Connect with us

College

Silent protest binuhay muli ang mga isyu sa AB

PUMUKAW ng atensyon mula sa madlang Artlet ang ginawang matahimik na pagpoprotesta sa St. Raymund de Peñafort Building, ika-11 ng umaga ng Agosto 14.

Published

on

PUMUKAW ng atensyon mula sa madlang Artlet ang ginawang matahimik na pagpoprotesta sa St. Raymund de Peñafort Building, ika-11 ng umaga ng Agosto 14.

Tinatayang labinlimang miyembro ng League of Filipino Students (LFS-UST) ang nakiisa at umikot sa ikauna at ikalawang palapag ng St. Raymund’s, kung saan nagka-klase ang mga estudyante ng Pakultad ng Sining at Panitik, dala-dala ang kanilang mga plakard upang ipahayag ang kanilang saloobin ukol sa nawawalang pondo ng Arts and Letters Student Council (ABSC) at sa aberya sa Type B uniform.

“Nabaon kasi sa limot ang isyu so ang plano ngayon ay ibabalik kasi hindi nadi-disclose sa mga estudyante kung anong nangyayari sa imbestigasyon,” ani Uziel Guthrie Naguit ng LFS-UST, “Ngayon, ang nangyayari ay mga estudyante mismo ang nagtatanong kung bakit nangyayari ito sa loob ng AB (ang Pakultad).”

Dagdag pa ni Ivan Tan, isang alumnus ng programang Pilosopiya at kasapi ng LFS-UST na “ang layunin ng LFS para sa isinagawang protesta ay para ilantad ang mga nangyayari para sa mga estudyante”.

“Makita natin ito bilang warning or leksyon para maging mas involved sa mga nangyayari kasi hindi naman tayo pwedeng tumahimik lang sa isang sulok habang may nawawalang ₱50,000 kasi napakalaking pera rin iyon,” paliwanag ni Tan.

“[Ang] punto ng mga [plakard na] hinaing ng mga mag-aaral ay ang paghinto sa komersyalisayon ng edukasyon at pananagutan at kalinawan ukol sa nawalang limampung libong piso na pondo ng konseho sa nakaraang Academic Year.”

May inabot din na petition sheet sa bawat presidente ng klase sa AB habang ginaganap ang silent protest.

Dagdag pa ni Tan na target ng LFS-UST ay makalikom ng hindi bababa sa 2,000 pirma sa petisyon na i-aattach, ico-compile at i-fifile sa Student Welfare and Development Board (SWDB).

Nagkawatak-watak lamang ang mga nagpoprotesta ng kanilang malaman na nangungumpiska na ng ID ang isang guwardya. Bago matapos ang demonstrasyon nasabihan ni Assistant Dean Narcisa Tabirara ang isa sa mga lider na si Ivan Tan, isang alumnus sa Unibersidad at miyembro ng LFS-UST.

“Ang mga usaping ito ay nasasakupan ng administrasyon ng [AB] at […] kami ang makikipag-ugnayan sa aming mga estudyante. Alam na namin ang mga iyan. Don’t worry about it,” sabi ni Asst. Dean Tabirara kay Tan.

READ  ‘Summer Uniform' Induces Pool of Reactions

Sabi naman ng Presidente ng ABSC na si Jan Dominic Castro sa isang tweet na handa raw siyang sagutin ang lahat ng tanong at alegasyon laban sa Konseho sa tamang lugar.

Nawawalang ₱50K

Noong ika-23 ng Oktubre 2014, sinasabing nawala mula sa mismong opisina ng ABSC ang mahigit kumulang Php 50,000 na pondong ilalaan sana para sa mga iba’t-ibang programa at aktibidad na pang-estudyante.

Ilalaan sana ang nasabing pondo para sa Athena Cup (₱6,000), props na gagamitin para sa Athena Cup (mahigit-kumulang ₱1,600), NGO Fair (₱25,500), at sa general assembly ng staff ng konseho (mahigit-kumulang ₱8,150.00).

Maliban sa mga proyektong nasabi, may nahalong pambayad sa tuition na nagkakahalagang ₱12,000 at ₱3,000.

Ineskedyul ang isang “fact finding session” sa pagitan ng Nobyembre 2014 at Enero 2015, ngunit hindi ito natuloy dahil daw sa paghahanda para sa pagbisita ng Santo Papa sa Unibersidad at dahil din daw sa hindi pagkakatugma-tugma ng mga iskedyul ng mga panelist ng SWDB.

Aberya sa Type B uniform

Unang iminungkahi ang ideya ng pagkakaroon ng Type B uniform na susuotin ng mga estudyante para sa panahon ng tag-araw upang maibsan ang init na kanilang nararamdaman. Hinayaan ng administrasyon ng Unibersidad na magsumite ng kanya-kanyang disenyo ang bawat kolehiyo at pakultad, kasama na ang AB.

Isa sa mga iminungkahing disenyo ng AB Type B uniform ay ang naisumite ng Bright Ravens Printing Co. noong Hunyo 2014.

Naantala ang pagbibigay sa mga estudyante ng mga kanilang inorder na Type B uniform mula sa Bright Ravens dahil sa pagpapalit ng manufacturer ng nasabing uniporme.

Unang ipinamahagi sa mga freshmen ang mga natapos na uniporme, na limitado lamang sa sizes na extra small at small.

Bukod sa limitadong suplay ay nagreklamo din ang mga estudyante dahil sa diumanong pangit na tela, maling sukat, at mahal na presyo.

Ngayong pagbubukas lamang ng Taong Akademiko 2015-2016 naipamahagi ang huling batch ng Type B uniform na may sukat na medium hanggang XXL.

Pinahintulutan lamang ng Secretary General ang pagsusuot ng Type B uniform simula Ash Wednesday (Pebrero 18) hanggang sa pagtatapos ng tag-init.

Karagdagang ulat mula kina Mac Norhen Bornales at Xave Gregorio
Kuha ni Xave Gregorio

Comments

Breaking News

UST caps performance in Oct 2016 chemist licensure exams

The University of Santo Tomas (UST) improved its standing in the October 2016 chemist licensure examinations with two Thomasians making it in top ten highest scorers, Professional Regulation Commission results showed.

Published

on

 

The University of Santo Tomas (UST) improved its standing in the October 2016 chemist licensure examinations with two Thomasians making it in top ten highest scorers, Professional Regulation Commission results showed.

 

Kent Gervacio shared the sixth spot with Lizette Mella of University of the Philippines-Diliman (UPD) with a score of 88.25 percent and Jinniel Cruz of Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.

 

Robert Yee, who scored 87.75 percent,  shared the eighth place with Jerwin Taping of University of the Philippines-Manila.

 

UST garnered a 73.17 percent passing rate wherein 30 out of 41 Thomasians made the cut. This is higher than last year’s 66.67 percent  wherein only 16 passed the examination out of 48 examinees.

 

UPD was hailed as the top performing school with a passing rate of 95 percent while Mikel Allas of De La Salle University topped the board examinations with a score of 93.50 percent.

 

According to PRC, 559 passed the board examination out of 1,019 examinees nationwide.- VA Ferreras

Comments

Continue Reading

Breaking News

UST ranks 3rd in Sept 2016 mech eng’g boards

The University of Santo Tomas (UST) was ranked as the third best performing school in the September 2016 mechanical engineering licensure examinations, Professional Regulation Commission (PRC) results showed.

Published

on

 

The University of Santo Tomas (UST) was ranked as the third best performing school in the September 2016 mechanical engineering licensure examinations, Professional Regulation Commission (PRC) results showed.

 

UST garnered a 92 percent passing rate wherein 115 out 125 Thomasians passed the examination. This is higher than last year’s 63.21 percent, wherein only 67 out of 106 made the cut. No Thomasian made it in the top ten highest scorers.

 

University of the Philippines-Diliman topped the exam with a perfect passing rate. Meanwhile, Elso Elumbaring Jr. of Notre Dame University led the new batch of mechanical engineers with a score of 90.15 percent.

 

According to PRC, 3,110 passed the licensure examination out of 4,470 examinees nationwide.

Comments

Continue Reading

College

UST nursing program gains Pacucoa Level IV accreditation

The Philippine Association of Colleges and Universities Commission on Accreditation (Pacucoa) granted the highest accreditation status to the nursing program of the University of Santo Tomas.

The accreditation is effective until June 2020 and gives the University full autonomy in offering new graduate programs, open learning education programs and extension classes without the Commission on Higher Education’s (CHED) approval.

Published

on

NURSING

In reference to the Harry Potter series, College of Nursing freshmen enter through a “wall” made of cloth during the Freshmen Welcome Walk last August 2015.

The Philippine Association of Colleges and Universities Commission on Accreditation (Pacucoa) granted the highest accreditation status to the nursing program of the University of Santo Tomas.

The accreditation is effective until June 2020 and gives the University full autonomy in offering new graduate programs, open learning education programs and extension classes without the Commission on Higher Education’s (CHED) approval.

Aside from Pacucoa Level IV status, the program is also a CHED Center of Excellence in Nursing Education.

Comments

Continue Reading

Trending