Connect with us

Literary

Combat fake news through literature, urges critic, veteran journo

Quoting Palanca Award-winning writer Jose Dalisay Jr., renowned critic Rolando Tolentino upheld that “the best antidote to fake news is true fiction.”

Published

on

Photo by Elizabeth Nicole Regudo/TomasinoWeb.

A veteran journalist and a renowned literary critic urged Thomasians yesterday to write more literature about current social issues to fight the rise of disinformation in the country.

Rolando Tolentino, director of the University of the Philippines (UP) Institute of Creative Writing, said during this year’s Paz Latorena Memorial Lectures that writing short stories and poetry could help combat lies peddled by those in power.

Quoting Palanca Award-winning writer Jose Dalisay Jr., Tolentino upheld that “the best antidote to fake news is true fiction.”

“Paano mo maco-combat kung in-abdicate mo ‘yung role ng panitikan? Magsulat ng panitikan tungkol sa panahon na ‘to,” Tolentino affirmed.

With the advent of social media, Tolentino also lamented the distortion of “orality” of storytelling and the perception of reality but he maintained that literature “is a creative response to reality.”

He continued by stating that the role of literature in Philippine society is crucial as it serves as the country’s record of important historical events and social movements.

“Napakahalagang area [ng panitikan] sa kasaysayan natin, ito na ang chronicle natin,” he said.

He added: “Kaya natin napatunayan na may Martial Law, may Marcos dictatorship, may Spanish colonialism ay dahil sa mga matitigas [at] astig nating manunulat na nag-intervene sa panahon na ‘to.”

The former UP College of Mass Communication dean also stressed how “slow” writers are nowadays in publishing literary works that tackle issues current social issues.

“Wala na tayong poems na lumalabas, wala tayong short stories na lumalabag. […] May pagka-slow na ‘yung writers natin kasi ang pumapasok talaga are all these posts, mga commentaries [n]ila sa Facebook,” he said.

Meanwhile, veteran journalist and columnist Salvacion Espina-Varona called on writers to use literature to resist alienating pro-administration supporters.

“Alam natin kung bakit nanalo si Rodrigo Duterte [at hindi lamang ito dahil sa fake news but] because he does not exist in a vacuum: He is the sum total of rage passed from generation after generation,” Espina-Varona told the audience.

She also urged that a “real” way to battle lies is to become “truth-tellers,” telling them that safeguarding truth is not solely the role of journalists.

“Hindi pwedeng isang sektor lamang lipunan ang magiging guardians ng katotohanan sa mundo, hindi pwedeng journalists lang,” she said.

This month, Facebook began implementing strict measures against the proliferation of fake news, such as identifying links from legitimate news sites and blocking links from several websites identified to peddle false information.

The social media giant, meanwhile, on Thursday announced its partnership with online news agencies Rappler and Vera Files for a third-party fact-checking program in the country, which aims to prevent the spreading of fake news content on the social media platform.

Presidential Communications Undersecretary Lorraine Badoy and Presidential Spokesperson Harry Roque have protested the partnership, accusing Rappler and Vera Files of “partisanship.”

On Oct. 4 last year, the Senate Committee on Public Information and Mass Media opened its first hearing on fake news, the first of its kind in the country. The committee concluded its second hearing last Jan. 30.

Bannered with the theme “Saysay ng Panitikan sa Panahon ng Fake News at Tokhang,” the yearly lecture is held in honor of Paz Latorena, an esteemed Filipina fictionist and former chair of the University’s Department of Literature.

The event concurs with the celebration of the National Literature Month. —with reports from P. Jamilla

Comments

Literary

Isang tahanan

”Ngayong nagbabalik ka na at mas malakas ako, walang takot kitang lalabanan. Hindi ako nakalimot at hindi ko hahayaang makalimot din ang mga tao lumipas man ang limang dekada. Walang nakalimot. Hindi na muli.”

Published

on

isang tahanan article, likhang-sining ng batang inabuso
Artwork by Mikhail Reaño

Naalala ko tuwing umuuwi ako noon, madalas kong naririnig mula sa aming katabing bahay ang isang batang katulad ko—hindi—hindi siya batang musmos ngunit isang kabataan tulad ko. Lagi kong naririnig ang kanyang pag-iyak subalit, kapag dumaraan ako sa kanilang tahanan, habang sila’y mayroong mga bisita, itinatago ng kanyang balingkinitang katawan ang kanyang dalawang braso at mapait na ngumingiti.

Nang minsang siya’y tumalikod, nasilayan ko ang dahilan kung bakit kaniyang itinatago ang kaniyang mga braso. Mas lalo akong nagtaka, nais ko siyang lapitan ngunit nang ako’y papalapit na, agad akong pinandilatan ng mga mata ng kanyang ina,  ”Umalis ka!” sa takot ko, agad akong naglakad papalayo.

Ngunit sa aking pag-uwi, naisip ko pa rin ang tagpong iyon. Bakit tadtad ang kanyang ang kayumanggi nyang balat ng pinaghalong lila’t itim na pasa? Bakit lihim siyang umiiyak?

Dumating ang panibagong araw at nadinig ko nanaman ang pagdadabog ng kanyang ina, dali-dali akong nagpunta malapit sa kanilang bahay at nakinig sa usapan habang nag-iingat na ako’y hindi makita, “Ako ang iyong ina, alam ko ang ginagawa ko! Huwag kang gagawa kasi ng laban sa akin para hindi ka malintikan! Nasaan na ang baon mong binigay ng iyong ama? Akin na! Kailangan ko ng pera pang-sugal!”, wala akong magawa kundi pakinggang ang iyak at ang kanyang pagsusumamong sigaw.

Nararamdaman ko na sa aking puso ang dalamhati at kakaibang pagnanais na tulungan siyang makawala. Alam kong sa araw-araw na nilikha ng Diyos, araw-araw ring niyuyurakan ang kanyang pagkatao. Ngunit, paano? Paano ako makakatulong?

Dumating ang araw na wala na akong naririnig na kahit anong ingay mula sa kanilang bahay. Agad kong nasabi na marahil ay nagkaroon ng isang himala at nagbago na ang kanyang ina! Muli akong lumapit sa kanilang bahay at laking gulat ko na sa aking paglapit, nakita ko ang kanyang katawan, dilat ang kaniyang mga mata at sa kanang bahagi ng kanyang dibdib ay punong-puno ng mapulang dugo na kumukulay sa puti nyang pang-itaas.

Nais ko syang malapitan ngunit, biglang dumating ang mga pulis at ako’y napaatras dahil dumagsa ang mga madlang nais masilayan ang karumadumal na sinapit nitong aming kapitbahay. Hanggang tanaw ko lamang ang mga nangungusap na kanyang mga mata; nagmamakaawang siya’y tulungan kahit sa kanyang huling sandali.

Humahagulgol ako’t napatakbo papunta sa aming tahanan. Wala ang aking mga magulang at dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko.

Nasaan ang kanyang ina na sinasabi siya ay aalagaan? Nasaan ang kanyang ina na araw-araw naman siya’y sinasaktan?

Hinanap ko. Gusto ko ng kasagutan.

Alam kong nagtatago lang siya sa malapit. Nasaan siya? Kailangan niyang pagbayaran ang lahat!

Lumipas ang mga araw at linggo, nagbalik sya sa kanilang tahanan, nagbabalat-kayo bilang isang maamong tupa. Umaasang tulad ng daloy ng tubig sa isang bukal, ang nakaraan ay agad ng lumipas.

Animo’y walang delikadesa kung umasta na walang bahid ng dugo ninuman ang kaniyang mga kamay; na parang inaruga’t inalagaan niyang mabuti ang batang minsa’y nangarap lamang na maalwang pamumuhay. Nagpapanggap na ngayon ay kaya na niyang mamuhay muli na walang sinasaktan at walang pinapatay.

Ngunit huli na ang lahat, agad kong itinaga sa bato ang aking paninindigan, ”Ngayong nagbabalik ka na at mas malakas ako, walang takot kitang lalabanan. Hindi ako nakalimot at hindi ko hahayaang makalimot din ang mga tao lumipas man ang limang dekada. Walang nakalimot. Hindi na muli.”

Comments

Continue Reading

Literary

Huwag Mo Kaming Salingin

Pagkat habang may laban,
Patuloy ang sigaw namin:
Huwag mo kaming salingin.

Published

on

Dibuho ni Jomari Robiso/TomasinoWeb.

Noong sinauna,

Bago man daw lumaya,

Ang sigaw ni Rizal

Sa Inang Espanya:

Huwag Mo Akong Salingin.

 

Nang dakipin ang Supremo,

Nang sa likod ay tumuhog ang bolo,

Ang sigaw ni Bonifacio

Sa kapwa Pilipino:

Huwag Mo Akong Salingin.

 

Nang dumating ang estrangherong Kano,

Sa pag-aastang Diyos ng mundo,

Ang sigaw ng rebolusyonaryong Pilipino

Nang agawin ng Kano ang panalo:

Huwag Mo Kaming Salingin.

 

At ginapi, pinatay, iniwan sa Hapon,

Ang perlas ng silangan ay inulan ng dugo,

Sumigaw sa kanayunan ang hukbong bayan

At tumindig, itinaas: Huwag Mo Kaming Salingin.

 

Ngunit ngayo’y sa’n nanggagaling

Ang mga katagang gasgas na rin,

Sa lansangan, sa nayon,

sa syudad, sa pabrika,

Maging sa pamantasan din.

 

Panahon na para mamulat,

Panahon na para magising,

Pagkat habang may laban,

Patuloy ang sigaw namin:

Huwag mo kaming salingin.

Comments

Continue Reading

Literary

Pagsasalin, napakalawak ng pangangailangan

Binigyang-diin ng isang propesor sa Departamento ng Filipino ng Kolehiyo ng Edukasyon ang “malawak na pangangailangan” sa larangan ng pagsasalin ng wikang Filipino noong Huwebes, ika-30 ng Agosto.

Published

on

wennielyn fajilan presenting
Kuha ni Alexa Taay/TomasinoWeb.

Binigyang-diin ng isang propesor sa Departamento ng Filipino ng Kolehiyo ng Edukasyon ang “malawak na pangangailangan” sa larangan ng pagsasalin ng wikang Filipino noong Huwebes, ika-30 ng Agosto.

Sa ginanap na Siyasik 2018: Pagbabasa ng mga Saliksik-Papel, iginiit ni Asst. Prof. Wennielyn Fajilan, Ph.D. na “napakalawak pa ng pangangailangan” sa translation studies, translation criticism at translation history.

“Yung translation of meaning from one text to another ay batayan ng pagsasalin. Kapag tiningnan sa ibang lipunan, makikita na hindi lang pala iyon ang value niya,” wika ni Fajilan

Sa saliksik-papel ni Fajilan na pinamagatang “Pananalig sa Bata: Kasaysayan at Panunuri ng Muling Pagsasalaysay at Pagsasaling Pambata sa Filipino,” inilahad din niya ang kasulukuyang kalagayan ng pagsasalin dito sa ating bansa partikular na sa mga panitikang pambata.

“Kapag nagsasalin ng panitikang pambata, nagsasalin din ng pagkabata. Bitbit ng tagasalin ang ating pagkabata” at makapangyarihan ang mga ilustrador bilang tagasalin ng panitikang pambata, ani Fajilan.

“Hindi mo titingnan yung bata ng tabularasa. Mayroon na siya kaalaman. Kapos siya sa karanasan pero hindi ibig sabihin na kapos siya sa kaalaman,” dagdag pa niya.

Nabanggit din ni Fajilan na ang pagsasalin ay “migration” at walang pagsasalin na parehas dahil “magkakaiba ng pokus.”

Ang programang Siyasik ay naglalayong hindi lamang maibida ang mga saliksik-papel ng mga guro kundi mas makatulong pa sa pagpapaunlad ng wikang Filipino at makapag-ambag sa pag-aaral nito.

Ginanap ang nasabing programa sa Gusaling Albertus Magnus kahapon, sa pangunguna ng Departamento ng Filipino ng Kolehiyo ng Edukasyon ng Unibersidad. John Aaron Pangilinan

 

Comments

Continue Reading

Trending