Connect with us

News

UST slumps in May 2018 chemical eng’g boards

Published

on

The University posted a lower passing rate in the May 2018 licensure examination for chemical engineers.

UST registered a 20.69-percent passing rate, wherein only six out of 29 Thomasians passed. Last year, the University garnered a passing rate of 58.82 percent, with 20 out of 34 Thomasian passers.

However, no Thomasians made it to the roster of topnotchers.

Peter Matthew Paul Toribio Fowler of Mapua Institute of Technology-Manila led the new batch of chemical engineers with a score of 83 percent. Meanwhile, De La Salle University-Manila remained as the top performing school, recording a 96.55-percent passing rate.

According to the Professional Regulation Commission, 296 out of 636 examinees nationwide passed the board exam.

Comments

News

UST, nanguna sa OT board, pumangalawa sa PT board

Nanguna ang Unibersidad sa occupational therapist (OT) board examination at pumangalawa sa licensure exam para sa mga physical therapist (PT) nitong nagdaang Agosto.

Published

on

Kuha ni Abbie Vinluan/TomasinoWeb.

Nanguna ang Unibersidad sa occupational therapist (OT) board examination at pumangalawa sa licensure exam para sa mga physical therapist (PT) nitong nagdaang Agosto.

Nagtala ng 97.18-porsiyentong passing rate ang UST sa OT board, kung saan 69 sa 71 na Tomasino na kumuha nito ang nakapasa.

Mas mataas ito sa 94.37-porsiyentong passing rate na nakuha noong nakaraang taon.

Sampung Tomasino ang nakapasok sa listahan ng mga nakakuha ng matataas na marka sa pagsusulit.

Pinangunahan ni Coleen Reyes Perez ang mga bagong Tomasinong occupational therapist pagkatapos makuha ang ikatlong puwesto. Nakakamit siya ng 83.20-porsiyentong passing rate.

Ika-apat sina Maria Daniella Custodio at Christine Anne Factoriza Habulan na nakakuha ng markang 83 porsiyento.

Nasa ika-anim na puwesto si Phoebe Kay Co Chan na nagkamit ng markang 82.40 na porsiyento.

Ikapito naman sila Marie Antoinette Jimenez, Dominique Danielle Ong at Aaron Jan Versoza na nakakuha ng 82.20 porsiyento.

Ikawalo si Kassandra Claude Carrascal na nakapagtala ng 82 na porsiyento.

Nasa ikasiyam na puwesto si Alyanna Kate Santamaria na nakakuha ng markang 81.80 porsiyento.

Pangsampu naman si Andree Alexis Nebrada na nakakuha ng 81.60 porsiyento.

Samantala, nagtala ng 94.23-porsiyentong passing rate ang UST sa PT board exam.

Kapansin-pansing mas mababa ito sa marka ng Unibersidad noong isang taon na 98.97-porsiyentong passing rate.

98 sa 104 na Tomasinong kumuha ng pagsusulit ang nakapasa sa naturang pagsusulit.

Ayon sa Professional Regulation Commission, 209 sa 307 ang nakapasa sa OT board exam at 931 naman sa PT licensure exam na 1,379 ang kumuha ng pagsusulit. R. Alvaro

Comments

Continue Reading

Breaking News

Viray, tanggal sa UST matapos ang panibagong reklamo

Opisyal nang tinanggal sa listahan ng mga mag-aaral ng Unibersidad si Kyle Viray, dating estudyante ng Kolehiyo ng Agham, kasunod ang pagsampa ng reklamo ng isa pang biktima laban sa kaniya.

Published

on

gil morales
Kuha ni Jester Ramos/TomasinoWeb (kaliwa), larawan mula sa Twitter ni Gil Morales (kanan).

MULA SA PATNUGOT: Sa kahilingan ng biktima, hindi ilalabas ng TomasinoWeb ang ilang sensitibong detalye ng kaso.

Opisyal nang tinanggal sa listahan ng mga mag-aaral ng Unibersidad si Kyle Viray, dating estudyante ng Kolehiyo ng Agham, kasunod ang pagsampa ng reklamo ng isa pang biktima laban sa kaniya.

Napatunayan muli na nilabag ni Viray ang Student Code of Conduct and Discipline ng UST sa panibagong kaso na inihain ni Gil Nicole Morales na nagtapos ng Accountancy sa Unibersidad nitong Hulyo.

Sa resolusyon ng Student Welfare and Development Board ng UST Office for Student Affairs (OSA) noong ika-7 ng Agosto na nakuha ng TomasinoWeb, nakasaad na hindi na rin maaaring magmatrikula si Viray sa kahit anong kurso sa Unibersidad.

Bukod dito, hindi mabibigyan ng Certificate of Good Moral Character si Viray.

NAGBABAGA: Ayon sa isang resolusyong nilagdaan noong ika-7 ng Agosto, hindi na kasama si Kyle Viray ng College of…

TomasinoWebさんの投稿 2018年8月13日月曜日

Sa eksklusibong panayam ng TomasinoWeb kay Morales, sinabi niya na lubos siyang nagagalak dahil sa pagkatanggal ni Viray sa UST.

“I feel relieved already because the proper sanction was already given and I hope that we can all learn from this and be aware that domestic abuse is not a joke, it can damage one’s self-esteem. I just hope nobody will have to experience this again,” ani Morales.

“I feel really happy [na] because it took me a lot of time and courage to speak out but it was all worth it,” dagdag niya.

Ayon sa resolusyon, ilang beses nagkaroon ng away sa pagitan nina Morales at Viray mula Agosto hanggang Setyembre noong nakaraang taon, kung saan mayroong mga pagkakataong sinasaktan at tila pinapahiya ni Viray si Morales.

Sa counter-affidavit ni Viray na nakasulat sa resolusyon, kaniyang itinanggi ang mga alegasyon ni Morales laban sa kaniya. Si Morales, aniya, ang lumapit sa kaniya sa kabila ng kaniyang pagtanggi dahil siya ay may kasintahan pa noong mga araw na iyon.

Kaniya ring sinabi sa kaniyang counter-affidavit, ayon sa resolusyon, na ang pagsampa ni Morales ng reklamo ay dahil lamang sa kagustuhan niyang makisali sa mga kontrobersya laban sa kaniya.

Binigyang-diin din sa resolusyon ng OSA na nagkaroon ng relasyon sina Morales at Viray dahil sa isinumiteng Move-In Clearance ni Morales sa kabila ng pagtatanggi ni Viray sa kaniyang counter-affidavit.

Binanggit pa na binigyan ng kaluwagan si Viray sa naunang reklamong isinampa ni Diane Arcena laban sa kaniya dahil magtatapos na mag-aaral sa Unibersidad si Viray sa kaniyang kurso.

Nauna na nagsampa ng parehong reklamo laban kay Viray ang kaniyang dating kaklase at naging-kasintahan na si Arcena.

Hinatulan ng 250 na oras sa community service at pagtanggal sa solemn investiture rites si Viray pagkatapos unang mapatunayang nilabag niya ang Student Code sa isinampang kaso ni Arcena.

Noong Hulyo 15, inihayag ni Morales sa Twitter ang “pag-abuso” ni Viray sa kaniya.

Gabi bago ang paglathala ni Morales sa Twitter, ibinunyag ni Arcena ang “pang-aabuso” ni Viray.

BASAHIN: Biology student ‘physically, emotionally abused’

Ang kasong isinampa ni Morales laban kay Viray ay hinawakan ng OSA dahil magkaiba ng kinabibilangang kolehiyo ng dalawa. John Aaron Pangilinan, may mga ulat mula kay Angelika Ortega

 

Comments

Continue Reading

News

Unang araw ng klase, sinalubong ng protesta

Sinalubong ang unang araw ng klase ng isang kilos-protestang pinangunahan ng mga progresibong grupo ng ibang mga Tomasino sa harap ng Gate 11 ng Unibersidad, Huwebes, ika-9 ng Agosto.

Published

on

protesta
Kuha ni Alexa Taay/TomasinoWeb.

Sinalubong ang unang araw ng klase ng isang kilos-protestang pinangunahan ng mga progresibong grupo ng ibang mga Tomasino sa harap ng Gate 11 ng Unibersidad, Huwebes, ika-9 ng Agosto.

Ayon sa pahayag ni Dindo Roxas ng grupong League of Filipino Students-UST, isinagawa ang nasabing protesta upang ipanawagan na tuloy-tuloy pa rin ang pagkilos ng mga Tomasino.

“Tuloy-tuloy yung paglaban nila dahil hindi naman nawawalan ng problema. Nawalan man ng klase pero hindi nawawala yung problemang dala ng estado,” ani Roxas sa isang panayam sa TomasinoWeb.

Binigyang-diin din niya ang “demokratikong karapatan” ng mga estudyante, kung saan kaniyang tinukoy ang isyu sa enrollment conforme at “academic freedom.”

“Yung pagkilos ngayong unang araw ay pagrerehistro siya na lumalaban ang mga Tomasino,” aniya.

Gayunpaman, “malugod na tinanggap” ng mga grupo ang balitang bukas ang rektor ng Unibersidad na si Fr. Herminio Dagohoy, O.P. sa pagsusuri ng Student Code of Conduct and Discipline ng Unibersidad.

Umani ng batikos sa internet ang enrollment conforme ng Unibersidad na naglalaman ng mga probisyon ng Student Code of Conduct and Discipline pagkatapos inilagay sa MyUSTe student portal ng mga estudyante.

Ang pagkilos na ito ay ‘di umano pawang sapilitang pagpapasang-ayon ng UST sa mga estudyante sa nasabing enrollment conforme.

Comments

Continue Reading

Trending