Connect with us

News

Walkout sa mga paaralan at kilos-protesta, isinagawa

Kinondena ng iba’t ibang progresibong grupo ang karahasang nangyayari sa Negros at ang planong militarisasyon sa mga paaralan at pamantasan.

Published

on

Kuha ni John Aaron Pangilinan

Kinondena ng iba’t ibang progresibong grupo ang karahasang nangyayari sa Negros at ang planong militarisasyon sa mga paaralan at pamantasan.

Sa isinagawang National Day of Mourning and Action kahapon, ika-20 ng Agosto 2019, nagtipon-tipon ang iba’t ibang grupo ng mga magsasaka, estudyante, manggagawa at iba pang sektor para alalahanin ang mga biktima ng pagpatay sa Negros.

Kasabay nito, nagsagawa rin ng walkout ang mga estudyante sa iba’t ibang mga pamantasan bilang pagpapakita ng kanilang mariing pagtutol sa planong militarisasyon o pagdadagdag ng presensya ng kapulisan sa mga eskuwelahan at pamantasan.

Nakilahok dito ang ilang mga progresibong grupo sa Unibersidad at nagkaroon ng maikling mobilisasyon sa harap ng Gate 2 bago sila sumama sa programa sa Mendiola at Liwasang Bonifacio.

Sa isang ambush na panayam ng TomasinoWeb kay Kara Taggaoa, National Spokesperson ng League of Filipino Students, kanyang sinabi na pagpapakita ng pakikiisa ng mga Pilipino sa tuloy-tuloy na karahasan sa Negros ang isinagawang kilos-protesta.

“Ngayong araw naglulunsad tayo ng protesta, […] bilang pag-alala doon sa lahat ng biktima na pinaslang sa Negros. At ‘yung pakikiisa ng mga mamamayan sa buong Pilipinas laban doon sa tuloy-tuloy na atake at pagpatay sa Negros, at ‘yung tuloy-tuloy din na paglaban natin doon sa Oplan Sauron na ipinapatupad sa Negros,” ani Taggaoa.

Kanya ring nabanggit na ang kasabay na malawakang walkout sa iba’t ibang mga pamantasan ay pagpapakita ng pagtutol sa planong militarisasyon o “pagpapatupad ng martial law sa loob ng mga paaralan at pamantasan.”

Iginiit din ni Taggaoa na isang atake sa academic freedom at mga demokratikong karapatan ang planong militarisasyon sa mga paaralan at pamantasan.

“Coming from the statement ng PNP [Philippine National Police] at Senator Bato na i-review daw yung mga accords o mga policies between school administrations and the government na pinipigilan or parang nililimitahan ‘yung presensya ng military and police forces within universities. Kaya nakikita natin ‘to na atake sa ating academic freedom, sa ating democratic rights. Kaya tinututulan natin ‘yung pagpapatupad ng essentially de facto martial law sa loob ng mga pamantasan,” aniya.

Hinimok din ni Taggaoa ang mga estudyante na tumindig para sa kanilang mga karapatan at panatilihing peace zones ang mga paaralan at pamantasan.

“Kailangan tumindig ng mga kabataan para sa ating mga karapatan, para sa academic freedom and democratic rights. Walang lugar sa loob ng ating mga pamantasan ang mga mamamatay-tao, ang mga sunud-sunuran sa isang pasistang diktador na si Duterte,” aniya.

“Walang lugar sa loob ng mga pamantasan natin ang mga tumatapak sa karapatang-pantao. Ang mga pamantasan natin ay dapat peace zones, santuwaryo para sa mga kabataan at para sa iba’t ibang sector na inaatake ng administrasyong Duterte,” dagdag pa ni Taggaoa.

Bukod pa sa mga programang ginanap sa Kamaynilaan, isinagawa rin ang National Day of Mourning and Action at ang kasabay nitong walkout ng mga estudyante sa iba’t ibang panig ng bansa.

 

Comments

News

UST lands third in 2019 Electrical Eng’g boards

The University ranked third in the August and September 2019 licensure examinations for Electrical Engineers while a lone Thomasian landed on the topnotchers.

Published

on

The University ranked third in the August and September 2019 licensure examinations for Electrical Engineers while a lone Thomasian landed on the topnotchers.

Derrick Munar Ramos, the lone Thomasian who made it to the roster of top ten highest scorers, took the third spot.

According to the results released by the Professional Regulation Commission (PRC), the University yielded a 97.92 percent passing rate, with 94 out of 96 examinees making the cut. 

This is a drop of 2.08 percent from last year’s 100 percent.

Meanwhile, Mikhael Glen Borja Lataza of University of San Carlos claimed the top spot.

Camarines Norte State Colleges – Daet also took the third spot in the top performing schools, while University of Batangas and University of the Philippines – Diliman took the top spot.

This year’s national passing rate of 67.16 percent (1,606 out of 4,891) saw an improvement of .42 percent from the previous year’s performance of 66.74 (1,562 out of 4,697) percent.

The University, however, retained its 100 percent passing rate for the Master Electrician examinations as its lone bet managed to ace the test. 

Comments

Continue Reading

News

UST, nanatili sa ika-apat na pwesto sa mechanical eng’g boards

Nanatili ang Unibersidad sa ika-apat na pwesto sa katatapos lang na mechanical engineering licensure examination nitong Agosto.

Published

on

Nanatili ang Unibersidad sa ika-apat na pwesto sa katatapos lang na mechanical engineering licensure examination nitong Agosto.

Pumalo sa 94.29 porsyento ang passing rate ng Unibersidad o 132 sa 140 na kumuha ng pagsusulit.

Ito ay higit na mataas kumpara noong Agosto 2018 na may 87.18 porsyento at February 2019 na 58.82 porsyento lamang.

Nasungkit ni Caryl Patrick Rivera ang ika-apat na pwesto matapos magtala ng gradong 93.55. Siya ang kaisa-isang Tomasinong nakapasok sa Top 10.

Samantala, si Lester Toledo naman ng Cebu Institute of Technology- University ang nanguna sa mga bagong rehistradong mechanical engineer na nakakuha ng gradong 94.65.

Ang Batangas State University sa Alangilan ang hinirang na top-performing school matapos pumasa lahat ang mga kumuha ng pagsusulit.

3,928 ang pumasa mula sa 5,563 na kumuha ng pagsusulit sa buong bansa, ayon sa Philippine Regulation Commission.

Comments

Continue Reading

News

UST, pumangalawa sa Nutritionist-Dietitian licensure exams

Hinirang ang Unibersidad bilang pangalawang top-performing school sa Agosto 2019 Nutrition at Dietitian licensure exams na inilabas kanina, ika-22 ng Agosto.

Published

on

albertus magnus building
Kuha ni Von Ozar/TomasinoWeb

Hinirang ang Unibersidad bilang pangalawang top-performing school sa Agosto 2019 Nutrition and Dietitian licensure exams na inilabas kanina, ika-22 ng Agosto.

Ayon sa resulta ng nagdaang pagsusulit, pumasa ang 104 sa 105 na Tomasino, o 99.05 porsyento ng mga kumuha ng pagsusulit.

Nakamit ni Sean Frances Barredo ang ikatlong pwesto matapos magtala ng 89.70 porsyento.

Si Grace Eunice Salvacion mula sa Adventist University of the Philippines ang nanguna sa pagsusulit matapos makakuha ng 90.95 porsyento.

Kinilala ang Unibersidad ng Pilipinas (UP) – Los Baños at Diliman bilang top-performing schools sa kakatapos na board exam. Nagtala ang parehong paaralan ng 100 porsyentong passing rate.

Bahagyang bumaba ang mga nakapasang Tomasino sa pagsusulit mula sa 100 porsyentong passing rate noong 2018.

Ang Unibersidad ay pumangalawa rin sa naturang board exam noong Agosto 2017, kung saan ang UP – Los Baños at UP – Diliman din ang nanguna.

Ayon sa Philippine Regulation Commission, 968 ang nakapasa mula sa 1,517 na kumuha ng pagsusulit.

Kinakailangang 30 ang makapasa sa mga estudyante ng paaralan o 90-porsyentong passing rate o higit pa upang mapabilang sa mga top-performing schools. 

Alexa Basa

 

Comments

Continue Reading

Trending