Connect with us

College

Halaga ng Panitikan sa Lipunan, Tinalakay sa Pandayan

Published

on

IDINAOS ng konseho ng mag-aaral mula sa Fakultad ng Sining at Panitik ang Pandayan, isang serye ng palihan na tumatalakay sa malikhaing pagsulat gamit ang wikang Filipino, noong ika-13 ng Agosto sa Engineering Conference Hall.

Ang serye, na dinaluhan ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang kurso sa nasabing Fakultad, ay nahati sa tatlong bahagi: ang tula, maikling kwento, at sanaysay.

Nagsilbing unang tagapagsalita para sa tula si Noel Barcelona na isa sa punong patnugot ng news tabloid na Inang Bayan at makatang kabilang sa Kilometer 64 Writer Collective.

Maliban sa pagbibigay ng kaunting payo ukol sa pagsusulat ng tula, binigyang diin din ng lektyur ni Barcelona ang paggamit ng tula bilang midyum ng pagbibigay mulat sa mga mambabasa ukol sa mga isyung nagaganap sa ating lipunan.

“Ang tula ay dapat din naman na nagbibigay mukha doon sa katotohanang nangyayari sa isang lipunan,” ani Barcelona. “Dapat may pakiramdam ang tula sa kung ano ang nangyayari sa lipunan niya.”

Sunod kay Barcelona ay ang kapwa manunulat, makata, at Palanca awardee na si Mark Angeles na kilala sa cyber alyas na “Makoy Dakuykoy”.

Kabilang sa mga paksa ng diskurso ni Angeles ang pagkakaiba ng tula sa prosa, mga katangian ng katutubong tula at kontemporaryong tula sa Pilipinas, at mga teknikal na pamamaraan ng pagsulat ng tula.

Ukol naman sa pagsulat ng maikling kwento ang ibinahagi ni Pia Montalban, isa ring makata at manunulat mula sa Kilometer 64 Writer Collective na napabilang na sa iba’t ibang writing workshops sa bansa.

“Ang panitikan ay sumasabay sa kung ano iyong pinagdadaanan ng isang partikular na lipunan sa isang partikular na panahon,” giit ni Montalban.

READ  ‘Transformers’ franchise has more in store

Hinikayat din ni Montalban na mangolekta ng mga karanasan ang mga nagnanais maging manunulat.

“Walang mahusay na writer na hindi lumabas sa apat na sulok ng kanyang sariling mundo lamang at nakisalamuha,” dagdag pa ni Montalban.

Huling tagapagsalita naman si Jonathan Vergara Geronimo, guro mula sa Departamento ng Filipino ng Unibersidad ng Santo Tomas (UST).

Tinalakay ni Geronimo ang paksang pagsulat ng sanaysay sa malikhaing pamamaraan o creative non-fiction.

Ipinaliwanag niya na ang pagsusulat ng sanaysay ay dapat nagmumula sa mga pansariling karanasan at inihahayag bilang pangkolektibong karanasan.

“Ang panitikan ay hindi lamang pagpapahayag ng sarili; ito rin ay para sa pakinabang ng iba,” ani Geronimo.

Ginanap naman sa ikalawang araw ng Pandayan ang mga patimpalak sa pagsusulat ng tula, maikling kwento at malikhaing sanaysay na naging bukas sa mga dumalo noong unang araw.

Kuha ni Mary Celine Clare C. Tingson

Comments

Breaking News

UST caps performance in Oct 2016 chemist licensure exams

The University of Santo Tomas (UST) improved its standing in the October 2016 chemist licensure examinations with two Thomasians making it in top ten highest scorers, Professional Regulation Commission results showed.

Published

on

 

The University of Santo Tomas (UST) improved its standing in the October 2016 chemist licensure examinations with two Thomasians making it in top ten highest scorers, Professional Regulation Commission results showed.

 

Kent Gervacio shared the sixth spot with Lizette Mella of University of the Philippines-Diliman (UPD) with a score of 88.25 percent and Jinniel Cruz of Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.

 

Robert Yee, who scored 87.75 percent,  shared the eighth place with Jerwin Taping of University of the Philippines-Manila.

 

UST garnered a 73.17 percent passing rate wherein 30 out of 41 Thomasians made the cut. This is higher than last year’s 66.67 percent  wherein only 16 passed the examination out of 48 examinees.

 

UPD was hailed as the top performing school with a passing rate of 95 percent while Mikel Allas of De La Salle University topped the board examinations with a score of 93.50 percent.

 

According to PRC, 559 passed the board examination out of 1,019 examinees nationwide.- VA Ferreras

Comments

Continue Reading

Breaking News

UST ranks 3rd in Sept 2016 mech eng’g boards

The University of Santo Tomas (UST) was ranked as the third best performing school in the September 2016 mechanical engineering licensure examinations, Professional Regulation Commission (PRC) results showed.

Published

on

 

The University of Santo Tomas (UST) was ranked as the third best performing school in the September 2016 mechanical engineering licensure examinations, Professional Regulation Commission (PRC) results showed.

 

UST garnered a 92 percent passing rate wherein 115 out 125 Thomasians passed the examination. This is higher than last year’s 63.21 percent, wherein only 67 out of 106 made the cut. No Thomasian made it in the top ten highest scorers.

 

University of the Philippines-Diliman topped the exam with a perfect passing rate. Meanwhile, Elso Elumbaring Jr. of Notre Dame University led the new batch of mechanical engineers with a score of 90.15 percent.

 

According to PRC, 3,110 passed the licensure examination out of 4,470 examinees nationwide.

Comments

Continue Reading

College

UST nursing program gains Pacucoa Level IV accreditation

The Philippine Association of Colleges and Universities Commission on Accreditation (Pacucoa) granted the highest accreditation status to the nursing program of the University of Santo Tomas.

The accreditation is effective until June 2020 and gives the University full autonomy in offering new graduate programs, open learning education programs and extension classes without the Commission on Higher Education’s (CHED) approval.

Published

on

NURSING

In reference to the Harry Potter series, College of Nursing freshmen enter through a “wall” made of cloth during the Freshmen Welcome Walk last August 2015.

The Philippine Association of Colleges and Universities Commission on Accreditation (Pacucoa) granted the highest accreditation status to the nursing program of the University of Santo Tomas.

The accreditation is effective until June 2020 and gives the University full autonomy in offering new graduate programs, open learning education programs and extension classes without the Commission on Higher Education’s (CHED) approval.

Aside from Pacucoa Level IV status, the program is also a CHED Center of Excellence in Nursing Education.

Comments

Continue Reading

Trending