Connect with us

News

Thomasians join broad mobilization, people’s SONA

Thomasians joined the thousands of Filipinos who marched along Commonwealth to condemn the Duterte administration’s policies and to show the true ‘state of the nation.’

Published

on

As President Rodrigo Duterte delivered his fourth State of the Nation Address (SONA) yesterday, July 22, Thomasians joined the thousands of Filipinos who marched along Commonwealth to condemn the Duterte administration’s policies and to show the true ‘state of the nation.’

Before joining the protest along Commonwealth, various progressive groups in the University held a mobilization in front of UST Gate 2.

Among the calls are in condemnation of the recent forced closure of 55 Lumad schools, de facto Martial Law, the revival of the mandatory ROTC in senior high school, UST’s tuition fee increase, and issues concerning the national sovereignty.

Struggles of the Youth

Angelic Villanueva, a Thomasian student-activist, said that she joined this year’s SONA protest to show her support for the youth sector, as well as the whole Filipino people who suffered from the three-year rule of the Duterte “regime”.

She said that the youth plays a big role and they should join those kinds of events to show support for their fellow Filipinos.

“Siyempre sobrang important—lalo na yung pinakagasgas nang sinasabi, pero alam naman nating totoo—na kabataan is sila yung pag-asa ng bayan,” Villanueva shared to TomasinoWeb.

Kumbaga, sa atin nakadepende kung paano nga ba natin gugustuhin ‘yung magiging buhay natin sa [hinaharap]. Kaya sobrang importante na makilahok tayo sa ganitong klaseng activities para ipakita yung pagsuporta natin sa kapwa natin,” she added.

She also expects the same content from President Duterte in this year’s SONA like promises not to be fulfilled and misogynistic jokes. 

“Puno na naman siya ng mga pangako niya na hindi naman natutupad. […] Asahan na rin natin na meron na namang mga misoginistang biro, mga biro na hindi naman [dapat] ginagawang biro,” she said.

Villanueva also said that the past three years of his rule has been filled with promises not fulfilled and the country’s situation worsened.

“Ang nangyari naman sa tatlong tao na pamumuno niya sa’tin ay lalo lang lumalala yung paghihirap natin. So ayun, puro mga bogus na pangako puro ganun,” said Villanueva.

For Villanueva, there is no progress in the country as the “progress” done by the government are only used to silence the people and suppress their anger.

“Wala kasi akong makita eh. Kumbaga kung meron man silang binibigay na progress ‘yun ay para pansamantalang patahimikin yung mga mamamayan. […] Ginagawa nila ‘yung mga ganun para pansamantalang pawiin ‘yung galit ng mga mamamayan,” she added.

SONA on the streets

Despite the heavy rain, an estimated 40,000 protesters in front of St. Peter Parish – Shrine of Leaders along Commonwealth Avenue staged this year’s United People’s SONA to show their situation.

The crowd of protesters was comprised of different groups and sectors like farmers, fisherfolks, workers, religious groups and indigenous groups from different parts of the country.

A short program in front of the Commission on Human Rights at the University of the Philippines – Diliman was held before they marched to St. Peter Parish.

Before the program, a “Mass for Truth” was held inside the church concelebrated by Novaliches Bishop Antonio Tobias, Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo and retired Caloocan Bishop Deogracias Iniguez, and was joined by religious and other individuals who all joined the protest later on. 

Senator Risa Hontiveros gave a short speech after the mass saying that she does not know what to expect in this year’s SONA since, for the past three years, it has always been filled with cursing, threats of violence, and harassment.

During the program, different individuals addressed the crowd regarding the country’s current ills and problems.

Labor leader and 2019 Senatorial Candidate Leody “Ka Leody” de Guzman said that the current administration does not support workers.

“Binubusabos ng gobyernong ito ang ating mga manggagawa. […] Ang gobyerno ni Duterte, mga kasama, ay pagpapatuloy lamang ng malupit na gobyerno,” Ka Leody told the crowd of protesters.

He reiterated that the current government is for capitalists, for the trapos, and not for the Filipinos, as contractualization law is the last spike of the government in oppressing workers.

“Nagbabago lang ang pamamaraan, si Duterte ay marahas,” he added.

Meanwhile, Bayan Muna chair Neri Colmenares also addressed the crowd, reiterating the government’s weak stand in the issue on the West Philippine Sea.

“Tayo ang nanalo pero tayo ang astang talo,” said Colmenares.

He also urged the people to stand for the country and their rights.

State of different sectors under Duterte

Fernando Licap, a fisherfolk leader also shared the same sentiments and expressed his frustration on the administration’s weak stance towards China. 

“Sukdulan ang pagiging kontra-mamamayan ni Duterte. Lantaran ang pagpapakatuta ni Duterte sa Tsina,” said Licap.

Licap further said that the administration continuously defends China after Filipino fishermen’s boat collided with a Chinese vessel and despite the destruction of the West Philippine Sea.

“Binabaliwala, hindi kinilala ni Duterte ang United Nations Tribunal na [kumikilala sa] karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea,” he added. 

Different indigenous groups from different provinces also joined the SONA protest.

Nenita Condez, a Lumad leader from the Zamboanga Peninsula also expressed her disappointment and anger on the current administration as their communities are continuously being threatened by military and investors. 

“Sa tatlong taon po ni Duterte, sa una po ay pinaasa niya ang mga katutubo na tutulong talaga. Tapos pagdating nung anim na buwan ba ‘yun, lumabas na ‘yung totoong kulay ni Duterte,” Condez shared with TomasinoWeb in an interview.

She said that their lives under the Duterte administration has been difficult since they frequently experience displacement from their native lands, their schools are forced to close, and many of them became victims of trumped-up charges.

Condez shared that her father and 17-year-old brother were only the few of the many victims of trumped-up charges in the area. His father was charged for murder while his younger brother, who was shot last February, was charged with rape, arson, and robbery right after being hospitalized.

“Grabe ang atake ng militar sa aming komunidad. ‘Yun ‘yung mga example niya sa aming kominidad, laging nagbo-bombing, tapos interogasyon, kahit saan po sa mga komunindad sa Mindanao,” she asserted. 

She also expressed her strong stance for their native lands, which for them is their true home and their life where they can truly practice their culture.

“Yung lupa namin, lupang ninuno [namin], ito yung kinikilala naming buhay, ito yung ospital [namin], ito yung merkado [namin]. Kahit wala kaming pera, mabu[buhay] kami,” said Condez.

Duterte’s State of the Nation

In his longest SONA which lasted for two hours, President Duterte still highlighted the “terrible” drug problem in the country as well as crime and corruption in some government agencies. 

He also asked the Congress to pass the proposed reinstatement of the death penalty and showed his support for the passage of mandatory ROTC and the second package of the Tax Reform for Acceleration and Inclusion program.

The President also boasted of the rehabilitation of Boracay Island as he allowed it to “heal naturally,” and promised to give the forest behind the island to the natives of the place, and the passage of the Bangsamoro Organic Law.

His plans for the Manila Bay rehabilitation and the Build-Build-Build Program were also discussed, as well as the tempered actions of the government in the dispute with China on the West Philippine Sea due to the “times and realities that we face today,” as he said.   John Aaron Pangilinan

Comments

News

Zero Parking Policy, hindi kailangang ipatupad—MTPB chief

Hindi kailangang maghigpit ng pamahalaan sa parking kung hindi naman sila sagabal sa kalsada, ayon sa Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB). 

Published

on

Hindi kailangang maghigpit ng pamahalaan sa parking kung hindi naman sila sagabal sa kalsada at nakadadaloy pa rin ang mga motorista, lalo na ang mga ambulansya na papunta sa kanilang mga ospital, ayon sa Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB). 

“Kung maayos naman po ang daloy ng trapiko, hindi kailangan ng MTPB maghigpit o mag-implement ng Zero Parking Policy,” ani MTPB chief Dennis Viaje.

Ito ay matapos ipadala ng Manila Public Information Office (MPIO) ang mga litrato at impormasyon na inilathala ng TomasinoWeb sa MTPB, kung saan makikitang nagmistulang garahe ang bangketa ng Asturias Street sa Dapitan sa dami ng nakaparadang sasakyan.

Dagdag pa niya, “Kapag po inubos ang parking sa Asturias, lalahatin na dapat ang mga nasa paligid ng UST. Baka nga lang po magkaroon ng problema ang karamihan kung saan paparada.”

Gayunpaman, mananatiling mahigpit ang mga MTPB enforcers sa mga main road ng Maynila tulad na lang ng España Boulevard.

“Kung hinihiling po ng UST na linisin ang mga naka-park sa lugar ay maaari naman po. Ang problema, sila naman po ang tatamaan dahil walang paparadahan ang kanilang mga empleyado o kaya mag-aaral kung meron man silang sasakyan,” ayon sa pahayag ng MPIO sa isang panayam kasama ang TomasinoWeb.

“’Yung mga naka-park po kaninang umaga (Sabado, ika-17 ng Agosto), ang karamihan po doon ay naghahatid o nagsusundo ng mga estudyante,” dagdag ng opisina.

‘Isyu ng kalinisan, hindi lang obstruction’

Hindi lang isyu ng obstruction ang dahilan kung bakit pinaalis ang mga sidewalk vendor, kundi isyu rin ito ng kalinisan, ayon sa mga otoridad.

“Tungkol naman sa mga vendor, nagkaroon ng clearing operations hindi lang para magtanggal tayo ng obstruction kundi dahil karamihan po sa kanila ay nag-iiwan ng mga basura o kalat sa kalsada,” ayon sa lokal na Department of Public Services.

Dagdag pa ng DPS, sa pahayag ng MPIO sa TomasinoWeb, regular ang implementasyon ng cleaning at mopping operations sa lungsod mula nang magsimula ang bagong administrasyon.

Naibalik na rin ang regular na koleksyon ng basura sa loob at labas ng Unibersidad, ayon kay DPS chief Kenneth Amurao.

Comments

Continue Reading

News

UST vendors, napilitang magsara matapos ang clearing operations

Tuluyan nang tumigil ang operasyon ng mga food stall sa bangketa ng Asturias Street, Dapitan simula ngayong araw, ika-17 ng Agosto, matapos mapilitang magsara ang mga sidewalk vendors kasunod ng clearing operations kahapon.

Published

on

Kuha ni Natasha Claudia Bautista

Tuluyan nang tumigil ang operasyon ng mga food stall sa bangketa ng Asturias Street, Dapitan simula ngayong araw, ika-17 ng Agosto, matapos mapilitang magsara ang mga sidewalk vendors kasunod ng clearing operations kahapon.

Kahapon ay isinagawa ang “Operation Zero Obstruction” ng Barangay 471 ng Zone 46, Sampaloc, Manila alinsunod sa direktiba ng lokal na Department of Engineering and Public Works (DEPW) ng lungsod ng Maynila.

Ayon sa notice ng DEPW na ipinamigay ng lokal na barangay sa clearing operations kahapon, “illegal construction/encroachment on the street or sidewalk” at “illegal construction of stalls on the sidewalks” ang batayan ng pagpapaalis.

Ayon naman kay Brgy. Kagawad Evelyn Rodriguez sa isang ekslusibong panayam kasama ang TomasinoWeb, pinaalis din daw ang mga manininda para bigyang-daan ang flag ceremony na gaganapin sa Lunes, ika-19 ng Agosto.

“Ngayon, wala na [sila], especially on Monday […] 7:30 [ng umaga] darating ang Station 4,” aniya.

 

‘Dapat pagbigyan din kami’

Humiling si Boy Daos, 61 taong gulang at humigit-kumulang 30 taon nang sidewalk vendor sa Asturias Street, Dapitan, na pagbigyan naman daw sana sila ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila.

Aniya, “Dapat pagbigyan din kami eh, dahil d’yan namin kinukuha lahat ng pangangailangan namin sa ikinabubuhay namin d’yan namin kinukuha, kasi wala naman kaming [ibang] hanapbuhay kundi ‘yan lang eh.”

Dagdag pa niya, “kung bibigyan pa kami ng pagkakataon na magtinda ulit ni [Mayor] Isko [Moreno], pwede. Pero ‘pag totally na zero [obstruction], wala na kaming magagawa.”

Karamihan sa mga tinda nila ay mga tusok-tusok at iba pang street food na kinalakhan na ng mga Tomasino.

Kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang mga manininda sa lokal na barangay.

 

Bantang suspensyon vs pabayang LCEs

Kamakailan lang ay ipinatupad ng Department of Local and Interior Government (DILG) ang nationwide road clearing operations alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-apat na SONA.

Ayon sa Memorandum Circular 2019-121 na ibinaba ng DILG noong ika-29 ng July ngayong taon, ang direktiba ay “[to] reclaim public roads which are being used for private ends” na nagbabawal sa mga pago-okupa ng mga sidewalk vendor ng mga bangketa upang magtinda.

Ipinagbabawal din ang pagpaparada ng mga pribadong sasakyan sa mga pampublikong kalsada.

Nakasaad rin dito na sa loob ng 60 na araw o dalawang buwan ay kailangang may makamit na resulta, kung hindi ay masususpende ang mga pabayang local chief executives (LCE) ng mga local government unit sa buong bansa.

“As DILG Secretary Eduardo M. Año said, this should be a nationwide undertaking,” ani DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya sa isang report na inilathala ng Philippine Information Agency.

“So, yung instruction to DILG to recommend the suspension of negligent mayors also applies to those in the provinces,” dagdag pa niya.

Comments

Continue Reading

News

Kilos-Protesta, sumalubong sa pagbabalik ng klase sa Unibersidad

Nagsagawa ng kilos-protesta ang mga progresibong grupo sa Unibersidad kasabay ng Roarientation ng Freshmen kahapon, Martes, ika-13 ng Agosto.

Published

on

Kuha ni Christine Annmarie Tapawan

Nagsagawa ng kilos-protesta ang mga progresibong grupo sa Unibersidad kasabay ng Roarientation ng Freshmen kahapon, Martes, ika-13 ng Agosto.

Binigyang-diin sa nasabing kilos-protesta ang mga isyu tulad ng patuloy na pagtaas ng matrikula sa Unibersidad, ang patuloy na karahasang nagaganap sa bansa partikular na sa Negros, at ang inilatag na panukalang militarisasyon ng mga pamantasan sa buong bansa.

Sa isang eksklusibong panayam ng TomasinoWeb kay Angelo Del Rosario ng Anakbayan-UST, kanyang inihayag ang patuloy na hindi makataong mga atake ng gobyerno sa mga mag-aaral.

Over nung bakasyon, hindi tumigil yung iba’t ibang fascist at anti-people attacks ng government natin. […] Yung tungkol sa atake ng edukasyon at tsaka sa kabataan, sa atin,” ani Del Rosario.

Kanya ring binanggit ang inaasahang mas paglakas ng mga atake ng administrasyon laban sa mga kabataang tulad nila.

Ayon sa kaniya, “Sa taong ito ay nakikita natin na hindi titigil yung pag-intensify, paglakas ng atake ng rehimen ni Duterte sa atin. Kaya’t mas tsina-challenge tayo ng panahon ngayon na kumilos, nagkakaisa tayong mga kabataan,”

“Sinasabi natin ‘di ba huwag matakot, makibaka. Dahil doon sa organisado at nagkakaisang pagkilos natin ay kaya natin na maiparating sa government itong iba’t ibang karapatan na dapat tinatamasa natin galing sa kanila,” dagdag pa ni Del Rosario.

Kanya ring iginiit na ang panukalang pagpapasok ng mga puwersa ng estado sa mga pamantasan ay senyales lamang ng takot ng gobyerno sa lumalakas na paglaban ng mga kabataan.

Manifestation siya nung nakikita natin siguro sobrang takot na ng state forces natin tsaka ng government natin sa lumalakas na paglaban ng students, ‘di ba? Kaya gusto niyang pasukin ngayon ‘yung mga schools para supilin at tsaka para pigilan itong mga students na nagpapaingay ng mga issues ng lipunan natin ngayon,” aniya.

“Kaya strongly kino-condemn natin siya lalo na dito sa UST. Magiging form lang ‘to ng pananakot at tsaka intensified na fascist attacks ng kapulisan natin sa mga students. Magkakaroon ng human rights at democratic abuses sa loob ng mga pamantasan kapag nagpatuloy ito,” ani Del Rosario.

Binigyang-pansin din ni Del Rosario sa kanyang pananalita ang pagpasok ng ilang kapulisan sa ginanap na Roarientation sa Quadricentennial Pavillion kung saan ang nahuli’y nagbigay ng ilang tips sa mga freshman para makaiwas sa krimen.

Kabataan vs kawalan ng pagpapahalaga sa karapatang-pantao

Sa pananalita naman ni Lynus Del Mar ng Student Christian Movement of the Philippines – UST, ipinapakita ng mga nangyayaring karahasan sa bansa, partikular na sa Negros  ang pagkawala ng pagpapahalaga sa buhay.

“Ito’y nagpapatunay lamang na hindi na pinahahalagahan ang buhay ng tao dahil sa isang utos lamang. […] Hindi ito ang ginusto ng Diyos para sa bayan. Hindi nais ng Diyos ang isang bayang pumapaslang at walang kinikilalang hustisya,” aniya.

“Ang bayang nananaghoy ay lumalaban na dahil sobra na ang pamamaslang. […] Ang gusto ng Diyos ay maglingkod sa bayan, sa mga maralita,” dagdag pa ni Del Mar.

Binigyang-diin naman ni Danareb Valle, pangulo ng Save Our Schools – UST ang patuloy na pag-atake sa mga Lumad sa Mindanao.

“Ang mga batang Lumad ay nagbakwit dito sa Maynila dahil inaatake ang kanilang mga paaralan, sinusunog ang mga paaralan. Tinatakot ang mga guro, pinapatay ang mga magulang, ang mga estudyante. […] Gustong-gusto na ng estado na ipasarado ang mga eskuwelahan ng Lumad para harangin ang kanilang edukasyon,” aniya.

Inihayag naman ni Michael Jusayan ng League of Filipino Students – UST ang patuloy na panghihimasok ng Tsina sa teritoryo ng bansa.

Ayon sa kanya, “Si Duterte ay tuta ng mga dayuhan. Kinokontrol ng mga dayuhan ang pulitika at ekonomiya ng ating bansa. […] Sarili nating teritoryo hinihimasok ng Tsina.

“Hindi bini-brainwash ang mga kabataan. […] Hindi mo kailangang mabrainwash para makita na ang bayan ay naghirap sa ilalim ng administrasyong Duterte,” aniya.

“Hindi tayo magdadalawang-isip para sa isa pang Quarter Storm. Hindi tayo magdadalawang-isip para ipaglaban ang bayan,” dagdag pa ni Jusayan.

Comments

Continue Reading

Trending