Connect with us


The allegory of Alyx Arumpac’s “Aswang”

“Aswang” by Alyx Ayn G. Arumpac paints the “war on drugs” in the two-year duration of its peak to its aftermath.



Photo courtesy from Rappler

The idea of aswang lurking in the stretch of the night conjures a fear that spares no age. In the provinces, the mythical folklore hoists the agimat and garlic necklaces alongside the statues of the Sto. Niño which are mightily believed to lure the carcass-hungry creatures away. Children, equally blessed and cursed with innocence, would let the fear eat their chances of staying up late. It remains a myth to the skeptical eye whose sight only lands on the evidential flesh with which the aswang is made out of. For some, however, it proves to be alive in the blood trails it has left behind. 

Premiered late last year at the International Documentary Film Festival Amsterdam (IDFA), the award-winning documentary “Aswang” by Alyx Ayn G. Arumpac paints the “war on drugs” in the two-year duration of its peak to its aftermath. It was a seed project of institutions outside the country (such as France, Qatar, Germany, and Norway) as Arumpac and her team are familiar with the repercussions of creating content of dissent in this administration. 

Arumpac morphs the ferocious characteristics of the aswang into the perpetrators of the war on drugs and their parallel abilities to stir palpable fear amongst their prey. What places the former in a more dangerous stride are the bodies deduced to mere statistics and the thousands of families they left eternally grieving.

“Naglalagay ng sisiw sa ibabaw ng kabaong kung hindi kilala ang pumatay. Kung walang hustisya, kakatukin daw nito ang konsensya ng maysala.” 

“Aswang” separately follows two characters, visibly conceived in two different places in society, are entangled in the similar fate of being witnesses to the realtime struggles of the extrajudicial killing (EJK) victims of the Duterte regime. 

“Bakit kalaban ang tawag mo sa mga pulis?” asks the woman behind the camera to Jomari, a child left to fend for himself after both of his parents were involved in a drug-related case. The question was followed by not a flicker of fear in the child’s answer, but by a steady and almost-instinct response that tells how the kids like Jomari inherently see the aswang given a new form. “Bata pa lang ako sabi na sa akin ni mama… kaya minsan po, tuwing nagtatakbuhan na, aalis na ako”. Jomari, who Arumpac interviews in the wake of Kian Lloyd Delos Santos’ death, revealed that he had looked at Kian as his older brother. 

In 2018, the three policemen involved in the killing of Delos Santos were convicted of murder at the Caloocan Regional Court Branch 125. The conviction came a year after Delos Santos was brutally murdered. The likes of Delos Santos and all other unnamed victims of the EJK, most of which gunned down and left coldly in the street, proves too-grand-for-this-world Jomari that there exists a reason to run.

The other subject, Brother Jun Santiago, is a man of the Church who hears the pleas of justice echoed by the victims’ families and deals with the technical beats of post-mortem. The character’s juncture shows the context of religion in the advent of the EJK. Throughout the film, the mention of the Church and Gospel songs bring an eerily cradling harmony that begs to question why the killings are prevalent in a country wherein majority of its citizens subscribe to the religious belief anchored in a commandment of loving one another as you love yourself. Still, the clips of relatives bearing their souls for the dead pit the question as a mere dot in the grander and devastating scheme of things.

“Pero hindi sasantuhin ng aswang ang katok ng kahit pa sanlibong sisiw.” 

The political climate of the Philippines for the duration of the drug war is a subtle testimony that the existence of a policing body is never for the benefit of the masses, which “Aswang” cements in its narrative. In one of the radio soundbites in the documentary, a question of why the poor are the target of the “war” on drugs and never the drug lords is answered with an argument that drug users are mostly among the poor. The truth of the matter is that the perpetrators move with an ease like that of a black and white situation and believe that to topple the surging drug cases in the country is to nitpick the vulnerable.

Arumpac’s “Aswang” bravely sheds light on the unjustly condemned and disputes the oppressive administration. The documentary magnifies the rawness of the emotions from those who are left to sweep the blood, those who shout in the name of justice, and those who carry only pictures and testimonies that would never be heard. It haunts the comfortable and voids itself of any mechanical arguments from those who man and command the bullet. Save for the body counts, which the documentary grapples its stand on, and a clear message is sent: they are grander than the statistics which they are reduced to. 

“Aswang” leaves the viewers in various emotional shapes, but it does not serve to entertain nor only document the circumstances—contrary to the roster of international documentaries highlighting the EJK. It is not to showcase cold hard facts alone, nor produced to glorify the suffering. It took its time in unfolding the truth, combing with an aggressive ardor that grits directly through the unforgiving tether of this administration. 

The online premiere of Arumpac’s brainchild is relevant now more than ever. The documentary immortalized what has happened in the fulfillment of Duterte’s promise, which serves as a reminder of the liberty stripped from those whom they deem suspects in the drug war. She revealed in an interview with GMA News Online that the anti-terror bill has heavily influenced her decision to release “Aswang” last weekend. “Don’t be silent. Don’t be complicit. Don’t be afraid.” she said. “This anger and discontent should fuel action and change.” 

Sitting through eighty-five minutes and seeing the bloodshot eyes of the families of the victims in an intimate perimeter has placed a weight of responsibility on the informed and emotionally aroused Filipino audience: to look the proverbial aswang in the eye and hold the line just as Jomari and Brother Jun did. 

Even though the consequences threaten our freedom, and countless aswangs will remain unshaken, we will wrestle for the mothers and fathers who weep the loss of their children. For the Jomaris. For the orphaned. For the countless Kians. For the unnamed and unjust.



Walang sikreto na ‘di nabubunyag sa Agosto 2021

Mula sa pagbuking ng mga vlogger na humahabol lamang ng clicks, mga ahensyang natimbog dahil sa kanilang kasakiman, hanggang sa pag-iyak ng mga sadboi. Magugulat pa ba tayo sa rami ng surpresa na naganap ngayong buwan? 



Litrato mula sa Presidential Communications Office

Lalabas din ang katotohanan, mabuti man ito o masama. 

Mula sa pagbuking ng mga vlogger na humahabol lamang ng clicks, mga ahensyang natimbog dahil sa kanilang kasakiman, hanggang sa pag-iyak ng mga sadboi. Magugulat pa ba tayo sa rami ng surpresa na naganap ngayong buwan? 

Kaya’t kunin na ang inyong paboritong meryenda at tunghayan natin ang mga sikretong nabunyag ngayong Agosto. 

1. Pagtatapos ng pinakamatagumpay na Summer Olympics para sa Pilipinas 

Litrato mula sa PSC Philippine Sports Commission

Sa pagtatapos ng naganap na Tokyo Summer Olympics noong ika-8 ng Agosto, nakapag-uwi ang ating mga atleta ng apat na medalya para sa ating bansa. Ito ang pinakamataas na bilang na naitala sa kasaysayan ng pampalakasan sa Pilipinas. 

Matagumpay na naiuwi ng weightlifter na si Hidilyn Diaz ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympics. Si Diaz din ang unang Pilipinang atleta na nakapag-uwi ng dalawang medalya sa Olympics.

Si Nesthy Petecio naman ang kauna-unahang Pilipinang boksingerong nakapag-uwi ng medalya para sa bansa matapos matalo kay Sena Irie ng Japan. 

Nagpaalam si Carlo Paalam na may kasamang bronze medal pagkatapos ang 4-1 split decision loss laban kay Galal Yafai ng United Kingdom sa men’s boxing flyweight finals. 

Sa men’s middleweight semis, nakakuha si Eumir Marcial ng bronze medal matapos ang 3-2 split decision loss laban kay Oleksandr Khyzhniak ng Ukraine. 

Ang Tomasinong atleta naman na si EJ Obiena ay nagtapos sa ika-11 na ranggo sa men’s pole vault event

Nagtapos si Juvic Pagunsan sa ika-55 na ranggo mula sa 60 na kalahok sa men’s individual golf. Sa women’s individual golf event, bigong makakuha ng medalya si Yuka Saso sa kabila ng pagpapakita ng mahusay na performance sa huling round. Siya’y nakakuha ng kabuuan ng 10-under par 274. Bigo namang makapasok si Bianca Pagdanganan sa top 10 ng leaderboard.  

Para sa kanilang pabuya mula sa pamahalaan, nakatanggap si Diaz ng limang milyon mula sa pamahalaan, 10 milyon mula sa Philippine Sports Commission (PSC), at tatlong milyong piso mula kay Pangulong Rodrigo Durterte matapos niyang masungkit ang kauna-unahang gintong medalya ng bansa sa Olympics. 

Nakakatanggap ng P2 milyon ang silver medalists na si Paalam at Petecio mula sa Office of the President. Si Marcial naman ay nakatanggap ng P1 milyon habang si Irish Magno ay nakakakuha ng P200,000. Para sa mga non-medalists, naghandg ang Philippine Olympic Committee (POC) at MVP Sports Foundation (MVPSF) ni Manny Pangilinan ng P500,000 na pabuya. 

Natanggap na rin ng dating boksingero na si Mansueto “Onyok” Velasco ang kanyang naantalang insentibo mula sa pamahalaan. Siya’y nakatanggap ng P500,000 para sa kanyang pagsali sa nakaraang 1996 Atlanta Olympics. Ang mga nakuha niyang premyo ay nagsilbing kapalit ng mga hinding natupad na pangako ng pamahalaan para sa kanya. 

Ayon sa Republic Act (RA) 10699 o ang National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act, ang mga Olympic gold, silver, and bronze na medalist ay may karapatang makakuha ng P10 milyon, P5 milyon, at P2 milyon na halaga ng papremyo. 

Sa kabila nito, pinuna ng mga tao sa social media ang pamahalaan para sa pag-uugnay ng tagumpay ng mga atleta sa administrasyon ni Duterte, at sa pagsasabi na sapat lamang daw ang pampinansyal na suporta na binibigay ng pamahalaan para sa sa sports.

Matatandaang si Diaz ay humingi ng pinansyal na suporta sa pamahalaan noong 2019, ngunit na-redtag lamang bilang uamno’y “parte” ng ‘Oust Duterte matrix’. Ayon naman kay Marcial at Magno, hindi nila natanggap ang kanilang sahod sa tamang oras noong Marso. 

2. Nakaka-alarmang balita ng IPCC ukol sa pagbabago ng klima 

Litrato mula sa IPCC

Inilahad na ng United Nations (UN) ang bagong balita ukol sa kalagayan ng klima noong ika-9 ng Agosto matapos ang isinagawang pagkolekta ng datos ng Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC).

Ayon kay UN Secretary-General António Guterres, “code red for humanity” daw ito dahil sa pag-iinit ng maraming rehiyon sa mundo. Nagbabala ang IPCC sa pagtaas ng mga sea level sa mga coastal na area, pagtunaw ng yelo sa Artic na dagat, pag-init ng mga pandagat na alon na makakaaepkto sa ating water cycle at antas ng oxygen. 

Mas nagiging irreversible na raw ang mga epekto ng pagbabago ng klima.

Ayon sa ulat, hindi sapat ang paglagda sa Paris Agreement upang maiwasan ang pag-emit ng nakasasamang greenhouse gas emission at panatilihin ang pag-init ng mundo sa ibaba ng 2°C. 

Hinihikayat ng UN ang mga pamahalaan, pribadong sektor, at ang mga indibidwal na magtulong-tulong upang maibalik sa dati ang klima ng mundo bago mahuli ang lahat.

3. Nas Daily laban kay Whang-Od, Louise Mabulo, at ang mga Pinoy 

Litrato mula sa Nas Daily Tagalog

Nabisto ang sikat na Palestinian-Israeli vlogger na si Nusseir Yassin o Nas Daily dahil sa pananamantala sa mga kulturang Pilipino. Unang nakilala ang naturang vlogger para sa kanyang mga video ng paglalakbay sa iba’t ibang bansa. 

Noong ika-4 ng Agosto, ibinunyag ni Gracia Palicas na isang “scam” ang akademya na itinaguyod ng pangkat ni Yassin para sa kanyang lola, ang pinakamatandang mambabatok ng Kalinga na si Apo Whang-od. 

Humingi ng tulong si Palicas ukol sa pagtataguyod ni Yassin ng kurso ni Whang-od nang walang pahintulot mula sa kanyang pamilya at ang kanyang lola. Naglabas rin ng pahayag ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) na hindi raw nagbigay ng pahintulot si Whang-od sa Nas Academy masterclass

Nagsalita rin ang tagapagtatag ng The Cacao Project na si Louise Mabulo tungkol sa kanyang karanasan kasama si Yassin noong 2019 para sa kanilang proyektong agrikultura. Dito, nakilala niya raw ang totoong intensyon ng vlogger. 

Ibinaba na ni Yassin ang kurso ni Whang-od sa kanilang website at hinarap ang mga alegasyon ni Mabulo laban sa kanya. Bagama’t ipinagtanggol na niya ang kanyang sarili sa isang pahayag, marami ng kontrobersya ang natuklasan ng masa. 

Kasunod ng mga pangyayaring ito, nabawasan ng halos 500,000 na tagasuporta ang plataporma ni Yassin sa Facebook. 

4. Pagtanggi ni Robredo sa planong oposisyon ni Lacson 

Litrato mula sa Inquirer

Tinanggihan ni Bise Presidente Leni Robredo noong ika-8 ng Agosto ang alok na “unification planni Senador Panfilo Lacson sa darating na eleksyon sa 2022.

Ani ni Robredo, plano ni Lacson na alamin muna ang lahat ng tatakbo sa oposisyon at pagkatapos ay aalamin kung sino ang mayroong pinakamataas na approval rating sa mga survey. Mula dito, pipiliin ang pinaka-angkop na kandidato para sa pagkapangulo.

Hindi ito sinuportahan ni Robredo sapagkat naniniwala siyang ang set-up na ito ay manlilinlang at magbibigay ng alinlangan sa kanyang mga taga suporta sapagkat magkakaroon ng posibilidad na siya’y paatrasin dahil sa matumal na datos.

Matatandaang sinabi ni Robredo na hindi pa siya sigurado sa kanyang pagtakbo bilang Pangulo upang lutasin muna ang mga kinakaharap na suliranin sa kalagitnaan ng pandemya.

5. Pagsakop ng Taliban sa Afghanistan 

Litrato mula kay Wali Sabawoon/Getty Images

Napasakamay muli ng grupong Taliban ang bansang Afghanistan matapos ang 20 taon.Ito rin ang hudyat ng pagtatapos ng dalawang dekadang digmaan sa nasabing bansa kung saan gumastos ng halos dalawang trilyong dolyar ang Estados Unidos. 

Dahan-dahang kinubkob ng grupo ang mga mahahalagang lungsod ng Afghanistan hanggang mapalibutan nila ang lungsod ng Kabul.

Tuluyang nasakop ng grupo ang Kabul, punong-lungsod ng Afghanistan, noong ika-15 ng Agosto.

Matatandaang pumirma ng kasunduan ang Taliban at Estados Unidos noong Pebrero 2020 kung saan inilahad dito ang  kabuuang pag-alis ng mga tropang militar ng North Atlantic Treaty Organization (NATO). 

Inaasahang makukumpleto ang kabuuang pag-alis ng mga dayuhang sundalo sa Afghanistan sa ika-11 ng Setyembre.

6. Kauna-unahang kaso ng Lambda variant sa Pilipinas

Litrato mula kay Eloisa Reyes/Reuters

Ibinalita ng Department of Health (DOH) noong ika-15 ng Agosto ang kauna-unahang kaso ng COVID-19 Lambda variant sa bansa. 

Natagpuan ito sa isang 35 taong gulang na babae mula sa kanluran ng Visayas. Siya ay asymptomatic at unang sinabing gumaling matapos ma-isolate ng 10 araw. Patuloy pa ring inaalam ng mga kinauukulan ang posibleng pinagmulan nito.

Naitala ang kauna-unahang Lambda variant sa Peru noong Agosto 2020 kung saan itinuring itong “variant of interest” ng World Health Organization (WHO). Maari daw itong makaapekto sa pagpasa ng mapaminsalang SARS-CoV-2. 

Kinumpirma na rin ng DOH ang pagkalat ng COVID-19 Delta variant sa mga komunidad ng National Capital Region (NCR) at Calabarzon. Sa ngayon, 1,789 na ang total na kaso

7. Pagsisiwalat ng COA sa mga anomalya ng mga ahensya ng pamahalaan  

Litrato mula kay Michael Varcas

Umani ng papuri ngayong buwan ang Commission on Audit (COA) sa pagsisiwalat ng mga kakulangan at irregularidad sa pondo ng mga ahensya ng pamahalaan.

Sa kasalukuyan, nasa 20 ahensya ng pamahalaan ang “flaggedng COA. 

Matapos isiwalat ng COA ang mga anomalya sa paggamit at mga nawawalang pondo ng DOH tila naging sadboi ang kalihim nitong si Francisco Duque III.

Sa isang hearing sa kamara noong ika-17 ng Agosto, naghimutok si Duque sa COA sapagkat ang natatanggap daw nilang mga kritisismo ay hindi patas. Hindi rin daw sila nabigyan ng pagkakataon upang tugunan ang mga “paratang” sa kanilang ahensya.

“Winarak na ninyo kami eh. Winarak na ninyo ang dangal ng DOH. Winarak ninyo ang lahat ng mga kasama ko dito,” ani ni Duque.

Sa ulat ng COA, umaabot sa tumataginting na 67 bilyong piso ang mga deficiency ng ahensya. Ang pondong ito ay unang inilaan nagagamiting pagtugon sa pandemya.

Kung nawarak ang DOH, bugbog naman daw ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), sabi ni chief Dante Gierran noong ika-26 ng Agosto. 

“I opened my heart, bugbog na po kami,” ani ni Gierran habang kwinestyon siya ng mga mambabatas ukol sa hindi nababayarang buwis at sahod sa mga ospital. 

Ngunit pagkatapos ng lahat ng ito, wala pa ring balak ang Pangulong Rodrigo Duterte para ipanagot ang mga pinuno nito. Sa halip ay dinepensahan niya ito at sinabing kapag siya ay naging Bise Presidente, siya na ang magbabantay sa COA sa pag-audit ng gobyerno.  

8. Pagsuntok ni Senador Pacquiao sa boksing at sa pagkapangulo 

Litrato mula kay Stephen Sylvanie/Reuters

Matapos mapatalsik ang pangulo ng PDP-Laban habang nag eensayo para sa kanyang laban at hindi maturing na kaalyado ni Pangulong Duterte, natalo ang Senador at eight-division boxing champion na si Manny Pacquiao sa kanyang laban kay Yordenis Ugas ng Cuba noong ika-21 ng Agosto.

Natalo ang senador sa boksingerong taga-Cuba sa pamamagitan ng unanimous decision (115-113, 116-112, 116-112). Kinamada ni Ugas ang kanyang depensa at hard counterpunching upang ipagtanggol ang WBA welterweight championship laban kay Pacquiao sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.

Sa isang ulat, nakapagtala si Ugas ng 59 porsyento na power punch kumpara sa 25.9 percent ni Pacquiao. 

Si Ugas ay matatandaang pumalit sa orihinal na kalaban ni Pacquiao na si Errol Spence Jr. 

Pagkatapos ng lahat ng ito, plano pa rin ni Pacquiao na tumakbo sa pagkapangulo.

9. Muling pagtakbo ni Pangulo Duterte

Litrato mula sa Malacanang Presidential Photographers Division

Tinanggap ni Pangulong Duterte ang nominasyon ng PDP-Laban para sa pagkabise presidente sa nalalapit na Halalan  noong Martes, ika-24 ng Agosto.

Matatandaang sinabi ni Duterte noong Hulyo na siya ay tatakbo bilang bise-presidente upang siya ay maging “immune sa mga kasong maaaring isampa sa kanya. 

Ilang beses ding inulit ni Duterte sa kanyang mga address na siya’y pagod na at walang planong tumakbo muli. Ayon naman sa kanyang anak, ang alkalde ng Lungsod ng Davao na si Sara Duterte, dapat na raw itigil ang pagsangkot ng kanyang pangalan sa planong pagtakbo ng Pangulo at ni Senador Bong Go sa Halalan 2022. 

Kasama rin ni Duterte sa tiket ng PDP-Laban ang ilan sa kanyang mga gabinete.

10. Hustisya sa wakas para sa pamilya Gregorio

Litrato mula sa Philippine National Police

Napatunayang nagkasala ng Paniqui, Tarlac Regional Trial Court Branch 106 si Jonel Nuezca sa salang murder at sinentensyahan ng dalawang reclusion perpetua noong Huwebes, ika-26 ng Agosto.

Matatandaang binaril ng dating pulis ang mag-inang Sonia at Frank Gregorio sa isang alitan noong Disyembre 2020.

Ayon sa desisyon ng korte, two counts of murder ang ginawa ni Nuezca na may parusang 40 taon na pagkakakulong sa bawat bilang ng pagpatay. Inutusan din siya ng korte na magbayad ng danyos sa pamilya Gregorio na nagkakahalaga ng P952,560.

Sa pagtatapos ng buwan ng Agosto, tila ay nais nating makahanap ng isang COA para sa isa’t isa—matapang at may paninindigan sa katotohanan. Sa pagtatapos ng buwan ng Agosto, tila ay nais nating makahanap ng isang COA para sa isa’t isa—matapang at may paninindigan sa katotohanan. Ngunit, kikislap ang pagbabago kapag ito’y nagsimula sa atin. 

Nakita natin ang epekto ng pagtitiis ng panunupil ng mga pinuno sa mga minorya at ordinaryong masa at kung paano pa silang patuloy aangat kung tayo’y nanatiling tahimik lamang. 

Maaring nagsawa o nasanay na tayo sa pagsasaksi ng mga walang katapusang na problema ngayong taon pero mas binibigyan lang nito ng rason kung bakit kinakailangan nating bumangon, mamulat, at makinig higit pa sa dati. 


Continue Reading


R101 Playlist: you’re in room 3k at tan yan kee

TomasinoWeb has curated a playlist to rekindle your core memories of working at the corridors of Tan Yan Kee and strolling around different org booths.



Artwork by Mikaela Gabrielle de Castro/TomasinoWeb

Recruitment season is here, which means endless publicity materials and display profile blasts are here to come! And although we won’t get to witness the spirited energy of socializing and hyping each other while promoting our booths on the campus this year, we hold on to hope that the light will spark soon at the end of this pandemic-stricken tunnel.

In the meantime, TomasinoWeb has curated a playlist to rekindle your core memories of working at the corridors of Tan Yan Kee and strolling around different org booths. 

And if you think you’ve got what it takes for an exciting new life, visit as you listen to these songs.


Continue Reading


Oras na ba para tumayo laban sa Pinoybaiting?

Para sa atin, normal na ang ideya na tayo ay pinapakinabangan ng mga banyaga. Ngunit, maaaring isa na itong uri ng digital na kolonyalismo. 



Likha ni Fernadine Hernandez/TomasinoWeb

Hindi maipagkakaila na ang mga Pilipino ay mahilig sa papuri, lalo na kapag mula ito sa mga internasyonal na personalidad. Aminado tayo dito tuwing pinapakita o binabanggit tayo sa mga plataporma ng mga dayuhan. Korona man yan sa mga beauty pageant, belt sa boksing, karakter sa mga TV show, o patimpalak sa pagkanta, hinding-hindi mawawala ang mga salitang “Pinoy pride!” lalo na sa internet. 

Ang terminong Pinoybaiting ay isang mahusay na pamamaraan ng pag-akit ng maraming likes at shares mula sa mga Pinoy upang kumita. Isang karaniwang halimbawa ang paulit-ulit na paggamit ng mga thumbnail na mayroong eksaheradong reaksyon tuwing mayroong bagong Pilipinong mang-aawit na nag-viral o tuwing unang beses nilang titikman ang pritong manok ng Jollibee

Ipinakita din ng isang Tiktok user na tila’y naging isang industriya na ang gawaing ito. Kapag susuriin nga naman natin nang maayos ang mga bidyong ito, mapapansin na halos pare-pareho lamang ang kanilang mga taktika.  

People’s notions of ‘Pinoy pride,’ after all, often stem from a long history of Pinoy humiliation; of being told we were second class; of being patronized and infantilized, alongside being exploited and held back to such an extent that our inferiority seemed natural,” ani ng sosyolohista na si Gideon Lasco. 

Para sa atin, normal na ang ideya na tayo ay pinapakinabangan ng mga banyaga. Ngunit, maaaring isa na itong uri ng digital na kolonyalismo

Komodipakasyon ng kultura at romantisasyon ng kahirapan 

Litrato mula sa What’s Up Philippines, The Hungry Syrian Wanderer, Foreigngerms, at kay War Espejo

Marahil ay parasito ang turing natin sa isa’t isa. 

Sumisipsip tayo sa mga dayuhan upang makaramdam ng pansamantalang kasiyahan sa pamamagitan ng mga papuri. Kung sabagay, paborito naman nila tayo kapag nangangailangan sila ng pagkukunan ng malakas na traksyon. Ngunit, talaga bang walang pinsalang naidudulot ang palakaibigang relasyon na ito dahil sa ating likas na pagiging bukas sa mga dayuhan? 

Ilan sa mga patok na thumbnail at caption na madalas nakakaagaw ng atensyon ng mga Pilipino ay ang pagtulong sa mga mahihirap tulad na lamang ng pagbibili ng pagkain para sa mga walang tahanan. Hindi masamang tumulong sa mga nangangailangan, lalo na’t kapag tayo’y may pribilehiyo at kakayahang gawin ito. 

Gayunpaman, kinakailangan nating maging mapanuri’t mapagmatyag kapag nagiging palamuti lamang ang mga mahihirap sa “tagapagligtas” na imahe ng mga banyaga (white-savior complex) sa gitna ng mga nangangailangang komunidad.

Sinasabi ng Sikolohiyang Pilipino na ang power dynamic ng “sila laban sa tayo” ay isang hegemonyo na tinuturo kung sino ang may kapangyarihan sa dalawa. At sa pagitan natin at ng mga dayuhan, sila ang higit na nakikinabang sa atin. 

Libo-libong mga Pilipino ang pinagkakaitan ng seguridad at pang-araw-araw na pangangailangan. Kailanman, hindi dapat niroromantisa ang kahirapan at katatagan ng mga mahihirap upang magmukhang malasakit. 

Kamakailan lamang, bumuhos ang mga rebelasyon ukol sa eksploytasyon na isinagawa ng sikat na Palestinian-Israeli vlogger na si Nusseir Yassin o Nas Daily. Nakilala ang manlalakbay para sa kanyang mga isang minuto na bidyo ng iba’t ibang bansa na kanyang binibisita, gaya ng Pilipinas. 

Subalit noong ika-4 ng Agosto, ibinunyag ni Gracia Palicas na isang “scam” ang akademya na itinaguyod ng pangkat ni Yassin para sa kanyang lola, ang pinakamatandang mambabatok ng Kalinga na si Apo Whang-Od. 

Ayon sa post ni Palicas, itinaguyod ang kurso ni Whang-Od nang walang pahintulot mula sa kanyang lola at pamilya. Humingi rin siya ng tulong para tigilan ang kawalan ng galang at pagsasamantala sa tribong Butbut. 

Bukod dito, sinabi ng antropologo na si Nestor Castro na maaring nilabag din ni Yassin ang Republic Act No. 8371 o ang Indigenous Peoples Rights Act. Sinasaad ng Chapter VI Section 32 ng batas na ito na kinakailangang kumuha ng pahintulot mula sa buong tribo at hindi lamang mula sa isang indibidwal o kanyang pamilya ang sinomang nais gamitin ang kultura ng mga katutubo para sa komersyal na layunin. 

Ayon sa panig ni Yassin, hindi raw ito isang scam, kundi isang taos-pusong intensyon. Bagama’t tinanggal na nila ang kurso ni Whang-od mula sa kanilang website, huli na para kay Yassin na maghabol pa ng palusot. 

Matapos ang pagbubunyag na ito, naglabas ng pahayag ang ilang mga Pilipinong mayroong katulad na karanasan. Isa dito si Louise Mabulo, ang tagapagtatag ng non-profit organization na The Cacao Project

Noong 2019, bumisita raw ang vlogger sa Pilipinas upang itanghal ang proyektong agrikultura ni Mabulo. Ngunit, ipinakita lamang daw ni Yassin ang kanyang totoong kulay katulad ng kawalan ng malasakit at interes sa mga magsasaka, paggawa ng balighong impormasyon ukol sa cacao, at diskriminasyon sa mga musmos at salita ng mga Pilipino. 

And now, his response to the issue illustrates a video of Apo Whang-Od signing a dubious contract—the same strategy colonizers used to mislead indigenous people to sell off their land, happening now action in the 21st century, except instead of land, it’s data and content and tradition being sold,saad ni Mabulo bago niya inireklamo si Nas bilang isang persona non grata sa Commission of Human Rights (CHR). 

Maapoy pa rin ang galit, lungkot, at debate ng mga Pinoy ukol sa isyung ito. Ilan lamang ang rebelasyon ni Palicas at Mabulo mula sa libo-libong kwentong pinatahimik ng eksploytasyon ng mga dayuhan. Sa kabila nito, kailan man ay hindi dapat ituring na produktong pangkalakalan ang ating mga katutubong tribo at pambansang kultura.  

Katawa-tawa pa ba ang Fil-Am humor? 

Litrato mula sa Netflix

Minsan ang impostor ay nasa tabi lamang natin o kaya’t nasa entablado, nagpapatawa ng karamihan. 

Isa pang dapat suriin ay ang tanyag na Filipino-American humor. Noong Hulyo, nag-viral ang TikTok ni Raquel Lily, isang babaeng Fil-Am. Subalit, umani ito ng batikos dahil sa kanyang paggaya ng mga estereotipikong bigkas ng mga Pilipino ng iba’t ibang salita sa Ingles. Bukod dito, pinagtawanan din niya ang tunog ng mga salita tulad ng bulaklak.

Katulad ni Lily, sumikat din ang Fil-am na komedyanteng si Joseph Glenn Herbert, o mas kilala bilang Jo Koy, para sa kanyang mga “relatable” na biro ukol sa kultura ng mga Pinoy. Subalit, may ilang hindi rin pabor sa paraan ng kanyang pagpapatawa. Ayon sa mga nanonood ng kanyang palabas na Jo Koy: In His Elements, corny, paulit-ulit, at hindi na uso ang kanyang mga biro dahil nakatuon lamang ito sa Filipino accents, Vicks, at kanyang nanay

Kahit mukhang maliit na bagay lamang ang mga biro, malaki pa rin ang impluwensya ng mga stereotypes na ito sa pagpapatuloy ng mga microaggressions na umaapi sa mga Pilipino. Gaya ng mga nabanggit, ginagawan nitong isang dimensyonal na personalidad ang pagiging Pinoy sa hindi makatotohanang paraan

Bagama’t mayroong pagkakapareho ang ilang kultura at etnisidad, mayroon pa rin silang natatanging pag-iisip, karamdaman, at opinyon. 

Matagal nang hindi nakakatulong at nakakatawa ang mga negatibong stereotypes na ito lalo na para sa isang bansa na nahihirapang umahon mula sa kolonyalismo at tokenismo

Sumisiklab at bumubuo ang masa 

Ang mga karanasang ito ay hindi nangangahulugang itigil na natin ang panonood sa mga ipinapalabas ng mga dayuhan dahil marami pa ring matatapat na creator na taos-puso talaga ang intensyon na tumulong, igalang, at saliksikin ang ating kultura.  

Bagkus, ating isaisip na likas na maganda at mayaman ang ating kultura. Hindi natin kinakailangang maghintay na makapasok ang isang kalahok sa internasyonal na antas upang tayo’y magningning. Dahil ang totoong mukha ng lakas at tagumpay ng mga Pilipino ay nag-uugat sa atin mismo, sa labas o sa loob man ng bansa. Ito ay ang isa sa mga pinakamahalagang hakbang na ating magagawa upang maitulak ang mga prejudice ukol sa ating bansa at sarili. 

Ang totoong uri ng “Pinoy pride” ay sumisiklab tuwing iwinagayway natin ang ating bandila para itaas ang boses ng bayan. Higit sa lahat, lumiliyab ito ng pag-asa at lakas tuwing pinagtatanggol natin nang tapat ang mga teritoryo, kultura, pangkabuhayan, at karapatan ng ating kapwa. 


Continue Reading