Connect with us

Features

A Different Side of the Head Cheerleader: Jimson Mirador and His YJ Adventures

FOR a cheerleader with a powerful voice that boosts the UST crowd’s drive during games and events, it is very unlikely to have a reserved and shy personality.

Published

on

     FOR a cheerleader with a powerful voice that boosts the UST crowd’s drive during games and events, it is very unlikely to have a reserved and shy personality.

     It may seem ironic that despite the nature of his craft, UST Yellow Jackets (YJ) head cheerleader Jimson Mirador is the type of person who values peace and quiet. A world of big mighty drums, vigorous cheers, and the noise of the huge crowd has been his home for several years now.

     “Sobrang ingay lagi, sobrang gulo, pag nakakaramdam ka ng tahimik talaga, sobrang relaxing,” said the cheerleader.

     Getting used to the whole crowd is one thing, while dealing with students asking for photo ops is another. Jimson is still not used to the latter. Though he admitted that he is grateful to the people who appreciate their organization. He still could not believe that he has come this far.

     Staying in the organization for five years now, the sound of the beats of the drums and the blare of the crowd became a staple element of his daily routine.

     But this was not what he had planned.

     Before college, Jimson had already started training for the track and field varsity of another university. Besides the fact that he was wait-listed in his course, he did not feel the warm welcome of the school. This made him decide to give up on sports and took exams in other universities instead.

     He got into UST and felt right at home with the way the University has accepted him. “Sa UST, pinaramdam nila sakin yung open-arm welcome dito sa school. So in return, gusto kong maparamdam sa lahat ng pumapasok dito sa UST na welcome kayo dito,” Jimson said.

     When he entered the University, his friend in the higher batch introduced him into the Yellow Jackets, the official pep squad of UST. Having been trained as part of the boosters in high school, he tried joining the organization.

     The desire to support other athletes was one of his reasons in joining the pep. “I want to make the athletes feel that they are supported, because that’s what we [athletes in high school] needed before,” he said.

‘Proper Welcoming’

     Jimson was eliminated from the organization in his first year. But he was determined and tried again, even if it meant being a trainee for two years. His passion and perseverance paid off as he was voted as head cheerleader in his first year as a senior member.

     What probably made him stay was the same reason he joined the organization. The “proper welcoming” that the YJ gives the students as they enter the University during the Freshmen Walk and the way they send off the graduates during the Baccalaureate Mass gives him a sense of fulfillment. “Parang ang sarap nung feeling na ganun. Part ka nung pagpasok ng estudyante dito, part ka din ng pag-exit nila.”

     Aside from from these events, YJ, as the official pep squad of the University, performs during half-time breaks in the UAAP tournament. The whole Thomasian crowd may feel hopeless in trailing games, but they never can and never will.

READ  PRESS RELEASE: Artistang Artlets presents 'DYIP (Dulang May Isang Yugto)'

     “We’re not allowed to watch the game actually,” he said. The members of the YJ are the last to turn their faces down because they do not monitor the score. But even if they realize that the Tigers are already losing, there’s no difference. “Di kami affected [sa] score ever. We’re there to boost the crowd and the morale of the Thomasians,” he said.

Knowing priorities

    Leading the University’s pep squad for three consecutive years is no joke, having to balance your time with academics and extracurricular, not to mention your personal life. There are some game schedules that overlap with class days. This gives the notion of athletes about being lazy in attending classes and meeting the requirements because inevitable to skip class for when there are games. But Jimson has drafted a strategy for this conflict.

     “If our team is capable for championship, I won’t waste my allowable absences for the whole season but I will save them for the final four or championship,” he said.

     Jimson, now in his fifth year in Information Systems, said that one should know his priorities. Their everyday training demands a lot of time and physical strength from them which affects some of their academic duties. What most of them do during their breaks in the practice is study in the least available time possible.

     Jimson admitted that there are no special treatments given to them in their respective colleges. If you miss the quiz, you missed it. But as they say, if there’s a will, there’s a way.

Experiences, Lessons, Legacy

     Being a member of the pep squad for basically his entire college life, Jimson had a bunch of memorable experiences – from his first half-time performance as a trainee to the joint half-time with La Salle pep squad during the past UAAP season.

     His most unforgettable experience is the half-time performance they had with the past Yellow Jackets presidents and head cheerleaders, from 1993. “It’s like you’re looking through history at your organization and you’re hearing the stories straight from them,” he said.

     The greatest thing he learned in his stay in the organization is the virtue of respect. He believes that respect ought to be given to everyone, regardless of one’s line of work or state in life. He treats his fellow brothers in YJ as his equals in spite of his position.

     Since this is his last year in the organization and in the University as well, Jimson is planning to execute a performance that has never been made in UST. A performance probably for the semi-finals of the UAAP Basketball tournament, or hopefully, for the finals. Thomasians must watch out for the coming major performances that will serve as his legacy as the head cheerleader of the UST Yellow Jackets.

     Jimson Mirador is definitely one proud YJ. And even when he leaves the walls of this University, he will never stop cheering and inspiring. He will live on upholding his Thomasian pride.

By Gherrylle Anne R. Ombina
Photo taken by Angelo Jhomer F. Fernandez

Comments

Features

Nang mauwi sa katotohanan ang biruan: Ang mga tagalikha ng ‘UST Minecraft’

Kolektibo ang pangungulila ng lahat at may kanya-kanyang pinanghahawakan na mga rason at emosyon kaya gagawa talaga ng paraan ang ibang tao upang punan ang pagkukulang na ito. Dahil rito ang naging resulta ng samahan nina Javin, Ayi, JD, Emil, Dimick, Charles, at iba pang mga kasapi sa kanilang grupo.

Published

on

Ana Victoria Ereño/TomasinoWeb

Suspendido ang mga klase at ang mga mahahalagang kaganapan sa loob ng Unibersidad ng Santo Tomas nang dahil sa pandemya na dulot ng COVID-19. Dahil dito, maraming mga mag-aaral ng Unibersidad ang nawalay at nananabik na masilayan muli ang gandang dala ng kampus. Kaya nang mag-trending sa Twitter ang “UST Minecraft”, parang nagkaroon pa muli ng paraan na bumalik sa UST ang mga Tomasino.

CHARLES NOBLEZA. Litrato galing sa koponan ng UST Minecraft

Habang naglalaro ng sandbox video game katulad ng Minecraft, ang estudyante ng ikalawang-taon ng BS Information Technology na si Charles Nobleza, nagbiro ito na itayo sa larong Minecraft ang kampus ng UST. Ayon kay Charles, nang mabalitaan niya ang anunsyo ng UST na hindi na matutuloy ang nakasanayang tradisyon na Thomasian Welcome Walk para sa mga mag aaral ng unang antas, naisipan niya na itayo ang kampus dito upang ihandog sa mga freshies at ibigay bilang parting gift para sa mga nagsipagtapos sa paaralan.

Nang dahil sa sumikat na tweet ni Charles, maraming mga Tomasino ang nakakita at gustong tumulong sa pagbuo ng paaralan sa larong Minecraft. Dito nagsimulang mabuo ang isang komunidad ng mga estudyanteng manlalaro na naging pamilya na ang turingan sa isa’t-isa sa kabila ng pandemya. 

JAVIN DALANGIN. Litrato galing sa kaniyang Facebook account

Isa sa mga miyembro nito ay ang estudyante ng ikalawang-taon ng BS Architecture na si Javin Dalangin. Ayon kay Javin, sumali siya dahil sa layunin na maayos ang sukat at proporsyon ng kampus lalo na mga gusali nito. Para naman kay Ayi Articona na estudyante ng ikalawang-taon ng BS Interior Design at isang UST Tigershark, gusto niyang tumulong upang maitayo ang swimming pool at ang mga disenyong panloob ng bawat gusali. Ang estudyante naman ng Senior High School na si Jan Vincent Elleazar ay sumali upang tulungan ang mga kapwa ‘builders’ at mag-asikaso ng mga gawaing papel.

JAN VINCENT ELLEAZAR. Litrato galing sa koponan ng UST Minecraft

Para naman sa estudyante ng ikalawang-taon ng AB History na si Emil Bautista, sumali siya upang itayo ang gusali ng St. Raymund of Peñafort at ang panloob na disenyo na ito dahil walang taga-AB o taga-Commerce ang magsisimula nito. Sabi naman ng estudyante ng ika-unang-taon ng BS Civil Engineering na si John Dale Pelante, ang kaniyang tungkulin ay ang pagtatanim ng mga puno at pagtayo ng mga gusali sa loob ng kampus at ng mga condominium sa España at Dapitan. Si Charles naman ay ang nagtayo ng Arch of the Centuries, ang estatwa ni Miguel de Benavides, Plaza Mayor, at mga gawaing papel. Ang mga nagsipagtapos naman sa Junior High School ay ang mga tumulong upang itayo ang gusali ng UST Junior High School.

AYI ARTICONA. Litrato galing sa koponan ng UST Minecraft

May iba’t-ibang bitbit na motibasyon ang mga manlalaro upang ipagpatuloy ang kanilang nasimulang proyekto. Para kila Emil at Ayi, isa na rito ang kainipan at pangungulila sa Unibersidad nang dahil sa lockdown at kanselasyon ng mga klase. Tulad ng nasimulan niya sa kaniyang dating paaralan, nagdesisyon si Javin na itayo rin ang UST sa Minecraft. Sa paglalaro naman ng Minecraft nahanap ni JD ang buo at positibong komunidad na nagbigay sa kaniya ng motibasyon para magpatuloy pa. At para kay Charles, ang kanselasyon naman ng Welcome Walk at pagbibigay ng “parting gift” ang nagsilbing motibasyon niya.

Natanong din sa kanila kung anong mga bagay ang nagustuhan nila sa paggawa ng kampus ng Unibersidad at lahat sila ay sumang-ayon sa pangungulila nila sa kanilang mga alaala dito. Habang ginagawa ang ibang mga gusali sa UST, naaalala nila Ayi at JD ang mga kainan na nakapalibot at samut-saring puno na para bang nandoon talaga sila kahit nasa likod lang naman sila ng monitor. Nabanggit din ng iba na ang samahan nilang lahat, kasama ang iba pang mga tumulong, ang pinakanagustuhan nila dahil kahit hindi sila magkakakilala, buo at masinsinan ang kanilang pagkakaisa. Aniya ni Charles, maraming oportunidad ang nabuksan at isa na rito ang pagiging malikhain—walang quarantine ang makakapaghinto at makakabuwag ng samahan ng mga Tomasino.

Bagaman, kahit sama-sama nilang binubuo ang UST Minecraft, may mga suliranin din silang hinarap. Sa salaysay ng kanilang grupo, noong mga unang araw pa lang na nasimulan ang server, saka lang nasali si Javin at kanyang itinama ang sukat ng mga gusali at kalsada ng buong Unibersidad. Naging abala ito sa ibang mga kasama sa grupo dahil may nasimulan na sila ngunit naintindihan din nila ang punto ni Javin na kung nais talaga nilang maitulad sa realidad ang kanilang mga likha, dapat may sinusunod silang sistema para maging eksakto lahat. Nasabi rin ni JD na may pagkakataon pang nawala at ‘di maibalik ang nabuong gusali ng Buenaventura G. Paredes, O.P (BGPOP) kaya’t kinailangan nilang ulitin ito. Bukod pa rito, naging mahirap ang paggawa sa ibang mga gusali tulad ng St. Raymund de Peñafort, UST Hospital, at St. Martin de Porres dahil sa kakulangan ng mga tauhan at ang mga itinalagang tao ay walang kaalam-alam kung ano ang itsura ng mga silid sa loob dahil kulang sa sanggunian upang magaya ang mga ito. Nasama rin sa kanilang mga gawain na ituon ang kanilang pansin sa paglalakad ng mga papeles at dokumento upang kilalanin sila ng adminstrasyon ng UST upang madaan ito sa legal at tamang proseso.

MINER. Litrato galing kay Charles Nobleza

Sa huli, nang matapos na nila ang karamihan sa mga istruktura ng Unibersidad, hindi nila inaasahang magtamo ng mga umaapaw na atensyon galing sa madla. Kahit may kasamang panlalait at panghuhusga galing sa ibang mga tao o pangkat na ikinakalat daw ng kanilang grupo na isinusulong nila ang pagpapatupad ng online classes. Mariing na itinanggi ng grupo na hindi iyon ang kanilang pakay at gusto lamang nila ibahagi sa mga Tomasino na pare-pareho lang naman tayong nangungulila sa paghanga ng paaralan.

Lubos silang nagpapasalamat sa suporta ng lahat at pinapahalagahan nila ito kaya’t patuloy nilang inaayos at mapabuti ang paglikha ng server. Nang mag-viral ang tweet niya, inaasahan na niyang may mga ‘di sasang-ayon sa kaniyang ideya pero nangingibabaw pa rin ang kagalakan ni Charles na masaksihan at malaro ng mga Tomasino ang UST Minecraft na kanya pang inilarawan bilang “new era of gaming community”.

Litrato galing sa opisyal na Twitter account ng UST Minecraft

Payo ng grupo sa mga balak sumali na bigyan ng pansin ang mga detalye ng mga istrukturang makikita nila at mas lalo pa itong makakapukaw ng reaksyon sa maraming manlalaro dahil maari nilang magamit at masuot ang iba’t-ibang uniporme na kanilang nailikha para sa bawat kolehiyo.

Kolektibo ang pangungulila ng lahat at may kanya-kanyang pinanghahawakan na mga rason at emosyon kaya gagawa talaga ng paraan ang ibang tao upang punan ang pagkukulang na ito. Dahil rito ang naging resulta ng samahan nina Javin, Ayi, JD, Emil, Dimick, Charles, at iba pang mga kasapi sa kanilang grupo. Kahit sinong mag-aaral ang tatanungin kung ano ang kanilang hinahanap-hanap ngayong quarantine, sari-sari ang kanilang mga sagot pero iisa lamang ang sagot ng Tomasino—babalik-balikan pa rin nila ang UST dahil sa mga alaalang nabuo nila rito.

Comments

Continue Reading

Features

Pagbati sa gitna ng pandemiya

Noong nakaraang taon, kasiyahan ang bumalot sa paligid galing sa mga estudyanteng pumasok sa Arch of the Centuries. Samut-saring palamuti at bandera ang iwinagayway para ipakilala ang kanilang mga fakultad at kolehiyo. Ito ang isa sa mga inaabangan ng mga presman kaya naman may pakiramdam ng lungkot ang batch para sa taong ito dahil hindi ito naganap.

Published

on

Carmina Beatriz Dizon/TomasinoWeb

Bagama’t ang mundo ay napatigil sa pagdating ng isang pandemya, tuloy na tuloy pa rin ang pagkasabik sa pagpasok ng mga bagong Tomasino sa Unibersidad ng Santo Tomas. Tradisyon na sa Unibersidad ang magkaroon ng Freshmen Week kung saan maraming kaganapan ang nagaganap tulad ng Roarientation, Welcome Walk, at mga sari-saring pasabog ng mga kapwa Tomasino para sa pagsalubong sa mga bagong tigre.

WELCOME WALK 2020. Ralph Rainell Estrella/TomasinoWeb

Noong nakaraang taon, kasiyahan ang bumalot sa paligid galing sa mga estudyanteng pumasok sa Arch of the Centuries. Samut-saring palamuti at bandera ang iwinagayway para ipakilala ang kanilang mga fakultad at kolehiyo. Ito ang isa sa mga inaabangan ng mga presman kaya naman may pakiramdam ng lungkot ang batch para sa taong ito dahil hindi ito naganap.

Isa sa mga estudyanteng ito ay si Ana Patricia Victoria ng College of Rehabilitation Sciences, para sa kanya, ang Roarientation at Welcome Walk ang nakakatuwang parte sa pagiging Tomasino. “I just love how exciting both of those are! Tsaka it’s when you get to meet tons of Thomasians, yun talaga ‘yung points na masasabi ko na, “Thomasian na talaga ako.’ Ika nga niya, “It seals the deal.” 

Nang maitanong naman siya kung ano ang pakiramdam na maging Tomasino, naibahagi niya na magkahalo ang kanyang nararamdaman, “I feel overwhelmed, happy and a little anxious,” aniya hindi pa rin siya makapaniwala na siya’y Tomasino na ngunit hindi pa masyadong ramdam dahil sa pandemya, “Hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagsi-sink in, and ang hirap din maramdaman ngayon yung “Thomasian Spirit” kasi I’ve never really seen the whole UST in person.” 

QUATTROMONDIAL MONUMENT. Lpuse Lampa/TomasinoWeb

Para naman kay Maxine Mercado ng College of Science, inaasahan niya din ang pagpasok sa arch subalit naudlot ito dahil sa pagkansela ng klase, Before the pandemic happened, I was highly looking forward to the traditional Welcome Walk that freshies had every beginning of the academic year.” naalala niya ang mga kwento ng kanyang mga kaibigan na nag-aral sa unibersidad at ang mga naibahagi nila sa kanya ang nagpukaw ng kanyang interes kaya mas lalo niyang inabangan ito. Naibahagi din niya na UST ang kanyang dream school kaya naman para sa kanya ay mapalad siyang nakapasok dito,“ I even remember getting incredibly anxious when I was about to see my USTET results back then and completely freaking out when I found out that I got in.” dagdag niya, “It’s thrilling to think that I’m finally a part of the black and gold student population.

Si Chalssea Echegoyen naman ng College of Education ay matagal nang ninais na makasama sa Freshmen Welcome Walk, ika nga para sa kanya, “Entering the Arch of the Centuries symbolizes the start of my Thomasian journey.” Kaya naman kaabang-abang din ang pagtawid sa arko dahil ito ay ang isa sa mga tradisyon na hinding-hindi dapat makalimutan. 

Noong ika-13 ng Agosto nagsimula ang klase ngunit hindi pa posible ang pagsasagawa ng face to face classes kaya naman napagpasyahan ng UST ang mag-online classes na muna. Ngunit kahit ganito ang sitwasyon, ramdam na ni Art Dominic Padua Brual na galing sa Faculty of Arts and Letters ang pagmamahal ng mga Tomasino, “Everyone’s so supportive of each other, even when it’s just online.” Dagdag din niya na inaabangan niya ang darating na orientation, “Right now I’m actually excited for the orientation as apparently we’re gonna see the campus virtually via Minecraft.” 

UNIVERSITY EXPO 2019. Jacqueline Martinez/TomasinoWeb

Para naman kay Franzyne Fernando ng Faculty of Arts and Letters, nang maitanong siya kung ano ang paborito niya tungkol sa Unibersidad, ang sagot niya ay ang bait ng mga Tomasino, “So far, my favorite thing about UST is the kindness of students! I can tell that the students who studied here went through a lot, and they developed a deep connection with one another.” aniya, kahit maikling panahon pa lang ang pagsasama nila, mayroon nang nabubuong unity at walang diskriminasyon sa mga bagong mukha sa klase, “They have so much compassion and kindness to the new students of their community.” Ganito rin ang sentimyento ni Ana Victoria nang maitanong din sa kanya ang kwesyon, “Currently, my favorite thing [about UST-online], is yung mga blockmates ko, who I have not met personally pero parang ‘yung feel niya is that kilala ko na sila for so many years.” at para naman kay Art Brual, ang kultura ng UST ang kaniyang paborito, “My god! I haven’t met so many people [that] I can vibe with immediately!” 

Sa loob ng ilang buwan ay nagbago na ang kapaligiran at naging mahirap makisabay sa mabilisang pagbabago. Nang maitanong sa mga freshies kung paano ang pagaasikaso nila sa kanilang pag-aaral ngayon at kolehiyo na sila, ang sagot ni Chalssea Echegoyen ay time-management, I manage my time wisely and organize my tasks. I set a goal in each day to accomplish and reward myself after that by watching my favorite dramas to relieve my stress.

Mas sineseryoso naman ni Maxine Mercado ngayon ang kanyang pag-aaral at mas pinagtutuunan ng pansin ang pakikinig sa klase at pagkatuto, “I am handling my academics way more seriously than how I did back in senior high school because college is going to be tougher than high school,” dagdag niya, “And with the pandemic added to the situation, it’s important to keep in mind that I always have to make a real effort in learning as much as I can.” sinisigurado din niya na sapat ang kanyang kagamitan upang makapokus sa mga online classes

Para naman kay Franzyne Fernando, “Honestly, it’s really difficult–but it is the same for everyone else.” dagdag din niya na nahihirapan siya pagdating sa kanyang internet connection, “The difficulty for me is handling the fear that my internet might be gone all of a sudden.” 

Still in the verge of trying to figure things out.” naman ang sagot ni Ana Victoria lalo na’t dumbole ang hamon ng pag-aaral para sa kanya ngayon at lahat ay nasa online na. Aniya, kailangan doble din ang pagsisikap dahil sobrang bago ng kanilang kaligiran at nakakasalamuha, “You really have to make an effort to communicate with people you haven’t met in order to survive.” Wala naman masyadong problema para kay Art Brual dahil simula Enero pa siyang natututo online

ALAB 2019. Veronica Besario/TomasinoWeb

Nasa unang taon pa lamang sila ng kanilang lakbay sa kolehiyo kaya naman marami-rami din silang inaasahan sa mga susunod na araw at buwan, katulad ng mas lalong makilala ang sarili, makatagpo ng iba’t-ibang hamon, at makipagkaibigan ang para kay Ana, “I am looking forward to all the challenges that could help me know more about myself.” 

Mas maraming karanasan at koneksyon sa mga iba’t-ibang tao naman para kay Maxine, gusto niya ding mas matuto pa lalo sa kanyang mga propesor at tahakin ang kolehiyo na independent, dagdag niya din na kung sakaling bumalik na ang mundo sa normal, mas marami siyang oras na maiigulin sa unibersidad na tiyak na magpapaalis sa kanya sa kanyang comfort zone

Inaasahan naman ni Chalssea na makagawa ng maraming ala-ala—masaya man o hindi kasama ang mga taong makikilala niya sa unibersidad, aniya, sabik na din siyang pagbutihin ang kanyang akademiko, gusto niya na ding makatapak sa kampus pagkatapos ng pandemya, “I am also excited to improve and grow by success and failures in my academics.” 

Vince Imperio/TomasinoWeb

Kay Art Brual naman, ang transisyon galing sa pagiging tinedyer papunta sa pagiging matanda ang kanyang inaasahan, dahil para sa kanya, mas nagiging mature ang mga tao kapag humantong na ng kolehiyo, aniya, “College presents you the troubles of adult life: uncertain schedules and surprise expenses.” 

Kakaibang mga bagay ang maaring maranasan sa kolehiyo at ang mga karanasang ito ang maghuhulma sa ating pagkatao. Kaya naman para kay Franzyne Fernando, growth ang inaasahan niya sa kanyang lakbay, “I look forward to a lot of growth now that I’m in college. With the different experiences that happened in my life, I hope that it gives me a positive growth in life.”

Kahit na nasa gitna tayo ng ganitong sitwasyon, buhay pa rin ang pag-asa na babalik din ang lahat sa normal at bilang mga bagong salta sa kolehiyo, sila Ana, Maxine, Chalssea, Art, at Franzyne, kasama ng mga libo-libong bagong tigre ngayon, ay marami pang oras para maranasan ang pagiging Tomasino, na nakaupo sa silid-aralan, sa kani-kanilang fakultad at kolehiyo—sa loob mismo ng apat na sulok ng UST.

Comments

Continue Reading

Features

Pag-ahon sa paglubog: Kuwento ng tagumpay ng mga Tomasinong arkitekto

Nagkamit ng pang-ikatlong puwesto sa Design for Living na pinamunuan ng Institute for Advanced Architecture for Catalonia (IAAC) sa Barcelona, España ang magkakaibigan na sina Aramis Corullo, Paula Casia, Althea Poblete, Angelo Landicho, at Gellaine Burgos.

Published

on

Litrato galing sa opisyal na pahina sa Facebook ng Unibersidad

Ngayon na ang lahat ng oras ay nasa kanilang mga kamay matapos idepensa ang kanilang tesis, ang mga nagtapos mula sa Kolehiyo ng Arkitektura ay lumahok sa isang internasyonal na kumpetisyon upang hasain pa ang kanilang mga kasanayan at ibangon ang nakalubog na kaharian ng Binoangan.

Nagkamit ng pang-ikatlong puwesto sa Design for Living na pinamunuan ng Institute for Advanced Architecture for Catalonia (IAAC) sa Barcelona, España ang magkakaibigan na sina Aramis Corullo, Paula Casia, Althea Poblete, Angelo Landicho, at Gellaine Burgos. Walang bakas ng ekspektasyon, ang kanilang pagkapanalo sa internasyonal na kumpetisyon ay nag-iwan sa kanila ng mahahalagang karunungan na kanilang ibinahagi sa isang panayam online sa TomasinoWeb

Ang simula

Nang makita ni Corullo ang post tungkol sa nasabing kumpetisyon noong Mayo, nakatuon pa ang kanilang atensyon sa tesis. Kaya nang matapos na nila ito, inanyayahan niya ang kaniyang mga kaibigan at agad sumali ang mga ito upang maging mas produktibo sila sa kanilang mga tahanan sa kabila ng pandemya. Ani ni Poblete, wala siyang pag-aalinlangan na sunggabin ang inilahad sa kanila na pagkakataon. Mas nasasabik naman makatrabaho ni Burgos ang kaniyang mga kaibigan sa isang proyekto kaysa sa mismong kumpetisyon. Bagamat hindi alam ni Landicho kung ano ang kaniyang aasahan sa pagsali sa isang internasyonal na kumpetisyon, mausisa siya sa kung anong mangyayari. Para naman kay Casia na sanay sa pagsali sa mga kumpetisyon, mas masasanay pa siya sa paggamit ng mga software para sa arkitektura na hindi naaaral sa paaralan. 

Sa pakikilahok

Unang pakikilahok ‘man nila ito sa isang internasyonal na kumpetisyon o hindi, kinakabahan, nasasabik, at walang inaasahan ang grupo sa mga maaaring mangyari. Kung dati ay mas inuuna nila ang mga gawain sa paaralan at plates, ngayon ay marami na silang oras at walang ibang iniisip. Kung kaya’t hindi na sila nag-alala pa dahil sila ay magkakaibigan, may tiwala sa isa’t-isa, at parang ginagawa lang ang kanilang libangan. “We just want to do a good output kasi it’s an international competition. Kahit na we do well in school, a big fish in a small pond doesn’t make a big fish in a big pond,” ibinahagi ni Casia. 

Litrato galing sa opisyal na pahina sa Facebook ng Unibersidad

Nang sinimulan na nila ang kanilang proyekto, hindi ito isang biglaan na may ideya na agad kundi ilang ulit na rebisyon bago nakapag-desisyon. Inilahad ni Poblete na inisip muna nila ang problema na gusto nilang bigyan ng solusyon at ito ay ang basura. Binigyan nila ito pokus at kung paano ito magiging kapaki-pakinabang. Dagdag ni Corullo, “Kailangan medyo unique ang idea. What if mag-isip ng problema sa Pilipinas at i-convert ang problema na ‘yon bilang solusyon? Waste problem sa Pilipinas, problem sa basura, basura ang gawing solusyon.” Sunod ay ang paghahanap nila ng site o lokasyon na kung saan magiging akma ang disenyo at mapapahalagahan ng komunidad. Inabot ang grupo ng dalawang linggo bago maisip ang tamang proyekto at lokasyon. 

Dagdag pa ng grupo, kaya ang pinaniniwalaang dating kolonyal na kaharian ng Binoangan sa Obando, Bulacan ang kanilang napiling lokasyon ay dahil sa mayaman nitong kasaysayan. Dahil ang mga basura ay napupunta lamang sa mga coastal area, ang lugar ng Binoangan ay lubhang apektado. Ani ni Casia, ito ay unti-unting lumulubog sa tubig at kasabay nito ay ang pagkawala sa isipan ng mga tao ang importansya nito. Upang maibalik at mailigtas ang lugar ng Binoangan, binigyan nila ng mga solusyong arkitektural gamit ang kanilang disenyo.

Hindi inaasahang pagkapanalo

READ  Tropical Storm 'Mario' drowns areas in Luzon, halts school and business activities

Ani ni Corullo, nakatanggap siya ng e-mail na nagsasabing kwalipikado sila bilang mga finalist sa kumpetisyon kasama ang kaniyang mga kaibigan. Para sa kanila, wala na silang iba pang hinahangad dahil umabot na sila sa finals. Ngunit nang malaman nila na nasungkit pala nila ang ikatlong puwesto, sobrang pagkasaya ang kanilang naramdaman dahil ito rin ay nagbukas sa kanila ng maraming oportunidad.

Ngunit sa kabila ng kanilang matamis at hindi inaasahang pagkapanalo, hindi mawawala ang kwento ng hamon at suliranin lalo na ngayong panahon na may kinakaharap tayo na pandemya. Para kay Burgos, ang pagtatrabaho online at ang pagsasagawa ng mga online meeting ang kaniyang naging suliranin. Personal na balakit naman ang kay Landicho at Corullo dahil may mga ibang bagay pa silang ginagawa bukod sa kanilang proyekto. Ngayon na sila ay nasa kanilang mga bahay, mas madali raw sana kung sila ay magkakasama o face-to-face upang madaling mahati at matapos ang mga gawain.

Litrato galing sa opisyal na pahina sa Facebook ng Unibersidad

May kaniya-kaniyang motibasyon ang grupo upang magpatuloy sa kanilang ginawa. Ani ni Poblete, ang pagrepresenta rin nila sa bansa ang naging motibasyon nila sa pagsali sa kompetisyon. Sila ang magkakaibigan na gusto lamang may gawin habang naka-quarantine upang masulit ang panahong ito, mapabuti ang kanilang portfolio, magsama sama, at maranasan muli ang kanilang mga nakagawian dati. Sa pamamagitan ng pagsali, paraan ito upang makalimutan nila ang mga nangyayari sa paligid nila kahit sandali. 

Bahagi ng magkakaibigan bilang payo sa mga gustong sumali rin sa mga paligsahan, “go for it!” Ang paglabas mo sa iyong bubble at pagsali sa kompetisyon ay isang paraan upang mas matuto pa. Para sa kanila, ang mga karanasan, ang mga aralin, at paghasa ng iyong mga kasanayan ay ang mas mahalaga kaysa sa pag-iisip ng pagkatalo; hindi kasiguraduhan, at hindi paniniwala sa sarili. Dagdag pa nila, ito ay hindi mo matututunan sa paaralan at iibahin ang iyong pananaw sa ibang mga bagay. 

Sa panahon ng pandemya, ang oras ay nasa ating mga kamay. Marami tayong mga aktibidad na maaring gawin at para sa magkakaibigan na sila Corullo, Casia, Landicho, Burgos, at Poblete, ito ay ang sumali sa isang internasyonal na kumpetisyon. Bilang mga nagtapos sa kurso na arkitektura, hamon sa kanila ang paghasa sa kanilang mga kasanayan at gumawa ng disenyo na may layunin. Tulad nga ng kanilang proyekto sa pagbalik ng lugar ng Binoangan, mula sa pagkakalubog ay darating din ang panahon ng ating pag-ahon at pagbangon.

Comments

Continue Reading

Trending