Connect with us

Blogs

Kamalayan sa pandemya: Mga pelikulang tampok sa Cinemalaya 2020

Sa ika-16 nitong taon, handog ng Cinemalaya ang ilang pelikulang Pilipino na kalahok sa taunan nitong paligsahan at pagdiriwang. Ito ang listahan ng mga kwentong matutunghayan sa pagdiriwang ng pista ng mga pelikula ngayong buwan ng Agosto!

Published

on

Litrato galing sa website ng Cinemalaya

PAGTATATUWA: Lahat ng poster na ginamit sa artikulong ito ay hindi pagmamay-ari ng TomasinoWeb.

Sa ika-16 nitong taon, handog ng Cinemalaya ang ilang pelikulang Pilipino na kalahok sa taunan nitong paligsahan at pagdiriwang. Dala ng epekto ng pandemya, napagpasya ng komite ng Cinemalaya na isagawa ang mga programa sa iba’t ibang mga online platform at ipalabas ang mga ibibidang pelikula sa Vimeo.

Narito ang listahan ng mga kwentong matutunghayan sa pagdiriwang ng Cinemalaya ngayong buwan ng Agosto. 

Main Competition Short Films

1. Ang Gasgas na Plaka ni Lolo Bert nina Janina Gacosta at Cheska Marfori

Handog ng pelikulang ito ang isang nakakaantig na kwento ng pag-ibig sa pagitan ng isang biyudo at isang matandang mayroong HIV. Sa gitna ng kalungkutan at kalumbayan, namuo ang isang makabuluhang pagsasama ang dala ng kanilang pagmamahal sa musika.

2. Pabasa kan Pasyon (Chanting the Passion) ni Hubert Tibi

Sa kawalan ng mapagkakakitaan, inilarawan ng pelikulang Pabasa kan Pasyon ang kwento kung paano bumaling sa relihiyon at pananampalataya ang isang pamilya upang makaraos sa kahirapan. Mula sa pagganap bilang Haring Herodes sa entablado hanggang sa pagiging DJ sa isang relihiyosong istasyon, sinikap ng dalawang magkapatid na dumiskarte upang kumita ng pera sa kasagsagan ng semana santa sa Bicol.

3. Fatigued ni James Robin Mayo

Sa pamamagitan ng isang interaktibong karanasan, sinalamin ng Fatigued ang bangungot ng kahirapan at balakid sa mundong nagbubulagan sa pagsamo ng bawat Pilipino. Sa kagustuhang mabuhay ng isang ordinaryong Pilipino, makakayanan nga ba niyang maiahon ang sarili sa paggunita ng mga alaalang nagbibigay ligaya o tuluyan na lamang sumuko sa kabila ng pagnanais na mabuhay?

4. Tokwifi (Star) ni Carla Pulido Ocampo

Tuon ng pelikulang Tokwifi ang isang modernong pagsasalaysay ng kwentong-bayan mula sa Bontoc. Matapos ang mala-bulalakaw pagbagsak ng isang telebisyon sa kanilang nayon, nakilala ni Limmayug si Laura—isang aktres na mistulang nakulong sa telebisyon. Sa kabila ng hadlang sa komunikasyon, isang natatangi at nakakabagbag-damdaming pagkakaibigan ang sumibol sa pagitan ng dalawa.

5. Quing Lalam Ning Aldo (Under the Sun) ni Reeden Fajardo

Nang malaman ng isang transgender at butihing magsasaka ng sampaguita na uuwi ang kanyang anak, dalian niyang pinaghandaan ang kanyang pagdating sa pamamagitan ng pagkumpuni ng kanilang lumang kusina. Matapos maudlot ang kasiyahan ni Budang nang hindi natuloy ang pag-uwi ng kanyang anak, sinikap ng kanyang kaibigang si Georgia na tipunin ang kanilang mga kasama upang ituloy ang pagkukumpuni. 

6. Ang Pagpakalma sa Unos (To Calm the Pig Inside) ni Joanna Vasquez

Isang pagbabalik tanaw sa mapait at malagim na karanasang sinapit ng mga biktima ng bagyong Yolanda ang tuon ng pelikulang ito. Maliban sa bakas ng pinsala at pighating idinulot nito, inilahad din ni Anna Rong sa kanyang pagsasalaysay ang ilang mga alamat at paniniwalang bumalot sa kanilang nayon noong kasagsagan ng trahedya.

7. Living Things ni Martika Ramirez Escobar

Ang pelikulang Living Things ay umikot sa kwento ng magkasintahang sina Kints at Charles. Laking gulat na lamang kay Kints na biglaang makita ang kanyang minamahal bilang isang cardboard standee. Bagamat naririnig at nakakausap pa rin nila ang isa’t isa, kumbinsido si Charles na malabong babalik pa siya sa dati. May pag-asa pa kayang bumalik si Charles sa dati o tuluyan na ding maging cardboard si Kints?

8. Utwas nina Richard Salvadico at Arlie Sweet Sumagaysay

Pangingisda ang pangunahing kabuhayan ng pamilya ni Toto. Sa gabay ng kanyang ama, natuto siyang mangisda at sumisid. Ngunit, kasabay ng kanyang pagkamangha sa likas na ganda ng karagatan ay ang kanyang pagharap sa iba’t ibang panganib na dulot ng mapaminsalang paraan ng pangigisda ng kanilang kapwa. 

9. Excuse Me, Miss, Miss, Miss ni Sonny Calvento

Para sa mga kontraktwal na manggagawa, tila’y mas mahalaga pa sa kanilang buhay ang maregularisa sa kanilang trabaho sapagkat kaakibat nito ang pamilyang kanilang binubuhay. Isa na dito si Vangie—isang saleslady sa Trendysitas mall na nanganganib masibak sa trabaho. Sa halip na makumbinsi ang kaniyang boss, isang nakakakilabot na sikreto at dagok ng katotohanan ukol sa regularisasyon ang sumalubong kay Vangie. 

10. The Slums ni Jan Andrei Cobey

Isang pangugutya sa pananamantala ng media sa buhay ng mga mahihirap ang ipininta ng pelikulang The Slums. Dito, sinundan ng isang grupo ng mga dokumentarista ang buhay ng isang mahirap na pamilya kasunod ng pagsiklab ng sunog sa kanilang lugar at pagkasira ng kanilang telebisyon. Sa pangako na sila’y matutulungan, walang nagawa ang pamilya kundi sumunod sa mga hiling ng mga dokumentarista kahit na taliwas ang mga ito sa kanilang tunay na kalagayan. 

Indie Nation A Short Films

1. Igib (Fetch) ni Joey Paras

Kasunod ng pagsabog ng bulkang Taal, sinikap ni Josa na mag-igib ng tubig at maglaan ng serbisyo sa kanyang mga kapitbahay upang makapag-ipon ng perang maipapadala niya sa kanyang pamilya na naapektuhan ng kalamidad. Kasabay din nito ang kanyang pagsisikap na maisaayos ang pakikitungo nila ng kanyang anak na si Dagul na kasama niyang naninirahan sa Maynila.

2. Jepoy ni Avid Liongoren

Si Jepoy ay isang bata na mahilig sa komiks at superheroes. Subalit, hilig din siyang asarin at apihin ng mga batang kasama niya sa pag-uwi. Nang mapanood niya ang nangyaring kalamidad sa Fukushima, Japan, napagtanto niya na ang panganib na dala ng nuclear radiation ang siyang sagot sa kanyang mga problema.

3. Ang Meron Sa Wala nina Arby Laraño at Christine Laraño

Sa pelikulang ito, isinalaysay ni Alfredo Laraño ang hirap, pagod, at sakripisyo na kanyang pinagdaanan mula noong siya’y musmos pa lamang hanggang noong siya’y naging isang ama. Dala ng kahirapan, napilitan siyang iwanan ang kanyang panganay na anak. Sa kagustuhan na ituwid ang kanyang pagkakamali, ginugugol niya ang kanyang oras at lakas sa pagtulong sa kanyang pangalawang pamilya. Tanging hiling lamang ni Tatay Alfredo ang pagkikita nila at kapatawaran mula sa kanyang minamahal na panganay

4. Pinakanakapagpapabagabag-damdamin ni Jermaine Tulbo

Buhat ng pagkamatay ng kanyang mga magulang, napilitang magsilbing haligi at ilaw ng tahanan ang binatang si Cesar. Sa kanilang tahanan, dinalaw siya ng kanyang matalik na kaibigang si Miguel na kanyang inaya upang lumangoy sa dagat. Subalit, lingid sa kaalaman ng binata na kapalit ng kanyang ligaya sa paghahagis ng basura sa dagat ay ang mapait na kinahitnatnan ng isang mahalagang tao sa kanyang buhay. 

5. Sakmit ni Seph Tan

Matapos ang isang engkwentro kasama ang dalawang ilegal na magtrotroso, sinikap ni Ruben na panatilihin ang kalagayan ng gubat na kanyang tinitirhan at inaalagaan. Sa kabila ng alok ng kanilang alkalde, tinanggihan ni Ruben na lumisan sa kanyang tahanan sapagkat proteksyon mula sa gobyerno para sa kagubatan ang kanyang hinihingi. 

Indie Nation B Short Films

1. Dama de Noche ni Lawrence Arvin Sibug

Ipinapakita ng pelikulang ito ang reaksyon ng pamilya Resurreccion sa pag uwi ng bangkay ng kanilang bread-winner na si Judy na namatay habang nagtatrabaho sa bilang isang Oversease Filipino Worker o OFW sa Saudi.

2. Mata ni Bryan Kenette Padilla

Pangunahing pangkabuhayan ni Kurt ang pagtitinda ng burger sa gilid ng kalsada. Bagamat inosente, pinagkamalan siya bilang isang magnanakaw buhat ng kanyang pisikal na itsura.

3. Grand Gestures ni Cody Abad

Kasunod ng pagpanaw ng haligi ng kanilang tahanan, matinding pighati at pagdadalamhati ang naramdaman nina John at ng kanyang ina na si Leia. Subalit, hindi rito nagtapos ang kanilang pagsubok sapagkat kinailangan nilang masanay sa pansamantalang pagbabago ng ayos ng gamit sa kanilang bahay alang-alang sa lamay ng kanilang mahal sa buhay.

4. Si Glora at Si Juan ni Galliano Salvador

Matapos maihian ang punso malapit sa kanilang bahay, nabalot ng takot ang mag-asawang sina Gloria at Turing nang ligaligin sila ng isang duwendeng nagngangalang Juan. Bukod sa gabi-gabi nitong pagdalaw, sinundan din niya si Gloria kung saan man siya magpunta.

5. Tarang (Life’s Pedal) ni Arvin Belarmino

Kinukwento ng pelikulang ito ang mga pamilyang nakatira sa gilid ng kalsada at nagtutulungan upang makaipon ng pera. Karamihan ng mga lalaki ay nagtatrabaho bilang drayber ng pedicab habang ang mga babae naman ay binebenta ang kanilang mga katawan. Sa kabila ng matinding pisikal at emosyonal na epekto ng prostitusyon, isa si Aya sa mga pilit na iniinda ito para lamang maitaguyod ang kanilang mga anak. 

Indie Nation C Short Films

1. Himagsik ng Hiwaga ni Geoffrey Solidum at Jane Almira

Noong unang panahon, ang mga mahiwagang nilalang at mga ordinaryong tao ay magkasamang namumuhay ng payapa. Ngunit, nagbago ang lahat ng ito nang dumating ang mga dayong kastila na siyang nagpalaganap ng kaisipan na ang mga mahiwaga ay mga masasamang nilalang na nakakabit sa demonyo.

2. Ang Nawalang Haligi ni Sarah Regacho

Ipinakita ng pelikulang ito ang pakikipagsapalaran ng isang ama sa paghahanap sa kanyang nawawalang anak. Sa kanyang paghahanap, hanggang saan kaya siya dadalhin ng kanyang mga paa?

3. Paon ni Seb Valdez

Nababalot ng takot ang mga taong naninirahan malapit sa ilog ng Himogaan matapos ang sunod-sunod at kahina-hinalang pagkawala ng ilang mga residente. Isang mangingisda ang nagtangkang gumamit ng kanyang tamod upang mahuli ang shokoy na pinaniniwalaang sa likod ng mga misteryosong paglaho.

4. Sumasaiyo ni Jermaine Tulbo

Sentro ng pelikulang Sumasaiyo ang nakakaantig na kwento ng sakripisyo ng isang dalaga para sa kanyang pilay na kapatid. Isinalaysay ni Isabel sa isang liham  ang kanyang pasasalamat para sa kanyang ate na nagsilbi niyang gabay at nagparamdam ng pagmamahal na walang pag-iimbot sa kanya mula pagkabata hangang sa kanilang pagtanda. 

5. Tahanan ni Mick Quito

Bagong laya sa preso si Ginoong Fernando. Bagamat tanggap siya ng bagong pamilya ng kanyang anak na si Mike, napagtanto niya na maraming bagay na hindi na maibabalik sa dati. Sa huli, iniwan na lamang siya ng kanyang anak at mga manugang sa pangangalaga isang tahanan para sa mga matatanda. 

Indie Nation D Short Films

1. OctoGod ni Shievar Olegario

Si Karl ay isang digital collage artist na utak sa likod ng website na www.14thspider.com. Matapos ang pag-update ang kanyang website, nagsimula siyang magkaroon ng mga bangungot tungkol sa isang nilalang na nais siyang dakupin.

2. Kung Saan Patag ang Bundok ni Dolliete Echon

Ipinamalas ng pelikulang ito sa pamamagitan ng pagsasayaw ang hirap na kinailangang pagdaanan ni Maya upang mapuksa ang mga mapaminsalang opinyon laban sa kanya bilang isang babae sa kabukiran.

3. Habak ni Paolo Matibag at Mia Salisbury

Mula sa pagiging guro ng wikang Ingles, pinili ni Dong na magtrabaho bilang isang tauhan ng kainan sa Australia. Bagamat wala pa siyang aprubadong Visa, pinagpatuloy pa rin niya ito upang makapagpadala ng pera sa kanyang kapatid at ina na mayroong sakit sa Pilipinas. Kasabay ng kanyang pakikipagsapalaran sa ibang bansa, hinarap niya ang maraming pagsubok mula ang kanyang pagkasisante sa trabaho hangang sa pagkwestiyon sa kanyang pananampalataya.

4. Gulis ni Kyle Jumayne Fransisco

Nagdadalamhati ang binatang si Andrei nang malaman niyang positibo siya sa HIV. Ngunit sa kabila ng malubhang sakit na ito, siniguro ng kanyang ama na hindi sya nag-iisa sa kanyang laban.

5. Displaced ni Aedrian Araojo

Sa pelikulang ito, isinalaysay ng iba’t ibang bata ang kanilang pinagdaanang trahedya noong lusubin ng grupo ng terrorista, Islamic State of Iraq and Syria, na mas kinikilala na ISIS ang bayan ng Marawi sa Mindanao.

Indie Nation E Short Films

1. Ang Tumuluo ni Aldrich Rosano

Iniulat ng pelikulang Ang Tumuluo ang pagbabalik ng dalagang si Thea sa isang kulto upang iligtas ang kanyang minamahal na si Seva mula sa mga mapanakit at mapanirang tao, bagay, at paniniwala. Sa pagtakbo ng tila pangkaraniwang kumbento sa bukid, naibunyag ang mga lagim at kapahamakan nitong tinatago sa likod ng maskara ng kaligtasan. 

Ipinamalas ng pelikulang ito ang mensahe na hindi lahat ng nasasaksihan ay purong katotohanan. Bagkus, makikita lamang natin ito kapag hinayaan nating buksan ang ating mga mata. 

2. Buding, Ang Babayi Nga Naglutaw ni Mark Raymund L. Garcia

Para sa isang ordinaryong pulis, tila hindi nga naman kapani-paniwala ang makarinig ng ulat tungkol sa biglaang paglutang ng isang babae sa kanyang tahanan. Sa mata ng tatlong indibidwal na nakasaksi nito, malayong maituturing itong simpleng biro o kathang isip lamang. Subalit sa pananaw ni Buding, tila ang kanyang paglutang ang tanging takas na hinahanap niya mula sa realidad na kanilang hinaharap. 

3. Saliwat ni Jay Palmares

Matagal nang mayroong tinatagong pagtingin si Leo para sa kanyang matalik na kaibigang si Amara. Kasama ang kanilang mga kaibigang sina Ed at Pascual, nilibot nila ang ilang mga tanawin sa Pilipinas. Sa paglalakbay na ito, mahahanap na kaya ni Leo ang lakas ng loob para umamin o tuluyan na siyang susuko para sa ikabubuti ng kanilang pagkakaibigan? 

Ilan lamang ang mga ito sa nagpapamalas at nagpapatunay ng likas na galing, talento, at pagkamalikhain ng Pilipino sa larangan ng pelikula. Sa loob ng humigit-kumulang 15 minuto, sari-saring emosyon, kwento, aral, at paksa sa buhay ng tao ang ipaparamdam at ipapamulat ng mga ito. 

Hadlang ang kasinungalingan at panlilinlang ng mga makapangyarihan sa ating pagtuklas sa katotohanan ng ating mundong kinagagalawan. Gayunpaman, magsisilbing gabay ang mga likhang sining na ito upang ating buksan at gisingin ang natutulog nating kamalayan. 

Huwag palalampasin ang mga nakapagpapabagong karanasang handog ng Cinemalaya. Bisitahin ang kanilang website upang malaman ang mga detalye kung paano matutunghayan ang mga pelikulang ito mula sa iyong tahanan. 

Comments

Blogs

Cramming Playlist: Buzzer Beats

Yeah, it’s big brain time.

Published

on

Artwork by Ayeesha Panotolan

The most dreadful time of the semester is here and with it comes every student’s best friend: cramming. We all know that it’s an ineffective and unhealthy way to retain information. Yet, we still choose to condense weeks worth of lectures into hours of late night study sessions because it somehow still gets the job done. 

Studying in the wee hours of the morning means you need something to keep you and your brain awake and functioning. Below, we’ve compiled a playlist that will surely get those neurons firing as you burn the midnight oil.

 

Comments

Continue Reading

Blogs

12 tweets hyping up the Lady of Sorrows pubmat

And the Grammy goes to… Chromatica!

Published

on

"Lady of Sorrows" poster grabbed from the official Facebook page of the University

Today, the University published a poster commemorating the day of the Lady of Sorrows. As a Catholic university, it has always been a practice of the University to publish publicity materials about the Catholic Church’s feasts, traditions, and holidays. However, the Lady of Sorrows poster had more to offer other than the photograph of Mama Mary. What does the Twitter-verse have to say about it?

Here are some tweets that that hyped up the Lady of Sorrows pubmat:

1. An iconic upgrade.

Comic Sans MS is nowhere to be found! 

2. And the Grammy goes to… Chromatica!

I know you’re rooting for this iconic album too.

3. Ah, ah, ah!

The Lord and Mama Mary love us like that! 

4. Time to hype the party!

Wait, are we going to cry or…?

5. Time to light these bad boys up.

They said to each other, “Did not our hearts burn within us while he talked to us on the road, while he opened to us the Scriptures?” (Luke 24:32)

6. And she spoke of the truth!

It really does, I swear.

7. There’s an uncanny resemblance, right?

Aren’t we all inspired by someone or something?

8. Don’t you just miss the good days?

Time to bust out those moves soon, sister.

READ  Kadenang Ginto is more complex than ever

9. Sing it with me!

I’m a hundred percent sure you sang the next lines!

10. *Saves to Pinterest board*

Don’t tell me I’m the only one who did this.

11. Response?

We’re going to need the energy UP tonight.

12. Stream Papuri sa Diyos Remix

Prepare your dancing shoes! You’re going to bust some moves.

Whether one is religious or not, everyone can admit that the pubmat is comical yet well done at the same time. Today, Twitter truly had a laugh while touching up hints on pop culture references. All jokes aside, may we celebrate what the 15th of September is truly about: the day of the Lady of Sorrows.

And together we say, “Amen”.

 

Comments

Continue Reading

Blogs

The 12 types of people in quarantine

We’re pretty much sure you’re #8 in the list.

Published

on

Artwork by Patricia Jardin/TomasinoWeb

The pandemic has kept people indoors and isolated from their day-to-day lives. While cabin fever set in for some, others have thrived in being able to stay in the comfort of their homes. 

Being productive while in quarantine has been a major challenge for everyone ever since it began. With normal workflows being disrupted, we had to find ways to keep our minds working amidst the recent events that have taken over the world. With that said, being productive isn’t just about continuing the grind, it could also mean finding the time to heal in all aspects of our lives.

These limitations gave birth to personalities that we did not know we had; for others, the personality they wished they could always show. Here we list down the different types of people in quarantine.

1. The news bulletin

Source: GIPHY

There might be some who feel burdened and tired by the daily news cycle, but these people are not one of them. Glued to the TV or the updates on their phones and computers, they’re the kind to stay on top of the news as it happens. These people are the ones we rely on for updates, even if it means talking to them is like listening to primetime news.

2. The health secretary

Source: GIPHY

Going hand-in-hand with the news buff, these are the types of people we can trust with the latest safety tips and tricks against the pandemic. They keep up-to-date with recent studies, at-home advice, and ideal precautions to keep themselves and everyone safe. Like the news bulletin, we can rely on them to help inform us on how to stay safe during this pandemic.

3. The quarantine entrepreneur

Source: GIPHY

Quarantine brought upon limitations, but these people have found business opportunities while at home. They’ve created different products or services that people can make use of while at home. For some, it has also been a way of helping communities by donating portions of their sales to charities and relief efforts. From delicious desserts to affordable online services, these people have kept on the hustle during the quarantine.

4. The house executive

Source: GIPHY

While the lockdowns meant work had to stop for most, these people continue the work at home. Often seen in an online meeting in Zoom, Teams, or Meet, they carry on with their job in what some argue to be a less stressful environment. At the same time, they also become sources of entertainment in calls when random background events occur.

5. The (at-home) gym rat

Source: GIPHY

Who said you had to skip your summer bod this year? With more time indoors than ever before, these people prefer to use their time to whip their body back to shape. Having less distractions, they’ve managed to find a workout plan to stick with using all the equipment at their disposal.

6. The quarantine chef

Source: GIPHY

If there was anything we loved watching more than comedy skits and dance challenges, it would be cooking videos. With people spending more time in the kitchen this quarantine, more recipes have come out to inspire our quarantine chefs to put their aprons back on. We can bet on these people to wow us with their cooking on our tables or on our smartphones when they post their cooking online.

7. The vlogger

Source: GIPHY

While most people are content with enjoying content, these people have been inspired to make them. You’ve probably seen some of your friends start a YouTube channel during this quarantine period and maybe even shared their videos in support. These people make their quarantines more interesting by exploring their creativity and producing content for friends, family, and the world to enjoy.

8. The TikToker

Source: GIPHY

Perhaps the young and hip cousin of the vlogger, these are the people who have decided to get in on the trend and produce TikTok videos. Similar to previous platforms like Vine, TikTok makes it easier to produce fun and quirky content that’s much shorter than its YouTube counterparts. Whether it’s TikTok dances or comedy skits, these people have joined in on the fun on the trending social media platform in their spare time.

9. The Netflix guide

Source: GIPHY

If the last two entries featured people who make content in quarantine, these people are the ones more content with consuming them. Finally having the time to sit back and go through their Netflix library, these people have become very reliable guides for what movie or show to watch next. Whether you’re looking for heart-wrenching dramas, light and witty romcoms, or serious and brooding thrillers, they’ve got just the thing for you.

10. The digital shopaholic

Source: GIPHY

Lockdowns may have caused malls and shopping centers to temporarily close, but these people have decided to take their business elsewhere. They find themselves spending most of their time browsing through flash deals and free shipping specials looking for the best deals. With packages coming in on almost a daily basis, these people have endeared themselves to the delivery crew in their area.

11. The Zen master

Source: GIPHY

Being at home this quarantine means you get to be in the one place you’re most familiar with. While others try to stay active physically, these people use the comfort of their homes to engage themselves mentally and emotionally. They’re the ones we probably don’t hear a whole lot from this quarantine but when we do, it’s often to hear realizations and reflections about themselves and the world around them.

12. The couch potato

Source: GIPHY

Perhaps the most recognizable and most relatable, these people are the ones that just enjoy the break from it all. These people simply enjoy sleeping in, staying in bed, or just relaxing in their own little spaces. They relish in the simpler things in life, choosing to just take a good break from all the work and stresses that they’ve had before.

The pandemic has left us with a constant feeling of uncertainty about our future. Monthly bad news and toxic arguments in social media have made us feel bogged down and burnt out. 

Regardless of the means, what’s most important is that we take care of ourselves physically, mentally, and emotionally. Whether that’s by doing physical and mental activities or simply taking a well-deserved break, what matters most is that we keep ourselves afloat. 

At the end of the day, our part in staying at home is the best we can do to not only help ourselves but also everyone around us against this pandemic.

Comments

Continue Reading

Trending