Sampung Tomasino ang humakot ng pwesto sa August 2023 Medical Technologists Licensure Examination (MTLE), batay sa resulta na inilabas ng Professional Regulation Commission (PRC) noong Huwebes, Agosto 17.
Nasungkit ng Tomasinong si Jolina Ongchinke ang ikalawang pwesto sa katatapos lang na August 2023 MTLE matapos makakuha ng iskor 92.70 porsyento.
Samantala, sina Kevin Ganas at Hilary Orbeta ay parehas na nakakuha ng 92.40 porsyento dahilan upang masungkit nila ang ikatlong pwesto.
Sinundan ito nina Bianca Cruz at Exequiel Sangco III na kapwa nagkamit ng ika anim na pwesto matapos maka-iskor ng 92.10 porsyento.
Pasok rin ang mga Tomasinong sina Aira Marquez sa ika-pitong pwesto na may iskor na 92.00 porsyento, si Simon Cañeba na nasa ika-walong pwesto na may iskor 91.90 porsyento at Leo Orpilla na pasok sa ika-siyam na pwesto matapos magkamit ng iskor na 91.80 porsyento.
Hindi naman nagpahuli sina Jose Domingo at Jayson Paredes na kapwa nakakuha ng 91.70 porsyento dahilan upang masungkit nila ang ika sampung pwesto.
367 mula sa 391 na mga Tomasinong kumuha ng pagsusulit ang nakapasa dahilan upang itanghal na pang lima ang Unibersidad sa mga top-performing schools sa August 2023 MTLE.
Ayon sa PRC, 3,982 sa 5,401 na kumuha ng pagsusulit ang itinanghal na mga bagong Medical Technologists.
Ang MTLE ay ginanap sa syudad ng Metro Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga noong Agosto 12 at 13.-with reports from Paolo Cootauco
Comments
Loading comments...
Leave a Comment