Golden Booters (1–0) ang kanilang kampanya sa isang nangangalampag na paraan pagkatapos nila idomina ang FEU Tamaraws (0–2) sa pamamagitan ng 7-0 na scoreline, Linggo ng hapon, sa UP Diliman Football Pitch.

Wala pang sampung minuto sa laro, tumungo agad sa kalamangan ang UST mula sa mabilis na pag-iisip ni Andrew Ramos dahil sa dropped ball ng goalkeeper ng FEU sa pang 9th na minuto. Sinegundahan naman ito ni Kyler Ken Escobar sa pag *goal *sa 33rd na minuto, isa sa tatlo niyang goal sa larong ito.

Si Escobar ang nakakuha ng bihirang hatrick o tatlong goals sa isang laro.

Sinubukan ng FEU hilain pabalik sa kanila ang laro pero hindi nagpatalo ang koponan mula sa España sa pamamagitan ng pangalawang goal ni Escobar – pangatlo para sa team — sa 66th na minuto mula sa patagong cross na nagpatibay sa bentahe laban sa mga Tamaraws.

Nagpatuloy ang pag-kontrol nila sa laro dahil sa pagkamit nila Escobar at Jan Patrick Baito ng goal sa loob ng dalawang minuto sa 75th at 76th minute na nakaangat sa Golden Booters sa limang goals.

Sa kabuuan, dalawa ang naiskor ni Baito, isa para kay Ramos, at isa rin kay Christian Lajot para pamunuan ang laro sa panig ng UST.

Kasalukuyang nakaupo ang UST na may isang panalo at nagtatangkang umangat pa ito sa grupo sa tapatan nila laban sa silver medalists ng UAAP Season 85 na Ateneo Blue Eagles, sa September 3, sa parehas na lugar.

Tatakbo ang tournament sa kanilang group stages hanggang September 30 habang ang playoffs ay di pa inaanunsyo sa oras ng pagsulat.

Golden Booters

UST

Football

Ang Liga

Profile picture of Miguel Angelo Sumalinog

Miguel Angelo Sumalinog

Chief Photographer

Miguel Sumalinog is the Chief Photographer of TomasinoWeb. Mostly known as “Suma” among his friends and peers, he was exposed to campus media and photography way before he was a Thomasian and owes major credit to those initial experiences. He portrays his commitment through his various outputs in photography especially in covering UAAP content for the publication. As a lead in TomasinoWeb's photography department, he has exposure to the non-stop action that the UAAP and other leagues offer. Outside of the sports beat, Suma also covers various campus events and national happenings as work doesn’t stop with his beat alone and venturing out of it provides experience that cannot be taught within the four corners of a classroom. When he’s not fanboying over Eya Laure and Cassie Carballo during volleyball coverages, Suma spends most of his time in front of his computer playing VALORANT and other various competitive games. He also passes time on the court by training and playing badminton.

Comments

Loading comments...

Leave a Comment

*

*

(will not be displayed)

*