Connect with us


The one who can rewrite the stars



Ominous-looking clouds hung low over the sky—threatening more rain despite the already heavy downpour several hours before, yet despite the damp, muddy ground of the UST field and the humid May air one could still feel the celebratory atmosphere of this academic year’s Baccalaureate Mass last Thursday, May 24.

The field was abuzz with energy as the seniors, armed with their permanent markers and their type A uniforms, scrambled throughout the crowd in search of their most cherished people, eager to leave a piece of them in that person’s most treasured memorabilia.

“Maraming salamat,” “mami-miss kita,” “g*go ga-graduate na tayo,” echoed everywhere–each word bares four years (or more) worth of friendship formed by sleepless nights, afternoon breakdowns, and even the silent cheers they shared as they shade the last circle of that scantron exam. Through tears and cheers, emotions flooded the whole University for finally, they proved that everything is indeed worth it.

Having no expectations upon entering the iconic Arch of the Centuries years ago, fourth year journalism student Cristina Baclig shared how her journey changed her for the better.

Pumasok ako na hindi naman ito ang dream school wala akong ine-expect or anything akala ko magiging normal student lang  ako,” Baclig shared to TomasinoWeb. “Hindi ko ine-expect na sa four years ko maraming pala akong interesting na mangyayari sa akin, marami pala akong maiiambag. Marami rin akong na-meet.”

The long journey towards the coveted diploma is a no easy feat, and amidst the tribulations, the budding journalist emphasized the importance of looking out for yourself.

“Hindi importante na lagi nagsa-succeed ka sa lahat ng bagay, lalo kung napapabayaan  mo na yung sarili mo, […] hindi mo ma-feel yung fulfillment at hindi ka rin masa-satisfy sa lahat ng ginawa mo kasi feeling mo ang empty mo.” Baclig said.

There is always the underlying pressure that knocks the air out of people. However, graduating business management student Patricia Concepcion encouraged everyone to make the most out of everything despite one’s fear of failure.

“Kahit na nag-fail ka pwede ka pa rin bumangon tapos mag move-on ka lang,” she said with a smile.

In this sea of motion, the student staffers, maintenance personnel, and even the professors darted from place to place in preparation for the mass. With sweat forming at the brows and with time chasing them at their backs, excitement and adrenaline fuels them to do more.

JR Sanchez who vigilantly guards the gates of the University said that despite the exhaustion, he felt happy for the graduates.

Una ko palang ito.. pagod [pero] happy for the students… [nararamdaman mo] ‘yong saya nila habang naghihiwayan [at­] ‘yong damdamin mo napapahiyaw rin.”

Everyone was growing restless until finally, the sky was ablaze as firecrackers were launched–opening a space between the clouds for the sun to shine. Cheers erupted everywhere for finally, their most awaited ending has finally begun.

Thomasians started to pour out of the buildings that served as their second home, and each faculty and colleges waved their banners high up the air as they paraded their way through the verdant field of the UST Grandstand–a symbol that their journey has finally come in full circle as that is the very same earth that welcomed them as they first passed the Arch of the Centuries.

The resounding cries of the seniors erupted as they were ushered to their designated seats among the neatly lined chairs that the University’s personnel worked hard for a day before the event. People loiter around the field, some taking pictures while others are still writing on each other’s polo. The flurry of activity is a bliss for everywhere is decorated with smiles.

Standing among her graduating friends, Red Ricafort, a third year communication arts student expressed her joy as she sends them off to a brand new journey.

“It was overwhelming. Sobrang saya ko for them kasi they finally reached the end of their journey sa college.” Ricafort added, “mahirap rin kasi I’ve spent most of my time with them kaya it won’t be easy to part ways. Super mami-miss ko sila pero I’m really happy that they’ve reached this point na nakangiti and hopeful pa rin. I wish I’ll stand in the same place at the same time next year with that same hopeful and happy smile that they have.”

And in stark contrast of the current vibe, a blanket of solemnity fell as the Mass has officially begun which was presided by the University Rector Very Rev. Fr. Herminio Dagohoy, O.P.

“Your journey in UST ends this evening but the test of you being [a] Thomasian also begins. Be proud of your beginning and make your life a legacy,” said Dagohoy.

And although tomorrow holds no promises, like a gentle embrace, he reminded the seniors to take in their heart the Christian teachings they have learned. Dagohoy said that those teachings will serve as foundation that can make them unshakable as they face this brand new chapter in life.

It is time for us to let you go. Do not lose that space where God could easily touch you when you feel that your life is no longer enough for everything. God suffices,” the Rector added.

Leaving the four corners of the University that witnessed thousands of created moments, learned lessons, and cherished friendships would only now be a recollected memories as they graduate.

Pansamantala nating iiwan ang UST, pero ang mga ala-alang nagawa at mga aral na napulot natin dito ay dadalhin pa rin natin sa ating mga puso at isipan. Marami tayong mga kwento na babalik-balikan, mga kwentong ating iingatan sa ating puso,” said the former Central Student Council president Janela Love Nartates in her message.

Bittersweet as this might be the last, but  as they exit the University, the character of being Thomasian will be imbued forever.

“This is the end of our student life,however, my fellow Thomasians, this is just the beginning of a more challenging professional life ahead for us […] Now, let us show the world how competent, committed, and compassionate we are. Ipakita at ipagmalaki natin na tayo ay mga Tomasino,” Nartates said.

And suddenly, the field was alight with thousands of fires as the students began the candle-lighting ceremony, followed by the students donning their rosaries. The mass finally ended with the singing of the UST hymn, each word sung with more conviction as this may be their last opportunity to do so.

With tears threatening to fall at some of the students’ eyes, a collective gasp echoed all throughout the field as everything went dark. The crowd erupted into excited cheers as the speakers blasted Hayaan Mo Sila by Ex Battalion.

But the all familiar tune just hyped the Thomasians for the countdown has just begun.

The first beat dropped and the stark black sky was illuminated by a thousand sparks. Shouts of exhilaration filled the air as This Is The Greatest Show played. With eyes and phones trained up the sky, Thomasians swayed to the beat of the music, their eyes feast on the magnificence of the fireworks display.

As the last note of This Is Me aired, the crowd fell silent as their emotions overwhelm them. Standing side by side with their friends and arms wrapped around each other, they stare at the trail of lights the display left at the sky.

Yet, everybody’s heads turned towards upwards because nobody was prepared when Bboom Bboom by Korean girl group  MOMOLAND blasted from the speakers. The once sullen crowd turned wild with disbelief and adrenaline surged through their veins.

This is it.

As they stare at the Arch that once welcomed them, their heartbeats thundered loudly.

This is it.

Their hands found each other, seeking comfort as they are about to plunge into a brand new world.

This is it.

And they released their loudest cries as they ran towards the Arch.

It is truly a magical sight to behold–to see how the once confused and terrified freshman free to be the graduates that survived the worst of the storms.

Akala ko talaga hindi ako makakatapos talaga kasi ang dami kong pinagdaan sa college,” said fourth year nursing student Adrielle Anyayahan as she stood alongside her father and sister. “Pero pinakalesson [na] natutunan ko ay in everything you do may mga pagkakataaon na madadapa ka pero kaya mong tumayo until ma-reach mo na yung dream mo,”

And with glassy eyes, Adrielle’s father Pablito, expressed his elation and pride for seeing her daughter’s hard-earned achievement.

“Very proud kasi nandun yung accomplishment na napag-aral namin siya.”

And chiding jokingly, Adrielle’s sister, Alyana said, “Congrats! Pag-aralin mo na ako.

As the people leave and the energy dwindles down, one cannot help but notice the mounds of trash left at the field. Michael Joaquin, a sweeper, expressed his disappointment upon the state of things.

Wala naman pong pinagkaiba [sa mga nakaraang Bacc Mass]. Taon-taon naman po kalat ang [nagiging]  problema. [‘]Yan na nga ang mga basurahan sa gilid ang gagawin nalang nila ay itapon,”

Yet despite the mess, he is still hopeful that the succeeding events will leave little to no waste, imploring everyone to be more disciplined in their trash disposal.

No one is failure-proof; everyone is bound to fall at some point because this is what will take a person farther than what they have imagined. Mistakes are not there to define you but to refine you–because you are the one who can rewrite your own stars.




Ang Upuan at ang Manunulat

“Halina,” tawag ng munting upuan sa isang pagod at naguguluhang manunulat. “Umupo ka muna, at ating pag-usapan ang mga tumatakbo sa iyong malikot na isipan.”



Kuha ni Corinne Vizconde/TomasinoWeb.

“Halina,” tawag ng munting upuan sa isang pagod at naguguluhang manunulat. “Umupo ka muna, at ating pag-usapan ang mga tumatakbo sa iyong malikot na isipan.”

Isang malaking pagsubok ang pagsusulat.

Madalas na ipinahahayag ng mga batikan sa larangan ng literatura na hindi lamang basta-basta ang pinagdaraanang proseso ng pagsasabuhay sa mga nilalaman ng malawak nating imahinasyon. Sa pagsusulat, kinakailangang tugma ang bawat salita, at ang bawat pangungusap ay marapat na pupukaw sa damdamin ng bawat mambabasa. Sa pagsusulat, dapat lahat ay perpekto.

Hindi na bago para sa mga nag-aasam na maging manunulat na nawawalan sila ng inspirasyon sa paglatha. Kilala sa tawag na ‘writer’s block’, mapapaiyak na lamang sila sa inis, sapagkat kahit na anong piga nila sa kanilang utak, walang lumalabas kundi luha at dismaya. Kahit na anong gawin nila, sa huli, mapapabuntong hininga na lamang sila at mapapatitig sa blangkong papel sa kanilang harapan.

Isang matinding kalaban ang writer’s block—ito ay ang iyong tipikal na kontrabida sa bawat teleserye na gagawin ang lahat upang mapabagsak ang bidang karakter; ang hadlang sa happy ending ng isang may-akda at ng kanyang kwento.

Ngunit hindi ganoon ang pananaw ng mga manunulat ng UST Publishing House sa naganap na The Philippine Readers and Writers Festival 2018 sa Raffles Makati noong ika-10 ng Agosto.

“Sa pagsusulat, mahalaga ang pagkakaroon ng routine at disiplina,” wika ni Chuckberry Pascual, ang sumulat ng ‘Ang Tagalabas sa Panitikan’.

Sa mga panahong gusto nang sumuko ng mga manunulat dahil sa delubyo na hatid ng writer’s block, nagbigay ng payo si Pascual na maupo lamang sila at magkipaglaro ng mga salita. Paniguradong may papasok sa kanilang kaisipan.

Ayon pa kay Pascual, sa simpleng pag-upo at pagpwersa sa sarili, may lalabas ng mga salita na maaaring itabi pansamantala ng manunulat, at gamitin sa oras na sa tingin nila ay handa na uli silang sumulat.

“Kapag iniisip mo na ‘di ka inspired so ‘di ka muna uupo at maglalaan ng oras, wala talagang lilitaw,” dagdag pa niya.

Para naman sa may-akda ng ‘Hush Harbor: Poems’ na si Mookie Katigbak-Lacuesta, kailangang taglay ng mga manunulat ang tinatawag na “consistency and practice.”

“Even when [you] have nothing to write, I try to write every night,” pagbabahagi ni Katigbak-Lacuesta sa kanyang pamamaraan sa pagsusulat ng kanyang mga libro.

Kung para sa ibang manunulat, isang aksaya lamang sa oras ang pag-upo at hindi pagsasatinta ng mga salita, ang gawaing iyon ay malaking hakbang na para kay Katigbak-Lacuesta.

“Even when you’re sitting down, you’re already writing. You don’t know that you’re writing, but your mind is already [taking] everything that’s going on around you. Eventually, this will come up when you least expect it to,” wika ng otor.

Ayon pa kay Katigbak-Lacuesta na tumanggap ng Don Carlos Palanca Memorial Award, ang pinakaprestihiyosong parangal sa larangan ng panitikan sa Pilipinas, noong taong 2014, mahalaga para sa isang manunulat ang patuloy na pagsasanay.

Whether it’s one paragraph [or] one stanza, just the practice of writing will eventually yield something,” pagdidiin niya. “There’s no such thing as writer’s block. The writer is never not writing. You’re always writing.”

Tulad ng pahayag ni Katigbak-Lacuesta, naniniwala rin ang tagapangulo ng Departamento ng Literatura ng Unibersidad ng Santo Tomas na si Joselito delos Reyes na walang oras na hindi nagsusulat ang isang manunulat.

“Kahit ‘di ka nagsusulat, nagsusulat ka pa rin. Kahit nakatanga ka lang, nagsusulat ka pa rin,” paglalahad ni delos Reyes.

Ani pa ni delos Reyes, sa isang bansang kakaunti lamang ang nahihilig sa pagbabasa, maituturing nang katapangan ang pagsusulat–tulad ng sa pagmamahal, wala itong hinihintay na kapalit.

Naikukumpara rin ang pagsusulat sa iba’t ibang bagay. Para sa iba, ito ay ang paglalabas ng iskritor ng kanyang saloobin sa pamamagitan ng mga salita. Ang iba ay ginagamit ang pagsusulat upang maiparating ang totoong nangyayari sa lipunan, habang ang iba ay mas pinipiling lumayo sa riyalidad at gumawa ng isang mundong walang kapintasan. Tinuturing ng iba na pampalipas oras lamang ang pagsusulat, samantalang ang iba ay kinikilala ito bilang isang trabaho.

Para sa film producer at manunulat na si Nicolas “Nick” Pichay, hinalintulad niya ang pagsusulat sa pagiging isang estudyante ng abogasya, na buong araw dapat kung mag-isip sa paraan na tulad ng sa isang tunay na abogado.

“Ang pagiging abogado ay hindi lamang sa bar exam, ito ay pagiging magaling na law student. At ang magaling na law student, 24/7 mag-isip ng pagiging abogado,” pagpapaliwanag ng may-akda ng librong ‘Maxie’.

Dagdag pa ni Pichay, “If you really want to become a writer, you are a writer 24/7. If you cannot be, you are not.”

Marahil isa ngang malaking hamon ang pagsusulat.  Sa bawat itim na letrang iginuguhit ng bolpen ay palaging may kaakibat na pagdududa; sa bawat pangungusap na nabubuo ay may umaalingawngaw na katanungang, “itutuloy ko pa ba?”

Sa huli, iisa lang ang solusyon para malabanan ang kinakatakutang writer’s block — at ito ay ang pag-amin na isa ngang napakahabang proseso ang pagsusulat, at ang simpleng paglalaan ng oras para gawin ito ay ang unang hakbang tungo sa pagkakalathla ng iyong pinapangarap na libro.

“Halina,” tawag muli ng munting upuan sa manunulat. “Wala kang maisulat? Huwag kang matakot.”

“Halina, umupo ka muna.”


Continue Reading


Metanoia at pagbabagong-anyo bilang Tomasino

Sa libo-libong bagong Tomasino sa loob ng QPav, libo-libong kuwento rin ang kanilang baon. Bagamat sila’y isa-isang tumawid sa Arch of the Centuries, sila’y mag-uumpisa ng bagong alaala bilang kasapi sa iisang pamilyang Tomasino. At ang Arko, lumipas man ang daan-daang siglo, ay nagsisilbi pa rin ayon sa kanyang diwa: pintuan tungo sa maunlad at maliwanag na hinaharap.



Kuha ni John Tristan Deang/TomasinoWeb.

Mula sa kalye ng España, araw-araw bumabati sa mga tao ang isang tarangkahan sa gitna ng berdeng hardin na nililim-liman ng mga puno na mayroong nagsisipang-abot na mga tangkay. Gawa sa naglalakihang bato, mayroong mga ukit ng kerubin, at mga markang nagpapakita ng kaniyang makasaysayang nakaraan. Sa mga ordinaryong araw, panglagusang ito’y tahimik na nagmamasid sa mga mag-aaral na naglalakad patungo sa kani-kanilang mga klase, ni-isa’y walang oras sumaglit at hangaan ang isang halimbawa ng istilong-Baroque na arkitektura sa Unibersidad. Ngunit, pagsapit ng buwan ng Agosto, ang inskripsyong nakaukit dito ay naiisabuhay, “Gateway to the History of the finest breed of Filipino.”

Ilang dekada na ang nagdaan mula nang mailagak sa kaniyang kasalukuyang puwesto ang makasaysayang Arch of the Centuries. Sa Intramuros, kung saan ito nagmula, nagsilbi itong daanan ng mga noo’y ordinaryong tao, tulad natin, ngunit sa kalaunan ay naging mga marangal at tinitingalang mamamayan ng bansa. Ngayon, ang pagtawid sa ilalim ng Arko ay simbolo na ng pagiging isang ganap na Tomasino at  isang tradisyon na iilan lamang ang mga masuwerteng makakasaksi at makararanas nito. Metanoia o pagbabagong buhay, at transpigurasyon o pagbabagong-anyo—ito ang mga salitang angkop sa paglalarawan ng taunang pagtawid sa makasaysayang Arko bilang Tomasino.

Isang himala kung maituturing ang napakatinding sikat ng araw, sapagkat madalas ang pag-ambon o kaya nama’y malakas na pag-ulan nitong mga araw na nagdaan. Hindi inaalintala ang tirik na araw, matiyagang pumila sa labas ng kani-kanilang mga gusali ang mga bagong mag-aaral habang nag-aabang ng kanilang hudyat na lumakad papalapit sa Arko.

Excited at siyempre scared kasi ‘yun ang magsi-signify ng pagiging college student ko. Nakakatakot man isipin o nakakakaba pero college doesn’t have to be labelled as something scary since maraming pwedeng ma-experience at magawa so I’ll just enjoy it,” pagbahagi ni Erwin Guillarte mula sa College of Architecture ng kaniyang nadama bago tumawid sa Arko.

Takot, kagalakan, at nag-uumapaw na tuwa—iyan ang mga kadalasang sagot ng mga mag-aaral  kapag tinatanong kung anong kanilang nararamdaman, dahil sa ilang saglit lamang, magiging ka-isa at parte na sila ng kasaysayan sa pagsunod sa yapak ng mga magigiting na Tomasinong minsan ay tumawid rin sa ilalim ng Arko.

“Masaya kasi, I’ve been waiting for this ever since I enrolled and parang ang fulfilling na this is like the start of my UST journey na,” ayon kay Czarina Custodio mula sa College of Education sa nadama papasok ng arko.

Lalong naramdaman ang kakaibang enerhiya sa loob ng Unibersidad nang malakas na hinampas ang mga naglalakihang tambol, sabay sa indayog ng iba’t ibang sagisag o cheer ng bawat fakultad o kolehiyo; mistulang itong naging dagitab na nanunuot sa kaibuturan ng kanilang mga damdamin at humihimok sa kanila na sabihin ang mga katagang: “Tomasino Na Ako.”

Matapos ang ilang minutong paghihintay, isang pagbabagong-anyo o transpigurasyon ang naganap sa mga masusuwerteng mag-aaral na matapang na tumawid sa Arko. Mayroong ilan na hindi napigilan ang emosyon at naluha, at mayroon din namang halos madapa na, makuhaan lang ang pambihirang sandaling iyon. Agad silang nagtungo sa Quadricentennial Pavilion (QPav) para sa misang idadaos para sa espesyal na selebrasyong ito.

“[..] Parang naging ibang tao; parang nabigyan ako ng hope maging isang mabuting Thomasian. Yun na yung start ng pangarap ko, na-open yung heart and mind ko na ito na yung chance na magiging Thomasian na ako,” paglalarawan ng mga freshmen na sila Lorraibe Suarez, Jirah Rosario, Kiya Undan, at Riva Baring, mula sa Fakultad ng Sining at Panitik, ng kanilang naramdam matapos ang pagdaan sa makasaysayang Arko.

Nakakatuwang isipin na ang taunang pagtawid sa Arch of the Centuries ng mga Tomasino noong araw na iyon ay tugma sa pista ng transpigurasyon sa banal na Simbahang Katolika kung kaya’t sakto sa okasyon ang homiliya ni Rev. Fr. Richard Ang, O.P., Pangkalahatang-Kalihim ng Unibersidad.

So, as you pass through your college life may you lived through a change and a transformation. A wise man once said, ‘The path of greatness requires a transformation to your higher self,’” aniya.

Tulad sa transpigurasyon ni Hesu Kristo, mula sa pagkakatawang tao tungo sa kabanalan sa harap ng kanyang alagad, hindi magiging madali ang karanasan ng mga bagong salinlahing Tomasino. Ipinapaalala ni Ang na sa oras ng kagipitan sa pag-aaral, ang mga ala-ala ng mga sandaling ito ang maghihimok sa mga Tomasino na magpursige at lumaban para sa kanilang pangarap.

This is not just your moment. This is your transfiguration moment,” dagdag niya.

Sa libo-libong bagong Tomasino sa loob ng QPav, libo-libong kuwento rin ang kanilang baon. Bagamat sila’y isa-isang tumawid sa Arch of the Centuries, sila’y mag-uumpisa ng bagong alaala bilang kasapi sa iisang pamilyang Tomasino. At ang Arko, lumipas man ang daan-daang siglo, ay nagsisilbi pa rin ayon sa kanyang diwa: pintuan tungo sa maunlad at maliwanag na hinaharap.


Continue Reading


ROARientation: Pagsalubong sa Isang Bagong Panimula

Dumagundong ang buong Quadricentennial Pavilion nang sabay-sabay isigaw ng higit sa libong bagong Tomasino ang tanyag na “Go USTe!” para sa taunang ROARientation. Sa karagatan ng mga kumukuti-kutitap na mga ilaw at makukulay na lobo, sino ba ang makalilimot sa nakapaninindig-balahibong sandaling ito?



ust ipea freshies
Kuha ni Bianca Redondo/TomasinoWeb.

Dumagundong ang buong Quadricentennial Pavilion nang sabay-sabay isigaw ng higit sa libong bagong Tomasino ang tanyag na “Go USTe!” para sa taunang ROARientation. Sa karagatan ng mga kumukuti-kutitap na mga ilaw at makukulay na lobo, sino ba ang makalilimot sa nakapaninindig-balahibong sandaling ito?

Mula sa pagpapakitang gilas ng mga Tomasino sa kani-kanilang mga talento—pagkanta, pagsayaw, at pag-arte—binaha ng Thomasian Spirit ang buong pavilion. Bakas sa mga mata nilang lahat ang pananabik at pagkamangha sa pamilyang kabibilangan nila.

“Pinakamagarbo sa lahat,” ganito isinalarawan ni Rev. Fr. Jesus Miranda Jr., O.P. ang selebrasyon ngayon kumpara sa mga nagdaang taon. “You are expected to demonstrate the Thomasian graduate attributes that speak of the SEAL of Thomasian education,” mungkahi ng Pangkalahatang-Kalihim ng Unibersidad.

Samakatuwid, inaasahang magiging mahuhusay na propesyonal ang mga bagong mag-aaral sa hinaharap. Ito ay marahil na rin sa istriktong proseso na pinagdaanan ng libo-libong aplikanteng nagnanais makapasok sa Unibersidad, at ang nasabing magarbong pagdiriwang ang nagsisilbing katiyakan na tunay ngang natatangi ang mga bagong Tomasino ngayong taon

“[UST] is the home of heroes, patriots, and saints… you are aligned with these great men and women,” dagdag ni Miranda. Binigyang-diin rin ni Miranda ang kahalagahan ng Thomasian Core Values na Competence, Compassion, at Commitment. “The University roars for its mission in dedicating herself to the generation and advancement of knowledge to form competent, committed, and compassionate professionals—these are the three core values of a Thomasian,” aniya.

Sa pagpapakitang-gilas at pag-iiskaparate ng mga Tomasino sa kani-kanilang mga talento, naipakita nila ang husay at pagiging mapagkumpitensya (competitive) ng isang Tomasino; ang mga impormatibong lektura sa mga napapanahong isyu ang nagsilbing mukha ng pagiging mahabagin (compassionate); at ang simpleng pakikiisa ng mga mag-aaral sa paghiyaw, pag-awit, at pagsayaw ay panganganinag ng kanilang pagiging mga nakatuon (committed).

Ramdam sa buong Quadricentennial Pavilion ang kagalakan ng lahat noong araw na iyon. Hindi mapigil na abot-taingang ngiti ang makikita sa bawat isang mag-aaral na nakatuon ang pansin sa entablado. “Masaya dahil ganap na Thomasian na ako,” winika ni Trisha Afundar, Nutrition freshman ng Kolehiyo ng Edukasyon.

Kasabay ng pag-indak ng mga Tomasino sa indayog ng masisiglang pagkatwa ay ang katotohanan na ang sabay-sabay nilang pag-awit ang bubuo sa kanila bilang isa sa pagsalubong sa isang bagong panimula. H. Bueno & S. A. R. Mendez


Continue Reading