Connect with us

Literary

Christmas Tree

Nakajacket ka pa rin na itim at may kahawak kamay. Tiningnan ko ng huling beses ang cellphone ko. Walang reply. Walang kahit ano. Huminga nalang nang malalim at pinindot ang delete contact.

Artwork by Aldrich Aquino

Published

on

“Magpapapicture tayo sa tapat ng Christmas tree ha!” Ito ang huli mong text sa akin. 

Siguro nga totoo ang mga multo at isa sa mga multo na ito ay nakasalamin, nakasuot palagi ng jacket na itim, at may nakakatunaw na ngiti. Hinayaan kong mamatay ng kusa ang aking cellphone hanggang sa makita nalang ang imahe ng sarili dito. 

Ilang buwan na din ang lumipas simula nang natikman ko ang lasa ng pait ng isang bagay na maihahalintulad ko na din sa pag-ibig. Ngayon, nandito lang ako sa may mga upuan sa tapat ng Plaza Mayor—nagmumuni-muni habang hawak ang reviewer sa Theology. Binalik ako sa wisyo ng katabi ko at sinabing magreview na kami. Oo nga naman, marami pa akong mga bagay na kailangang aralin at gawin. Tumayo ako at inaya ang kasama ko sa library, baka naman sakaling makapag-focus na ako sa acads. Pinagpag ko ang aking palda, itinago ang reviewer at nagsimulang maglakad.

Parang nagmamartsa kami, anong nangyayari? Lahat ba ng nasa harap namin may sprain sa paa? Napakabagal naman maglakad ng mga ‘to. Konti nalang at baka mapasigaw na ako ng, “Kaya ba this week?!” pero syempre hindi ko gagawin ‘yun. 

Dahil exam week, maraming nasa library. Walang maupuan, walang masaksakan ng laptop, at wala ding maupuan. Nang makaupo na kami sa Social Sciences, tiningnan ko ang cellphone ko, baka may nagtext na. Ay, wala pala. Nevermind. Aral na nga ako. Makalipas ng ilang oras, naubos na ang aking braincells. 

“Guys, uwi na ako ha?” sabi ng ka-block ko. Sabay na kaya ako sa kanya? Parehas naman kaming Dapitan, ayain ko na din kayang kumain?

“Uy teka, sama na ako.” sabi ko sabay ligpit ng mga gamit. Nagpaalam na kami sa mga kasama namin at umalis na. Ang lamig naman…next time magdadala na talaga ako ng jacket. 

Nang makalabas na kami sa library bigla siyang nagsalita. “Gusto mo ba kumain? Tara kain tayo.” Pumayag naman ako tutal ‘yun na din ang plano ko. 

“Angkong o Dimsum?” tanong ko. 

“Ricing Star nalang.” sagot niya. 

Pagdating namin sa V. Concepcion, ang daming tao. Lahat ng kainan puno. Naalala ko na naman ‘yung sinabi mo, na kapag ganito, umuuwi ka nalang sa dorm at natutulog. Pinagalitan kita noon kasi mag-isa ka lang at sa malayo ka pa nakatira, dapat inaalagaan mo sarili mo. Tumawa ka nang mahina at sinabi mong sweet ako. Hindi mo alam na unang beses kong magsabi ng ganung bagay, hindi kasi ako sanay. 

“May date ka na sa paskuhan?” nasamid ako sa tanong niya. 

“Wala e. Kasama ko lang mga kaibigan ko. Ikaw ba?” tanong ko. Pinakita niya ang likod ng cellphone niya. Ah may instax. Alam na. 

Nag-take-out nalang kami at nagpaalam na ako na uuwi na ako. Bago umalis, chineck ko ulit ‘yung phone ko. Oras at petsa lang ang bumungad sa akin pati na rin ang schedule ng mga klase ko. Siopao na yata ako ah? Asadong asado. Makauwi na nga. 

Isang araw nalang at magpapaskuhan na. Naalala ko pa nung Agape, pagbukas ng mga ilaw nanlaki ang mga mata ko, hindi dahil sa ganda nito pero dahil akala ko nakita kita pero mistulang guniguni lamang pala ‘yun. Nagtext ako ulit sa’yo habang hawak hawak ‘yung kahon ng Aristocrat, hinihiling na sana magreply ka kahit isang beses lang.

Kumusta ka na nga ba? Nakapasa ka ba sa quiz mo? Kung hindi, pakitandaan nalang ang mga bagay na sinabi mo sa akin, “Life starts after quiz 1!” napailing ako at napangiti nang mapait. Totoo nga ang kanta ng Rivermaya. ‘Ang bilis nga naman talaga maglaho ng pag-ibig mo, sinta.’

Mag-eexam na ako sa Theology at pagkatapos nito, wala na akong iisipin pang iba except ikaw, charot lang. Nag-eexam ka din kaya ngayon? O baka naman tapos ka na at naglalaro ka nalang sa Mineski? 

“Okay class, please get one and pass.” Ito na. Saint Thomas Aquinas, pray for us.

Makalipas ng isang oras, masasabi ko rin na mababawi ko na lahat ng nawalang tulog ko last week at ngayon. Ang mga blockmates ko naman nagsisitalunan na dahil tapos na ang exams. Sana all masaya. Tiningnan ko ulit ‘yung aking cellphone. Wala pa rin pero okay lang, may isang bagay pa akong pinanghahawakan––baka makita kita sa christmas tree bukas. 

“Kita tayo ng mga alas-singko bukas ha?” paalala ng kaibigan ko. Tumango ako at inayos ang mga gamit ko. “Okay ka lang ba?” tanong sa akin. “Oo naman. Nag-iisip lang.” 

“Alam mo, baka minulto ka na talaga.” sabi nila. Ngumiti nalang ako at sinabing, “Baka nga o baka nakuha ‘yung cellphone niya o kaya nahulog sa jeep diba?” Kung ano-ano na ang pinagsasabi ko pero alam ko namang ang totoo. “Una na ‘ko.” sabi ko sabay labas ng classroom. 

Gabi na ng Paskuhan. Ang daming tao na naglalakad at nagpi-picture sa mga ilaw. Napakaganda nga naman talaga ng UST. Humiwalay na muna ako sa mga kaibigan ko para makapag-isip-isip. Naikot ko na ang buong field at nakabunggo na ng iba’t-ibang tao. May maliit na parte sa loob ko na nagbabakasakaling mabangga kita at marinig ang mahina mong “sorry” pero alam ko din namang hindi ‘yun mangyayari. 

Sige na nga. Lalakasan ko na ang loob ko. Itetext kita, kapag hindi ka nagreply, lalapit ako sa Christmas tree at magpapapicture mag-isa.

Message sent. Benteng minuto na ang lumipas wala pa rin.

Dinala ako ng mga paa ko sa harapan ng Christmas tree at dito kita nakita na may kasamang iba. Nagpakita ang multong nakasalamin na may nakakatunaw na ngiti. Nakajacket ka pa rin na itim at may kahawak kamay. Tiningnan ko ng huling beses ang cellphone ko. Walang reply. Walang kahit ano. Huminga nalang nang malalim at pinindot ang delete contact. 

Binalot ako ng hangin. Napakalamig. Buti nalang at nagdala ako ng jacket.

Comments

Literary

This Thing

Swallowing the sun and rain
But myself still remains
Soaking up all my validity
It eventually shifts my reality

Published

on

Photo by Matthew Henry on Unsplash

I don’t know when it came
For there is no one to blame
On the other side of this face
There, standing with disgrace

This is a source of danger
A voice of a slipping reminder
Is this probably the truth?
Feeling estranged from my youth?

Conflicted with my ideals
Finding what would appeal
My mind that was in blight
Would eventually find its light

All alone this body is terrified
This takes over just to terrorize
Authenticity has been eliminated
Like the luster being defeated

Lies ahead were vivid hues
I was blinded, but I would choose|
Reaching out to that lucidity
Maybe to achieve serenity

Leaving this catastrophe
Can’t be done casually
But possible with a tenacity
Evacuating from that apathy

Swallowing the sun and rain
But myself still remains
Soaking up all my validity
It eventually shifts my reality

Not anymore fragmented
This, that has been connected.

Comments

Continue Reading

Literary

Still, The Land Dreams

In the guarded fence made of
steel,
They will not be silenced. 

Published

on

Artwork by Patricia Jardin/TomasinoWeb

The pearl of the orient seas
was muted, chained in absolute obedience
a forsaken motherland weeps.
But among the close-eyed sheep,
There are those who refused to blink. 

In the guarded fence made of
steel,
They will not be silenced. 

Gabriela Silang from the North
led thousands of men and
feared by the hands that dared them.
Andres Bonifacio,
in the tangled woods lies not the leash
a hidden cause; wolves baring their teeth.
Teresa Magbuana from the South,
the Visayan Joan of Arc, a sharpshooter
of the three-headed beasts. 

They spilled ink and words began to
breathe.
It bends, whispering, “we’re here…” 

Dr. José Rizal,
phantoms chased the ink, it laughs
because even Death has eluded it.
Graciano Lopez Jaena,
botod, loved dearly by the masses
revelled until the friars sneered.
Marcelo Del Pilar,
smooth easy-teller of tales
a guide-post, words map of streets. 

The motherland carries timetables of heroes and heroines
wounded whispers and dreams.
August 31st, the youth walked
on the path of ghosts.
the trees rustles, the land laughs.
A cycle begins: 

When freedom is in tatters,
when the streets of cities
have habits of making people disappear
when blood is shed on the asphalt
the heroes began to sing and
mirrors reflected a long history:
                            The people will not be silenced.

 

by Johanna Leelan Gee

Comments

Continue Reading

Literary

Ang pulso ng binibigkas

Ang wika ay susi upang makakalap ng kapangyarihan.

Published

on

Artwork by Patricia Jardin

Ang wika ay susi upang makakalap ng kapangyarihan. Instrumento ito sa pagkilala ng daloy, sa panliligaw ng panig, at sa paglalakbay ng isip. Ganunpaman, magkaiba ang mundo ng mga salita at ng mga sinasabi— hindi lamang tainga ang dapat na nakikinig at hindi lamang bibig ang dapat na nagsasalita.

Sa bawat pagmulat ng mata sa kasalukuyang lipunan, marami ang oportunidad para mahasa ang sariling lengguwahe. Lumitaw man ang pagkakaiba ay hindi dapat patabain ang pangamba; kapatid ng takot ang paninikil at pagkubli. Ang hatol sa pag-aagwat ng wika ay hindi kasalanan, bagkus ay ang kalayaang magmay-ari ng boses at ang patuloy na pagkatuto.

Mahapdi nang iniiwanan ng oras ang kaniyang mga ginagapangan at hindi ito tumitigil. Ang paglalakbay ng isip ukol sa patutunguhan ng Pilipinas ay matagal nang gutom sa tugon. Ilang bukang-liwayway na lamang at may wikang maglalahad ng mga salaysay ng daloy at distribusyon ng panig. SONA ang magtatanghal kung naitahi bang mainam ang mga kwento ng Pilipino sa kwento ng Pilipinas. Nakababad kaya ang wika ng may kapangyarihan sa wikang makapangyarihan? 

Comments

Continue Reading

Trending