Connect with us

Literary

Bitin

Lalangoy ako sa dagat
Nanamnamin ko pa ang alat
Tatakbo din doon sa baybayin
At gagawang kastilyo sa buhangin

Published

on

Lalangoy ako sa dagat
Nanamnamin ko pa ang alat
Tatakbo din doon sa baybayin
At gagawang kastilyo sa buhangin

Sasakay ako ng bangka
Papunta sa kabilang isla
Hihiga ako doon sa may lilim
Nang balat ko’y hindi mangitim

Magmamaneho akong malayo
Hindi man alam ang patungo
Tutuklas akong bagong daan
At maliligaw sa kung saan

Isasama na rin kitang gutumin
Sa biyahe kong ayaw tapusin
Tiyan mo’y hindi mababahala
‘pagkat kakain tayong walang sawa

Aba, ako ri’y mangingibang-bansa
Iikutin ko buong Asya, pati ang Europa
Makikipagkamay na rin kay Obama
At magmamano sa Santo Papa!

Tatakas ako sa Maynilang kay init
Lamigin man ako’t magkasakit
Papunta doon sa dakong may nyebe
Babati kay Santa Claus at mga duwende

Oo, isasama nga kita
Basta ba bulsa mo’y may pera
Dalhin mo pa si Bantay
Yayain pa sila’t kumaway!

Handa na ang mga balak kong binilang
Hindi naman ako nagkulang
Pero ngiti ko’y tuluyang napunit
Plano ko’y sa hangin lang naguhit

Oras ko pala’y katiting
‘pagkat pasukan ay parating
Tatlong buwan man ang inangkin
Bakasyon ko pa rin ay bitin

Larawan mula sa ZayzaExplores.com

Comments

Literary

This Thing

Swallowing the sun and rain
But myself still remains
Soaking up all my validity
It eventually shifts my reality

Published

on

Photo by Matthew Henry on Unsplash

I don’t know when it came
For there is no one to blame
On the other side of this face
There, standing with disgrace

This is a source of danger
A voice of a slipping reminder
Is this probably the truth?
Feeling estranged from my youth?

Conflicted with my ideals
Finding what would appeal
My mind that was in blight
Would eventually find its light

All alone this body is terrified
This takes over just to terrorize
Authenticity has been eliminated
Like the luster being defeated

Lies ahead were vivid hues
I was blinded, but I would choose|
Reaching out to that lucidity
Maybe to achieve serenity

Leaving this catastrophe
Can’t be done casually
But possible with a tenacity
Evacuating from that apathy

Swallowing the sun and rain
But myself still remains
Soaking up all my validity
It eventually shifts my reality

Not anymore fragmented
This, that has been connected.

Comments

Continue Reading

Literary

Still, The Land Dreams

In the guarded fence made of
steel,
They will not be silenced. 

Published

on

Artwork by Patricia Jardin/TomasinoWeb

The pearl of the orient seas
was muted, chained in absolute obedience
a forsaken motherland weeps.
But among the close-eyed sheep,
There are those who refused to blink. 

In the guarded fence made of
steel,
They will not be silenced. 

Gabriela Silang from the North
led thousands of men and
feared by the hands that dared them.
Andres Bonifacio,
in the tangled woods lies not the leash
a hidden cause; wolves baring their teeth.
Teresa Magbuana from the South,
the Visayan Joan of Arc, a sharpshooter
of the three-headed beasts. 

They spilled ink and words began to
breathe.
It bends, whispering, “we’re here…” 

Dr. José Rizal,
phantoms chased the ink, it laughs
because even Death has eluded it.
Graciano Lopez Jaena,
botod, loved dearly by the masses
revelled until the friars sneered.
Marcelo Del Pilar,
smooth easy-teller of tales
a guide-post, words map of streets. 

The motherland carries timetables of heroes and heroines
wounded whispers and dreams.
August 31st, the youth walked
on the path of ghosts.
the trees rustles, the land laughs.
A cycle begins: 

When freedom is in tatters,
when the streets of cities
have habits of making people disappear
when blood is shed on the asphalt
the heroes began to sing and
mirrors reflected a long history:
                            The people will not be silenced.

 

by Johanna Leelan Gee

Comments

Continue Reading

Literary

Ang pulso ng binibigkas

Ang wika ay susi upang makakalap ng kapangyarihan.

Published

on

Artwork by Patricia Jardin

Ang wika ay susi upang makakalap ng kapangyarihan. Instrumento ito sa pagkilala ng daloy, sa panliligaw ng panig, at sa paglalakbay ng isip. Ganunpaman, magkaiba ang mundo ng mga salita at ng mga sinasabi— hindi lamang tainga ang dapat na nakikinig at hindi lamang bibig ang dapat na nagsasalita.

Sa bawat pagmulat ng mata sa kasalukuyang lipunan, marami ang oportunidad para mahasa ang sariling lengguwahe. Lumitaw man ang pagkakaiba ay hindi dapat patabain ang pangamba; kapatid ng takot ang paninikil at pagkubli. Ang hatol sa pag-aagwat ng wika ay hindi kasalanan, bagkus ay ang kalayaang magmay-ari ng boses at ang patuloy na pagkatuto.

Mahapdi nang iniiwanan ng oras ang kaniyang mga ginagapangan at hindi ito tumitigil. Ang paglalakbay ng isip ukol sa patutunguhan ng Pilipinas ay matagal nang gutom sa tugon. Ilang bukang-liwayway na lamang at may wikang maglalahad ng mga salaysay ng daloy at distribusyon ng panig. SONA ang magtatanghal kung naitahi bang mainam ang mga kwento ng Pilipino sa kwento ng Pilipinas. Nakababad kaya ang wika ng may kapangyarihan sa wikang makapangyarihan? 

Comments

Continue Reading

Trending