Connect with us

News

No Vice Presidential Candidate for 2019 UST-CSC Elections

Aspiring UST Central Student Council (CSC) for this year’s university-wide elections candidates filed their certificates of candidacy today, March 27, 2019 at the UST -Tan Yan Kee Student Center, where no vice presidential candidate filed for candidacy.

Published

on

filing of candidacy for csc elections booth in tyk
Photo by Audrice Serrano

Aspiring UST Central Student Council (CSC) for this year’s university-wide elections candidates filed their certificates of candidacy today, March 27, 2019 at the UST -Tan Yan Kee Student Center, where no vice presidential candidate filed for candidacy.

Among the aspiring candidates is the incumbent CSC secretary Robert Dominic Gonzales from the Faculty of Medicine and Surgery running independently for president.

In an exclusive interview with TomasinoWeb, Gonzales said that he is running again for CSC or him to continue what they have already started in their service in CSC.

“Kaya ako tumatakbo ulit bilang parte ng Central Student Council kasi, for me, gusto kong ituloy kung ano man yung mga nasimulan naming noong naglilingkod kami sa CSC. Actually with or without position kaya mong maglingkod eh. Pero yung alam mong nakikita mong nakaupo ka dun, first-hand, kung paano gumalaw, pa’no mag-representa ng mga estudyante, I think yun ang isa sa mga pinaka-noble acts being of service, without asking for anything in return. Kaya ako tumatakbo dito ngayon kasi dala-dala ko rin yung mga adbokasiya ko noon, noong tumakbo ako, at para rin maging boses ng mga Tomasino,” said Gonzales.

When asked about the the main problems and issues he will be addressing, he said that he will focus on giving more representation on the student body.

“Siguro for me kasi, ang nakikita kong problema ngayon nagkakaroon tayo ng siguro, kakulangan sa representasyon, sa pagiging boses sa social issues, sa mga pressing issues na kinakaharap ng mga estudyante natin. So isa yun sa mga pangunahing trabaho na gagawin natin,” he added.

“I am encouraging the student body to be very critical of the people who they will be voting for, not just in the student council elections but also in our national elections kasi nakasalalay sa kamay natin yung magiging kinabukasan, magiging future ng school ng bansa, ng bawat sarili natin,” said Gonzales.

Another independent candidate is Legal Management freshman Krizia Bricio running for the position of secretary.

In an exclusive interview with TomasinoWeb, Bricio said that she has been working for the team secretary for two years already and she is “already equipped with enough knowledge and skills to serve” as this years CSC secretary.

“Bibigyang-pansin ko po ‘pag ako’y nahalal na Secretary ng konseho ay ang mga study areas inside UST po and then strengthening the campaigns and advocacies inside the University para mas mapamulat natin ang mga Tomasino,” she added.

When asked about her plans on the passage of the long-delayed Students’ Code, “Sa ngayon po sa Students’ Code ipagpapatuloy po natin ito na ilatag sa ating central board and then sa mga offices para this year hopefully ay maipatupad na, maipasa na ang students’ code,” said Bricio.

Incomplete slate for the only two Political Parties

Meanwhile, Lakas ng Diwang Tomasino (LAKASDIWA) and Lakas Tomasino Coalition (LTC), the only two accredited political parties for this academic year, both have incomplete set of candidates for this year’s elections, with the former having only a a lone candidate for secretary.

LAKASDIWA’s only candidate for secretary is Chemistry freshman Karch Andrei Rafael from the College of Science.

“Being a first year student in the University, I’ve seen many spaces and areas that we can improve. And I know that I, together with the Thomasian community, we could work it out,” said Rafael in an exclusive interview with TomasinoWeb.

He also added that he wants to promote inclusivity and transparency of the council to all students.

When asked about the passage of the Students’ Code, he said that it must start from the “very bottom,” or from the local student councils.

“We could ask them to inform the students or orient the students about the student code about their rights and everything and it will go up until the University itself, until the whole University knows what are their rights,” he added.

On the other hand, LTC’s aspiring president Worship Acosta from the Institute of Physical Education and Athletics said that he believes that what Thomasians needs is someone who can give them service 24/7.

Furthermore, Acosta also said that he will give more focus on the opportunities that the students should get.

“Bibigyan po natin ng halaga ang mga dapat nakukuha ng students,” he added.

“Ipaglalaban po natin ang students’ rights. As a team we are here to really make the people have a choice, a chance to make a change in the University,” he added.

Meanwhile, LTC’s secretary candidate Nicholas Sia from College of Fine Arts and Design said that after working for CSC for the longest time, it is time for him to run for the CSC secretary.

When asked about his platforms, he said that he will not only focus on the welfare of the students but of other creations as well.

“In line with my advocacies towards life, tututukan natin not only welfare of the students but also the welfare of the other creations as well like the environment and the animals as well,” said Sia.

On the passage of the Students’ Code, Sia said that the executive board should prioritize it since it is really needed by the students.

“Kailangan na rin siyang tutukan kasi sa panahon na ang daming nagiging issue so we really have to like have a backup sa’ting mga students,” said Sia.

Moreover, Sia added: “Through that, I think, I believe na magagawa ko yung pagtulong din, yung mga platforms ko through community development especially through collaborative effort kasi naniniwala ako na CSC is not a one-man team.”

Meanwhile, LTC’s Auditor candidate Patricia Cruz said that after her three years of stay in the University since senior high school, she observed a lot of flaws and lacks in the Thomasians.

“I really want na yung pagiging leader ko, gusto kong ma-extend siya, maibahagi ko siya sa Thomasian community in a way na I can affect their lives for their betterment,” she added.

“Gusto ko talaga bigyang-pansin yung sa transparency. Gusto kong idisclose sa buong Thomasian community kung saan napupunta yung pera nila, na hindi siya biglang nawawala and gusto kong maipakita sa kanila na yung fund natin nagagamit siya ng tama,” said Cruz.

Moreover, LTC’s aspiring Treasurer Rafael Lipat said that what made him run is his will to serve the student body after being part of CSC for the past years.

“I want to step up my game again since I’ve been part of CSC for the past years. And I really want to go back to my roots na I want to serve the student body,” said Lipat.

In addition, he said that he will focus on the tuition fee increase being proposed by the admin every year.

“We will have a lobbying feature this year, hopefully sa CSC, na malo-lobby natin yung concerns natin when it comes to tuition fee increase; and I really want the next academic year to be a really transparent and financially able here for the CSC and the local student councils” he added.

Moreover, LTC’s PRO candidate Jeric Sun said that he decided to run for public relations officer since his capabilities and potentials should not stop in a local student council.  

“As an outgoing executive board member of the College of Rehabilitation Sciences under the position of Chief-of-Staff, I believe that my people skills, if you may, is more than adequate,” said Sun.

In addition, Sun said that his biggest concern is oppression people face through harassment.

He added, “When people say, empowerment, it doesn’t stop at females, it doesn’t stop at the LGBTQ, it’s all of us, it’s each individual; and the true meaning of empowerment is not when you support one group, it’s when you support every individual going through something.”

Consequently, UST Central COMELEC is expected to release the official list of candidates on Friday, March 27, 2019 as stated in its Memorandum No. 4, Series of 2018-2019.

Furthermore, Tagisan 2019 or the Miting de Avance is scheduled on April 13, election period on April 23-27, and the proclamation of new set of CSC officers on April 27, 2019.

Comments

News

Zero Parking Policy, hindi kailangang ipatupad—MTPB chief

Hindi kailangang maghigpit ng pamahalaan sa parking kung hindi naman sila sagabal sa kalsada, ayon sa Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB). 

Published

on

Hindi kailangang maghigpit ng pamahalaan sa parking kung hindi naman sila sagabal sa kalsada at nakadadaloy pa rin ang mga motorista, lalo na ang mga ambulansya na papunta sa kanilang mga ospital, ayon sa Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB). 

“Kung maayos naman po ang daloy ng trapiko, hindi kailangan ng MTPB maghigpit o mag-implement ng Zero Parking Policy,” ani MTPB chief Dennis Viaje.

Ito ay matapos ipadala ng Manila Public Information Office (MPIO) ang mga litrato at impormasyon na inilathala ng TomasinoWeb sa MTPB, kung saan makikitang nagmistulang garahe ang bangketa ng Asturias Street sa Dapitan sa dami ng nakaparadang sasakyan.

Dagdag pa niya, “Kapag po inubos ang parking sa Asturias, lalahatin na dapat ang mga nasa paligid ng UST. Baka nga lang po magkaroon ng problema ang karamihan kung saan paparada.”

Gayunpaman, mananatiling mahigpit ang mga MTPB enforcers sa mga main road ng Maynila tulad na lang ng España Boulevard.

“Kung hinihiling po ng UST na linisin ang mga naka-park sa lugar ay maaari naman po. Ang problema, sila naman po ang tatamaan dahil walang paparadahan ang kanilang mga empleyado o kaya mag-aaral kung meron man silang sasakyan,” ayon sa pahayag ng MPIO sa isang panayam kasama ang TomasinoWeb.

“’Yung mga naka-park po kaninang umaga (Sabado, ika-17 ng Agosto), ang karamihan po doon ay naghahatid o nagsusundo ng mga estudyante,” dagdag ng opisina.

‘Isyu ng kalinisan, hindi lang obstruction’

Hindi lang isyu ng obstruction ang dahilan kung bakit pinaalis ang mga sidewalk vendor, kundi isyu rin ito ng kalinisan, ayon sa mga otoridad.

“Tungkol naman sa mga vendor, nagkaroon ng clearing operations hindi lang para magtanggal tayo ng obstruction kundi dahil karamihan po sa kanila ay nag-iiwan ng mga basura o kalat sa kalsada,” ayon sa lokal na Department of Public Services.

Dagdag pa ng DPS, sa pahayag ng MPIO sa TomasinoWeb, regular ang implementasyon ng cleaning at mopping operations sa lungsod mula nang magsimula ang bagong administrasyon.

Naibalik na rin ang regular na koleksyon ng basura sa loob at labas ng Unibersidad, ayon kay DPS chief Kenneth Amurao.

Comments

Continue Reading

News

UST vendors, napilitang magsara matapos ang clearing operations

Tuluyan nang tumigil ang operasyon ng mga food stall sa bangketa ng Asturias Street, Dapitan simula ngayong araw, ika-17 ng Agosto, matapos mapilitang magsara ang mga sidewalk vendors kasunod ng clearing operations kahapon.

Published

on

Kuha ni Natasha Claudia Bautista

Tuluyan nang tumigil ang operasyon ng mga food stall sa bangketa ng Asturias Street, Dapitan simula ngayong araw, ika-17 ng Agosto, matapos mapilitang magsara ang mga sidewalk vendors kasunod ng clearing operations kahapon.

Kahapon ay isinagawa ang “Operation Zero Obstruction” ng Barangay 471 ng Zone 46, Sampaloc, Manila alinsunod sa direktiba ng lokal na Department of Engineering and Public Works (DEPW) ng lungsod ng Maynila.

Ayon sa notice ng DEPW na ipinamigay ng lokal na barangay sa clearing operations kahapon, “illegal construction/encroachment on the street or sidewalk” at “illegal construction of stalls on the sidewalks” ang batayan ng pagpapaalis.

Ayon naman kay Brgy. Kagawad Evelyn Rodriguez sa isang ekslusibong panayam kasama ang TomasinoWeb, pinaalis din daw ang mga manininda para bigyang-daan ang flag ceremony na gaganapin sa Lunes, ika-19 ng Agosto.

“Ngayon, wala na [sila], especially on Monday […] 7:30 [ng umaga] darating ang Station 4,” aniya.

 

‘Dapat pagbigyan din kami’

Humiling si Boy Daos, 61 taong gulang at humigit-kumulang 30 taon nang sidewalk vendor sa Asturias Street, Dapitan, na pagbigyan naman daw sana sila ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila.

Aniya, “Dapat pagbigyan din kami eh, dahil d’yan namin kinukuha lahat ng pangangailangan namin sa ikinabubuhay namin d’yan namin kinukuha, kasi wala naman kaming [ibang] hanapbuhay kundi ‘yan lang eh.”

Dagdag pa niya, “kung bibigyan pa kami ng pagkakataon na magtinda ulit ni [Mayor] Isko [Moreno], pwede. Pero ‘pag totally na zero [obstruction], wala na kaming magagawa.”

Karamihan sa mga tinda nila ay mga tusok-tusok at iba pang street food na kinalakhan na ng mga Tomasino.

Kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang mga manininda sa lokal na barangay.

 

Bantang suspensyon vs pabayang LCEs

Kamakailan lang ay ipinatupad ng Department of Local and Interior Government (DILG) ang nationwide road clearing operations alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-apat na SONA.

Ayon sa Memorandum Circular 2019-121 na ibinaba ng DILG noong ika-29 ng July ngayong taon, ang direktiba ay “[to] reclaim public roads which are being used for private ends” na nagbabawal sa mga pago-okupa ng mga sidewalk vendor ng mga bangketa upang magtinda.

Ipinagbabawal din ang pagpaparada ng mga pribadong sasakyan sa mga pampublikong kalsada.

Nakasaad rin dito na sa loob ng 60 na araw o dalawang buwan ay kailangang may makamit na resulta, kung hindi ay masususpende ang mga pabayang local chief executives (LCE) ng mga local government unit sa buong bansa.

“As DILG Secretary Eduardo M. Año said, this should be a nationwide undertaking,” ani DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya sa isang report na inilathala ng Philippine Information Agency.

“So, yung instruction to DILG to recommend the suspension of negligent mayors also applies to those in the provinces,” dagdag pa niya.

Comments

Continue Reading

News

Kilos-Protesta, sumalubong sa pagbabalik ng klase sa Unibersidad

Nagsagawa ng kilos-protesta ang mga progresibong grupo sa Unibersidad kasabay ng Roarientation ng Freshmen kahapon, Martes, ika-13 ng Agosto.

Published

on

Kuha ni Christine Annmarie Tapawan

Nagsagawa ng kilos-protesta ang mga progresibong grupo sa Unibersidad kasabay ng Roarientation ng Freshmen kahapon, Martes, ika-13 ng Agosto.

Binigyang-diin sa nasabing kilos-protesta ang mga isyu tulad ng patuloy na pagtaas ng matrikula sa Unibersidad, ang patuloy na karahasang nagaganap sa bansa partikular na sa Negros, at ang inilatag na panukalang militarisasyon ng mga pamantasan sa buong bansa.

Sa isang eksklusibong panayam ng TomasinoWeb kay Angelo Del Rosario ng Anakbayan-UST, kanyang inihayag ang patuloy na hindi makataong mga atake ng gobyerno sa mga mag-aaral.

Over nung bakasyon, hindi tumigil yung iba’t ibang fascist at anti-people attacks ng government natin. […] Yung tungkol sa atake ng edukasyon at tsaka sa kabataan, sa atin,” ani Del Rosario.

Kanya ring binanggit ang inaasahang mas paglakas ng mga atake ng administrasyon laban sa mga kabataang tulad nila.

Ayon sa kaniya, “Sa taong ito ay nakikita natin na hindi titigil yung pag-intensify, paglakas ng atake ng rehimen ni Duterte sa atin. Kaya’t mas tsina-challenge tayo ng panahon ngayon na kumilos, nagkakaisa tayong mga kabataan,”

“Sinasabi natin ‘di ba huwag matakot, makibaka. Dahil doon sa organisado at nagkakaisang pagkilos natin ay kaya natin na maiparating sa government itong iba’t ibang karapatan na dapat tinatamasa natin galing sa kanila,” dagdag pa ni Del Rosario.

Kanya ring iginiit na ang panukalang pagpapasok ng mga puwersa ng estado sa mga pamantasan ay senyales lamang ng takot ng gobyerno sa lumalakas na paglaban ng mga kabataan.

Manifestation siya nung nakikita natin siguro sobrang takot na ng state forces natin tsaka ng government natin sa lumalakas na paglaban ng students, ‘di ba? Kaya gusto niyang pasukin ngayon ‘yung mga schools para supilin at tsaka para pigilan itong mga students na nagpapaingay ng mga issues ng lipunan natin ngayon,” aniya.

“Kaya strongly kino-condemn natin siya lalo na dito sa UST. Magiging form lang ‘to ng pananakot at tsaka intensified na fascist attacks ng kapulisan natin sa mga students. Magkakaroon ng human rights at democratic abuses sa loob ng mga pamantasan kapag nagpatuloy ito,” ani Del Rosario.

Binigyang-pansin din ni Del Rosario sa kanyang pananalita ang pagpasok ng ilang kapulisan sa ginanap na Roarientation sa Quadricentennial Pavillion kung saan ang nahuli’y nagbigay ng ilang tips sa mga freshman para makaiwas sa krimen.

Kabataan vs kawalan ng pagpapahalaga sa karapatang-pantao

Sa pananalita naman ni Lynus Del Mar ng Student Christian Movement of the Philippines – UST, ipinapakita ng mga nangyayaring karahasan sa bansa, partikular na sa Negros  ang pagkawala ng pagpapahalaga sa buhay.

“Ito’y nagpapatunay lamang na hindi na pinahahalagahan ang buhay ng tao dahil sa isang utos lamang. […] Hindi ito ang ginusto ng Diyos para sa bayan. Hindi nais ng Diyos ang isang bayang pumapaslang at walang kinikilalang hustisya,” aniya.

“Ang bayang nananaghoy ay lumalaban na dahil sobra na ang pamamaslang. […] Ang gusto ng Diyos ay maglingkod sa bayan, sa mga maralita,” dagdag pa ni Del Mar.

Binigyang-diin naman ni Danareb Valle, pangulo ng Save Our Schools – UST ang patuloy na pag-atake sa mga Lumad sa Mindanao.

“Ang mga batang Lumad ay nagbakwit dito sa Maynila dahil inaatake ang kanilang mga paaralan, sinusunog ang mga paaralan. Tinatakot ang mga guro, pinapatay ang mga magulang, ang mga estudyante. […] Gustong-gusto na ng estado na ipasarado ang mga eskuwelahan ng Lumad para harangin ang kanilang edukasyon,” aniya.

Inihayag naman ni Michael Jusayan ng League of Filipino Students – UST ang patuloy na panghihimasok ng Tsina sa teritoryo ng bansa.

Ayon sa kanya, “Si Duterte ay tuta ng mga dayuhan. Kinokontrol ng mga dayuhan ang pulitika at ekonomiya ng ating bansa. […] Sarili nating teritoryo hinihimasok ng Tsina.

“Hindi bini-brainwash ang mga kabataan. […] Hindi mo kailangang mabrainwash para makita na ang bayan ay naghirap sa ilalim ng administrasyong Duterte,” aniya.

“Hindi tayo magdadalawang-isip para sa isa pang Quarter Storm. Hindi tayo magdadalawang-isip para ipaglaban ang bayan,” dagdag pa ni Jusayan.

Comments

Continue Reading

Trending