Connect with us

News

Unang araw ng klase, sinalubong ng protesta

Sinalubong ang unang araw ng klase ng isang kilos-protestang pinangunahan ng mga progresibong grupo ng ibang mga Tomasino sa harap ng Gate 11 ng Unibersidad, Huwebes, ika-9 ng Agosto.

Published

on

protesta
Kuha ni Alexa Taay/TomasinoWeb.

Sinalubong ang unang araw ng klase ng isang kilos-protestang pinangunahan ng mga progresibong grupo ng ibang mga Tomasino sa harap ng Gate 11 ng Unibersidad, Huwebes, ika-9 ng Agosto.

Ayon sa pahayag ni Dindo Roxas ng grupong League of Filipino Students-UST, isinagawa ang nasabing protesta upang ipanawagan na tuloy-tuloy pa rin ang pagkilos ng mga Tomasino.

“Tuloy-tuloy yung paglaban nila dahil hindi naman nawawalan ng problema. Nawalan man ng klase pero hindi nawawala yung problemang dala ng estado,” ani Roxas sa isang panayam sa TomasinoWeb.

Binigyang-diin din niya ang “demokratikong karapatan” ng mga estudyante, kung saan kaniyang tinukoy ang isyu sa enrollment conforme at “academic freedom.”

“Yung pagkilos ngayong unang araw ay pagrerehistro siya na lumalaban ang mga Tomasino,” aniya.

Gayunpaman, “malugod na tinanggap” ng mga grupo ang balitang bukas ang rektor ng Unibersidad na si Fr. Herminio Dagohoy, O.P. sa pagsusuri ng Student Code of Conduct and Discipline ng Unibersidad.

Umani ng batikos sa internet ang enrollment conforme ng Unibersidad na naglalaman ng mga probisyon ng Student Code of Conduct and Discipline pagkatapos inilagay sa MyUSTe student portal ng mga estudyante.

Ang pagkilos na ito ay ‘di umano pawang sapilitang pagpapasang-ayon ng UST sa mga estudyante sa nasabing enrollment conforme.

Comments

News

Walkout sa mga paaralan at kilos-protesta, isinagawa kahapon

Kinondena ng iba’t ibang progresibong grupo ang karahasang nangyayari sa Negros at ang planong militarisasyon sa mga paaralan at pamantasan.

Published

on

Kuha ni John Aaron Pangilinan

Kinondena ng iba’t ibang progresibong grupo ang karahasang nangyayari sa Negros at ang planong militarisasyon sa mga paaralan at pamantasan.

Sa isinagawang National Day of Mourning and Action kahapon, ika-20 ng Agosto 2019, nagtipon-tipon ang iba’t ibang grupo ng mga magsasaka, estudyante, manggagawa at iba pang sektor para alalahanin ang mga biktima ng pagpatay sa Negros.

Kasabay nito, nagsagawa rin ng walkout ang mga estudyante sa iba’t ibang mga pamantasan bilang pagpapakita ng kanilang mariing pagtutol sa planong militarisasyon o pagdadagdag ng presensya ng kapulisan sa mga eskuwelahan at pamantasan.

Nakilahok dito ang ilang mga progresibong grupo sa Unibersidad at nagkaroon ng maikling mobilisasyon sa harap ng Gate 2 bago sila sumama sa programa sa Mendiola at Liwasang Bonifacio.

Sa isang ambush na panayam ng TomasinoWeb kay Kara Taggaoa, National Spokesperson ng League of Filipino Students, kanyang sinabi na pagpapakita ng pakikiisa ng mga Pilipino sa tuloy-tuloy na karahasan sa Negros ang isinagawang kilos-protesta.

“Ngayong araw naglulunsad tayo ng protesta, […] bilang pag-alala doon sa lahat ng biktima na pinaslang sa Negros. At ‘yung pakikiisa ng mga mamamayan sa buong Pilipinas laban doon sa tuloy-tuloy na atake at pagpatay sa Negros, at ‘yung tuloy-tuloy din na paglaban natin doon sa Oplan Sauron na ipinapatupad sa Negros,” ani Taggaoa.

Kanya ring nabanggit na ang kasabay na malawakang walkout sa iba’t ibang mga pamantasan ay pagpapakita ng pagtutol sa planong militarisasyon o “pagpapatupad ng martial law sa loob ng mga paaralan at pamantasan.”

Iginiit din ni Taggaoa na isang atake sa academic freedom at mga demokratikong karapatan ang planong militarisasyon sa mga paaralan at pamantasan.

“Coming from the statement ng PNP [Philippine National Police] at Senator Bato na i-review daw yung mga accords o mga policies between school administrations and the government na pinipigilan or parang nililimitahan ‘yung presensya ng military and police forces within universities. Kaya nakikita natin ‘to na atake sa ating academic freedom, sa ating democratic rights. Kaya tinututulan natin ‘yung pagpapatupad ng essentially de facto martial law sa loob ng mga pamantasan,” aniya.

Hinimok din ni Taggaoa ang mga estudyante na tumindig para sa kanilang mga karapatan at panatilihing peace zones ang mga paaralan at pamantasan.

“Kailangan tumindig ng mga kabataan para sa ating mga karapatan, para sa academic freedom and democratic rights. Walang lugar sa loob ng ating mga pamantasan ang mga mamamatay-tao, ang mga sunud-sunuran sa isang pasistang diktador na si Duterte,” aniya.

“Walang lugar sa loob ng mga pamantasan natin ang mga tumatapak sa karapatang-pantao. Ang mga pamantasan natin ay dapat peace zones, santuwaryo para sa mga kabataan at para sa iba’t ibang sector na inaatake ng administrasyong Duterte,” dagdag pa ni Taggaoa.

Bukod pa sa mga programang ginanap sa Kamaynilaan, isinagawa rin ang National Day of Mourning and Action at ang kasabay nitong walkout ng mga estudyante sa iba’t ibang panig ng bansa.

 

Comments

Continue Reading

News

Zero Parking Policy, hindi kailangang ipatupad—MTPB chief

Hindi kailangang maghigpit ng pamahalaan sa parking kung hindi naman sila sagabal sa kalsada, ayon sa Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB). 

Published

on

Hindi kailangang maghigpit ng pamahalaan sa parking kung hindi naman sila sagabal sa kalsada at nakadadaloy pa rin ang mga motorista, lalo na ang mga ambulansya na papunta sa kanilang mga ospital, ayon sa Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB). 

“Kung maayos naman po ang daloy ng trapiko, hindi kailangan ng MTPB maghigpit o mag-implement ng Zero Parking Policy,” ani MTPB chief Dennis Viaje.

Ito ay matapos ipadala ng Manila Public Information Office (MPIO) ang mga litrato at impormasyon na inilathala ng TomasinoWeb sa MTPB, kung saan makikitang nagmistulang garahe ang bangketa ng Asturias Street sa Dapitan sa dami ng nakaparadang sasakyan.

Dagdag pa niya, “Kapag po inubos ang parking sa Asturias, lalahatin na dapat ang mga nasa paligid ng UST. Baka nga lang po magkaroon ng problema ang karamihan kung saan paparada.”

Gayunpaman, mananatiling mahigpit ang mga MTPB enforcers sa mga main road ng Maynila tulad na lang ng España Boulevard.

“Kung hinihiling po ng UST na linisin ang mga naka-park sa lugar ay maaari naman po. Ang problema, sila naman po ang tatamaan dahil walang paparadahan ang kanilang mga empleyado o kaya mag-aaral kung meron man silang sasakyan,” ayon sa pahayag ng MPIO sa isang panayam kasama ang TomasinoWeb.

“’Yung mga naka-park po kaninang umaga (Sabado, ika-17 ng Agosto), ang karamihan po doon ay naghahatid o nagsusundo ng mga estudyante,” dagdag ng opisina.

‘Isyu ng kalinisan, hindi lang obstruction’

Hindi lang isyu ng obstruction ang dahilan kung bakit pinaalis ang mga sidewalk vendor, kundi isyu rin ito ng kalinisan, ayon sa mga otoridad.

“Tungkol naman sa mga vendor, nagkaroon ng clearing operations hindi lang para magtanggal tayo ng obstruction kundi dahil karamihan po sa kanila ay nag-iiwan ng mga basura o kalat sa kalsada,” ayon sa lokal na Department of Public Services.

Dagdag pa ng DPS, sa pahayag ng MPIO sa TomasinoWeb, regular ang implementasyon ng cleaning at mopping operations sa lungsod mula nang magsimula ang bagong administrasyon.

Naibalik na rin ang regular na koleksyon ng basura sa loob at labas ng Unibersidad, ayon kay DPS chief Kenneth Amurao.

Comments

Continue Reading

News

UST vendors, napilitang magsara matapos ang clearing operations

Tuluyan nang tumigil ang operasyon ng mga food stall sa bangketa ng Asturias Street, Dapitan simula ngayong araw, ika-17 ng Agosto, matapos mapilitang magsara ang mga sidewalk vendors kasunod ng clearing operations kahapon.

Published

on

Kuha ni Natasha Claudia Bautista

Tuluyan nang tumigil ang operasyon ng mga food stall sa bangketa ng Asturias Street, Dapitan simula ngayong araw, ika-17 ng Agosto, matapos mapilitang magsara ang mga sidewalk vendors kasunod ng clearing operations kahapon.

Kahapon ay isinagawa ang “Operation Zero Obstruction” ng Barangay 471 ng Zone 46, Sampaloc, Manila alinsunod sa direktiba ng lokal na Department of Engineering and Public Works (DEPW) ng lungsod ng Maynila.

Ayon sa notice ng DEPW na ipinamigay ng lokal na barangay sa clearing operations kahapon, “illegal construction/encroachment on the street or sidewalk” at “illegal construction of stalls on the sidewalks” ang batayan ng pagpapaalis.

Ayon naman kay Brgy. Kagawad Evelyn Rodriguez sa isang ekslusibong panayam kasama ang TomasinoWeb, pinaalis din daw ang mga manininda para bigyang-daan ang flag ceremony na gaganapin sa Lunes, ika-19 ng Agosto.

“Ngayon, wala na [sila], especially on Monday […] 7:30 [ng umaga] darating ang Station 4,” aniya.

 

‘Dapat pagbigyan din kami’

Humiling si Boy Daos, 61 taong gulang at humigit-kumulang 30 taon nang sidewalk vendor sa Asturias Street, Dapitan, na pagbigyan naman daw sana sila ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila.

Aniya, “Dapat pagbigyan din kami eh, dahil d’yan namin kinukuha lahat ng pangangailangan namin sa ikinabubuhay namin d’yan namin kinukuha, kasi wala naman kaming [ibang] hanapbuhay kundi ‘yan lang eh.”

Dagdag pa niya, “kung bibigyan pa kami ng pagkakataon na magtinda ulit ni [Mayor] Isko [Moreno], pwede. Pero ‘pag totally na zero [obstruction], wala na kaming magagawa.”

Karamihan sa mga tinda nila ay mga tusok-tusok at iba pang street food na kinalakhan na ng mga Tomasino.

Kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang mga manininda sa lokal na barangay.

 

Bantang suspensyon vs pabayang LCEs

Kamakailan lang ay ipinatupad ng Department of Local and Interior Government (DILG) ang nationwide road clearing operations alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-apat na SONA.

Ayon sa Memorandum Circular 2019-121 na ibinaba ng DILG noong ika-29 ng July ngayong taon, ang direktiba ay “[to] reclaim public roads which are being used for private ends” na nagbabawal sa mga pago-okupa ng mga sidewalk vendor ng mga bangketa upang magtinda.

Ipinagbabawal din ang pagpaparada ng mga pribadong sasakyan sa mga pampublikong kalsada.

Nakasaad rin dito na sa loob ng 60 na araw o dalawang buwan ay kailangang may makamit na resulta, kung hindi ay masususpende ang mga pabayang local chief executives (LCE) ng mga local government unit sa buong bansa.

“As DILG Secretary Eduardo M. Año said, this should be a nationwide undertaking,” ani DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya sa isang report na inilathala ng Philippine Information Agency.

“So, yung instruction to DILG to recommend the suspension of negligent mayors also applies to those in the provinces,” dagdag pa niya.

Comments

Continue Reading

Trending