Connect with us

Sports

Golden Tigresses halt losing streak, clobber Lady Maroons

Published

on

Photo by Audrey Janelle Fontilla/TomasinoWeb

The University of Santo Tomas Golden Tigresses ended their five-game losing skid versus the University of the Philippines Lady Maroons, 19-25, 30-28, 25-20, 25-16, in the UAAP Season 80 women’s volleyball tournament at the Filoil Flying V Arena in San Juan Saturday.

Down by two points in the latter part of the second frame, 21-23, UST climbed back to lead, 24-23, to inch closer into winning the set.

The two teams battled back and forth until UST finally won, 30-28, to even the score at one set apiece.

It was a defensive play by UST with blocks from Milena Alessandrini that gave them the lead early in the third set, 4-1.

The Tigresses lead by eight points, 15-7, midway through the set before UP exploded with seven straight points to close the gap, 15-14, but UST flipped the switch to finish the set strong, 25-20.

The España-based squad leaned on their balance effort in the fourth set and sealed the match, 25-16.

“Individually and as a group malaking bagay yung panalo na ‘to, masyado na kaming nabugbog eh. Ang importante is hindi talaga kami susuko,” UST head coach Kung Fu Reyes stated.

Coach Kung Fu highlighted the play of his reserve player, Mia Dizon, for her stellar play inside the court.

“Siya [Dizon] yung nagbigay ng additional reinforcement sa amin, di man siya umaatake nang ganon kalakas, di naman siya nagtatapon at malaking tulong siya sa depensa,” Reyes mentioned.

Star player Cherry Ann Rondina said that she huddled the team before the match to talk about what needs to be done to gain a win and halt their losing skid.

“Sabi ko sa kanila huwag niyong pasikatin ‘yung Sisi [Rondina] lang. Gusto ko ‘yung pangalan ng school natin and walang isang tao [lang] na magtratrabaho,” Rondina uttered.

The Tigresses’ next game will be against the National University Lady Bulldogs on Sunday, Mar. 25, at the same venue.

Comments

Sports

UST angat sa 6–0 nang magwagi laban San Beda, isang panalo na lang para pasok sa semifinals

Pinanatiling malinis ng UST ang kanilang rekord sa panlalaking kategorya ng Premier Volleyball League (PVL) Season 2 Collegiate Conference matapos magwagi laban sa San Beda University, Miyerkules ng gabi, sa San Juan Arena.

Published

on

ust men's volleyball team
Kuha ni Bea Besario/TomasinoWeb.

Pinanatiling malinis ng UST ang kanilang rekord sa panlalaking kategorya ng Premier Volleyball League (PVL) Season 2 Collegiate Conference matapos magwagi laban sa San Beda University, 26-24, 25-20, 25-22, Miyerkules ng gabi, sa San Juan Arena.

Umangat ang UST sa 6-0 habang nagtala naman ang San Beda ng 2-4 na rekord.

Pinamunuan nina Manuel Medina at Tyrone Carodan ang UST nang magtapos sila na may pinaghalong 29 puntos.

“Lagi ko lang sila nireremind sa goal namin which is mastery. Kasi ‘yung preparation namin is mastery pa lang ng skills talaga and then ang aim ko talaga is mabigyan ko ng exposure ‘yung mga bago,” saad ni Odjie Mamon, ang pangunahing mentor ng UST.

“Kaya lang at the rate we’re going mas nagfofocus ako, nagpalit ako ng strategy na magfocus sa starter. Ang hirap kasi na kapag UAAP na doon ka pa lang maghahanap ng tamang combination so as early as now gino-groom ko na ‘yung, pito na ‘yun,” dagdag ni Mamon.

Nagtala si Jeffey Losa ng 16 puntos para sa San Beda, pagtapos limitahin ng UST ang pangunahing hitter ng Red Lions na si Jomaru Amagan sa tatlong puntos lamang.

Isang panalo na lamang laban sa Unibersidad ng Pilipinas sa Agosto 19 ang kailangang makamit ng UST upang unang makapasok sa semifinals. Larriza Joy Carmelotes

Comments

Continue Reading

Sports

UST pasok na sa semi-finals

Napanatiling malinis ng UST Tigresses ang kanilang walang-talong kartada sa Premier Volleyball League Women’s Division Collegiate Conference matapos nilang talunin ang Benilde sa loob ng tatlong sets, 26-24, 29-27, 25-17 , Sabado ng hapon, sa Filioil Flying V Arena San Juan.

Published

on

Kuha ni Bianca Redondo/TomasinoWeb.

Napanatiling malinis ng UST Tigresses ang kanilang walang-talong kartada sa Premier Volleyball League Women’s Division Collegiate Conference matapos nilang talunin ang Benilde sa loob ng tatlong sets, 26-24, 29-27, 25-17 , Sabado ng hapon, sa Filioil Flying V Arena San Juan.

Pasok na sa Semi-Finals ang koponan ng UST matapos ang panalong ito.

Nanguna sina Milena Alessandrini at Jamie Jimenez na parehong nagtala ng 13 puntos kung saan 12 puntos doon ay mula sa kanilang attacks.

“Para kami yung panahon ngayon. Gloomy, umuulan, kaya pinipilit naming binubuhay. Sabi ko nga, ang laki ng lamang natin, bakit parang tayo yung naghahabol? At least na overcome namin yung first two sets. Sabi ko nga sa kanila, mag enjoy sila, i- celebrate nila bawat puntos nila, yung mga kasama nila, i- cheer nila. Nagising naman kahit papano nung third set,” saad ng kanilang assistant coach na si Ian Fernandez.

Si Ejiya Laure naman ay nagtala ng 11 puntos kung saan ang dalawa doon ay galing sa kanyang service aces.

Sa kuponan naman ng Benilde, nanguna si Marites Pablo na nagtala ng 14 puntos mula sa kanyang 12 attacks.

Muling susubukan ng UST maipanalo ang kanilang susunod na laro sa ika-15 ng Agosto, ika-apat ng hapon sa parehong lugar.

Comments

Continue Reading

Sports

UST nanaig kontra Adamson

Ipinagpatuloy ng UST Tiger Spikers ang kanilang winning streak nang magwagi laban sa Adamson University sa loob ng tatlong sets, 25-22, 26-24, 25-22, sa Premier Volleyball League Men’s Division Collegiate Conference, Sabado ng umaga, sa Filoil Flying V Arena San Juan.

Published

on

ust tiger spiker in game
Kuha ni Bianca Redondo/TomasinoWeb.

Ipinagpatuloy ng UST Tiger Spikers ang kanilang winning streak nang magwagi laban sa Adamson University sa loob ng tatlong sets, 25-22, 26-24, 25-22, sa Premier Volleyball League Men’s Division Collegiate Conference, Sabado ng umaga, sa Filoil Flying V Arena San Juan.

Muling pinangunahan ni Joshua Umandal ang Tiger Spikers na nagtala ng 23 puntos mula sa kanyang 19 attacks at tatlong service aces.

Nakapagtala rin si Manuel Medina ng 10 puntos mula sa kanyang 9 attacks.

“It’s under control, I just let them play. Hinayaan ko silang dumiskarte, minimal intervention lang ang sa akin. Naging aggresive din kami sa service namin ngayon,” saad ng punong-mentor ng UST na si Odjie Mamon.

Bukod tanging si Paolo Pablico lamang mula Adamson ang nakapagtala ng dalawang-numerong puntos, 11, na nagmula lahat sa kanyang attacks.

Nanatiling malinis ang record ng UST Tiger Spikers na ngayon ay 5-0 na.

Susubukan ng UST kunin ang kanilang pang-anim na panalo sa Miyerkules, ika- 15 ng Agosto, muli sa Filoil Arena.

Comments

Continue Reading

Trending