Connect with us

News

Biology student ‘physically, emotionally abused’

A biology student last Saturday night revealed the “physical abuses,” which led to severe hematoma, allegedly done by her then-boyfriend.

Published

on

Photo grabbed from Diane Kimberly's Facebook account.

A biology student last Saturday night revealed the “physical abuses,” which led to severe hematoma, allegedly done by her then-boyfriend.

Diane Kimberly Arcena shared on Twitter how Kyle Viray, also a biology student of UST, has treated her as a “physical and emotional punching bag.”

“I was putting up a smile but I was all broken inside and [couldn’t] possibly understand how he (Viray) could do such things then act all normal and be sorry in a matter of seconds[,]” Arcena said.

The two started dating around September last year, a close friend of Arcena, who requested anonymity, confirmed to TomasinoWeb through an online interview.

Arcena’s almost-two-year college friend added that the “beatings” began in December, when Arcena was supposed to have a drink with a friend.

Viray “assumed Kim would flirt and cheat on him,” the confidant said.

In her Twitter thread, Arcena told that Viray “physically hurt” her again over an Instagram post with a message, “landi lang ganon,” while playing around with a flask. She had to “sneak out of his sight” just to inform her friends about what happened.

But, Arcena did not want them to tell her brothers that she was “beaten up.”

“She didn’t want us na magsabi sa mga kuya niya. But you can feel na natatakot siya by the way she messaged us that day,” Arcena’s companion said.

“She was scared nung una na magsumbong o maglabas ng mga nangyayari kasi baka balikan siya ni Kyle,” the source added.

Meanwhile, another biology student, who has known Viray since second year college and wished to be named anonymous, said Viray is different as a friend.

“Mabait siyang kaibigan pero sa babae talaga siya violent,” the friend told TomasinoWeb in a separate interview.

A comrade of Viray since first year college, who wanted to be unnamed as well, also claimed “they did not know much” about the incident.

“Pinaniwala niya rin kami…na wala siyang ginagawa, na si Kim may kasalanan.”

Before the alleged abuses took place, the ex-lovers have been quarreling over “petty” things, Arcena posted.

“We’d always fight over petty things. I’d always feel the need to explain myself kahit wala naman talaga akong dapat i-explain in the first place… I don’t owe him an explanation kasi I’m not even doing anything behind his back[,]” she stated in a tweet.

Viray has been reported to have “abused” Gil Morales, his girlfriend before Arcena, too.

Morales disclosed on Twitter the bruises allegedly performed by Viray.

According to the UST student handbook, “threatening or inflicting injuries, physical or otherwise, on another person, whether inside or outside the campus” is a violation of the maintenance of peace and order in the University.

The handbook states that the “imposition of appropriate disciplinary actions shall be progressive in character, taking into account the previous violations committed by the offender.” Grave offenses, meanwhile, will warrant a suspension, wherein the extent is based on the panel assigned to the case.

Social Welfare and Development Board of the College of Science purportedly penalized Viray with 250 hours of community service.

Arcena also filed a lawsuit against Viray last month for the alleged violation of Republic Act 9262 or Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.

The measure defines violence against women as any act, which will “result in or likely result in physical, sexual, psychological harm or suffering,” done by a person against his wife, former wife, or a woman whom he has or had a sexual and dating relationship and a common child.

Violators of the act will face imprisonment, a fine of P100,000 to P300,000 and mandatory psychological counseling or psychiatric treatment.

Arcena’s friend said Kim will check for updates on the resolution of the case in the Manila City hall this week.

TomasinoWeb tried to reach some faculty members of the College of Science but they still have yet to respond as of press time.

Comments

News

Zero Parking Policy, hindi kailangang ipatupad—MTPB chief

Hindi kailangang maghigpit ng pamahalaan sa parking kung hindi naman sila sagabal sa kalsada, ayon sa Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB). 

Published

on

Hindi kailangang maghigpit ng pamahalaan sa parking kung hindi naman sila sagabal sa kalsada at nakadadaloy pa rin ang mga motorista, lalo na ang mga ambulansya na papunta sa kanilang mga ospital, ayon sa Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB). 

“Kung maayos naman po ang daloy ng trapiko, hindi kailangan ng MTPB maghigpit o mag-implement ng Zero Parking Policy,” ani MTPB chief Dennis Viaje.

Ito ay matapos ipadala ng Manila Public Information Office (MPIO) ang mga litrato at impormasyon na inilathala ng TomasinoWeb sa MTPB, kung saan makikitang nagmistulang garahe ang bangketa ng Asturias Street sa Dapitan sa dami ng nakaparadang sasakyan.

Dagdag pa niya, “Kapag po inubos ang parking sa Asturias, lalahatin na dapat ang mga nasa paligid ng UST. Baka nga lang po magkaroon ng problema ang karamihan kung saan paparada.”

Gayunpaman, mananatiling mahigpit ang mga MTPB enforcers sa mga main road ng Maynila tulad na lang ng España Boulevard.

“Kung hinihiling po ng UST na linisin ang mga naka-park sa lugar ay maaari naman po. Ang problema, sila naman po ang tatamaan dahil walang paparadahan ang kanilang mga empleyado o kaya mag-aaral kung meron man silang sasakyan,” ayon sa pahayag ng MPIO sa isang panayam kasama ang TomasinoWeb.

“’Yung mga naka-park po kaninang umaga (Sabado, ika-17 ng Agosto), ang karamihan po doon ay naghahatid o nagsusundo ng mga estudyante,” dagdag ng opisina.

‘Isyu ng kalinisan, hindi lang obstruction’

Hindi lang isyu ng obstruction ang dahilan kung bakit pinaalis ang mga sidewalk vendor, kundi isyu rin ito ng kalinisan, ayon sa mga otoridad.

“Tungkol naman sa mga vendor, nagkaroon ng clearing operations hindi lang para magtanggal tayo ng obstruction kundi dahil karamihan po sa kanila ay nag-iiwan ng mga basura o kalat sa kalsada,” ayon sa lokal na Department of Public Services.

Dagdag pa ng DPS, sa pahayag ng MPIO sa TomasinoWeb, regular ang implementasyon ng cleaning at mopping operations sa lungsod mula nang magsimula ang bagong administrasyon.

Naibalik na rin ang regular na koleksyon ng basura sa loob at labas ng Unibersidad, ayon kay DPS chief Kenneth Amurao.

Comments

Continue Reading

News

UST vendors, napilitang magsara matapos ang clearing operations

Tuluyan nang tumigil ang operasyon ng mga food stall sa bangketa ng Asturias Street, Dapitan simula ngayong araw, ika-17 ng Agosto, matapos mapilitang magsara ang mga sidewalk vendors kasunod ng clearing operations kahapon.

Published

on

Kuha ni Natasha Claudia Bautista

Tuluyan nang tumigil ang operasyon ng mga food stall sa bangketa ng Asturias Street, Dapitan simula ngayong araw, ika-17 ng Agosto, matapos mapilitang magsara ang mga sidewalk vendors kasunod ng clearing operations kahapon.

Kahapon ay isinagawa ang “Operation Zero Obstruction” ng Barangay 471 ng Zone 46, Sampaloc, Manila alinsunod sa direktiba ng lokal na Department of Engineering and Public Works (DEPW) ng lungsod ng Maynila.

Ayon sa notice ng DEPW na ipinamigay ng lokal na barangay sa clearing operations kahapon, “illegal construction/encroachment on the street or sidewalk” at “illegal construction of stalls on the sidewalks” ang batayan ng pagpapaalis.

Ayon naman kay Brgy. Kagawad Evelyn Rodriguez sa isang ekslusibong panayam kasama ang TomasinoWeb, pinaalis din daw ang mga manininda para bigyang-daan ang flag ceremony na gaganapin sa Lunes, ika-19 ng Agosto.

“Ngayon, wala na [sila], especially on Monday […] 7:30 [ng umaga] darating ang Station 4,” aniya.

 

‘Dapat pagbigyan din kami’

Humiling si Boy Daos, 61 taong gulang at humigit-kumulang 30 taon nang sidewalk vendor sa Asturias Street, Dapitan, na pagbigyan naman daw sana sila ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila.

Aniya, “Dapat pagbigyan din kami eh, dahil d’yan namin kinukuha lahat ng pangangailangan namin sa ikinabubuhay namin d’yan namin kinukuha, kasi wala naman kaming [ibang] hanapbuhay kundi ‘yan lang eh.”

Dagdag pa niya, “kung bibigyan pa kami ng pagkakataon na magtinda ulit ni [Mayor] Isko [Moreno], pwede. Pero ‘pag totally na zero [obstruction], wala na kaming magagawa.”

Karamihan sa mga tinda nila ay mga tusok-tusok at iba pang street food na kinalakhan na ng mga Tomasino.

Kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang mga manininda sa lokal na barangay.

 

Bantang suspensyon vs pabayang LCEs

Kamakailan lang ay ipinatupad ng Department of Local and Interior Government (DILG) ang nationwide road clearing operations alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-apat na SONA.

Ayon sa Memorandum Circular 2019-121 na ibinaba ng DILG noong ika-29 ng July ngayong taon, ang direktiba ay “[to] reclaim public roads which are being used for private ends” na nagbabawal sa mga pago-okupa ng mga sidewalk vendor ng mga bangketa upang magtinda.

Ipinagbabawal din ang pagpaparada ng mga pribadong sasakyan sa mga pampublikong kalsada.

Nakasaad rin dito na sa loob ng 60 na araw o dalawang buwan ay kailangang may makamit na resulta, kung hindi ay masususpende ang mga pabayang local chief executives (LCE) ng mga local government unit sa buong bansa.

“As DILG Secretary Eduardo M. Año said, this should be a nationwide undertaking,” ani DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya sa isang report na inilathala ng Philippine Information Agency.

“So, yung instruction to DILG to recommend the suspension of negligent mayors also applies to those in the provinces,” dagdag pa niya.

Comments

Continue Reading

News

Kilos-Protesta, sumalubong sa pagbabalik ng klase sa Unibersidad

Nagsagawa ng kilos-protesta ang mga progresibong grupo sa Unibersidad kasabay ng Roarientation ng Freshmen kahapon, Martes, ika-13 ng Agosto.

Published

on

Kuha ni Christine Annmarie Tapawan

Nagsagawa ng kilos-protesta ang mga progresibong grupo sa Unibersidad kasabay ng Roarientation ng Freshmen kahapon, Martes, ika-13 ng Agosto.

Binigyang-diin sa nasabing kilos-protesta ang mga isyu tulad ng patuloy na pagtaas ng matrikula sa Unibersidad, ang patuloy na karahasang nagaganap sa bansa partikular na sa Negros, at ang inilatag na panukalang militarisasyon ng mga pamantasan sa buong bansa.

Sa isang eksklusibong panayam ng TomasinoWeb kay Angelo Del Rosario ng Anakbayan-UST, kanyang inihayag ang patuloy na hindi makataong mga atake ng gobyerno sa mga mag-aaral.

Over nung bakasyon, hindi tumigil yung iba’t ibang fascist at anti-people attacks ng government natin. […] Yung tungkol sa atake ng edukasyon at tsaka sa kabataan, sa atin,” ani Del Rosario.

Kanya ring binanggit ang inaasahang mas paglakas ng mga atake ng administrasyon laban sa mga kabataang tulad nila.

Ayon sa kaniya, “Sa taong ito ay nakikita natin na hindi titigil yung pag-intensify, paglakas ng atake ng rehimen ni Duterte sa atin. Kaya’t mas tsina-challenge tayo ng panahon ngayon na kumilos, nagkakaisa tayong mga kabataan,”

“Sinasabi natin ‘di ba huwag matakot, makibaka. Dahil doon sa organisado at nagkakaisang pagkilos natin ay kaya natin na maiparating sa government itong iba’t ibang karapatan na dapat tinatamasa natin galing sa kanila,” dagdag pa ni Del Rosario.

Kanya ring iginiit na ang panukalang pagpapasok ng mga puwersa ng estado sa mga pamantasan ay senyales lamang ng takot ng gobyerno sa lumalakas na paglaban ng mga kabataan.

Manifestation siya nung nakikita natin siguro sobrang takot na ng state forces natin tsaka ng government natin sa lumalakas na paglaban ng students, ‘di ba? Kaya gusto niyang pasukin ngayon ‘yung mga schools para supilin at tsaka para pigilan itong mga students na nagpapaingay ng mga issues ng lipunan natin ngayon,” aniya.

“Kaya strongly kino-condemn natin siya lalo na dito sa UST. Magiging form lang ‘to ng pananakot at tsaka intensified na fascist attacks ng kapulisan natin sa mga students. Magkakaroon ng human rights at democratic abuses sa loob ng mga pamantasan kapag nagpatuloy ito,” ani Del Rosario.

Binigyang-pansin din ni Del Rosario sa kanyang pananalita ang pagpasok ng ilang kapulisan sa ginanap na Roarientation sa Quadricentennial Pavillion kung saan ang nahuli’y nagbigay ng ilang tips sa mga freshman para makaiwas sa krimen.

Kabataan vs kawalan ng pagpapahalaga sa karapatang-pantao

Sa pananalita naman ni Lynus Del Mar ng Student Christian Movement of the Philippines – UST, ipinapakita ng mga nangyayaring karahasan sa bansa, partikular na sa Negros  ang pagkawala ng pagpapahalaga sa buhay.

“Ito’y nagpapatunay lamang na hindi na pinahahalagahan ang buhay ng tao dahil sa isang utos lamang. […] Hindi ito ang ginusto ng Diyos para sa bayan. Hindi nais ng Diyos ang isang bayang pumapaslang at walang kinikilalang hustisya,” aniya.

“Ang bayang nananaghoy ay lumalaban na dahil sobra na ang pamamaslang. […] Ang gusto ng Diyos ay maglingkod sa bayan, sa mga maralita,” dagdag pa ni Del Mar.

Binigyang-diin naman ni Danareb Valle, pangulo ng Save Our Schools – UST ang patuloy na pag-atake sa mga Lumad sa Mindanao.

“Ang mga batang Lumad ay nagbakwit dito sa Maynila dahil inaatake ang kanilang mga paaralan, sinusunog ang mga paaralan. Tinatakot ang mga guro, pinapatay ang mga magulang, ang mga estudyante. […] Gustong-gusto na ng estado na ipasarado ang mga eskuwelahan ng Lumad para harangin ang kanilang edukasyon,” aniya.

Inihayag naman ni Michael Jusayan ng League of Filipino Students – UST ang patuloy na panghihimasok ng Tsina sa teritoryo ng bansa.

Ayon sa kanya, “Si Duterte ay tuta ng mga dayuhan. Kinokontrol ng mga dayuhan ang pulitika at ekonomiya ng ating bansa. […] Sarili nating teritoryo hinihimasok ng Tsina.

“Hindi bini-brainwash ang mga kabataan. […] Hindi mo kailangang mabrainwash para makita na ang bayan ay naghirap sa ilalim ng administrasyong Duterte,” aniya.

“Hindi tayo magdadalawang-isip para sa isa pang Quarter Storm. Hindi tayo magdadalawang-isip para ipaglaban ang bayan,” dagdag pa ni Jusayan.

Comments

Continue Reading

Trending