Connect with us

Features

Thomasian indie artists struggle for in-campus recognition

INDEPENDENT artists hailing from the University of Santo Tomas played last June 21 as part of the annual and global Fête dela Musique music festival.

Published

on

INDEPENDENT artists hailing from the University of Santo Tomas played last June 21 as part of the annual and global Fête dela Musique music festival.

Bands such as the Farewell Fair Weather (FFW) was one of the Thomasian performers on the indie stage set up at 12 Monkeys Bar in Makati. The band is composed of Mic Manalo, Gani Palabyab, Ethan Muriel, Timothy Dadivas, and Kim Hue Jin; all, except for Muriel who is from the College of Fine Arts and Design, are from the Conservatory of Music.

“It started around January 2012,” said keyboardist Palabyab. “We wanted to form a band just to relax, just to release everything. Music has always been our channeling output for everything.”

Offering something new

The band claimed that their music came out naturally during their jam sessions and that they did not plan out their sound. They are not yet fully decided on what genre they are into but they currently identify it as ‘soul fusion’.

“The safest thing we call our genre is soul fusion – fusion because we have different influences,” Palabyab said.

Their set at Fête dela Musique was a medley of different genres, taking cues from soul, mellow, and rock.

“Feeling namin, hindi na kami mags-stick sa isang genre,” said vocalist Manalo. “One of our aims, siyempre as artists, we want to develop something. I think our goal is to parang maghain ng something new.”

“That’s the beauty of the independent scene, since we’re all new, you’re gonna hear something fresh,” Palabyab added.

All about connections

Palabyab stated that Farewell is struggling through the indie scene politically and financially. “It’s all about contact – the lesser contacts you have, the lesser chances you have of getting out there,” he said. “We’re still students and digitally, it’s so expensive to record, to invest in instruments and other equipments and produce CDs, when it comes to that, it’s a struggle talaga.”

FFW said that Thomasian indie bands like them have not been able to play in the campus. “Ang daming banda sa UST pero walang boses,” said Manalo.

Sud, Three.!, Autotelic, and Paranoid City are among the bands with Thomasian members who also played at Fête, but they never had the chance to perform in front of the Thomasian community.

“If you don’t have the friends or if you don’t have the connections, they’re not gonna pay attention to you. That’s reality,” stated Palabyab.

For example, Manalo argued that the underground scene from the University of the Philippines and Ateneo de Manila University is well-known and well-received within their campuses, whereas in the University of Santo Tomas, reception has been nothing but lukewarm even to the point where no recognition is given.

Pag dating sa UST parang wala silang [masasagot sa tanong] na, ‘Sino local band niyo?’ ‘Meroon ba tayo nun?’ Ang dami-dami, hindi nila alam,” she added.

Time to accept change

Chii Balanaa, member of the ambient electronic duo Three.!, said that the Thomasian community’s lack of support for its independent artists is rooted in bigoted classicalism. “UST Music kasi, sobrang classical nila. They’re so close-minded. Ang direksyon nila is classical lang,” he said. “Ako, yung ginagawa ko sa banda ko ngayon with my gadgets, never siya ia-accept as ‘real music’ sa Conservatory. Minsan, im-mock pa siya because of its simplicity,” he added.

Marc Reyes, a former Thomasian and guitarist for R&B band, Sud, shared the same opinion with Balanaa and believes that it is time to accept modern music for a good change.

Both Balanaa and Reyes believed that the Conservatory of Music is too centered on music theory. “Ang puno, hindi mo naman gagamitin lahat para mag-sculpt eh. Diba? Magch-chip away ka ng mga parts diba?” Balanaa said. Reyes added, “Okay yung may theory [pero] it makes you a better musician lang eh, it doesn’t make you the musician itself.”

Dalawa yun eh, may theory, and may emotion – balanced dapat yun; and UST thinks about theory lang palagi.

More room for independent bands

“We love UST man, and we want to play for UST, but UST never really gave us the opportunity. They haven’t really given us the opportunity yet,” said Palabyab. “Actually kami pwede kami kunin for free, we’re happy to play for free kung para lang sa fellow Thomasians,” said Muriel to which he jokingly added, “Pero kung meroong [payment], mas okay.”

“I think Thomasians need to support more local bands. It doesn’t have to be Farewell Fair Weather, we don’t really care. If they support us, thank you, pero para sa mga susunod na local bands, sana suportahan nila,” Manalo stated. “It’s a craft, and it’s a beautiful craft. Sana maappreciate siya ng mga fellow Thomasians,” she added.

Ang gusto lang din namin is sana bigyan din nila ng room yung mga independent bands para makita rin nila,” said Dadivas.

Palabyab suggested that a music festival, wherein underground Thomasian artists can participate in, should be organized so that more independent artists can be known inside the university.

Push through walls

Not all is bleak for the Thomasian indie artists. Dadivas and Reyes believe that the local independent scene will gradually rise in the next few years. “In time, naf-feel naman din namin na maririnig na rin kami ng UST,” said Dadivas.

Manalo encouraged her fellow artists to continue creating innovative art. “Wag kayong magpipigil. Gusto niyong mag-gawa ng kahit anong bago in music, or kahit anong form of art, okay lang yan. Basta wala kang naapakan na ibang tao. Basta hindi ka nakakasakit, okay lang yun. Express yourself in the right way,” she said.

Amidst the hardships experienced by many independent artists, Balanaa believed that they should never give up on their craft. “Kapag sumuko ka, susuko ka, walang mangyayari,” he said.

“Every band will hit a wall. Pero you have to push through the wall talaga to get to the other side. Just to get to the finish line,” said Reyes.

Kahit anong banggain niyo, banggain niyo lahat. Banggain niyo lahat ‘tas gibain niyo lahat,” said Balanaa.

Experiencing the solstice

Set to coincide with the summer solstice, Fête dela Musique’s band line-up at the indie stage was engineered to match the sun’s natural lighting over the Makati skyline that was seen from 12 Monkeys Bar.

Starting a few hours just before sundown with a chill set by indie-pop band, Ourselves the Elves, the show gradually progressed from slow jams to fun and preppy tunes as the bright afternoon sky faded into lighted skyscrapers, backdropped by a partly cloudy night sky.

Other performers included The Ransom Collective, Hana ACBD, The Jireh Calo Project, Jensen and the Flips, Sinyma, Identikit, Brisom, Carlos Castano, Tide/Edit, Earthmover, Pitik, Neverending Weekend, and Tarsius.

 

Farewell Fair Weather will be releasing a music video soon and is currently working on a full-length album. Their EP is available for purchase through their Facebook page.

Sud has recently released a music video for their single ‘Smilky‘. Their EP is available for streaming and download through their Bandcamp profile.

While Three.!’s EP is available for streaming and purchase through their Bandcamp profile.

Click here for more photos from the event.

Photo by Joshua Lugti

Comments

Features

Patungo sa Panibagong Yugto

Maligayang pagbati, bagong Tomasino! Dito nagsisimula ang isang bagong yugto at paglalakbay tungo sa magandang kinabukasan.

Published

on

Kuha ni Christine Annmarie Tapawan ng TomasinoWeb

Pagdiwang! Dumating na naman ang panahon ng pagsalubong sa humigit-kumulang na 15,000 na bagong Tomasino! Ang Thomasian Welcome Walk ay ginanap noong Martes, ika-6 ng Agosto. Ang taunang pagdaan sa ilalim ng makasaysayang Arch of the Centuries ay itinuturing na simula ng buhay Tomasino. Hinati muli ang programa sa dalawa, ang unang kalahati ay nagsimula ng alas-nuwebe ng umaga at ang pangalawa naman ay alas-dos ng hapon.

Samu’t saring ingay at saya ang bumalot sa Unibersidad. Malalaking ngiti at makikislap na mata ang makikitang nakapinta sa mukha ng mga bagong Tomasino. Handang-handa na sa panibagong kabanata ng kanilang buhay kolehiyo. Kasabay ang kalabog ng mga puso, sa bawat hampas ng tambol—ito ay dumadagundong. Ramdam na ramdam ang bagong enerhiya na dala ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang fakultad at kolehiyo. Ano nga ba ang pakiramdam na makapasok sa arko patungo sa maraming oportunidad at pangarap na naghihintay? Ibinahagi ng mga bagong mag-aaral ang kanilang mga saloobin at pakiramdam sa ilang panayam kasama ng TomasinoWeb.

Para kay Keziah Taguba na mula sa Legal Management, masaya pa rin ito kahit pangalawang beses na niyang dumalo. “It still feels surreal,” aniya. Kada taon, malaki ang preparasyon na ginagawa ng mga mag-aaral upang makapagbigay ng masayang karanasan na hindi kaagad malilimutan. “Nakakatuwa ‘yung warm welcome ng Thomasian community lagi sa mga freshman nila, family talaga yung turing nila sa ‘min.” 

Kuha ni Ralph Estrella ng TomasinoWeb

Ang bagong yugto na ito ay nagdadala ng mga bagong pagkakataon at oportunidad upang makilala ang sarili, makagawa ng mga masasayang ala-ala, at syempre, tuparin ang mga pangarap. Para kay Abby Salvador, galing din sa Legal Management, ngayong nasa kolehiyo na siya, inaasahan niya ang mga kaganapan sa Unibersidad katulad ng UAAP season, Paskuhan, at iba’t-iba pa. “Mas gusto ko pang ma-experience ‘yung Thomasian spirit ngayon na college na.” 

Pamilya. Isang salita na naglalarawan sa mga Tomasino. Ayon kay Red Ronas mula sa Advertising Arts, ito ang naramdaman niya ngayong Welcome Walk, “Masaya pa rin at na-feel ko na part pa rin ako ng family.” 

Bagama’t masaya ang byahe patungo sa mga pangarap, hindi maiiwasan ang mga problema na darating. Para kay Renzi Queral na isang Medical Biology freshman, “Masaya [yung welcome walk]. It’s a new experience pa din and at the same time ‘yun nga may [feeling ng] pressure din pero yung pressure na yun, I look at it as a motivation na lang. May kasama din akong iba in this journey.” 

Kuha ni Ralph Estrella ng TomasinoWeb

Given na ‘yung mas magiging challenging siya pero on the brighter side, mas magiging fulfilling siya kasi mas nararanasan na namin yung totoong buhay,” aniya. 

Kay Kiara Gimao, na galing din sa College of Science, isang karangalan ang maging isang Tomasino. “Syempre po masaya tsaka honored, pero tsaka syempre pressured din kasi dala namin yung pangalan ng UST sa kahit anong gawin namin,” aniya. Maraming bagay ang pwedeng mangyari at maranasan sa kolehiyo at para sa kanya, gusto niyang tumutok sa mga gusto niya, “[Sana] mas ma-expose kami sa mga bagay na gusto talaga namin. Magiging specific siya unlike sa SHS na broad pa ‘yung lessons at syempre looking forward sa events.”

Pagkatapos ng Welcome Walk, nagtungo ang mga mga mag-aaral sa Quadricentennial Pavillion upang makinig at ipagdiwang ang banal na misang pinangunahan ni Rev. Fr. Herminio Dagohoy, O.P. Dala din ng bagong pagkakataon ang bagong mga hamon. Maari man itong humadlang sa ating mga pangarap, dapat nating tandaan na huwag tayong hihinto. 

Kuha ni Troy Jacob Quinan ng TomasinoWeb

My dear Thomasians, after this orientation week, you will return to this place again in 2024. You have started your journey today to QPav. It begins today,” ani Rev. Fr. Dagohoy. “When your journey becomes tough and you want to stop, don’t!” dagdag niya. 

Pray that God may speak to you in your dreams, in your vision, and even in your deep sleep. Is it possible? Yes, because you are God’s beloved children.” Tinapos ni Rev. Fr. Dagohoy ang homiliya ng pagbabati sa mga bagong Tomasino. “Welcome to the University of Santo Tomas, where champions in life are born.” 

Maligayang pagbati, bagong Tomasino! Dito nagsisimula ang isang bagong yugto at paglalakbay tungo sa magandang kinabukasan. Ipakita mo ang marka ng pagiging isang tigre at sinasalubong ka ng Unibersidad nang may pagmamahal at pagtanggap. 

Comments

Continue Reading

Features

Heist School, pelikulang likha ng Communication Arts alumni, kalahok sa Cinemalaya Short Feature 2019

Isang grupo ng Communication Arts alumni ang tatahak ng kategoryang Short Feature ngayong Cinemalaya 2019. Mga nagsipagtapos noong isang taon, ang Last Minute Films ay kalahok sa nasabing film festival dala ang kanilang pelikulang Heist School. 

Published

on

Photo from Last Minute Films.
Litrato mula sa Last Minute Films

Isang grupo ng Communication Arts alumni ang tatahak ng kategoryang Short Feature ngayong Cinemalaya 2019. Mga nagsipagtapos noong isang taon, ang Last Minute Films ay kalahok sa nasabing film festival dala ang kanilang pelikulang Heist School

Desperadong maipasa ang kanilang klase sa matematika upang makapagtapos, ang apat na bida ng Heist School ay ‘di-inaakalang magtitipon at magtutulungan upang makamit ang imposible. Higit na naimpluwensiyahan ng pagkakaibigan nina Julius Renomeron, Jr., ang direktor, at Johmar Damiles na co-writer, ang ideya ng isang heist film na salin sa lokal na konteksto ay matagal nang nabuo. Ang mga pelikula ng Oceans Eleven at ang indie film na Patintero: Ang Alamat ni Meng Patalo ang nagsilbing inspirasyon ng grupo. Nilikha ng Last Minute Films ang Heist School bilang isang simpleng istorya ng magkakaibigan. Minabuti nilang siyasatin ang impluwensya ng eskwelahan at kapaligiran sa pagbuo ng mabuting asal ng isang tao.

Nagsimula bilang isang grupo sa film class, ang Last Minute Films ay sumulong mula sa pagpupulong sa loob ng silid-paaralan patungo sa pakikipanayam sa CNN Philippines. Sa likod ng Last Minute Films ay siyam na tao: si Klaire Dulay, ang production manager; si John Paolo Barrameda, ang sound recordist, sound designer, editor at manunulat; sina Pauline Carlos at Zhino Koe, ang mga casting directors; si Ezren Caneda, ang location manager at production designer; si Johmar Damiles, ang director of photography, editor at manunulat; sina Alvin Jamora at Keanu Managuas, ang mga assistant directors; at si Julius Renomeron, Jr., ang direktor at isa sa mga editor at manunulat.

Ngayong sila ay nakapagtapos na ng kolehiyo, dito nagkaroon ng problema ang grupo—nahirapan sila sa pagpupulong matapos nilang lisanin ang kanlungan ng mga Tigre. Kahit na mayroon itong dalang pagsubok, ang mga natitirang miyembro ay handang gumawa ng ibang pelikula. Sa ngayon, pinag-iisipan ng grupo na mag-angkat ng bagong tao sa Last Minute Films, ibinahagi ng direktor na si Renomeron sa isang online interview kasama ng TomasinoWeb.

Mula nang kanilang mapanalunan ang Sine Reel X, isang kompetisyon ng pelikula sa pagitan ng mga magtatapos na mag-aaral ng Communication Arts, ang Heist School ay unti-unting nakilala sa loob ng Unibersidad ng Santo Tomas hanggang sila’y makilala sa film festivals ng ibang unibersidad. Ang Heist School ay lumahok sa One La Salle Film Festival noong Hulyo ng nakaraang taon kung saan ibinahagi nila ang pelikula sa mas maraming tao.

Inilarawan ni Renomeron ang karanasan bilang “humbling and pressure-filled” na mapaligiran ng kapwa mga direktor, mga manunulat at filmmakers mula sa iba’t-ibang unibersidad. Dito, sila’y nagbahagi ng kaniya-kaniyang karanasan sa produksiyon ng kanilang mga pelikula. 

[B]eing a filmmaker din siguro ay yung pag-build mo rin ng support system from your fellow filmmakers kasi in the end naman, kayo-kayo din ang magkikita sa industry,” dagdag ni Renomeron. Nais niyang magkaroon ang Unibersidad ng Santo Tomas ng ganitong uri ng kulturang pelikula dahil ito’y mas maliit kumpara sa ibang unibersidad.

Pagkatapos ng One La Salle Film Festival, ang Heist School ay nakilahok sa Indie Un-film Festival, at sa Maginhawa Film Festival noong huling Disyembre. Para sa ibang Tomasinong filmmakers, ibinahagi niyang huwag sumuko sa sariling mga pangarap, maging maunawain sa mga pagpuna at “it takes time to learn how to master a craft you want to pursue but it also takes patience to survive”.

Sa pamamahagi ng kanilang pelikula sa mga film festivals, malaking bagay ang pagkakaroon ng matinding suporta, paliwanag ng director of photography na si Johmar Damiles. Mula sa mga dating propesor tulad nina Sir Nico Hernandez at Sir Seymour Sanchez, mga kasamahan sa organisasyon tulad ng TomasinoWeb at Thomasian Film Society at lalo’t higit nang mula sa mga kaibigan at pamilya, ang kanilang tulong ay malaking bahagi ng kanilang pagpapatuloy. 

Pagkatapos ng Cinemalaya, nais ng Last Minute Films na isumite ang Heist School sa iba’t-ibang international film festivals kung kakayanin ng kanilang pondo. Nang tanungin ng TomasinoWeb kung may kasunod na kabanata ang Heist School, sagot nila’y ibig din nilang lumikha ng iba pang pelikulang hindi pa nila nakikitang ginagawa.  

As young filmmakers, the Cinemalaya experience has been overwhelming for us,” bahagi ni Johmar Damiles. “It gives me anxiety and at the same time, excitement as [a] Thomasian filmmaker.” Salaysay niya, ang pagiging kalahok ng Cinemalaya ay isa nang malaking pribilehiyo para sa isang grupong hindi ganoon kasanay sa paglikha ng pelikula. 

Opisyal na poster ng pelikula

Ang Heist School ay ipapalabas kasama ng ibang kalahok na pelikula sa ika-labinlimang iterasyon ng Cinemalaya Film Festival mula sa Agosto 2-13. Maaaring mapanood ang mga pelikula at short features hindi lamang sa Cultural Center of the Philippines, kundi pati rin sa mga piling Ayala Malls sa Luzon, Ayala Malls Legazpi, Capitol Central Bacolod, Abreeza Davao, Vista Cinemas Pampanga, Vista Cinemas Naga, at Vista Cinemas Iloilo.

Comments

Continue Reading

Features

A road he didn’t walk alone: the valedictorian who realized ‘we’ is better than ‘I’

Through others, he realized things about himself that he could never do so alone and because of this, he was able to grow and become much stronger, not just for himself, but for everyone else.

Published

on

Photo grabbed from John Rabena's Facebook account

In this time and age, it has always been ideal to be independent, to not rely on anyone but ourselves. The belief that people should be able to make it on their own had always left a gaping hole in one’s heart as the feeling of incompleteness settles in. Eventually, life becomes a search for meaning—a quest to look for something to piece everything together. 

People believed that being at the top meant being alone. Those who run ahead often leave others behind and continue down an empty path where success becomes their only fuel for motivation. It’s a lonely feeling but it doesn’t have to be that way. To celebrate with, to be with, and to love others is what this graduate from Philosophy mentioned in his speech.  

Having been given the award as valedictorian for Batch 2019, John Alfred Rabena shared with TomasinoWeb his thoughts, his experiences, and his realizations during his stay in the University.

He’s grateful for being the only one in the world, unique and gifted in his own way—but it doesn’t stop there. “Subalit, ang ‘ako’ ay hindi maaaring mapag-isa at makulong sa sarili, sapagkat kulang ang ‘ako’ kung wala ang ‘ikaw’,” he stated.

Rabena realized that he was not alone and this simple realization changed his views on life. Through others, he realized things about himself that he could never do so alone and because of this, he was able to grow and become much stronger, not just for himself, but for everyone else. “Kaya’t sa kabila ng sakit at pait na iniwan ng taong minahal natin o patuloy nating minamahal,” he explained, “masasabi nating mas nakikilala ang sarili sa pagbangon araw-araw at mas lalong tumatatag sa pagharap sa buhay.”

Rabena also took the chance to extend his gratitude to the people that gave him endless support right from the start, up until the very end of his Thomasian journey. To his family and his friends, who were always there for him through his ups and downs and the ones who never got tired of cheering him on and telling him that he will make it.

“To our teachers who went beyond the minimum in order to boost our willpower when we thought that the routine [seems] to be endless and obscure,” he continued, “To our librarians and staff who quietly and persistently work in order for us to receive the education that we deserve.” He also thanked the security guards who always put the safety of others as their priority instead of their own, a selfless and kind act that deserved to be recognized and appreciated.

Of course, hardships and problems are inevitable. Rabena admits to feeling like giving up and hopeless, just like everyone else but he gives out a reminder to just hold on and hold on tight, “kayang-kaya ko ito dahil may tayo.” He points out that as education increases academic knowledge, it should also help in nurturing talents so that the life lived will be inclined to one with purpose and meaning. To live a life with love and compassion is enough proof that what was learned inside the classroom could be manifested into actions. For knowledge and promises to be acts of kindness and service, it’s the highest form of success anyone could imagine. “These are the people who gave me the courage to say: KAYA KO ‘TO!”

“Because our education does not end in the cultivation of IQ or the feeding of inert ideas,” Rabena expounds, “We ought to live up to the mission of our University: to spread the light! LUMINA PANDIT.”

To stand up for what is right is what he believes in, even if it’s scary, even if no one else is doing it, do what is just. Life can be better understood if people would step out of the box that’s keeping them from realizing that knowledge is useless if it’s just words. The only time education has fulfilled its purpose is when what was learned turns into what should be done. “Only then can we say that our education has gone from the classroom to the real venture called “life”,” Rabena stated.

The world is a cruel place, but this doesn’t serve as an excuse for it to stay this way. While change is still possible, aim for it—aim for a world where everyone is safe and on equal grounds, where hate could no longer be defined. It’s not too late to fight for what is right, for what is the truth, all while being kind and compassionate. To feel scared is normal and understandable, but don’t let that fear take over—push through.

“Panalo ang Tomasino dahil siya’y may paninindigan sa katotohanan. Panalo ang Tomasino dahil siya’y nagmamahal,” Rabena continues, “Panalo ang pamilyang Tomasino, dahil ang bawat isa’y tumatatayo para sa “tayo.” Tomasino, tayo naman!”

Comments

Continue Reading

Trending