Connect with us

News

UST mamamahagi ng 1,000 libreng pocket Wi-Fi para sa online class

Ang “Connectivity Assistance Program” ay naglalayong tulungan ang mga mag-aaral ng pamantasan na makalahok sa kanilang online classes.

Published

on

LIBRENG WI-FI. Ipagpapatuloy ng Unibersidad ang kanilang Connectivity Assistance Program na sinimulan noong nakaraang taon sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang pocket Wi-Fi sa mga Tomasino. Larawan mula sa UST Facebook page.

Isang libong pocket Wi-Fi ang balak ipamahagi ng Unibersidad para sa mga Tomasinong mag-aaral na wala nakararanas ng mabagal na koneksyon sa internet para sa online classes.

Inilabas ng UST Central Student Council (CSC) noong Martes, ika-10 ng Agosto, ang survey para sa mga nais kumuha ng pocket wifi. Ang “Connectivity Assistance Program” ay naglalayong tulungan ang mga mag-aaral ng pamantasan na makalahok sa kanilang online classes.

Ang mga nais maging benepisyaryo ng programa ay kailangan lamang magbayad ng P300 bilang “reconnection fee.” Libre ang magiging buwanang subscription na may kasama ng 8GB na data na maaaring magamit sa loob ng lima hanggang pitong buwan o isang semestre.

Matatandaan noong simula ng lockdown at ng ikalawang semestre ng pagsasakatuparan ng “Enhanced Virtual Mode” (EVM) sa Unibersidad, unang inilunsad ng UST ang programa sa tulong ng mga telecommunications company na PLDT at Smart Communications. 

Higit 5,000 pocket Wi-Fi device ang ipinamahagi ng programa noon para sa mga estudyante at guro.

READ  UST partners with Smart telco, distributes free pocket wifi

Sa pagpapatuloy ng panuruang taon 2021-2022 at patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19, napagpasyahan ng UST na ipagpaliban muna ang mga “face-to-face” na klase at sa halip ay ipagpatuloy ang EVM

Comments

News

UST perfects August 2021 architecture boards

The University produced eight new Thomasian architects amid the cancellation of testing in Metro Manila due to the Delta variant surge.

Published

on

UST Beato Angelico Building (Marc Valmoria/TomasinoWeb)

Eight Thomasians qualified in the August 2021 architecture licensure examinations (ALE), registering a 100 percent passing rate, the Professional Regulation Commission (PRC) announced on Thursday, Sept. 2.

Previously, in the January 2020 ALE, the University was hailed as the top-performing school after it posted a passing rate of 85.18 percent, with 92 out of 108 takers passing the exam.

The national passing rate for this year was at 65.96 percent or 560 passers out of 849. This is an improvement from the previous year’s rate of 55.72 percent with 1,242 making the cut out of 2,229 takers.

The PRC did not declare any top-performing schools for this year’s architecture boards cycle, as no universities qualified with 20 or more takers.

The low turnout of examinees was due to the implementation of Modified Enhanced Community Quarantine in Metro Manila due to the surge of the contagious Delta variant.

The examination was held last August 27 and 29 at testing centers in Baguio, Cebu, Koronadal, Iloilo, Legaspi, Lucena, Pampanga, Tacloban, and Zamboanga.

Comments

Continue Reading

News

UST, pumangalawa sa mechanical engineering boards ngayong taon

Nakapagtala ang Unibersidad ng 83.33 porsiyentong passing rate kung saan lima sa anim na Tomasinong kumuha ng pagsusulit ang nakapasa.

Published

on

Litrato ni Christel Maliksi/TomasinoWeb

Pumangalawa ang Unibersidad sa mechanical engineering board exams ngayong Agosto matapos itong makapagtala ng 83.33 porsyentong passing rate.

Ito ay mas mataas kumpara resulta ng nakaraang taon na 12.50 porsyento o dalawa sa 14 na Tomasinong kumuha ng pagsusulit ang pumasa.

READ  UST declines in February 2020 mechanical eng'g boards

Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) noong Martes, ika-24 ng Agosto, ang mga pumasa sa pagsusulit kung saan lima sa anim na Tomasinong kumuha ng pagsusulit ang nakapasa. 

Nakakita rin ngayong taon ng 39.77 porsyentong passing rate kung saan 247 sa 621 indibidwal na kumuha ng pagsusulit ang nakapasa. Mas mataas ito kumpara sa nakaraang taon na may ​​38.45 porsyentong passing rate o 1,334 sa 3,469 na kumuha ng pagsusulit.

Ang mababang turn-out ng mga kumuha ng pagsusulit ay dulot ng pagkansela ng PRC sa pagsasagawa ng pagsusulit sa Metro Manila, Cebu, at Cagayan de Oro dala ng banta ng Delta variant. Sa halip, ito ay isinagawa lamang sa Baguio, Davao, Lucena, Rosales, Tacloban, at Zamboanga.

Ipinroklama rin ng PRC ang tanging mga institusyong nakakuha ng mas mataas sa 80 porsyento at may higit sa limang kalahok sa pagsusulit. 

Pitong bagong rehistradong mechanical engineer naman mula sa Saint Louis University sa Baguio City ang nanguna sa pagsusulit. 

Ang Unibersidad ay pumapangalawa sa Ateneo de Davao University at University of Mindanao – Davao City na parehong nakakuha ng 100 porsyentong passing rate.

Comments

Continue Reading

News

Kilatisin nang mabuti ang mga kandidato — mga beteranong peryodista

“Ang sinasabi nila diba ‘yong kabataan mag-aral lang kayo, ‘stay in school, wag kayong makialam sa politics,’ pero para sa future niyo na rin ‘to, so kailangan makilahok din talaga — kailangan makialam,” aniya.

Published

on

Litrato mula sa Boboto AKO sa 2022 Facebook page.

Hinimok ng mga beteranong peryodista ang mga kabataan noong Miyerkules, ika-11 ng Agosto, na masinsinang kilatisin ang mga tatakbong kandidato sa darating na Halalan 2022. 

“Kilatisin niyo talaga ‘yong mga kandidato, ‘wag tayong magpapa-uto,” ani ni Christian Esguerra, isang ABS-CBN anchor at propesor sa University of Santo Tomas sa isang webinar.

Binigyang-diin ni Esguerra na kailangang maging maingat ang mga kabataan sa pagpili ng mga kandidatong iboboto sa gabay ng mga lehitimong organisasyon ng media at mga mamamahayag. 

“Kasi ‘yong tinatawag na ‘vote wisely’ napaka convenient sabihin niyan eh, ‘vote wisely,’ ‘di ba? Pero how do you arrive at that ‘wise vote?’” aniya.

Ayon kay Felipe Salvosa II, coordinator ng Journalism Program sa Unibersidad, isa ang fact-checking sa konkretong inisyatibo na isinasagawa ng Unibersidad upang hikayatin ang kabataan na makilahok at makialam para sa paparating na halalan.

“Duty natin na mga journalism educators, journalists, and journalism students to do fact-checking on statements especially by self-serving politicians,” aniya.

Sinabi naman ni Jonathan De Santos, Chairman ng National Union of Journalists of the Philippines, hindi lang dapat sa rami ng media ads nakatuon ang mga tao upang pumili ng kandidatong iboboto, kailangang suriin din nang mabuti ang plataporma ng mga ito.

“Dapat din natin na pansinin ‘yong mga tumatakbo na wala mang pang-campaign, pero maganda naman ang mga plataporma,” aniya.

Dagdag pa nito, nangingibabaw man ang pangungutya ng ibang mga botanteng wala namang malaking pagbabago sa lipunan ang mga boto, mahalagang gampanin pa rin ang pagboto at pakikilahok ng mga kabataan para sa kinabukasan.

“Ang sinasabi nila diba ‘yong kabataan mag-aral lang kayo, ‘stay in school, wag kayong makialam sa politics,’ pero para sa future niyo na rin ‘to, so kailangan makilahok din talaga — kailangan makialam,” aniya.

Ika-limang episode ang “Ang Papel ng Media sa Halalan” ng Boboto AKO sa 2022: An Online Talakayan Series na ipinalabas sa kanilang Facebook page

Comments

Continue Reading

Trending