Connect with us

Manifest

Pagpapatibay ng Katolikong edukasyon, hinikayat

Published

on

Hinikayat ng tagapangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines’ Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education ang pagpapatibay sa Katolikong edukasyon para sa paglinang ng kaisipan at pagpapatibay ng pananampalataya.

“We may also reiterate that Catholic schools and universities… must offer an approach to education that aims for full human development while respecting freedom of expression. These institutions must present Jesus Christ as the meaning of life,” ayon kay Most Rev. Roberto Mallari, sa kaniyang sermon sa taunang Misa de Apertura nitong Martes, ika-1 ng Agosto.

Dagdag niya, dapat ituro sa mga Katolikong insitusyon ang kahalagan ng kabutihan at pagpapakumbaba.

“Let our Catholic educational institutions be the place to educate the minds with knowledge, the hands with skills, but also the heart for sympathy and humility,” ani niya.

Ngunit, binilinan ni Mallari ang mga mag-aaral na gamitin sa ikabubuti ng iba ang kani-kaniyang mga talento at kaalaman.

“If knowledge and education make us violent, make us proud, or indifferent with one another, then knowledge is not a fruit of the Holy Spirit. If our skills and educational attainment make us indifferent… then it is not of God.”

“If our educational institutions build high walls between rich and poor, learned and unlearned, fortunate and unfortunate, instead of building bridges, then we lose fight and forget who we are and what we are,” dagdag niya.

Pinaalala rin niya dapat punan muna natin ang ating mga sarili ng Espiritu Santo bago natin punan ang ating mga kaisipan ng mga kaalaman.

“In order for us to become effective agents of communion and renewal in the Church and society, as we commit ourselves to the new evangelization, we have to be filled with the Holy Spirit, with its gifts and fruits,” ani Mallari.

Ang Misa de Apertura o ang Misa ng Espiritu Santo, ay isang tradisyong idinaraos taun-taon bilang hudyat ng opisyal na pagsisimula ng panibagong taong panuruan.

Magsisimula ang mga klase sa Unibersidad sa ika-pito ng Agosto. —M.W. dela Paz

Kuha ni Abbie Vinluan

Comments

Manifest

UST, hinikayat ipagpatuloy ang gawain ni Santo Domingo de Guzman

Hinimok ng UST Vice Chancellor ang Unibersidad noong Martes, Agosto 7, na ipagpatuloy ang gawain nitong paggabay sa mga Tomasino palapit sa Diyos.

Published

on

mga pari na nagmimisa
Kuha ni Jude Angelo Camot/TomasinoWeb.

Hinimok ng UST Vice Chancellor ang Unibersidad noong Martes, Agosto 7, na ipagpatuloy ang gawain nitong paggabay sa mga Tomasino palapit sa Diyos.

Ayon kay Very Rev. Fr. Napoleon Sipalay, Jr., O.P., ang paggabay na ito ay gawain ni Santo Domingo de Guzman, ang ama ng Order of Preachers, noong nabubuhay pa siya.

“Nawa’y ang Unibersidad na ito ay patuloy na punan ang pangangailangan [na mas makilala ang Diyos] ng ating mga estudyante at ibigay ang sagot sa kanilang mga tanong sa sarili at sa mundong kanilang tatahakin,” aniya sa kaniyang sermon sa misang handog para sa pista ni Santo Domingo.

Pinuri rin ng Prior Provincial ng Dominican Province ng Pilipinas ang Unibersidad sa tuloy-tuloy nitong paglaganap ng salita ng Diyos sa pamamagitan ng edukasyon.

“Naniniwala ako sa ministeryong pangangaral dito sa [UST]. Ang prayoridad ng Dominikanong probinsya ng Pilipinas sa paglaganap ng ebanghelyo sa pamamagitan ng edukasyon, karamihan sa inyo ay katulong namin sa misyong ito,” sabi ni Sipalay.

Dagdag pa rito, ipinaalala niya sa mga Dominikano sa bansa na tularan ang ginawang pagsagot ni Santo Domingo sa pangangailangan ng mga tao sa kaniyang panahon.

“Tinugunan niya (Santo Domingo) ang mga pangangailangan ng kaniyang panahon, ito naman ang ating pagkakataon upang punan ang mga pangangailangan ngayon… Gawin natin itong paglilingkod na na ipinasa sa atin ni Dominic, ang pag bahagi ng magandang balita ni Hesus sa mundo,” aniya.

Dinaluhan ng mga pari, mga Dominikano, mga Tomasino at mga guro ang misang ginanap sa simbahan ng Santisimo Rosario bilang pagdiriwang sa pista ni Santo Domingo.

Ang pista ni Santo Domingo ay ginaganap tuwing ika-8 ng Agosto, ang pagkasilang niya sa Calaruega sa Espanya noong 1170. Walang pasok ang Unibersidad bukas upang ipagdiriwang ito. Beatrice Laforga

Comments

Continue Reading

Manifest

Patuloy na maghanap ng katotohanan, hikayat ng kinatawan ng Santo Papa

Inanyayahan ng kinatawan ng Santo Papa sa Pilipinas ang mga estudyante, mga guro at mga miyembro ng fakultad ng Unibersidad na magpatuloy sa paghahanap ng katotohanan ngayong bagong akademikong taon.

Published

on

Kuha ni Alecsandra Go/TomasinoWeb.

Inanyayahan ng kinatawan ng Santo Papa sa Pilipinas ang mga estudyante, mga guro at mga miyembro ng fakultad ng Unibersidad na magpatuloy sa paghahanap ng katotohanan ngayong bagong akademikong taon.

Sa kaniyang homiliya sa Misa de Apertura sa Parokya ng Santisimo Rosario kaninang umaga, winika ni Arsobispo Gabriele Giordano Caccia, ang papal nuncio o ambasador ng Vatican sa Pilipinas, na kahit ano man ang propesyon na nais kunin, dapat hanapin pa rin ang katotohanan.

“Maraming iba’t ibang produkto [ang maaari mong makamit] ngunit kung saan mo [man] ilagay ang iyong sarili, sana itong simpleng sagot ang iyong mabibigay: ‘Dahil ako ay naghahanap ng katotohanan,’” sinabi ni Caccia.

Ipinaliwanag pa ni Caccia na importanteng talakayin ang katotohanan sa paparating na akademikong taon upang “hindi magabayan ng ibang mga interes.”

“Kapag ikaw ay tumigil sa paghahanap ng katotohanan, gagabayan tayo ng iba’t ibang interes…. [I]ka nga ni Hesus: Ang katotohanan ay ang magpapalaya sayo. Kapag tayo ay hindi nakalakip sa katotohanan, iba’t ibang lore ang gagabay sa ating buhay,” ani Caccia.

Binigyan-diin din niya ang lohika ng Espiritu Santo na kung saan “kapag ikaw ay nagbahagi, ikaw ay mas yumayaman.”

Iklinaro, gayunpaman, ni Caccia na “tayo ay pagmamay-ari ng katotohanan at iyon ang kagalakan ng kalangitan.”

Ang Misa de Apertura, o ang Misa ng Espiritu Santo, ay ipinagdiriwang upang salubungin ang bagong akademikong taon sa UST.

Ang mga iba pang aktibidad ng pagsalubong para sa mga mag-aaral sa unang antas ng kolehiyo ay nakatakda sa ika-3 ng Agosto.

Nakatakda naman sa ika-6 ng Agosto ang tradisyunal na pagpasok sa Arch of the Centuries, o ang Thomasian Welcome Walk, isang makahulugang pagsalubong sa Unibersidad.

Comments

Continue Reading

Manifest

Church at stake with decline in attendees, priest says

A Catholic priest warned on Saturday that the Church is at stake if its number of attendees continue to go down.

Published

on

A Catholic priest warned on Saturday that the Church is at stake if its number of attendees continue to go down.

“The Filipino Church is bleeding. Those Catholics who stopped going to church…it will continue. And given enough time, the very life of the Church, even in the Philippines, can be at stake,” Fr. James Mallon said during his plenary talk on the fourth day of the Fifth Philippine Conference on the New Evangelization (PCNE).

Last year, Social Weather Stations reported a 23-point decline in Filipino Catholics’ weekly church attendance from 1991 to 2017, stating the decrease is “highly significant,” statistically speaking.

Mallon, the episcopal vicar for Parish Renewal and Leadership Support for the Archdiocese of Halifax-Yarmouth in Canada, claimed this change was due to the Church’s negligence to acknowledge the dilemma and its refusal to change the system.

“Everything is okay, we know that there’s a decline but…the impact of parishes on the community is often negligible because the church has become inward-focused[.] We seek a simple fix and there’s [no] simple fix,” he said.

He added that the institution should not resist, as Pope Francis advised, the shift from a “maintenance mode” to a “missionary mode.”

“[The Church believes] we need to adjust something. What Pope Francis is talking about is not just adjustment. He is talking about the transformation of the entire Church to live out this missionary option,” he stated.

Mallon, however, said the country could change its system and attract more Church-goers without compromising their faith since it still remains to be one of the “most Catholic” countries in the world.

“You (the Philippines) have the luxury of time…to begin to change gears. Method or mission? This is what he (Pope Francis) was asking us. If we can let go of our method, our structures, our ways of doing things for the sake of evangelization of today’s world [without compromising] what is essential in our faith not at all…then there’s reason for great hope,” he said.

The fourth day of PCNE was held at the UST Quadricentennial Pavilion.

Comments

Continue Reading

Trending