Connect with us

Literary

Anong Pinaghuhugutan Mo?

Published

on

MARAHIL ay magkakaroon talaga ng pagkakataon sa buhay ng mga kabataan na magagawa nilang maipahayag ang kanilang saloobin sa pamamagitan ng mga napapanahong social media accounts o ang mas kilala natin bilang “hugot”. Bawat isa nga sa atin, may love life man o wala ay may napagdaanang masakit na karanasan na kinakailangan ng hugot. Siguro ay humuhugot ka dahil pakiramdam mo ay sawi ka; ngunit sa kahit ano pa mang dahilan ang mayroon ka, ang hugot ay isa sa pinakasikat na paraan upang ipahayag ang iyong damdamin. Kadalasang makakakita ng post tungkol sa #hugot sa Twitter o sa Facebook dahil kung mas marami ang nakakaunawa o nakaka-relate sa iyo, mas masarap sa pakiramdam. Patunay nga ito ng isang kasabihang, “Misery loves company.

Heto ang lima sa mga pinakatanyag na #hugot na mahahanap mo sa Internet:

  1. Rejection hugot

Deadma ka ba kay crush? O ‘di kaya naglakas-loob ka pang kausapin siya at ang sinagot niya lang sa iyo, “Sorry, I’m not interested”? Ito ang hugot mo kapag ni-reject ka – isa sa pinakamasakit at pinakatagos-sa-pusong hugot.

Matamis mong oo lang ang hinihingi ko kanina, pero bakit mo ako sinabihan ng “hindi”?

  1. Kasawian

Single at walang ka-mingle? Namimiss mo ba ang pakiramdam na may karelasyon? Ang hugot para sa iyo ay ito.

Lahat kayo puro “cuddle weather” pero ang ka-cuddle ko lang unan ko.  

  1. The Past hugot

Minsan, hindi man sinasadya ay nagugunita mo ang mga nakalipas na pangyayari kasama na rin ang ibang tao na maaaring iniwan ka o ikaw naman ang nang-iwan. Gayunpaman, mahirap makalimutan ang mga taong naging malaki ang impluwensya sa buhay mo. Kung wala sila, malamang ay hindi ka rin makararating sa kinaroroonan mo ngayon – hindi ka mahuhubog sa kung sino ka man ngayon.

Hindi kita dapat isipin, pero anong gagawin ko kung ayaw mong umalis sa isipan ko? Nariyan pa ang sikat na mga katagang “It’s hard to forget someone, who gave you so much to remember.

  1. Paghihintay

Ganito ang pinaghuhugutan mo kapag matagal ka nang single at parang bang naiinip ka na sa pagdating ng “The One” mo.

Hanggang kailan pa ba ako maghihintay? Kailan ka darating para makapagsimula na ang buhay ko? 

  1. Hugot kasi trip mo

Hindi ka nagdaramdam ngunit nais mo lang maki-ride sa trip ng iba. Kaya hugot ka lang ng hugot at ayos lamang sa iyo kahit maging katatawanan pa ng iba.

Binuhos mo na ang lahat, ayun pala naka-drain. Sayang lang effort mo. #WashingMachineFeels

 

Tunay ngang ang #hugot ay patunay rin ng pagkamalikhain ng ating henerasyon. Iba-iba man tayo ng paraan ng pagpapakita ng ating saloobin, ang mahalaga ay alam natin na mayroon ding nakakaunawa ng mga bagay na ating pinagdadaanan at palagi lamang nakahandang pakinggan at suportahan tayo kahit sa pamamagitan ng like, comment, share, favorite at retweet pa. Ikaw, ano ba ang pinaghuhugutan mo?

 

Kuha ni Shelley Ann Badayos

Comments

Literary

Cities of Howls

This is the night in Manila,
the dark dirty alleys hidden between
plastered walls that can’t be seen.

Published

on

Artwork by Aldrich Aquino

The crumbling of cities —

Yelling, shouting for peace

Stumbling, fumbling for pieces

Of meat and medicine for the sick.

This is the night in Manila,

the dark dirty alleys hidden between

plastered walls that can’t be seen.

Bronze! Silver! Gold!

Children are all sold

So a man can taste a bottle of ale,

And buy women that are on sale.

A child saw his father,

Shot in the head by a police officer,

The man slips something in his father’s pocket,

And the child’s tears unseen from his father’s dead socket.

Tenants and sky towers, oh how

trees sang glorifying the city father

as souls tethered and chained with one another.

Do not peek in a dollhouse of husband and wife,

A happy family, everything is nice.

Unless you peek behind their curtains, knowing it’s not right.

And find out they’re made of plastic and bruises hidden from sight.

A man was given a wrong ideality,

Hide it behind the closet or you shall be sent to hell for eternity,

The society robbed him from his identity,

And ended up destroying himself entirely.

Unheard dreams and voices yet

Blessed are those who stole gold

Feasting, eating as another soul is sold.

Blessed are those who lived in high places,

Hidden behind a façade; a masked smile on their faces,

As caskets piled in front of their thrones

One after another; made of bones.

Comments

Continue Reading

Literary

Once a Home

It’s a good place for hanging out with friends, filled with exploding dim colored lights and loud music. But have you ever wondered why a simple house stopped becoming a place to call home, and instead became a place stuffed with noise and lots of stingy alcoholic beverages?

Published

on

Artwork by Ferdinand Marticio

Since time immemorial, Thomasians had widely known a particular old and cramped place along the well-lit street of Asturias — there stands an almost hundred year old house. It’s a good place for hanging out with friends, filled with exploding dim colored lights and loud music. But have you ever wondered why a simple house stopped becoming a place to call home, and instead became a place stuffed with noise and lots of stingy alcoholic beverages?

Perhaps being one of the most overlooked stories, the story behind the place we call, “Tapsi,” is darker as we had expected. The house was built in the early 1900s where the clash of Spanish and American Colonization happened. It was owned by a mestizo who had his wife killed inside the very place they call home during the Second World War. Since then, the house has been isolated and never been visited by anyone, but only the owner stayed home. He lived there until the last of his breath, and it was said that before he sold it to a rich family during the 1980s, he warned them of “Echoes and bloodshed,” but the new owners didn’t listen. Every night the new family that started to reside in there were haunted by blood curdling cries and sudden gunshots that can be heard randomly at night. When they look around the house, they find nothing. There’s no person crying, neither is there someone with a gun.

Ultimately terrified by the now haunted house, the new owners kindled an idea. To turn it into a restaurant-bar kind of place. And so they began their business of starting up a resto-bar inside the house. As time passes by, more customers came in and it became one of the busiest places around UST during nighttime. Since then, the cries and gunshots weren’t heard again…or maybe we just don’t hear it, because the banging of the loud music from the speakers and the voices of the constant chit-chatting students conceals the horrifying history of Tapsi.

Comments

Continue Reading

Literary

Ang Nagtatagong Humahalakhak

Gusto ko nang sumigaw at kumaripas ng takbo ngunit hindi ko mailakad nang mabilis ang aking mga paa. Hindi na ako lumingon at patuloy akong naglakad. Malamig ang pawis na tumatagaktak mula sa aking noo. Nanalangin akong kung sino o ano man iyon ay ‘wag naman sana akong sundan.

Published

on

Illustration by Aldrich Aquino

Sabi ng Lolo ko noong bata pa ako, habang nakaupo ako sa hita niyang nagkukuyakoy, ay may ibang mga nilalang daw na kasamang mabuhay ng mga tao. May mga tikbalang, multo, manananggal, duwende, manggagalaw, mambabarang, aswang, tiktik, tiyanak, at marami pang iba. Mananatili raw sila sa aming mga tabi dahil sila na ang mga nauna. Wala pa sa kalingkingan ng aking pang- unawa na kayaning paganahin ang rason upang kuwestiyunin ang mga sinasabi ni Lolo. Ngunit sa tuwing nais nila akong pasunurin o utusan, pinapagana nila ang mga istoryang kanilang itinanim sa mura kong isipan. Habang tumitibay ang aking karunungan, nawawaglit na sa akin ang mga paniniwala sa mga haka- hakang ibinahagi sa akin ni Lolo. Sa tuwing uulan habang tirik ang araw, huli ko nang naiisip ang kasal ng tikbalang dahil nauuna na ang lohikong eksplanasyon para dito. Ito ay hanggang sa tumungtong na ako sa kolehiyo.

Madalas akong gabihin noong mga unang linggo ng klase dahil wala pa naman gaanong pinapagawa sa eskwela. Panay ang paggala ko kasama ang barkada hanggang abutan na ako ng dilim sa pag- uwi. Gabi ng Huwebes noon, alas otso na ng gabi nang makababa ako mula sa UV express. Mula sa binabaan ko ay kakailanganing maglakad sa madilim na kalsada at sa dulo ay may isang pahabang waiting shed. Umaambon noon at ang tanging liwanag lamang sa daan ko ay ang ilaw ng mga sasakyang dumadaan. Hawak ko ang cellphone na nakabukas ang flashlight para makita ko ang aking tinatapakan. Pagkatuntong ko sa ilalim ng waiting shed, ay bahagyang mas lumamig ang hanging pumapalibot sa aking balat. Malamig man ang paligid, mayroong mainit na hangin na dumadampi sa aking kanang pisnge at leeg, wari mo ay may taong humihinga sa aking tabi.

Kahit nag-aalangan ay lumingon ako, ngunit malawak na kadiliman lamang ang sumalubong sa akin. Alam kong ako lamang mag-isa nang mga oras na iyon. Kahit nangilabot ako ay hindi ako tumigil sa paglalakad. Parang walang hangganan ang waiting shed na nilalakaran ko. Malapit na ako sa dulo ngunit bago pa man ako makalagpas, ay may narinig akong mahinang hagikhik mula sa kanang gilid ko. Gusto ko nang sumigaw at kumaripas ng takbo ngunit hindi ko mailakad nang mabilis ang aking mga paa. Hindi na ako lumingon at patuloy akong naglakad. Malamig ang pawis na tumatagaktak mula sa aking noo. Nanalangin akong kung sino o ano man iyon ay ‘wag naman sana akong sundan.

Nakauwi akong tulala at halatang nababagabag. Inilapag ko ang bag sa sofa namin at inalok akong kumain ng hapunan. Napansin siguro ni Mama na matamlay ang aking pagnguya kaya tinanong nya ako.

“Anong nangyari sa’yo?”

Sandali akong tumingin sa kanya at bumalik sa pagkain. Sa mga sandaling iyon ay nanariwa sa akin ang mga kwento ng Lolo ko tungkol sa mga elementong ligaw na namamalagi sa dimensyong ginagalawan ng mga tao. Kaya kahit walang konkretong paliwanag ay sumugal ako.

“Ma, ano ngang tawag dun sa elementong pinaglalaruan ka kapag mag-isa ka lang?”

“Hindi mo na naman dala ‘yung pangontra mo ano?”

Pinutol ko ang tingin sa kanya.

“Kaya nga binigay sayo ni Lolo Pail ‘yun, para ‘di ka lapitan ng mga ‘yan”

Mga ‘yan? Ano ba sila? Sino ba sila?

Ikinuwento ko kay Mama ang mga nangyari at inabisuhan nya akong dalhin ang pangontrang pinamana sa akin ni Lolo. Kinabukasan, sinubukan kong umuwi nang mas maaga ngunit nang dahil sa trapik, inabutan ako ng alas sais bago makababa sa kalye ng Maharlika. Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw ang waiting shed na walang tao. May kakaunting liwanag pa mula sa langit ngunit hindi ito sapat para buwagin ang mga daga sa dibdib ko. Mahigpit kong kinapitan ang pangontra na nasa loob ng aking bulsa at pigil-hiningang nilagpasan ang waiting shed. Walang malamig na hangin, walang mainit na hininga, at walang mala- demonyong hagikhik. Pagkalagpas ko sa waiting shed, ay lumingon ako sa direksyon nito. Hindi ko alam kung namalikmata lamang ako ngunit may aninong nakatayo sa dulo ng waiting shed bago ang parteng nalalapatan na ng ilaw. Kumukubli ito mula sa liwanag. Pinagsisihan ko agad ang pagbalik ng tingin at kumaripas ng takbo papunta sa istasyon ng jeep.

Ngayon, sa tuwing dadaan ako sa waiting shed na iyon, mahigpit kong tangan ang pangontra ni Lolo at hinding-hindi na ako lumilingon… kahit pa tawagin nito ang pangalan ko.

Comments

Continue Reading

Trending