Connect with us

News

‘God bless democracy’: CJB, inihalal ang mga kandidato ng CSC na may matataas na boto

Published

on

Umiyak si Arvin Besonda, chairperson ng UST Central Commission on Elections, matapos iproklama ang mga bagong opisyal ng Central Student Council ngayong araw, ika-25 ng Agosto 2017. Kuha ni Aleli Catli/TomasinoWeb.

“God bless UST and God bless democracy.”

Ito na lamang ang nasabi ni UST Central Commission on Elections (UST COMELEC) chairperson Arvin Bersonda pagkatapos niyang iproklama ang mga kandidatong may matataas na boto noong halalan para sa Central Student Council (CSC).

Pormal nang pinakilala ng UST COMELEC ngayong araw, ika-25 ng Agosto, ang mga bagong opisyal ng CSC.

Ipinroklema sila Steven Muller-Grecia bilang presidente, Gabriela Sepulchere bilang bise presidente, Daveson Nieto bilang treasurer, at Richard Javier bilang auditor.

Lahat sila ay nagmula sa partidong Lakas Tomasino Coalition.

Noong Abril 21, nanaig ang botong “abstain” ng mga Tomasino sa posisyon ng presidente, bise presidente, treasurer, at auditor.

Sila Therese Gorospe at Francis Santos lamang, na parehong tumakbong independent, ang nanalo sa halalan.

Si Gorospe ang hinirang na kalihim at Santos naman ang nanalong public relations officer.

Matatandaang, naghain ng resolusyon ang Central Judiciary Board noong Hulyo 24 kung saan inaatasan nito ang UST COMELEC na ipagsawalang-bahala ang deklarasyon nito sa mga posisyon ng presidente, bise-presidente, treasurer, at auditor bilang bakante.

Sa bagong resolusyon na inilabas ng judiciary board, pinaboran nito ang apela nila Grecia na nag-iisang kandidato sa pagka-pangulo sa CSC at Daniela Frigillana na tumakbo bilang vice president internal sa lokal na konseho ng Pakultad ng Sining at Panitik.

Umapela sila Grecia at Frigillana na ihalalal ang mga kandidatong may matataas na boto kasunod ng “abstain.”

Sa kabila ng apela ni Frigillana, idiniin ni Bersonda na ang nasabing resolusyon ay hindi makakaapekto sa resulta ng botohan sa mga lokal na konseho.

“The resolution of the CJB did not expressly state that its resolution would affect local elections and proclamations, therefore the UST Central COMELEC will not order its local units to the proclaim the candidates second highest to abstain,” ani Bersonda.

Dagdag ni Bersonda, aayusin na ng kanilang organisasyon ang elections code upang hindi na maulit muli ang kaguluhang naganap sa halalan.

“We would like to assure the Thomasian student community that this whole affair will not happen ever again. The Central COMELEC is currently undertaking efforts to recall the University of Santo Tomas Elections Code of 2011 so as to clarify and affirm the definition of abstain vote and other revisions related to the shift of the academic calendar.”

Hinakayat niya rin ang mga Tomasino na suportahan ang kanilang pagsulong para sa isang demokratikong insitusyon.

ERRATUM: Nagkamali ang TomasinoWeb sa apelyido ni Francis Santos na unang nasulat bilang “Ramos.” Humihingi kami ng paumanhin.

Comments

News

UST welcomes, pledges support for Lumads

The Thomasian community along with other progressive youth groups welcomed Lumads as they trooped to the University to voice out their call to end Martial Law in Mindanao, assuring them of support as “Bakwit School sa UST” commenced, Monday, Sept. 10.

Published

on

thomasians protesting for lumads
Photo by Jude Camot/TomasinoWeb.

The Thomasian community along with other progressive youth groups welcomed indigenous peoples as they trooped to the University to voice out their call to end Martial Law in Mindanao, assuring them of support as “Bakwit School sa UST” commenced, Monday, Sept. 10.

UST Simbahayan Director Mark Anthony Abenir addressed the cultural minorities and said that UST “as a Catholic institution stands by the poor and the oppressed.”

“Ang UST bilang Katolikong pamantasan patuloy na naninindigan sa kapakanan ng mga mahihirap, ng mga naaapi at ng mga pinagsasamantalahan,” Abenir said as he welcomed Lumads for the second year of Lakbayan.

Despite the heavy downpour of rain, the “Salubungan” activity still pushed through with Lumads and Thomasians entering the Arch of the Centuries.

Meanwhile, UST Central Student Council (CSC) Secretary Robert Gonzales expressed support in ending Martial Law in Mindanao and assured the Lumads of the Thomasians’ continued assistance in rebuilding classrooms and other material support.

“Nakikiisa rin ang mga Tomasino upang ipaglaban at itaguyod ang paglaban natin para sa edukasyon. Tutulong kami sa abot ng aming makakaya upang itaguyod ang Lumad bakwit schools,” Gonzales said.

The UST CSC Secretary also added, “ipagpapatuloy namin ang pagsuporta sa mga paaralan ng mga Lumad sa pagpapatayong muli sa mga silid-aralan at iba pang suportang materyal. Ang paaralan ninyo ay paaralan rin namin.”

Moreover, cultural presentations were conducted including a performance by Tubaw, a reenactment by the Lumad students and a community dance together with Thomasians.

‘Buksan ang puso’t isipan’

Manilyn Gantangan, a grade 10 Lumad student, challenged Thomasians “to open their hearts and minds in what’s really happening in the society.”

“Hinahamon ko po ang lahat ng mga nakikinig na buksan po natin ang ating puso’t isipan at alamin natin ang totoong nangyayari sa ating lipunan,” Gantangan said.

Sr. Patricia Fox was also present and urged Thomasians to “hear what’s happening and listen to their story.”

“I think one of the problems is people are not hearing really about what’s happening there. So I think it’s great that the Thomasian community has accepted them, to listen to them and then get their stories out to others so that people know what’s happening,” Sr. Fox said in a chance interview with TomasinoWeb.

She also added that Lumads deserve “to live in peace and have a good education.”

“Well, I think they’ve got a just demand. Every young person should have a right to education. They have a right to be there to live in peace, to have a good education.” Sr. Fox said.

UST Save Our Schools (SOS) Networks volunteer Hannah Rondilla gave a solidarity message and asked the Thomasian community to heed the call to fight land-grabbing of ancestral lands.

“Makiiisa rin sana ang mga Tomasino upang tutulan ang pangangamkam sa mga lupaing ninuno at ipaglaban ang karapatan ng pambansang minorya para sa sariling pagpapasya,” Rondilla urged.

The said event will continue until September 17 in which various activities including Unity Walk, a peace forum and a grand solidarity night are expected to happen.

Last April 20, UST Simbahayan inked a partnership with alternative school for the Lumad as they commit to defend education and for the rehabilitation of school facilities.

Comments

Continue Reading

News

UST boosts performance in guidance counselor board exam

The University recorded a perfect passing rate in the August 2018 guidance counselor licensure examination.

Published

on

Photo by Jester Ramos/TomasinoWeb.

The University recorded a perfect passing rate in the August 2018 guidance counselor licensure examination.

UST improved to a 100-percent passing mark, with all four Thomasian examinees passed.

Last year, no Thomasian made it to the cut.

No Thomasian, meanwhile, made it to the top ten for this year’s licensure exam.

According to the Professional Regulation Commission, 307 out of 471 takers passed the board exam for guidance counselors. Rex Morales

Comments

Continue Reading

Breaking News

UST ika-apat sa mechanical engineering boards

Pagkatapos mapangalanang ikapitong top performing school noong nakaraang taon, umakyat sa ika-apat na puwesto ang UST sa Agosto 2018 mechanical engineer licensure examination.

Published

on

engineering building
Kuha ni Christel Maliksi/TomasinoWeb.

Pagkatapos mapangalanang ikapitong top performing school noong nakaraang taon, umakyat sa ika-apat na puwesto ang UST sa Agosto 2018 mechanical engineer licensure examination.

Nakakuha ang Unibersidad ng 87.18-porsiyentong passing rate, kung saan 102 mula sa 117 na Tomasinong kumuha ng pagsusulit ang nakapasa.

Subalit, ito ay mas mababa sa 88.24-porsiyentong passing rate kumpara sa nakaraang taon.

Walang Tomasino ang nakapasok sa listahan ng sampung nakakuha ng mataas na marka.

Ang Malayan Colleges Laguna naman ang nanguna sa nasabing board exam na may 94.74-porsiyentong passing rate.

Ayon sa Professional Regulation Commission, na 3,092 ang kalahatang nakapasa sa mechanical engineer licensure exam mula sa 5,084 na kumuha nito. H. M. Amoroso

Comments

Continue Reading

Trending