Connect with us

Published

on

At the clap of thunder
I hear the voice of God,
Roaring with dismay
Calling onto humanity
His hand preparing to smite down
the urban hearth.

Until he froze
With hesitation.
He Looks at His calloused hands,
His battered nails,
And coarse skin,
The mark of a carpenter.
“My will be undone”
He weeps with dismay
At the folly of freedom.

Comments

Literary

UST’s English Department hosts first treasure language storytelling in PH

The event also featured discussions on endangered languages in the country and the flaws of the Mother Tongue-Based Multilingual Education in schools.

Published

on

Photo by Deojon Elarco/TomasinoWeb

UST’s Department of English and the UST English Language Studies Society (UST- ELSSOC) organized “Wikang Yaman: Kuwento at Kwenta” which featured storytelling through indigenous languages Tuesday, Jan. 21, 2020.

It is the first treasure language storytelling event in the Philippines and in Asia which is now on its second year as part of UNESCO’s International Year of Indigenous Languages.

UST-ELSSOC gathered storytellers to share stories like the legend of Maria Cristina Falls, Sirena, and the epic of Ibalon which were told in different languages in the country such as Bikolano, Chavacano and Ilocano.

Thomasian professor Jonathan Geronimo discussed about endangered indigenous languages in the country and the flaws of the Mother Tongue-Based Multilingual Education in schools.

“Ang wika ang ekspresyon, identidad at puso ng bansa. Ito ay karapatang-pantao. […] Mahalaga ang papel na ginagampanan nito upang patuloy tayong maging malaya at sumusugo sa lipunan na wala dapat naiiwan,” Geronimo said.

According to him, aside from the conflict on which language should serve as mother tongue among the hundreds of dialects in the country, the current curriculum in schools focuses more on English language rather than the native language due to the indirect colonialism which is still very much present in the country.

In addition to this, he suggested that the government should not just adopt and implement rules from foreign countries that does not even fit in the Philippines’ situation for what works within foreign countries does not mean that it will also work for the Philippines. H. Camba and C. Bautista.

Comments

Continue Reading

Literary

Namamasko po!

Hihingi po ng aginaldo
Gantimpalang para lamang sa may pribilehiyo
Hustisya! Hustisya ang hangad ko!
Ngunit pangingitil, pangingitil ang ganti ninyo!

Published

on

Kuha ni Louise Lampa/TomasinoWeb

Sa maybahay ang aming bati

Sa tahanang sigla ang nasa lipi

Dinggin ang tinig ng mga nagapi

Sumasaliw sa tono ng nayurakang puri

 

‘Merry Christmas’ na maluwalhati

Sa haligi ng tahanang mariin pang nakabaon

Sa ilaw na hindi pa pundi ang tugon

At hindi nakatirik ang mga kandila sa poon

 

Ang pag-ibig ‘pag siyang naghari

Sa bawat sulok na naaararo ng mata

Walang mantsa ng dugo sa mga saplot nila

Tanging pag- ibig lamang ang maihahambing sa pula

 

Araw-araw ay magiging Paskong lagi

Hindi maghapong siphayo

Walang magdamagang panlulumo

Salat ng gapang ng oras ang mga nasa litrato

 

Ang sanhi po ng pagparito

Ay himpilan ng sumamong hindi tumitila

Ambon ng malasakit maaring may bisa

Sa kalamnang pinagdamutan ng mga maharlika

 

Hihingi po ng aginaldo

Gantimpalang para lamang sa may pribilehiyo

Hustisya! Hustisya ang hangad ko!

Ngunit pangingitil, pangingitil ang ganti ninyo!

 

Kung sakaling kami’y perhuwisyo

Ito’y pag-usbong lamang ng kinalimutan

Ang pag-ibabaw ng nasa laylayan

S’yang palahaw ng mga nangangailangan

 

Hindi kanlungan ang pagdiriwang

Walang takas sa bagabag ng iniwang kabilang

Ito ang tinig ng mga nilumpo

Pasensya na kayo’t kami’y namamasko.

Comments

Continue Reading

Literary

Christmas Tree

Nakajacket ka pa rin na itim at may kahawak kamay. Tiningnan ko ng huling beses ang cellphone ko. Walang reply. Walang kahit ano. Huminga nalang nang malalim at pinindot ang delete contact.

Published

on

Artwork by Aldrich Aquino

“Magpapapicture tayo sa tapat ng Christmas tree ha!” Ito ang huli mong text sa akin. 

Siguro nga totoo ang mga multo at isa sa mga multo na ito ay nakasalamin, nakasuot palagi ng jacket na itim, at may nakakatunaw na ngiti. Hinayaan kong mamatay ng kusa ang aking cellphone hanggang sa makita nalang ang imahe ng sarili dito. 

Ilang buwan na din ang lumipas simula nang natikman ko ang lasa ng pait ng isang bagay na maihahalintulad ko na din sa pag-ibig. Ngayon, nandito lang ako sa may mga upuan sa tapat ng Plaza Mayor—nagmumuni-muni habang hawak ang reviewer sa Theology. Binalik ako sa wisyo ng katabi ko at sinabing magreview na kami. Oo nga naman, marami pa akong mga bagay na kailangang aralin at gawin. Tumayo ako at inaya ang kasama ko sa library, baka naman sakaling makapag-focus na ako sa acads. Pinagpag ko ang aking palda, itinago ang reviewer at nagsimulang maglakad.

Parang nagmamartsa kami, anong nangyayari? Lahat ba ng nasa harap namin may sprain sa paa? Napakabagal naman maglakad ng mga ‘to. Konti nalang at baka mapasigaw na ako ng, “Kaya ba this week?!” pero syempre hindi ko gagawin ‘yun. 

Dahil exam week, maraming nasa library. Walang maupuan, walang masaksakan ng laptop, at wala ding maupuan. Nang makaupo na kami sa Social Sciences, tiningnan ko ang cellphone ko, baka may nagtext na. Ay, wala pala. Nevermind. Aral na nga ako. Makalipas ng ilang oras, naubos na ang aking braincells. 

“Guys, uwi na ako ha?” sabi ng ka-block ko. Sabay na kaya ako sa kanya? Parehas naman kaming Dapitan, ayain ko na din kayang kumain?

“Uy teka, sama na ako.” sabi ko sabay ligpit ng mga gamit. Nagpaalam na kami sa mga kasama namin at umalis na. Ang lamig naman…next time magdadala na talaga ako ng jacket. 

Nang makalabas na kami sa library bigla siyang nagsalita. “Gusto mo ba kumain? Tara kain tayo.” Pumayag naman ako tutal ‘yun na din ang plano ko. 

“Angkong o Dimsum?” tanong ko. 

“Ricing Star nalang.” sagot niya. 

Pagdating namin sa V. Concepcion, ang daming tao. Lahat ng kainan puno. Naalala ko na naman ‘yung sinabi mo, na kapag ganito, umuuwi ka nalang sa dorm at natutulog. Pinagalitan kita noon kasi mag-isa ka lang at sa malayo ka pa nakatira, dapat inaalagaan mo sarili mo. Tumawa ka nang mahina at sinabi mong sweet ako. Hindi mo alam na unang beses kong magsabi ng ganung bagay, hindi kasi ako sanay. 

“May date ka na sa paskuhan?” nasamid ako sa tanong niya. 

“Wala e. Kasama ko lang mga kaibigan ko. Ikaw ba?” tanong ko. Pinakita niya ang likod ng cellphone niya. Ah may instax. Alam na. 

Nag-take-out nalang kami at nagpaalam na ako na uuwi na ako. Bago umalis, chineck ko ulit ‘yung phone ko. Oras at petsa lang ang bumungad sa akin pati na rin ang schedule ng mga klase ko. Siopao na yata ako ah? Asadong asado. Makauwi na nga. 

Isang araw nalang at magpapaskuhan na. Naalala ko pa nung Agape, pagbukas ng mga ilaw nanlaki ang mga mata ko, hindi dahil sa ganda nito pero dahil akala ko nakita kita pero mistulang guniguni lamang pala ‘yun. Nagtext ako ulit sa’yo habang hawak hawak ‘yung kahon ng Aristocrat, hinihiling na sana magreply ka kahit isang beses lang.

Kumusta ka na nga ba? Nakapasa ka ba sa quiz mo? Kung hindi, pakitandaan nalang ang mga bagay na sinabi mo sa akin, “Life starts after quiz 1!” napailing ako at napangiti nang mapait. Totoo nga ang kanta ng Rivermaya. ‘Ang bilis nga naman talaga maglaho ng pag-ibig mo, sinta.’

Mag-eexam na ako sa Theology at pagkatapos nito, wala na akong iisipin pang iba except ikaw, charot lang. Nag-eexam ka din kaya ngayon? O baka naman tapos ka na at naglalaro ka nalang sa Mineski? 

“Okay class, please get one and pass.” Ito na. Saint Thomas Aquinas, pray for us.

Makalipas ng isang oras, masasabi ko rin na mababawi ko na lahat ng nawalang tulog ko last week at ngayon. Ang mga blockmates ko naman nagsisitalunan na dahil tapos na ang exams. Sana all masaya. Tiningnan ko ulit ‘yung aking cellphone. Wala pa rin pero okay lang, may isang bagay pa akong pinanghahawakan––baka makita kita sa christmas tree bukas. 

“Kita tayo ng mga alas-singko bukas ha?” paalala ng kaibigan ko. Tumango ako at inayos ang mga gamit ko. “Okay ka lang ba?” tanong sa akin. “Oo naman. Nag-iisip lang.” 

“Alam mo, baka minulto ka na talaga.” sabi nila. Ngumiti nalang ako at sinabing, “Baka nga o baka nakuha ‘yung cellphone niya o kaya nahulog sa jeep diba?” Kung ano-ano na ang pinagsasabi ko pero alam ko namang ang totoo. “Una na ‘ko.” sabi ko sabay labas ng classroom. 

Gabi na ng Paskuhan. Ang daming tao na naglalakad at nagpi-picture sa mga ilaw. Napakaganda nga naman talaga ng UST. Humiwalay na muna ako sa mga kaibigan ko para makapag-isip-isip. Naikot ko na ang buong field at nakabunggo na ng iba’t-ibang tao. May maliit na parte sa loob ko na nagbabakasakaling mabangga kita at marinig ang mahina mong “sorry” pero alam ko din namang hindi ‘yun mangyayari. 

Sige na nga. Lalakasan ko na ang loob ko. Itetext kita, kapag hindi ka nagreply, lalapit ako sa Christmas tree at magpapapicture mag-isa.

Message sent. Benteng minuto na ang lumipas wala pa rin.

Dinala ako ng mga paa ko sa harapan ng Christmas tree at dito kita nakita na may kasamang iba. Nagpakita ang multong nakasalamin na may nakakatunaw na ngiti. Nakajacket ka pa rin na itim at may kahawak kamay. Tiningnan ko ng huling beses ang cellphone ko. Walang reply. Walang kahit ano. Huminga nalang nang malalim at pinindot ang delete contact. 

Binalot ako ng hangin. Napakalamig. Buti nalang at nagdala ako ng jacket.

Comments

Continue Reading

Trending