Connect with us

College

Hatol ukol sa nawawalang student fund, ilalabas sa susunod na linggo

INAASAHAN na malalaman na ng mga estudyante ng Pakultad ng Sining at Panitik (AB) ang opisyal na hatol tungkol sa nawawalang student fund na tinatayang nagkakahalagang ₱50,000 sa susunod na linggo, ayon sa isang opisyal ng fakultad.

Published

on

Sinabi ng Arts and Letters Student Council (ABSC) sa isang opisyal na pahayag ukol sa nangyaring silent protest noong Agosto 14 na tuluyan nang malulutas ang isyu tungkol sa nawalang pera na sinasabing nawala sa mismong opisina ng ABSC noong Oktubre 23 nang nakaraang taon.

Nagkaroon ng “silent rally” umaga ng Agosto 14, na pinangunahan ng League of Filipino Students-UST, para himukin ang konseho na bigyan na ng kasagutan ang mga agam-agam patungkol sa nawawalang pera at sa matagal na pagbibigay ng Type B uniforms.

Sinabi ni AB Assistant Dean at Student Welfare and Development Board Coordinator (SWDB) Nancy Tabirara na ipinaalam na niya sa ABSC na ilalabas na ang huli at opisyal na desisyon ukol kontrobersyal na isyu na nangyari sa administrasyon ni dating ABSC President Marie Jann Klaire Lazo.

Ayon rin kay Tabirara, may kasiguraduhan na may mananagot pagkatapos nilang magsagawa ng imbestigasyon.

Ilang beses nang naantala ang imbestigasyon sa nawalang pera dahil sa paghahanda para sa pagbisita ni Pope Francis sa Unibersidad at sa hindi pagkakatugma-tugma ng mga iskedyul ng mga panelists ng SWDB.

Ayon sa Facebook status ni ABSC President Jan Dominic Castro, mareresolba lang ang mga isyu kung idadaan ito sa tamang plataporma at hindi sa pamamagitan ng pagsasagawa ng “trial by publicity scheme.”

Ang ₱50,000 na naiulat na nawala ay para sana sa mga proyekto ng konseho tulad ng Athena Cup, NGO Fair, at general assembly ng staff ng konseho. Nahalo rin sa nawawalang pera ang pambayad sa tuition na nagkakahalagang ₱12,000 at ₱3,000.

READ  JOY awardees deliver journalism lecture

Mga bagong proyekto ng konseho

Para sa mas maayos na komunikasyon ng mga estudyante sa konseho, inaasahang ilalatag ng ABSC ang mga iba’t-ibang proyekto para maipaalam ang mga iba’t-ibang nangyayari sa Pakultdad, ayon sa kanilang opisyal na pahayag.

Ang mga ito ay ang Constitutional Convention, State of the Council Address (SOCA), The Minutes newsletter, AB Complaints and Relief (AB CORE), at ang paglagay ng CCTV Camera sa loob ng opisina ng konseho.

Matatandaang nahirapan ang mga awtoridad na tukuyin ang suspek sa nangyaring pagkawala ng pondo dahil walang CCTV camera sa loob ng opisina ng ABSC.

Layunin ng Constitutional Convention na maglatag ng karampatang hatol para sa mga opisyal ng ABSC sakaling hindi nila tuparin ang kanilang mga katungkulan.

Maguulat naman ang presidente ng ABSC ng mga bagong balita ukol sa mga isyu at proyekto ng konseho sa SOCA.

Magsisilbing newsletter naman ang The Minutes upang mabigyan ng quarterly update ang mga estudyante ukol sa mga pangyayari sa konseho.

Makikipagtulungan naman ang ABSC sa SWDB at Students Rights and Welfare Committee sa AB CORE para bigyang solusyon ang mga problema na inuulat ng mga estudyante.

TomasinoWeb file photo

Comments

Breaking News

UST caps performance in Oct 2016 chemist licensure exams

The University of Santo Tomas (UST) improved its standing in the October 2016 chemist licensure examinations with two Thomasians making it in top ten highest scorers, Professional Regulation Commission results showed.

Kent Gervacio shared the sixth spot with Lizette Mella of University of the Philippines-Diliman (UPD) with a score of 88.25 percent and Jinniel Cruz of Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.

Robert Yee, who scored 87.75 percent,  shared the eighth place with Jerwin Taping of University of the Philippines-Manila.

UST garnered a 73.17 percent passing rate wherein 30 out of 41 Thomasians made the cut. This is higher than last year’s 66.67 percent  wherein only 16 passed the examination out of 48 examinees.

UPD was hailed as the top performing school with a passing rate of 95 percent while Mikel Allas of De La Salle University topped the board examinations with a score of 93.50 percent.

According to PRC, 559 passed the board examination out of 1,019 examinees nationwide.- VA Ferreras

Comments

Continue Reading

Breaking News

UST ranks 3rd in Sept 2016 mech eng’g boards

The University of Santo Tomas (UST) was ranked as the third best performing school in the September 2016 mechanical engineering licensure examinations, Professional Regulation Commission (PRC) results showed.

UST garnered a 92 percent passing rate wherein 115 out 125 Thomasians passed the examination. This is higher than last year’s 63.21 percent, wherein only 67 out of 106 made the cut. No Thomasian made it in the top ten highest scorers.

University of the Philippines-Diliman topped the exam with a perfect passing rate. Meanwhile, Elso Elumbaring Jr. of Notre Dame University led the new batch of mechanical engineers with a score of 90.15 percent.

According to PRC, 3,110 passed the licensure examination out of 4,470 examinees nationwide.

Comments

Continue Reading

College

UST nursing program gains Pacucoa Level IV accreditation

The Philippine Association of Colleges and Universities Commission on Accreditation (Pacucoa) granted the highest accreditation status to the nursing program of the University of Santo Tomas.

The accreditation is effective until June 2020 and gives the University full autonomy in offering new graduate programs, open learning education programs and extension classes without the Commission on Higher Education’s (CHED) approval.

Published

on

NURSING

In reference to the Harry Potter series, College of Nursing freshmen enter through a “wall” made of cloth during the Freshmen Welcome Walk last August 2015.

The Philippine Association of Colleges and Universities Commission on Accreditation (Pacucoa) granted the highest accreditation status to the nursing program of the University of Santo Tomas.

The accreditation is effective until June 2020 and gives the University full autonomy in offering new graduate programs, open learning education programs and extension classes without the Commission on Higher Education’s (CHED) approval.

Aside from Pacucoa Level IV status, the program is also a CHED Center of Excellence in Nursing Education.

Comments

Continue Reading

Trending