Connect with us

Literary

Sabi Ko Sa’yo Tatay

Sabi ko sa’yo Tatay

Published

on

 

Sabi ko sa’yo Tatay,
“Kargahin mo ako sa likod mo
Patungo sa dakong malayo
Sa lupaing tingin nila’y hindi inaabot
At dungaw nila’y hindi rin sakop” 

Sabi ko sa’yo Tatay,
“Paa ko’y hindi na mapigil
Kaya sa luntiang kaharian tayo’y tumigil
Hawakan mo ‘tay ang aking kamay
Sabay tayong tumawa ng walang humpay”

Sabi ko sa’yo Tatay,
“Tara ‘tay, isigaw mo ng malakas
Kung gaano ka katikas
Nang mainggit ang aking kalaro
Na tila naghihintay sa babang kay layo” 

Sabi ko sa’yo Tatay,
“Dito natin ubusin ang oras ‘tay
At hintayin ang sigaw ni Nanay
Na tawagin tayo para sa hapunan
At ang nahaing ulam ay pagsaluhan” 

Pero sabi mo Tatay,
“Tayo nang bumaba, anak
Buksan ang iyong pandinig
Dinggin ang kuwagong may himig
‘pagkat takipsilim na’t mapanganib” 

Kaya naman paa ko’y sinabayan ka
Iniwan ang luntiang kahariang kay saya
Humayong tuluyan patungo kay Nanay
Nang makarating ako’y hinalikan
At walang sabi-sabi, ika’y lumisan 

Ilan pang saglit ako’y dumungaw
Sa bintana ng silid kong kay panglaw
Sinundan ng tingin yapak mong mabilis
Patungo sa daanang palihis
Na nag-udyok sa aking umalis 

Sabi ko sa’yo Tatay,
“Hapunan nati’y handa na
Lakad niyo’y saan pa ba?”
Ngunit ang tinig ko ay ‘di narinig
Sa banayad nating daigdig 

Sabi ko sa’yo Tatay,
“Saan man ako’y sasama
‘wag ka lang maiwang mag-isa”
Hakbang mo ang siyang sinundan
Pero ang paglakad ko’y natigilan

 Nagtaka ako nang ika’y huminto
Tanaw ko sa pagbukas ng pinto
Ang kalaro kong tila sabik
Sa yakap mo’t halik
“Si Tatay, bumalik!” 

Pero sabi ko sa’yo Tatay,
“Malamig na ang ulam, 
Maaari ka na bang magpaalam?”

Mula kay Joanne Marie Camello
Larawan mula kay Joanna Ramos

Comments

Literary

This Thing

Swallowing the sun and rain
But myself still remains
Soaking up all my validity
It eventually shifts my reality

Published

on

Photo by Matthew Henry on Unsplash

I don’t know when it came
For there is no one to blame
On the other side of this face
There, standing with disgrace

This is a source of danger
A voice of a slipping reminder
Is this probably the truth?
Feeling estranged from my youth?

Conflicted with my ideals
Finding what would appeal
My mind that was in blight
Would eventually find its light

All alone this body is terrified
This takes over just to terrorize
Authenticity has been eliminated
Like the luster being defeated

Lies ahead were vivid hues
I was blinded, but I would choose|
Reaching out to that lucidity
Maybe to achieve serenity

Leaving this catastrophe
Can’t be done casually
But possible with a tenacity
Evacuating from that apathy

Swallowing the sun and rain
But myself still remains
Soaking up all my validity
It eventually shifts my reality

Not anymore fragmented
This, that has been connected.

Comments

Continue Reading

Literary

Still, The Land Dreams

In the guarded fence made of
steel,
They will not be silenced. 

Published

on

Artwork by Patricia Jardin/TomasinoWeb

The pearl of the orient seas
was muted, chained in absolute obedience
a forsaken motherland weeps.
But among the close-eyed sheep,
There are those who refused to blink. 

In the guarded fence made of
steel,
They will not be silenced. 

Gabriela Silang from the North
led thousands of men and
feared by the hands that dared them.
Andres Bonifacio,
in the tangled woods lies not the leash
a hidden cause; wolves baring their teeth.
Teresa Magbuana from the South,
the Visayan Joan of Arc, a sharpshooter
of the three-headed beasts. 

They spilled ink and words began to
breathe.
It bends, whispering, “we’re here…” 

Dr. José Rizal,
phantoms chased the ink, it laughs
because even Death has eluded it.
Graciano Lopez Jaena,
botod, loved dearly by the masses
revelled until the friars sneered.
Marcelo Del Pilar,
smooth easy-teller of tales
a guide-post, words map of streets. 

The motherland carries timetables of heroes and heroines
wounded whispers and dreams.
August 31st, the youth walked
on the path of ghosts.
the trees rustles, the land laughs.
A cycle begins: 

When freedom is in tatters,
when the streets of cities
have habits of making people disappear
when blood is shed on the asphalt
the heroes began to sing and
mirrors reflected a long history:
                            The people will not be silenced.

 

by Johanna Leelan Gee

Comments

Continue Reading

Literary

Ang pulso ng binibigkas

Ang wika ay susi upang makakalap ng kapangyarihan.

Published

on

Artwork by Patricia Jardin

Ang wika ay susi upang makakalap ng kapangyarihan. Instrumento ito sa pagkilala ng daloy, sa panliligaw ng panig, at sa paglalakbay ng isip. Ganunpaman, magkaiba ang mundo ng mga salita at ng mga sinasabi— hindi lamang tainga ang dapat na nakikinig at hindi lamang bibig ang dapat na nagsasalita.

Sa bawat pagmulat ng mata sa kasalukuyang lipunan, marami ang oportunidad para mahasa ang sariling lengguwahe. Lumitaw man ang pagkakaiba ay hindi dapat patabain ang pangamba; kapatid ng takot ang paninikil at pagkubli. Ang hatol sa pag-aagwat ng wika ay hindi kasalanan, bagkus ay ang kalayaang magmay-ari ng boses at ang patuloy na pagkatuto.

Mahapdi nang iniiwanan ng oras ang kaniyang mga ginagapangan at hindi ito tumitigil. Ang paglalakbay ng isip ukol sa patutunguhan ng Pilipinas ay matagal nang gutom sa tugon. Ilang bukang-liwayway na lamang at may wikang maglalahad ng mga salaysay ng daloy at distribusyon ng panig. SONA ang magtatanghal kung naitahi bang mainam ang mga kwento ng Pilipino sa kwento ng Pilipinas. Nakababad kaya ang wika ng may kapangyarihan sa wikang makapangyarihan? 

Comments

Continue Reading

Trending