Connect with us

Opinion

#TalkOnTW: Ang huling SONA ng PNoy

MULING ibinida ni Pangulong Benigno Simeon Cojuanco Aquino III ang mga naging tagumpay ng kanyang administrasyon sa kanyang pinakahuling State of the Nation Address (SONA).

Published

on

MULING ibinida ni Pangulong Benigno Simeon Cojuanco Aquino III ang mga naging tagumpay ng kanyang administrasyon sa kanyang pinakahuling State of the Nation Address (SONA).

Sa pagbabalik-tanaw ni Aquino sa nakaraang limang taon niya bilang Pangulo, kanya ding inalala ang pagre-resign ng dating Ombudsman Mercedita Gutierrez habang nahaharap sa isang impeachment complaint, at ang pagkaka-impeach sa dating Chief Justice Renato Corona. Ani niya, ito daw ay dahil sa kanyang platapormang “tuwid na daan.”

Ipinagmalaki niya ang mga proyektong katulad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, Public Private Partnerships, mga bagong gawang imprastraktura, pagmomodernisa ng kapulisan at ng militar, K to 12 program, at flood control.

Kanya ding ipinagmalaki ang mga batas na naipasa sa ilalim ng kanyang administrasyon, gaya ng Philippine Competition Law, Sin Tax Reform Law, at ang kontrobersiyal na Responsible Parenthood and Reproductive Health Act.

Ibinilin niya sa Kongreso na agarang ipasa ang Fiscal Incentives Rationalization Act, ang Unified Uniformed Personnel Pension Reform Bill, ang Proposed 2016 General Appropriations Act, o ang national buget para sa susunod na taon, ang Bangsamoro Basic Law, at ang Anti-Dynasty Law.

Kapansin-pansin na hindi nabanggit ng Pangulo ang Freedom of Information Act (FOI) na kabilang sa kanyang plataporma. Hindi niya rin nabanggit ang 44 na Special Action Force (SAF) troopers na namatay sa engkwentro sa pagtugis nila sa mga teroristang sina Zulkifi bin Hir alias Marwan at Basit Usman, sa kabila ng pagmamalaki ni Aquino na na-“neutralize” ang dalawa sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Tila’y pinasaringan din ni Aquino ang Unibersidad sa pagtutol nito sa isang proyekto kung saan gagawing catch basin ng baha ang ilalim ng UST Field, na isang National Cultural Treasure.

Ano kaya ang masasabi ng mga Tomasino tungkol sa huling SONA ni Aquino?

Kuha ni Patrick Palencia

Comments

Opinion

The Philippine National Anthem of Silence

Tito Sotto is now about to strum the final note of our farewell to freedom, and we are all happily singing along. The country is singing the prelude to its silence but many seem to forget that this is not some karaoke that every drunk uncles enjoy, this is our homeland—our freedom—and sadly, we still remain on the sidelines.

Published

on

Ever since we started our education, we are taught to take Lupang Hinirang deep into our hearts, even if we cannot fully comprehend its message when we were just 6 years old.

Now that I am 19 and have finally understood the hymn of the Filipinos, I’m terrified—for the freedom we sing proudly of is slowly slipping away from our grasp.

On the morning of 18th of June, my Twitter feed was peppered by the disgusted reactions of my peers because Senate President Tito Sotto has sent a letter to the Philippine Daily Inquirer where he “requests” the publication to take down Tito Sotto denies whitewashing of Pepsi Paloma rape case, The rape of Pepsi Paloma, and Was Pepsi Paloma murdered?

“I believe there was malicious imputation of a crime against me….These kinds of unverified articles have been negatively affecting my reputation for the longest time,” Sotto said.  

The articles in-question allegedly point to Sotto as the one who whitewashed the crime committed by the three comedy giants, Vic Sotto, Joey De Leon, and Richie D Horsie. Yet even after the publication of the articles, he remained docile.

Everything changed when Tito Sotto claimed his post last 21st of May. Only a week after his appointment, he sent the controversial letter to Inquirer.

It seems that more power comes with more privilege; and responsibility is quickly erased from the equation.

“You mean if I say that the people who are maligning me were paid to do so, that is freedom of the press? No. Original fake news,” Sotto said, instigating that he did not trample on the freedom of the media and that he filed the amendment of Republic Act No. 53 in support of the journalists.

However, why, in his long tenure in serving as a legislator, did he still let the propagators of “fake news” roam around the grand Malacañang halls? Why didn’t the incumbent Senate President ask Communications Assistant Secretary Margaux “Mocha” Uson to take down her post slandering the minor students of St. Scholastica who rallied against Marcos Burial? Why isn’t he condemning Presidential Speaker Harry Roque for invalidating the spread of fake news as mere “marketplace of ideas?” There’s already a list of fake news sites in the Philippines released by the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines in case he wants to check.

Disinformation and abuse of power combined is the favorite song the government likes to sing, and they are forcing the Filipinos to join its chorus. With the President conducting the melody with its frequent tirades against the media, wherein he demonizes the essence of the press—to inform the people—he and his blind followers are about to lead us back into the darkness, into oppression.

You may ask, how come a person like Sotto, who can’t even write his own speech and know the title of his country’s own national anthem, can force us into silence?

Because it is us who gave them the power. We are the ones who put them in that seat. And we need to stop putting the blame on the system because we are also to blame for we are part of the system, we propagated this injustice to plague our ailing country down to its core.

Tito Sotto is now about to strum the final note of our farewell to freedom, and we are all happily singing along. The country is singing the prelude to its silence but many seem to forget that this is not some karaoke that every drunk uncles enjoy, this is our homeland—our freedom—and sadly, we still remain on the sidelines.

Our ancestors spilt blood so we can sing Lupang Hinirang in liberty. Select your next song wisely.

Comments

Continue Reading

Opinion

Ang kabataan ay lalaban

Ito ang panahon upang basagin ang takot, maghimagsik at kumilos, sapagkat ang magbalikwas ay makatarungan sa harap ng isang berdugo at pasista tulad ni Duterte.

Published

on

Malinaw sa atin ngayon na pinaninindigan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagiging pasista.

Makapal man ang piring ng kanyang mga sunud-sunuran sa kanyang walang-awang pamamaslang at patuloy na pagpapahirap sa mga maralita, magsasaka at mga katutubo, gayundin sa kanyang panunupil sa mga kritiko at mga mamamahayag, ang kabataan ay hindi mananahimik.

Ngayong araw, daan-daang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang mga paaralan at pamantasan ang muling magmamartsa at magtitipun-tipon sa Mendiola upang ipakita ang kanilang pagtuligsa sa pasista at berdugong si Duterte. Nakasisiguro ako na ang kanyang mga kampon sa social media ay muli na namang babatikusin ang mga lalahok sa pagkilos na mag-aral na lamang sa halip na magprotesta sa mga lansangan.

Kung maari ko po lamang ipaalala sa mga nakatatanda, hindi na bago ang pagkilos ng mga mag-aaral at kabataan sa loob man o labas ng bansa—nasa tradisyon na ng mga Pilipinong mag-aaral at kabataan na tumindig laban sa mga manlulupig, mula kina José Rizal, Andrés Bonifacio at iba pang mga bayani ng himagsikan, hanggang sa mga mag-aaral na nangahas na lumaban sa diktadurang Marcos noong Sigwa ng Unang Kwarto at maging ang apat na araw na pagkilos sa EDSA na nagpabagsak kay Marcos na siyang gugunitain natin ngayong Linggo.

Handa ang kabataang Pilipino, kasama ng malawak na hanay ng masa, na lumaban at magbuwis ng buhay para sa kalayaan at makatarungang pagbabago. Ipinapakita lamang nito na, sa kabila ng lahat ng mga natututunan ng mga kabataan sa loob ng kanilang mga silid-aralan, hindi sila nagpapakulong sa intelektwal na tore ng akademiya at bagkus ay handa silang tumugon sa lipunan gamit ang kanilang mga natutunan.

Subalit, sa panahong ito, matindi ang hamon sa kabataan, lalo na sa harap ng laganap na indibidwalismo at pagkakanya-kanya, na magmulat, mag-organisa at magpakilos.

Napakadaling magbulag-bulagan, magbingi-bingihan, at patuloy na manahimik; napakadali ring magkunwari na may nagagawa ang pag-“like” at “share” sa social media na baguhin ang mga konretong suliranin ng lipunang Pilipino. Bagamat dapat nating gamitin ang social media upang ipahayag ang ating pagtuligsa sa pamahalaan, wala itong saysay at magiging mga simpleng salita lamang kung hindi ito tatapatan ng konreto at kolektibong pagkilos—isang pagkilos na nagpapakita ng pakikiisa ng kabataan sa pakikibaka ng malawak na hanay ng masang api na wala sa burgis na espasyo ng social media.

Sa panahong tumitindi na ang mga pasistang pag-atake ng pamahalaan sa mga aktibista, mga kritiko, at sa mismong sandigan ng demokrasya sa Pilipinas, ito ang oras upang kumawala sa tanikala ng ating pananahimik. Ito ang panahon upang magsalita. Ito ang panahon upang basagin ang takot, maghimagsik at kumilos, sapagkat ang magbalikwas ay makatarungan sa harap ng isang berdugo at pasista tulad ni Duterte.

Ito ang panahon upang muling magtungo sa lansangan, kung saan ang kabataang naglilingkod sa sambayanan ay titindig at lalaban.

Comments

Continue Reading

Opinion

TRAIN: A new wave of war against the poor

The Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law will gravely hurt the poor, and the administration was aware of it from the beginning.

Published

on

We are, once again, being strangled by the despots that lead the very country that they promised to secure and we are doomed enough to witness.

With the new tax reform law at hand, the lives of the Filipinos, especially the citizens in the middle class and the poor sectors, are terribly at stake as they will be asked to make further sacrifices and pay more taxes to fund a grandiose program of the government.

As we celebrated the new year, the Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law, or Republic Act No. 10963, left its station and started moving on the rails—a big leap after living in the shadows and remnants of the outdated National Internal Revenue Code (NIRC) for 20 years.

A major component of the new law, and rather drastic change from NIRC, is reducing the personal income taxes of the citizens: An individual with a taxable income of 250,000 pesos or less is, from now on, exempted from income tax and those with a taxable income of above 250,000 pesos would be subject to the tax rate of 20 to 35 percent effective this year, and 15 to 35 percent effective on 2023.

Additionally, it abridges the estate tax, the donor’s tax and the Value Added Tax. But, in turn, it imposes higher excise taxes on automobiles, cigarettes, manufactured oils (petroleum products) and mineral products; on passive incomes, including interest income from dollar and other foreign currency deposits; and on documents (Documentary Stamp Taxes).

To top it all off, the new law also introduces new taxes levied on sweetened beverages, non-essential services (invasive cosmetic procedures), and Philippine Charity Sweepstakes Office winnings.

In short, while TRAIN cuts some taxes, it also increases the taxes on various products—particularly on basic commodities.

Will the new income taxes even matter, particularly to the poor who are mostly minimum wage earners to begin with, now that people have to pay a higher price on the commodities and the necessities of daily living?

It is with great insult that I find the administration has taken us for indolent fools allergic to heavy text and numbers.

It is, however, with much joy do I indulge myself into, knowing how careless and the real fool the current administration is in embarrassingly trying to cloak itself as “for the poor.” Among others, take the jeepney drivers for example: After slapping and exhausting them with plans of jeepney modernization, the government, again, mercilessly hits the drivers with a great hike in diesel.

If the dogs of President Duterte—and even he, himself—continue denying the obvious, they should do a better job at hiding the evidence.

Furthermore, TRAIN embodies the demise of employment in the country—an increase in fuel is basically the bearer of inflation and one who tips the first domino in line. In fact, several employers of companies are now at unease, noting that they have not included the sudden shift in their plans and marketing strategies. Prices of goods, even those untouched by the excise tax, have also been soaring since the implementation of TRAIN.

The new law has practically campaigned the crucial and decades-old problem of the country: Poverty. With all the unjust hikes, we might as well witness more people starving in the streets, and the police, with guns on their hands, taking “care” of them.

TRAIN will gravely hurt the poor, and the administration was aware of it from the beginning. So, the Department of Social Welfare and Development provides a program that will transfer 200 pesos per poor family per month for this year, and stokes to 300 pesos in 2019 and 2020.

But are these enough to aid each poor family that constitutes the majority of the country? More so, how sure are we that these politicians will not exploit the transfers, like what they are doing with the workers now, given that they cannot even present a detailed budget plan with TRAIN’s revenues and when they cannot even solve their own case of chronic corruption, especially in the Bureau of Customs?

As much as TRAIN will likely yield a positive look for the country, the ambitious program it supports still remains a big if, a question mark. Are we really willing to let the people suffer and receive the burden of hopes plastered on a project that is even uncertain to succeed?

This is no less than the administration’s campaign against drugs. The people, mainly the poor, are not funding the “Build, Build, Build” program with money but with blood.

Comments

Continue Reading

Trending