Connect with us

Literary

No Woman Is a Temple

They will never be possessions. And after every struggle, it is their voices that you will always remember.

Published

on

picture of a woman with the symbol on it
Artwork by Jessica Lopez

[trigger warning]

The first woman here is of infinite loneliness.

Thin-lipped and round-eyed, the girl has her arm sprawled across the desk, with her palm up and her fingers curled. Beside her is another girl whose full lips are smiling shyly, her arm also on the desk. The light is luminous on one side of their heads, yet it is the light on the smiling girl that they think is more beautiful—because the thin-lipped one is neither fair-skinned nor skinny. She tries to smile back, but she already has her arm under the table.

The second one is of perpetual silence.

Smoke billows out of the jeepney as the stop light turns red and a girl in a denim skirt and halter top comes out into broad daylight. She is attractive, everyone around her thinks, and so does the smirking man by the sidewalk. He calls her names, and she turns, baffled at first, then realizing all at once that he meant her, she flushed, abashed. For a moment she does not notice the stoplight turning green. At that instant, she simply wants to disappear, perhaps along with the black clouds of exhaust spewing out of the honking buses and vans.

The third one is of quiet rage.

Hands shove her legs apart. Always, always, they tell you it’s okay, you’re safe with me, with that almost-motherly voice they possess—soft, gentle, and kind. She thinks of her mother, imagining herself as a baby, cradled adjacent to her chest, her small head settling in the space by her mother’s neck. This is not like that. This is not a safe space. Hands that roam places that are not theirs to touch are not hands of love. This is home, the hands say, it’s okay. It isn’t.

Finally, the last one is nameless.

They call her a woman. They call her names. But oftentimes, they call her in a language only they understand — when she has to speak in a mild tone, when she has to drag the hem of her skirt down just one more time, when she has to put the dress back in the rack. Or when she and her girlfriend make vows in the grocery aisle. Whenever she has to say no, again and again, only to nod eventually because she has to be kind. She has to be poised. She has to be silent. She has to be a woman.

But loneliness is fleeting. Silence does not last. The rage is never quiet. And the nameless — at the end, they were never meant to be named. Because they will never be possessions. And after every struggle, it is their voices that you will always remember.

Comments

Literary

Ang Tugon

Published

on

blurry crowd of people artwork
Artwork by Jessica Lopez

Lumibot ang mga mata upang makita

Ang sambuntong kataong nagpasya—

Nagising, natupok, napukaw, nagmartsa

Sa kahabaan ng avenidang EDSA.

Ang init ng panawagan, sumisiklab na

Galit sa diktador, tuta, pasista

Isinusuka nang lubos ng militanteng madla

Na hahatol sa berdugo’t magbibigay-hustisya.

 

Pilitin mong isadlak sa langit ang dilim,

Ilayo ang liwanag, pag-asa’t kulimlim,

Gugulin ma’t patuloy pang hanapin,

Ilatag ang libingan, kuhain ang patalim,

Lasugin ang katawan, ang sarili’y ilibing;

Ang mga palahaw at sigabong pinanganorin

Na gigising sa iyong diwang nahihimbing.

 

Hinagpis ng masa’y tunog ng ibong kinulong:

Umalpas ang nais, ang hapag ay patibong.

Walang-awang dinakip, sa’yong sunga’y nasuong,

Agarang babadya’t katarunga’y isusulong—

Galintik na hinabik sa taas-kamaong hamon.

 

Pakla ng sinapit na hindi makalimutan,

Atungal ng umaalimpuyong galit ng sambayanan,

Higpit at sikip ng tiyang patuloy na kumakalam,

Inilalapat muli ng isa pang diktador na nag-aasam

Na isulong ang huwad na Bagong Lipunan.

 

Talagang wala nang ibang landas kundi magbalikwas.

Umaayong panahon, ang pakpa’y pumapagaspas.

Liriko ng kanta ng paglaya’y nagpapainog—

Umuungol, sumasaliw, sa mapagpalayang indayog.

Tuluyang tulutan ang sariling kumawala.

Ang himno ng dagundong, sa apo’y aapula.

Nang ang demokrasyang mithi ay puma-Hilaga.

Comments

Continue Reading

Literary

Isang tahanan

”Ngayong nagbabalik ka na at mas malakas ako, walang takot kitang lalabanan. Hindi ako nakalimot at hindi ko hahayaang makalimot din ang mga tao lumipas man ang limang dekada. Walang nakalimot. Hindi na muli.”

Published

on

isang tahanan article, likhang-sining ng batang inabuso
Artwork by Mikhail Reaño

Naalala ko tuwing umuuwi ako noon, madalas kong naririnig mula sa aming katabing bahay ang isang batang katulad ko—hindi—hindi siya batang musmos ngunit isang kabataan tulad ko. Lagi kong naririnig ang kanyang pag-iyak subalit, kapag dumaraan ako sa kanilang tahanan, habang sila’y mayroong mga bisita, itinatago ng kanyang balingkinitang katawan ang kanyang dalawang braso at mapait na ngumingiti.

Nang minsang siya’y tumalikod, nasilayan ko ang dahilan kung bakit kaniyang itinatago ang kaniyang mga braso. Mas lalo akong nagtaka, nais ko siyang lapitan ngunit nang ako’y papalapit na, agad akong pinandilatan ng mga mata ng kanyang ina,  ”Umalis ka!” sa takot ko, agad akong naglakad papalayo.

Ngunit sa aking pag-uwi, naisip ko pa rin ang tagpong iyon. Bakit tadtad ang kanyang ang kayumanggi nyang balat ng pinaghalong lila’t itim na pasa? Bakit lihim siyang umiiyak?

Dumating ang panibagong araw at nadinig ko nanaman ang pagdadabog ng kanyang ina, dali-dali akong nagpunta malapit sa kanilang bahay at nakinig sa usapan habang nag-iingat na ako’y hindi makita, “Ako ang iyong ina, alam ko ang ginagawa ko! Huwag kang gagawa kasi ng laban sa akin para hindi ka malintikan! Nasaan na ang baon mong binigay ng iyong ama? Akin na! Kailangan ko ng pera pang-sugal!”, wala akong magawa kundi pakinggang ang iyak at ang kanyang pagsusumamong sigaw.

Nararamdaman ko na sa aking puso ang dalamhati at kakaibang pagnanais na tulungan siyang makawala. Alam kong sa araw-araw na nilikha ng Diyos, araw-araw ring niyuyurakan ang kanyang pagkatao. Ngunit, paano? Paano ako makakatulong?

Dumating ang araw na wala na akong naririnig na kahit anong ingay mula sa kanilang bahay. Agad kong nasabi na marahil ay nagkaroon ng isang himala at nagbago na ang kanyang ina! Muli akong lumapit sa kanilang bahay at laking gulat ko na sa aking paglapit, nakita ko ang kanyang katawan, dilat ang kaniyang mga mata at sa kanang bahagi ng kanyang dibdib ay punong-puno ng mapulang dugo na kumukulay sa puti nyang pang-itaas.

Nais ko syang malapitan ngunit, biglang dumating ang mga pulis at ako’y napaatras dahil dumagsa ang mga madlang nais masilayan ang karumadumal na sinapit nitong aming kapitbahay. Hanggang tanaw ko lamang ang mga nangungusap na kanyang mga mata; nagmamakaawang siya’y tulungan kahit sa kanyang huling sandali.

Humahagulgol ako’t napatakbo papunta sa aming tahanan. Wala ang aking mga magulang at dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko.

Nasaan ang kanyang ina na sinasabi siya ay aalagaan? Nasaan ang kanyang ina na araw-araw naman siya’y sinasaktan?

Hinanap ko. Gusto ko ng kasagutan.

Alam kong nagtatago lang siya sa malapit. Nasaan siya? Kailangan niyang pagbayaran ang lahat!

Lumipas ang mga araw at linggo, nagbalik sya sa kanilang tahanan, nagbabalat-kayo bilang isang maamong tupa. Umaasang tulad ng daloy ng tubig sa isang bukal, ang nakaraan ay agad ng lumipas.

Animo’y walang delikadesa kung umasta na walang bahid ng dugo ninuman ang kaniyang mga kamay; na parang inaruga’t inalagaan niyang mabuti ang batang minsa’y nangarap lamang na maalwang pamumuhay. Nagpapanggap na ngayon ay kaya na niyang mamuhay muli na walang sinasaktan at walang pinapatay.

Ngunit huli na ang lahat, agad kong itinaga sa bato ang aking paninindigan, ”Ngayong nagbabalik ka na at mas malakas ako, walang takot kitang lalabanan. Hindi ako nakalimot at hindi ko hahayaang makalimot din ang mga tao lumipas man ang limang dekada. Walang nakalimot. Hindi na muli.”

Comments

Continue Reading

Literary

Huwag Mo Kaming Salingin

Pagkat habang may laban,
Patuloy ang sigaw namin:
Huwag mo kaming salingin.

Published

on

Dibuho ni Jomari Robiso/TomasinoWeb.

Noong sinauna,

Bago man daw lumaya,

Ang sigaw ni Rizal

Sa Inang Espanya:

Huwag Mo Akong Salingin.

 

Nang dakipin ang Supremo,

Nang sa likod ay tumuhog ang bolo,

Ang sigaw ni Bonifacio

Sa kapwa Pilipino:

Huwag Mo Akong Salingin.

 

Nang dumating ang estrangherong Kano,

Sa pag-aastang Diyos ng mundo,

Ang sigaw ng rebolusyonaryong Pilipino

Nang agawin ng Kano ang panalo:

Huwag Mo Kaming Salingin.

 

At ginapi, pinatay, iniwan sa Hapon,

Ang perlas ng silangan ay inulan ng dugo,

Sumigaw sa kanayunan ang hukbong bayan

At tumindig, itinaas: Huwag Mo Kaming Salingin.

 

Ngunit ngayo’y sa’n nanggagaling

Ang mga katagang gasgas na rin,

Sa lansangan, sa nayon,

sa syudad, sa pabrika,

Maging sa pamantasan din.

 

Panahon na para mamulat,

Panahon na para magising,

Pagkat habang may laban,

Patuloy ang sigaw namin:

Huwag mo kaming salingin.

Comments

Continue Reading

Trending