Connect with us

Breaking News

Thomasian tops October 2017 accountancy boards

Thomasian Alfonso Solomon Magno emerged as the topnotcher in October 2017 licensure examination for accountants.

Published

on

A Thomasian emerged as the topnotcher in October 2017 licensure examination for certified public accountants, while the University improved its passing rate this year.

Alfonso Solomon Ramos Magno led the new batch of certified public accountants with a score of 91.33 percent.

Six other Thomasians also made it on the list of top ten highest scorers.

Ray Jay Dizon shared the fourth spot with Ronald Bolanos Jr. of the Polytechnic University of the Philippines-Manila. Both of them earned a score of 90.67 percent.

Alvin Thomas Endaya landed in the seventh place with a score of 90.00 percent.

Maria Isabel Marfil and Marc Villaverde bagged the ninth spot with a score of 89.67 percent. They were joined by Rochelle Enrile, Angel Mae Reyes, and Vanessa Roxas of Far Eastern University.

Louize Areno and Christine Mae De Leon both landed in the tenth place with a score of 89.33 percent. They were joined by Marcia Butastas of the University of San Carlos.

Meanwhile, UST garnered a passing rate of 91.99 percent this year, in which 333 out of 362 examinees made the cut. This was higher than last year’s 90.72 percent or 352 out of 388 examinees passed the exam.

The University of the Philippines-Diliman retained its title as the top performing school in the board exam after all its 69 examinees passed.

Comments

Breaking News

UST ika-apat sa mechanical engineering boards

Pagkatapos mapangalanang ikapitong top performing school noong nakaraang taon, umakyat sa ika-apat na puwesto ang UST sa Agosto 2018 mechanical engineer licensure examination.

Published

on

engineering building
Kuha ni Christel Maliksi/TomasinoWeb.

Pagkatapos mapangalanang ikapitong top performing school noong nakaraang taon, umakyat sa ika-apat na puwesto ang UST sa Agosto 2018 mechanical engineer licensure examination.

Nakakuha ang Unibersidad ng 87.18-porsiyentong passing rate, kung saan 102 mula sa 117 na Tomasinong kumuha ng pagsusulit ang nakapasa.

Subalit, ito ay mas mababa sa 88.24-porsiyentong passing rate kumpara sa nakaraang taon.

Walang Tomasino ang nakapasok sa listahan ng sampung nakakuha ng mataas na marka.

Ang Malayan Colleges Laguna naman ang nanguna sa nasabing board exam na may 94.74-porsiyentong passing rate.

Ayon sa Professional Regulation Commission, na 3,092 ang kalahatang nakapasa sa mechanical engineer licensure exam mula sa 5,084 na kumuha nito. H. M. Amoroso

Comments

Continue Reading

Breaking News

Viray, tanggal sa UST matapos ang panibagong reklamo

Opisyal nang tinanggal sa listahan ng mga mag-aaral ng Unibersidad si Kyle Viray, dating estudyante ng Kolehiyo ng Agham, kasunod ang pagsampa ng reklamo ng isa pang biktima laban sa kaniya.

Published

on

gil morales
Kuha ni Jester Ramos/TomasinoWeb (kaliwa), larawan mula sa Twitter ni Gil Morales (kanan).

MULA SA PATNUGOT: Sa kahilingan ng biktima, hindi ilalabas ng TomasinoWeb ang ilang sensitibong detalye ng kaso.

Opisyal nang tinanggal sa listahan ng mga mag-aaral ng Unibersidad si Kyle Viray, dating estudyante ng Kolehiyo ng Agham, kasunod ang pagsampa ng reklamo ng isa pang biktima laban sa kaniya.

Napatunayan muli na nilabag ni Viray ang Student Code of Conduct and Discipline ng UST sa panibagong kaso na inihain ni Gil Nicole Morales na nagtapos ng Accountancy sa Unibersidad nitong Hulyo.

Sa resolusyon ng Student Welfare and Development Board ng UST Office for Student Affairs (OSA) noong ika-7 ng Agosto na nakuha ng TomasinoWeb sa isang reliable source, nakasaad na hindi na rin maaaring magmatrikula si Viray sa kahit anong kurso sa Unibersidad.

Bukod dito, hindi mabibigyan ng Certificate of Good Moral Character si Viray.

NAGBABAGA: Ayon sa isang resolusyong nilagdaan noong ika-7 ng Agosto, hindi na kasama si Kyle Viray ng College of…

TomasinoWebさんの投稿 2018年8月13日月曜日

 

Sa eksklusibong panayam ng TomasinoWeb kay Morales, sinabi niya na lubos siyang nagagalak dahil sa pagkatanggal ni Viray sa UST.

“I feel relieved already because the proper sanction was already given and I hope that we can all learn from this and be aware that domestic abuse is not a joke, it can damage one’s self-esteem. I just hope nobody will have to experience this again,” ani Morales.

“I feel really happy [na] because it took me a lot of time and courage to speak out but it was all worth it,” dagdag niya.

Ayon sa resolusyon, ilang beses nagkaroon ng away sa pagitan nina Morales at Viray mula Agosto hanggang Setyembre noong nakaraang taon, kung saan mayroong mga pagkakataong sinasaktan at tila pinapahiya ni Viray si Morales.

Sa counter-affidavit ni Viray na nakasulat sa resolusyon, kaniyang itinanggi ang mga alegasyon ni Morales laban sa kaniya. Si Morales, aniya, ang lumapit sa kaniya sa kabila ng kaniyang pagtanggi dahil siya ay may kasintahan pa noong mga araw na iyon.

Kaniya ring sinabi sa kaniyang counter-affidavit, ayon sa resolusyon, na ang pagsampa ni Morales ng reklamo ay dahil lamang sa kagustuhan niyang makisali sa mga kontrobersya laban sa kaniya.

Binigyang-diin din sa resolusyon ng OSA na nagkaroon ng relasyon sina Morales at Viray dahil sa isinumiteng Move-In Clearance ni Morales sa kabila ng pagtatanggi ni Viray sa kaniyang counter-affidavit.

Binanggit pa na binigyan ng kaluwagan si Viray sa naunang reklamong isinampa ni Diane Arcena laban sa kaniya dahil magtatapos na mag-aaral sa Unibersidad si Viray sa kaniyang kurso.

Nauna na nagsampa ng parehong reklamo laban kay Viray ang kaniyang dating kaklase at naging-kasintahan na si Arcena.

Hinatulan ng 250 na oras sa community service at pagtanggal sa solemn investiture rites si Viray pagkatapos unang mapatunayang nilabag niya ang Student Code sa isinampang kaso ni Arcena.

Noong Hulyo 15, inihayag ni Morales sa Twitter ang “pag-abuso” ni Viray sa kaniya.

Gabi bago ang paglathala ni Morales sa Twitter, ibinunyag ni Arcena ang “pang-aabuso” ni Viray.

BASAHIN: Biology student ‘physically, emotionally abused’

Ang kasong isinampa ni Morales laban kay Viray ay hinawakan ng OSA dahil magkaiba ng kinabibilangang kolehiyo ng dalawa. John Aaron Pangilinan, may mga ulat mula kay Angelika Ortega

 

Comments

Continue Reading

Breaking News

UST, pumang-apat sa Agosto 2018 pharmacy boards

Pumang-apat ang Unibersidad sa katatapos lamang na pharmacy licensure examination nitong Agosto.

Published

on

ust main building
Kuha ni Jester Ramos/TomasinoWeb.

Pumang-apat ang Unibersidad sa katatapos lamang na pharmacy licensure examination nitong Agosto.

Nagtala ang UST ng 91.56-porsiyentong passing rate ngayong taon, kung saan 282 sa 308 ang pumasa na mga Tomasino.

Mas mababa ito, gayunpaman, kumpara sa 92.50-porsiyento na nakamit noong Agosto ng 2017. Pangalawa ang Unibersidad noong nakaraang taon.

Samantala, apat na Tomasino naman ang kasama sa sampung may pinakamataas na marka sa nasabing eksamen.

Pinangunahan ni Patrick Joshua Torres Galura ang mga bagong Tomasinong parmasyutiko pagkatapos makamit ang ikatlong puwesto. Nakakuha siya ng 91.35-porsiyentong passing rate.

Nasa ika-apat na puwesto si Biehn Beryl Cheng Que na nakakuha ng 91.30 na porsiyento.

Nasa ika-anim na puwesto naman si Maureen Theresa Sual Alexander, na may markang 91.20 na porsiyento.

Ikapito naman si Khrisna Dasha Corpuz pagkatapos makakuha ng 91.07-porsiyentong passing rate.

Ang St. Louis University ang nangunang eskuwelahan sa pagsusulit na may naitalang 98.69-porsiyentong passing rate.

Ayon sa Professional Regulation Commission, 2,927 ang nakapasa sa pharmacy board exam mula sa 4,230 kumuha ng nasabing pagsusulit. P. Alejandrino

 

Comments

Continue Reading

Trending