Pagkatapos ang dalawang araw ng katahimikan, naglabas na ng pahayag ang UST head coach na si Aldin Ayo para sagutin ang mga katanungan tungkol sa biglaang pag-tanggal sa dating team captain na si CJ Cansino, at ang hinihinalang “training bubble” ng kanyang koponan sa Sorsogon.
Sa pahayag na nilabas nito noong Linggo ng gabi, isinaad ni Ayo ang pagkakaiba ng pananaw sa buhay, at na lumabas ang mga pagkakaibang ito ngayong panahon ng pandemya.
“The circumstances of life today have brought out the marked differences between my orientation in life and the fundamental option of our player CJ Cansino,” sabi ni Ayo sa kanyang pahayag.
“We have found that it would be best that we part ways and allow maximum growth for each other. We wish him the Best of Providence in his new endeavor with a different team. We express our gratitude for the years and effort he poured so generously for UST,” idinagdag nito.
Tinanggal umano ang homegrown product ng Unibersidad dahil sa pagsasalita para sa mga manlalarong gusto nang umuwi sa kanilang pamilya galing sa “training bubble” at ito ay nakatakdang maglaro para sa UP Fighting Maroons sa UAAP Season 84 sapagkat base sa mga batas ng UAAP, kailangan ni Cansino tuparin ang kanyang one-year residency.
Pag-dating naman sa isyu ng “training bubble” sa Sorsogon, pinili na lang manahimik ng UST head coach umano dahil sa imbestigasyon ng Unibersidad at ng Inter-Agency Task Force (IATF).
“Regarding the alleged “bubble training” in Sorsogon, I will not comment for now as UST is already investigating the matter as well as the IATF. I am fully cooperating with the on-going investigations and praying that in due time, this will be properly addressed,” sabi ni Ayo.
Sa isang pahayag na nilabas nito noong Linggo ng umaga, kinumpirma ng Unibersidad na sila mismo ay naglunsad na ng sariling imbestigasyon ukol sa isyu.
“Today, we heard news about the alleged breach of quarantine by the UST Men’s Basketball Team in Sorsogon. Accordingly, we created a committee to investigate and inquire into the matter,” isinaad ng Unibersidad sa kanilang pahayag.
Unang pumasok si Aldin Ayo noong 2018, kung saan siya ang napili para ibalik ang UST Growling Tigers sa pagka-panalo. Isang taon pagkatapos ang kanyang pag-pasok, nadala niya ang mga ito sa Finals ng UAAP Season 82, kung saan nakaharap nila ang Ateneo Blue Eagles.
Bago ito pumasok sa UST, dalawang beses nang nanalo ng kampeonato si Ayo bilang head coach, isa sa NCAA noong 2015 para sa kanyang alma mater na Letran, at noong 2016 naman para sa De La Salle Green Archers sa UAAP, isang karibal na koponan ng Growling Tigers.
Comments