Connect with us

News

UST as a World-Class University: Alluring Thomasian applicants with creativity and new website

Published

on

 

     THE Office for Admissions (OFAD) officially launched its new website last January 21, 2013. Alongside this event, in cooperation with the Student Organization Coordinating Council (SOCC), it also celebrated its awarding ceremony on the 5th OFAD Design Layout Contest with the theme “A Dream beyond Our Seeing: UST as a World-Class University.”

     An exhibit of the designs of this year’s winners and contestants was held at the TYK lobby.

Design making contest
     “I patterned my design with the theme of ‘UST as a world-class university,’” Grazelle Villena, winner of the contest, shared. Her design will be used as the motif of the folders, brochures, bags, pins, and bookmarks that will be distributed among all incoming Thomasian applicants and freshmen.

     A Communication Arts student, Villena acquired a total of Php 8 000.00, a certificate from Toby’s Sport, and a Hawk backpack.

     Julius Fernandez, another CA student, bagged 2nd place, while Gio Savellano, a CFAD student, won 3rd place. Aside from backpacks, they respectively received Php 5 000.00 and Php 3 000.00.

     UST Secretary General, Rev. Fr. Winston Cabading O.P., handed certificates of appreciation to the advisers who participated in the event: Assoc. Prof. Imelda A. Dakis, M.D., Asst. Prof. Joel L. Adamos, Asst. Prof. Cristino Carbonell, Asst. Prof. Jose Arsenio Salandanan, M.S., and Ms. Marichu Beltran among others. Fr. Cabading was assisted by SOCC President Benjamin Ravanera III.

Website Launching
     The idea of a website started with a proposal by the Marketing Team of the OFAD around August 2012, which was immediately approved by the Secretary General.

     The proposal was patterned with the vision to make the University ‘world-class’ by creating a ‘powerful website,’ according to OFAD Marketing Assistant Steve Michael Moore.

     The OFAD formed a team composed of skilled Thomasian students and was divided into two groups—coordinating with the Department of Information and Computer Studies (ICS) of UST to focus on the programming and encoding, while tapping CFAD for the layout and design of the website.

     TomasinoWeb’s Daryl John Tulay, assistant department head for web development, was part of the programming and encoding team.  Members Juan Miguel Alvarez and Niko Dasig were also part of the same team. Helped in taking photos were Gelli Ann Javellana, assistant department head for photography, and Joanna Fernandez.

     According to Moore, recruiting Thomasian talents has been part of the plan to not only give the students opportunity, but also to have ‘young bloods’ to cater to the needs of their target market: high school students. The team also consisted of the best Thomasian photographers.

     “This website will be the first impression of the incoming applicants to UST. This will attract them and create a big impact on them,” Moore said.

     The website was planned and created through the whole semester break and was done by November. But Moore said they wanted to sync the official launch with the Design Layout Contest.

     Moore described their website as “user-friendly, convenient, easy to navigate, colorful, and attractive. There are online applications, program descriptions, and career opportunities. And it’s not just about the applications, as it also showcases interesting facts about the University.”

     Moore said that by creating the website, OFAD does not intend to increase applications, but to give opportunity to all students to become Thomasians.

     “Statistically, applications increase yearly, but our goal is not really to sell, but to bring UST closer to them,” Moore said.

     The team plans to market the website through posters, brochures, social media, and through publications such as TomasinoWeb and The Varsitarian. They will also promote it in different colleges through the SOCC and the Central Student Council (CSC). Promotions will also be done when visiting high schools.

     To visit the website, check out http://ofad.ust.edu.ph/.

By Regine Ann S. Blanco

Comments

News

UST, pumangalawa sa Nutritionist-Dietitian licensure exams

Hinirang ang Unibersidad bilang pangalawang top-performing school sa Agosto 2019 Nutrition at Dietitian licensure exams na inilabas kanina, ika-22 ng Agosto.

Published

on

albertus magnus building
Kuha ni Von Ozar/TomasinoWeb

Hinirang ang Unibersidad bilang pangalawang top-performing school sa Agosto 2019 Nutrition and Dietitian licensure exams na inilabas kanina, ika-22 ng Agosto.

Ayon sa resulta ng nagdaang pagsusulit, pumasa ang 104 sa 105 na Tomasino, o 99.05 porsyento ng mga kumuha ng pagsusulit.

Nakamit ni Sean Frances Barredo ang ikatlong pwesto matapos magtala ng 89.70 porsyento.

Si Grace Eunice Salvacion mula sa Adventist University of the Philippines ang nanguna sa pagsusulit matapos makakuha ng 90.95 porsyento.

Kinilala ang Unibersidad ng Pilipinas (UP) – Los Baños at Diliman bilang top-performing schools sa kakatapos na board exam. Nagtala ang parehong paaralan ng 100 porsyentong passing rate.

Bahagyang bumaba ang mga nakapasang Tomasino sa pagsusulit mula sa 100 porsyentong passing rate noong 2018.

Ang Unibersidad ay pumangalawa rin sa naturang board exam noong Agosto 2017, kung saan ang UP – Los Baños at UP – Diliman din ang nanguna.

Ayon sa Philippine Regulation Commission, 968 ang nakapasa mula sa 1,517 na kumuha ng pagsusulit.

Kinakailangang 30 ang makapasa sa mga estudyante ng paaralan o 90-porsyentong passing rate o higit pa upang mapabilang sa mga top-performing schools. 

Alexa Basa

 

Comments

Continue Reading

News

Walang espasyo ang abuso, diskriminasyon sa mga palihan—UST CCWLS

Ang pahayag ay kasunod ng isang insidente ng panggagahasa ng isang panelista at kalahok sa Iligan National Writers’ Workshop, kung saan umani ng batikos ang kawalang-aksyon ng mga tagapamahala ng naturang palihan.

Published

on

Litrato mula sa UST CCWLS

Ipinahayag ng UST Center for Creative Writing and Literary Studies (UST CCWLS) ang kanilang suporta para sa ligtas na espasyo ng mga manunulat, panelista at kalahok ng kanilang palihan, Miyerkules, ika-21 ng Agosto. 

Ito ay matapos ang isang insidente ng panggagahasa ng isang panelista at kalahok sa Iligan National Writers’ Workshop, kung saan umani ng batikos ang kawalang-aksyon ng mga tagapamahala ng naturang palihan. 

Basahin ang pahayag ng UST CCWLS sa kanilang opisyal na pahina sa Facebook:

Binigyang diin nila na ang mga palihan ay isa sa mga importanteng kaganapan sa paghubog ng mga manunulat, at nararapat lamang na maging ligtas na lugar para sa lahat. 

“We believe that the national writers workshops are an important part of a young writer’s apprenticeship […] No form of abuse, misconduct, or discrimination should be tolerated or ignored,” pahayag ng sulat. 

Bukod pa rito, isinasagawa na rin ng UST CCWLS ang pagsusuri at pagrerepaso ng kanilang mga polisiya upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga manunulat at panelista laban sa abuso at diskriminasyon.

“[W]e have already undertaken a review of our own policies and practices. We are determined to put in place all necessary safeguards and protocols[…]should they occur,” tiyak nila. 

Dagdag pa nila: “We trust that sharp vigilance will serve to counteract those aspects of the workshop culture which may have enabled the situation in which we find ourselves today.”

Ang UST CCWLS ang nangunguna sa pagsasagawa ng taunang UST National Writers’ Workshop, isa sa mga pangunahin nilang proyekto. 

Comments

Continue Reading

News

Walkout sa mga paaralan at kilos-protesta, isinagawa

Kinondena ng iba’t ibang progresibong grupo ang karahasang nangyayari sa Negros at ang planong militarisasyon sa mga paaralan at pamantasan.

Published

on

Kuha ni John Aaron Pangilinan

Kinondena ng iba’t ibang progresibong grupo ang karahasang nangyayari sa Negros at ang planong militarisasyon sa mga paaralan at pamantasan.

Sa isinagawang National Day of Mourning and Action kahapon, ika-20 ng Agosto 2019, nagtipon-tipon ang iba’t ibang grupo ng mga magsasaka, estudyante, manggagawa at iba pang sektor para alalahanin ang mga biktima ng pagpatay sa Negros.

Kasabay nito, nagsagawa rin ng walkout ang mga estudyante sa iba’t ibang mga pamantasan bilang pagpapakita ng kanilang mariing pagtutol sa planong militarisasyon o pagdadagdag ng presensya ng kapulisan sa mga eskuwelahan at pamantasan.

Nakilahok dito ang ilang mga progresibong grupo sa Unibersidad at nagkaroon ng maikling mobilisasyon sa harap ng Gate 2 bago sila sumama sa programa sa Mendiola at Liwasang Bonifacio.

Sa isang ambush na panayam ng TomasinoWeb kay Kara Taggaoa, National Spokesperson ng League of Filipino Students, kanyang sinabi na pagpapakita ng pakikiisa ng mga Pilipino sa tuloy-tuloy na karahasan sa Negros ang isinagawang kilos-protesta.

“Ngayong araw naglulunsad tayo ng protesta, […] bilang pag-alala doon sa lahat ng biktima na pinaslang sa Negros. At ‘yung pakikiisa ng mga mamamayan sa buong Pilipinas laban doon sa tuloy-tuloy na atake at pagpatay sa Negros, at ‘yung tuloy-tuloy din na paglaban natin doon sa Oplan Sauron na ipinapatupad sa Negros,” ani Taggaoa.

Kanya ring nabanggit na ang kasabay na malawakang walkout sa iba’t ibang mga pamantasan ay pagpapakita ng pagtutol sa planong militarisasyon o “pagpapatupad ng martial law sa loob ng mga paaralan at pamantasan.”

Iginiit din ni Taggaoa na isang atake sa academic freedom at mga demokratikong karapatan ang planong militarisasyon sa mga paaralan at pamantasan.

“Coming from the statement ng PNP [Philippine National Police] at Senator Bato na i-review daw yung mga accords o mga policies between school administrations and the government na pinipigilan or parang nililimitahan ‘yung presensya ng military and police forces within universities. Kaya nakikita natin ‘to na atake sa ating academic freedom, sa ating democratic rights. Kaya tinututulan natin ‘yung pagpapatupad ng essentially de facto martial law sa loob ng mga pamantasan,” aniya.

Hinimok din ni Taggaoa ang mga estudyante na tumindig para sa kanilang mga karapatan at panatilihing peace zones ang mga paaralan at pamantasan.

“Kailangan tumindig ng mga kabataan para sa ating mga karapatan, para sa academic freedom and democratic rights. Walang lugar sa loob ng ating mga pamantasan ang mga mamamatay-tao, ang mga sunud-sunuran sa isang pasistang diktador na si Duterte,” aniya.

“Walang lugar sa loob ng mga pamantasan natin ang mga tumatapak sa karapatang-pantao. Ang mga pamantasan natin ay dapat peace zones, santuwaryo para sa mga kabataan at para sa iba’t ibang sector na inaatake ng administrasyong Duterte,” dagdag pa ni Taggaoa.

Bukod pa sa mga programang ginanap sa Kamaynilaan, isinagawa rin ang National Day of Mourning and Action at ang kasabay nitong walkout ng mga estudyante sa iba’t ibang panig ng bansa.

 

Comments

Continue Reading

Trending