Connect with us

Breaking News

Mga Tomasino nanguna sa 2014 therapist exams

Published

on

NANGUNA ang Unibersidad ng Santo Tomas (UST) sa Physical Therapist Licensure Examination habang pumangatlo naman sa Occupational Therapist Licensure Examniation na kapwa ginanap noong Agosto 2014.

     Ayon sa datos ng Professional Regulation Commission (PRC), nakakuha ng 91.74% na overall performance rate ang UST sa Physical Therapist Licensure Examination; 100 na Tomasino mula sa 109 ang nakakuha ng higit sa 80% na passing percentage. Ang mga Tomasinong napahanay sa top ten ay sina Perry Neil Yee Lee (#4, 86.05%) at Monique Galinato Ilagan (#8, 84.95%).

     Samantalang nakakuha naman ng 65.52% overall performance rate ang UST sa Occupational Therapist Licensure Examination, sunod sa nangunang Unibersidad ng Pilipinas-Maynila (88.89%) at pumangalawang Velez College (80.00%). 38 mula sa 58 ang pumasa at napabilang naman sa top ten sina Paolo Granil Pimentel (#2, 82.20%), Kristen Zaira Villamater Morales (#3, 81.80%), Kevin Matthew Solis (#4, 81.60%), Danielle Marie Bianca Acosta Racela (#8, 80.40%) at Nicole Marie Wong Locsin (#10, 80.00%).

     Sa kabuuan, 511 mula sa 874 na nag-iksamen ang bilang ng mga pumasa sa Physical Therapy; 93 naman mula sa 163 sa Occupational Therapy. Ang Board of Physical and Occupational Therapy ang nagsagawa ng mga nasabing eksaminasyon na naganap sa mga lungsod ng Maynila at Cebu.

Comments

Breaking News

UST, nanguna sa OT, pumangalawa sa PT licensure exams

Nanguna ang Unibersidad sa Occupational Therapist (OT) Licensure Examination at pumangalawa sa licensure exam para sa mga physical therapist (PT) na isinagawa ngayong Agosto.

Published

on

medicine building

Nanguna ang Unibersidad sa Occupational Therapist (OT) Licensure Examination at pumangalawa sa licensure exam para sa mga physical therapist (PT) na isinagawa ngayong Agosto.

Hinirang bilang top-performing school sa OT board exam ang UST na nakapagtala ng 94.87-porsyentong passing rate, kung saan 74 mula sa 78 na Tomasinong kumuha ng pagsusulit ang pumasa.

Kapansin-pansing mas mababa ito sa nakuha noong nakaraang taon na 97.18-porsiyentong passing rate.

Walong Tomasino ang nakapasok sa listahan ng mga nakakuha ng matataas na marka sa pagsusulit.

Pinangunahan ni Ira Gabrielli Kempis Delos Reyes ang mga bagong Tomasinong occupational therapist pagkatapos pumang-apat sa listahan. Nakakamit siya ng 82 porsiyentong passing rate.

Kasama naman ni Christopher Lat Añes si Tiara Gertrude Ojeda sa ikalimang pwesto, pawang nakakuha ng markang 81.80 porsiyento.

Sumunod si Karyll Marie Jimenez Valdepeñas sa ika-anim na pwesto na may markang 81.60 porsyento.

Ikapito si Jaira Calayag Mitra na may markang 81.40 porsyento.

Nasa ikawalo naman si Celeste Irah Manganar Ruzgal na nagtala ng markang 81.20 porsyento.

Nasungkit naman ni Nicholette Robin Ty Lim ang ikasiyam na pwesto sa markang 81 porsyento, habang pangsampu naman si Frances Kate Palatan Ballesta sa markang 80.80 porsyento.

Samantala, nagtala naman ng 99.08-porsiyentong passing rate ang UST sa PT board exam.

Mas mataas ito sa 94.23-porsyentong markang naitala noong nakaraang taon.

108 sa 109 na Tomasinong kumuha ng pagsusulit ang nakapasa.

Sa kabuuan, 833 ang nakapasa mula sa 1,290 na kumuha ng Physical Therapist Licensure Examination at 213 ang nakapasa mula sa 298  na kumuha ng Occupational Therapist Licensure Examination, ayon sa Professional Regulation Commission.

Comments

Continue Reading

Breaking News

UST, pumangatlo sa Agosto 2019 pharmacy boards; dalawang Tomasino, pasok sa top 10

Pumangatlo ang Unibersidad sa katatapos lamang na pharmacy licensure examination nitong Agosto; dalawang Tomasino, nakasama sa sampung may pinakamataas na marka

Published

on

ust main building
Kuha ni Jester Ramos/TomasinoWeb

Pumangatlo ang Unibersidad sa katatapos lamang na pharmacy licensure examination nitong Agosto.

Nagtala ang UST ng 94.81-porsiyentong passing rate ngayong taon, kung saan 365 sa 385 na sumabak ang pumasa na mga Tomasino.

Mas mataas ito kumpara sa 91.56-porsiyento na nakamit noong Agosto ng 2018. Pang-apat ang Unibersidad noong nakaraang taon.

Samantala, dalawang Tomasino naman ang kasama sa sampung may pinakamataas na marka sa nasabing eksamen.

Nakamit ni Claribel Isis Tanchanco Tiu ang ika-limang pwesto sa listahan ng mga bagong parmasyutiko. Nakakuha siya ng 90.57-porsiyentong passing rate.

Nasa ika-pitong puwesto naman si Mark Lingan Pagulayan, na may markang 90.30 na porsiyento.

Nanatiling nangungunang paaralan ang St. Louis University sa pagsusulit na may naitalang 98.80-porsiyentong passing rate. Mataas pa sa nakuha nitong marka noong nakaraang taon na 98.69-porsiyento.

Ayon sa Professional Regulation Commission, 3,097 ang nakapasa sa pharmacy board exam mula sa 4,455 na kumuha ng nasabing pagsusulit.

Comments

Continue Reading

Breaking News

UST admin suspends education freshman for convening anti-fascist alliance

UST College of Education suspended first year student Hannah Rondilla for convening Thomasians Against Tyranny and Killings (TATAK).

Published

on

UST College of Education suspended first year student Hannah Rondilla for convening Thomasians Against Tyranny and Killings (TATAK), an alliance of student organizations and individuals in the University.

Last January, TATAK invited organizations, councils, and publications to discuss the lowering of the minimum age of criminal responsibility.

On March 13, 2019, Hannah received a show-cause notice, demanding her to explain her involvement in TATAK. The letter stated that she violated University rules by joining an unrecognized organization and participating in unapproved activity, such as organizing.

A hearing was then set on a Monday or Friday nearest to March 13.

On May 4, Hannah was informed that the hearing will be in two days. She requested for it to be moved to a later date, because of the unavailability of her parent or guardian to accompany her.  

However, the hearing pushed through.

“Naramdaman ko na one-sided yung hearing kasi apat silang nagdidiskusyon sa mga sarili nila tapos ako, parang walang kakampi,” Hannah told TomasinoWeb.

“Sa hearing sa mga korte, minor o hindi, may karapatan silang magkaroon ng witness tapos ako, wala.”

Hannah appealed for a second hearing wherein witnesses, a guardian and a legal counsel could be present. The admin denied the request and issued a four-day suspension, effective from May 15 to 18, and 32 hours of community service.

Last year, a similar case was filed against 13 senior high school students who conducted a silent protest against the K-12 program. The University issued a resolution that put the students under disciplinary probation and ordered a non-issuance of their Certificate of Good Moral Character.

‘Uphold democratic rights’

Rondilla’s case was made public by the National Union of Students of the Philippines (NUSP) via Facebook. As of writing time, the post has about 2.4 thousand reactions and one thousand shares.

The League of Filipino Students – UST also released a statement on democratic rights.

The statement read: “We are dismayed at the fact that the University is doing this to one of its own students on the basis of expressing one’s views, which, in the first place, does not contradict the position of the University.”

“In fact, we are one with the University in condemning state-perpetrated attacks against church people, especially those who are vocal against the tyrannical regime and anti-people policies of [Duterte].”

Central Student Council (CSC) president-elect Robert Dominic Gonzales said in an interview with TomasinoWeb, “I don’t see anything wrong when it comes to creating alliances which aim to tackle prevalent issues that our country is facing right now.”

“If I may do so respectfully and with all sincerity, I urge the administrators to back us up when it comes to matters like these,” he added.

Meanwhile, incumbent CSC president Francis “Kiko” Santos also shared to TomasinoWeb that he has just been informed of the case. He said that the Council will be having a meeting next week to discuss further action.

“I do not condone any form of repression in our campus,” Santos said.

“Rest assured that the Council will remain as a council that upholds student democratic rights and welfare as enshrined in the Constitution and the student handbook.”

TomasinoWeb tried to reach out to the UST College of Education Student Council but they have yet to respond.

Comments

Continue Reading

Trending