Connect with us

Blogs

Cinemalaya Series: Ang Ekstraordinaryong “Pamilya Ordinaryo”

Lahat ng ito ay nangyayari talaga sa panahon natin ngayon. Kaya’t nakakatuwang makita na punong-puno ang sinehan noong araw na pinanuod ko ito dahil kahit masama ang panahon at mayroong mga mas “masaya” na puwedeng mapanuod, pero ito ang pinili nilang tangkilikin.

Published

on

Muling inagaw ng direktor na si Eduardo Roy, Jr. ang eksena sa nakaraan na Cinemalaya dahil ng kanyang pelikula na nagpakita ng mga masasakit na reyalidad na nagaganap sa ating kasalukuyan.

Inilathala sa Pamilya Ordinaryo ang buhay ng batang mag-asawa na sina Jane at Aries Ordinaryo at ang kanilang pamumuhay sa mga lansangan ng Maynila. Ipinakita rin kung papaano nila inaalagaan ang kanilang supling si Arjan, na wala pang tatlumpung araw, at ang pagkapit sa masama katulad ng pagnanakaw para lamang maitaguyod ang kanilang pamilya.

Lantaran ang pelikula sa paglalahad ng katotohanang kadalasan ay hindi pinagtutuonang pansin: ang laganap na paggamit ng ilang kabataan ng “rugby” sa lansangan para mapuksa ang mga kalam ng sikmuram. Ipinakita rin kung papaano nagkakabentahan ang mga nakaw na bagay, at higit sa lahat, pinakita ang tunay na hirap ng paninirahan ng walang tunay na tahanan.

Sa pamamagitan ng mga “CCTV footage”, nagmukhang mas dikit sa realidad ang pelikula at muling maaalala ng mga manonood na hindi lamang ito katha. Lahat ng ito ay nangyayari talaga sa panahon natin ngayon. Kaya’t nakakatuwang makita na punong-puno ang sinehan noong araw na pinanuod ko ito dahil kahit masama ang panahon at mayroong mga mas “masaya” na puwedeng mapanuod, pero ito ang pinili nilang tangkilikin.

Sapagkat sa pelikulang ito –bagamat maraming mga elementong siguro ay alam na ng lahat — ay mayroong isang realidad na pilit na ipinapakita at ipinapaalala sa atin.

Ang naging pinaka suliranin ng mag asawang Jane at Aries sa pelikula ay ang pagkatangay ng kanilang anak sa katauhan ng isang nagngangalang “Ertha” na nagpanggap bilang isang kaibigan. Sa buong takbo ng pelikula, ipinakita ang paghihirap na kanilang dinanas para mahanap si Arjan.

Pinakita rin dito ang magulo at mahirap na proseso upang marinig lamang ang mga hinanakit at tulong. Pinakita ang kurapsyon sa mga pulis at ang mababang paningin ng lipunan sa mga taong kapos kapalad.

Hindi madaling mawawala sa isip ng mga manonood ang pagkakaganap ni Hasmine Killip kay Jane Ordinaryo; mula sa kanyang kilos, pananalita, at kabuuang pagkaganap bilang isang batang inang balisa at walang alam sa pagtataguyod ng pamilya. Hindi mo maiiwasang maisip na baka ganito ang dinadanas ng mga nakikita mong pamilya sa lansangan.

Sa loob ng dalawang oras ay napakaraming tema at ideya tungkol sa kahirapan at pagpapamilya ang tinalakay ng pelikula. Lahat ay may bahid ng hilaw na realidad.

Ngunit may isang tema na tumatak sa akin, ang pagkakaiba ng pag-iisip ng mag asawang Jane at Aries. Dumating ang puntong naisip na ni Aries na hayaan na lamang ang kanilang anak sa kung saan man ito mapapadpad sapagkat napagtanto nila na maaring binenta na ni Ertha si Arjan sa iba. Naisip niya rin na may posibilidad na mapunta si Arjan sa pamilyang may mas kakayahang bumuhay sa kanila na walang matinong kakayanan. Si Jane naman, bilang isang ina,  ay hindi sumangayon dito at nagpumilit na hanapin ang anak. “Hindi basta basta sinusukuan ang mga anak”, ika nga nila.
Ito ang masasabi kong tema na pinakadumikit sa akin dahil bilang isang babae at praktikal na tao ay napapaisip ako kung ano kaya ang gagawin sa ganung sitwasyon. Kung ako ba ito ay kaya ko rin bang sukuan ang anak ko katulad ni Aries o magpupumilit rin ba ako katulad ni Jane?

Sa kabuuan, malungkot man, at kung iisipin ay medyo isang masakit, na reyalidad ang ipinakita sa Pamilya Ordinaryo, naging matapang at totoo ang buong pagkakalahad nito. Magiiba marahil ang tingin ng mga manonood sa mga nakakasalubong nilang pamilya na pakalat-kalat sa lansangan. Marahil maiisip nila na sa likod ng ordinaryong pamumuhay ng mga ito ay may nakakabit na ekstraordinaryong kwento.

Comments

Blogs

The Rise of Filipino Mythology

Our generation has always been curious about the great Greek myths with its fascinating – but rather dark tales. But have you ever discovered the hidden gems within the Philippine Lore?

Published

on

rise of filipino mythology artwork
Artwork by Mikhail Reaño

Our generation has always been curious about the great Greek myths with its fascinating – but rather dark tales. Persephone’s abduction by Hades, god of the underworld or Zeus’ escapades with fair maidens that lead to the birth of tons of demigods with exceptional strength like Hercules or intoxicating beauty like Helen of Troy.

Each country has their own share of myths. Scandinavians have their god of Thunder Thor, and the mischievous god and trickster, Loki. We are not talking about the MCU here obviously. Romans have a very similar adaptation of their myth to the Greeks and Egyptians have alien-looking gods and goddesses, these are only a few of what we actually know about.

We are all familiar with Bathala, but we always ignore the fact that our country is also rich in tales and myths. We also have a whole new lineage of deities, monsters, and other unearthly creatures. Ours is as fascinating as other myths if not, more.

Even Neil Gaiman, the author of Norse Mythology and American Gods, acknowledged the potential of Filipino Mythology to be shown to the world. Yet despite possessing the prowess to tell a story masterfully, he emphasized that the Filipino writers should be the one to retell the myth.

Mythology as our identity.

Each race has its own unique identity and mannerism. Though most of it are due to their own prejudice, these traits still set them aside from the others.

Here in the Philippines, our history, long before the Spaniards set foot on our shores, have always been different. Only our natives were able to recall the stories that were passed upon generations.

Have you read about Maria Makiling during your childhood? If yes, surely, you also know about Mt. Makiling being shaped like a woman which is believed to be Maria Makiling herself. The known fable can be the basis of our history or the other way around. The best way to know a culture is to understand it through their own as myths and stories.

There are enough characters for everyone to look into.

One of the many reasons why Philippine Mythology should be known is because of its variety. Due to the fact that our country is divided into different regions, a wide variety of culture and language is established. In the Tagalog region, the supreme being is called Bathala but Kaptan for the Bisaya.

These two characters are basically the same but they have different names and maybe even a slight alteration in their stories. There is a wide range of origin stories which involves giants, gods, and goddesses, but the best part about it is they all have different tales to tell.

Filipino writers are capable

Filipinos have always been one of those who excel in everything they pour their souls into. There are a lot of Filipino literary creators who are exceptional in their work. Who else will be good at retelling our own history? Of course, those who share the same blood lineage, for we know the hearts and minds of our ancestors.

We have a rich literary library that some foreigners also seek to come across with to further their knowledge. Filipino writers were able to establish their skills in the field of literature, though they are not given enough appreciation in our current setting.

Mythology is not just a part of literature that is there to entertain us. It also has a key role in civilization. Humans interpret their world through myths, it has always been a representation of one’s beliefs. If you can take time to gush about the Asgardians or the Olympians, why not start discovering our very own today?

Comments

Continue Reading

Blogs

Pista ng Pelikulang Pilipino, narito na!

Salubungin at tunghayan ang pagbabalik sa takilya ngayong taon ng mga pelikulang mula sa mapaglarong imahinasyon at kahusayan ng mga Pilipino sa larangan ng sinematograpiya at produksiyon.

Published

on

pista ng pelikulang pilipino 2 poster
Larawan mula sa opisyal na Facebook ng Pista ng Pelikulang Pilipino.

DISCLAIMER: Ang mga poster na kalakip ng lathalain ay hindi pagmamay-ari ng TomasinoWeb.

Salubungin at tunghayan ang pagbabalik sa takilya ngayong taon ng mga pelikulang mula sa mapaglarong imahinasyon at kahusayan ng mga Pilipino sa larangan ng sinematograpiya at produksiyon.

Ang Pista ng Pelikulang Pilipino o PPP ay isang linggong selebrasyon na kaugnay sa paggunita ng Buwan ng Wika ngayong Agosto. Sa pagdiriwang na ito, bibigyan ng pagkakataon ang ating mga filmmakers  upang isapubliko at maipabatid sa lahat ang kanilang mga likhang-sining na sumasaklaw sa mga kuwentong Pilipino.

Sa selebrasyon ng ikalawang anibersaryo ng PPP, inihahatid muli ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang iba’t ibang mga dyanra at bagong palabas na ibibida sa mga teatro’t sinehan sa bansa.

Narito ang mga full length na pelikulang kalahok sa kapistahan:

ang babaeng allergic sa wifi poster

1. Ang Babaeng Allergic sa WiFi ni Jun Robles Lana

108 na minuto | Romantic Comedy

Dulot ng labis na pagkahumaling sa social media, si Norma (Sue Ramirez), isang tinedyer, ay nagkaroon ng Electromagnetic Hypersensitivity (EHS) syndromeisang bihirang karamdaman na kung saan ay mahipit na ipinagbabawal sa kanya ang paggamit ng anumang gadgets at WiFi. Dahil sa kanyang kondisyon, napilitan siyang manirahan sa isang probinsya at malayo sa kanyang nobyong si Leo (Markus Paterson). Habang nasa probinsya, ginugugol niya ang kanyang oras kasama si Aries (Jameson Blake) – ang kapatid ni Leo na siyang madalas bumisita sa kanya.

bakwit boys poster

2. Bakwit Boys ni Jason Paul Laxamana

110 na minuto | Drama & Musical

Gagampanan nina Ryle Santiago, Nikko Natividad, Vance Larena at Mackie Empuerto ang papel ng apat na magkakapatid na tubong Isabela. Kasabay ng paghagupit ng isang kalamidad sa kanilang lugar ay ang paggunaw ng pag-asa nilang maabot ang kanilang pangarap. Nilisan nila ang kanilang probinsya at tumungo sa Pampanga upang manirahan kasama ng kanilang lolo. Nagsimula silang muling tumugtog sa mga pistang dinaraos sa kanilang bayan at doon nadiskubre ni Rose (Devon Seron) – isang babaeng mula sa isang maykayang pamilya, ang kanilang munting talento at tinulungan sila nito sa paglikha ng sarili nilang musika.

madilim ang gabi poster

3. Madilim ang Gabi ni Adolfo Alix Jr.

115 na minuto | Thriller

Isang dagok ang dumating sa buhay ng mag-asawang Sara at Lando (Gina Alajar & Philip Salvador) nang mapag-alamang nawawala ang kanilang anak na si Allan (Felix Roco) na isang drug addict. Mas tumitindi ang takot at pag-aalala na bumabalot sa damdamin ng dalawa dahil habang lumilipas ang panahon ay tumataas ang bilang ng mga nagiging biktima ng Oplan Tokhang isang kampanyang inilunsad ng gobyerno laban sa paggamit ng droga, sa kanilang siyudad.

pinay beauty poster

4. Pinay Beauty ni Jay Abello

104 na minuto | Comedy

Sa lipunang puno ng pamantayan sa kagandahan, isang dalagita (Chai Fonacier) ang nagnanais na sumailalim sa isang operasyon upang baguhin ang kanyang anyo at magmukhang isang Caucasian. Umutang ng malaking halaga ang kanyang nobyo (Edgar Allan Guzman) sa isang usurero upang tugunan ang kanyang kagustuhan.

signal rock poster

5. Signal Rock ni Chito Roño

130 na minuto

Batay sa tunay na karanasan, ang istoryang ito ay iikot sa buhay ni Intoy Abakan (Christian Bable) – isang binatang nangangarap ng isang kumpletong pamilya. Sa hirap ng buhay, lumipad patungong ibang bansa at nakapag-asawa ng isang banyaga ang kanyang nakatatandang kapatid na si Vicky dahil sa pagkakaakalang iyon ang sagot upang maihaon ang kanilang pamilya sa hirap. Nakaranas si Vicky ng pang-aabuso mula sa asawa at humingi ito ng tulong mula kay Intoy upang mabawi ang anak na babae. Upang makausap ang kapatid, inaakyat ni Intoy ang rock formations– ang tanging lugar sa kanilang isla na nakapagbibigay ng senyal sa kanyang telepono.

the day after valentines poster

6. The Day After Valentine’s ni Jason Paul Laxamana

114 na minuto | Romance & Drama

Sa paghahanap ni Kai (JC Santos) ng sagot sa kanyang mga katanungan ay nakilala niya si Lani (Bela Padilla) – isang babaeng matatag at wari’y maraming baon na sagot sa lahat ng problema. Sa pagkukrus ng kanilang mga landas, ang kani-kanilang mga tanong ay mabibigyan ng sagot sa hindi inaasahang paraan.

unli life poster

7. Unli Life ni Miko Livelo

103 na minuto | Comedy

Ang gabing inakala ni Benedict (Vhong Navarro) na magiging puno ng kasiyahan ay napalitan ng pighati’t kalungkutan nang nakipaghiwalay sa kanya ang nobyang si Victoria (Winwyn Marquez) bago pa man niya ito alukin ng pagpapakasal. Lumagi siya sa isang bar at isang inumin ang ibinigay sa kanya ng bartender na si Sir Saro (Joey Marquez)–ang inuming babago sa takbo ng kanyang kapalaran at makapagbabalik sa kanya sa nakaraan.

we will not die tonight poster

8. We Will Not Die Tonight ni Richard Somes

115 na minuto | Action & Thriller

Si Kray (Erich Gonzales) ay isang stunt performer. Sa kabila ng paghina ng kanyang karera ay itinuloy pa rin niya ang kanyang trabaho. At dahil sa matinding pangangailangan sa pera ay nag-atubili siyang pumayag na sumabak sa isang misyon kasama ng kanyang mga kaibigan na sa huli ay maglalagay sa kanila sa kapahamakan.

 

Bukod sa walong pangunahing pelikula, tampok din sa kapistahan ang Special Feature Section kung saan bibigyan ng oportunidad na mapanuod ng madla ang mga pelikulang nagkamit ng parangal sa mga lokal na independent film festivals noong nakaraang taon.

Ang mga full length na pelikulang kalahok sa kapistahan ay mapapanood mula Agosto 15 hanggang Agosto 21, 2018 sa lahat ng teatro at sinehan sa bansa. Habang ang mga pelikulang nakapaloob sa espesyal na seksyon ay mapapanuod lamang sa mga piling sinehan ng SM Manila, SM Sta. Mesa, SM North Edsa, SM Fairview, SM Mall of Asia, SM Megamall, Gateway Cineplex at Robinsons Galleria sa parehong petsa.

Para sa iba pang detalye at anunsiyo, bisitahin ang kanilang Facebook page.

Comments

Continue Reading

Blogs

Mga pelikulang mapagpalaya: ang 20 pelikula ng Cinemalaya

Sa panahon ngayon kung saan unti-unti nang nawawala ang laya natin para makita ang realidad, palayain ang sarili gamit ang mga kwentong pupukaw sa inyong kamalayan.

Published

on

cinemalaya 14 poster
Larawan mula sa opisyal na Facebook ng Cinemalaya

DISCLAIMER: Ang mga poster na nakapaloob sa lathalaing ito ay hindi pagmamay-ari ng TomasinoWeb.

Sa panahon ngayon kung saan unti-unti nang nawawala ang laya natin para makita ang realidad, palayain ang sarili gamit ang mga kwentong pupukaw sa inyong kamalayan.

Hango sa temang “Wings of Vision,” hatid ng ika-14 na taon ng Cinemalaya ang 10 full-length na pelikula at 10 maiikling pelikula na magiging kabilang sa paligsahan ngayong taon. Iisa man ang temang tinahak, malugod nitong ipriniprisinta ang mga palabas na iba-iba ang dyanra at paksang tinatalakay.

Bilang na lang ang araw upang mapanood ang mga pelikulang kabilang dito. Huwag palampasin ang pagkakataon!

Narito ang listahan ng maari niyong mapanood hanggang sa Linggo.

distance poster

1. Distance ni Percival Intalan

100 na minuto | Drama | PG

Sa kalabisan ng pighati’t lumbay, susubukan ni Liza (Iza Calzado) na bumalik sa pamilyang kaniyang inabandona nang limang taon. Paano nga ba nito muling makukuha ang loob ng kaniyang asawa’t dalawang anak? Sa kabila ng distansyang namumutawi sa loob ng silid, sisikaping punan ni Liza ang kaniyang mga pagkukulang bilang isang asawa’t ina.

kung paano hinihintay ang dapithapon poster

2. Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon (Waiting for Sunset) ni Carlo Encisco Catu

90 na minuto | Drama | PG

Hindi tulad ng ibang magkasintahan, si Teresa (Perla Bautista)  at ang kanyang live-in partner na si Celso (Menggie Cobbarubias)  ay may katandaan na. Sa gulang na tila napaglipasan na ng panahon, pinipilit ng dalawa na payabungin ang kanilang pagsasama upang hindi makaramdam ng pananawa. Ngunit, isang gabi nakatanggap ng tawag si Teresa mula sa kanyang dating asawa na si Benedicto (Dante Rivero) na may malubhang sakit at humihingi ng kalinga.

Sa muling pagkukrus ng nakaraan at kasalukuyang pag-ibig, paano nga ba dadalhin ng katauhan ni Teresa ang ibinigay ng tadhana? Sa kanilang paghihintay sa dapithapon, magkakaroon pa rin kaya ng puwang ang pagmamahal at pagpapatawad?

kuya wes poster

3. Kuya Wes ni James Robin Mayo

90 na minuto | Komedya | G

Gagampanan ni Ogie Alcasid ang katauhan ni Kuya Wes – isang masigasig at may pagkamahiyaing ‘remmitance clerk’ na ramdam ang pagkawalan ng importansya mula sa kaniyang kapatid na si Raf at sa pamilya nito. Nasasalat lamang niya ang halaga sa kaniyang trabaho, lalo na’t buwanan ang pagbisita ni Erika (Ina Raymundo) rito – ang customer na kaniyang natitipuhan. Ngunit, sa ‘di inaasahang pangyayari, hiniwalayan si Erika ng kaniyang asawang nasa ibang bansa.

liway poster

4. Liway ni Kip Oebanda

100 na minuto | Drama | PG

Hango mismo sa kuwento ng direktor noong kapanahunan ng Martial Law, ang “Liway” ay umiikot sa karakter ni Day (Glaiza de Castro) – isang butihing inang handang protektahan ang kaniyang anak na si Dakip mula sa mabagsik na realidad ng kanilang mundong ginagalawan.

Ang mag-asawang si Day at Ric, kasama ang anak nilang si Dakip, ay naninirahan sa Camp Delgado – isang seldang para sa mga rebelde’t kriminal na nakapaloob sa isang kampong pangmilitar. Sa gitna ng mga paghihirap nila sa kulungan, ipinagkalooban ni Day ang kaniyang anak ng mga kanta’t mapanlikhang kwento – mawalay lamang ito sa mga traumatikong pangyayari kanilang dinaranas.

mamang poster

5. Mamang ni Denise O’hara

90 na minuto | Komedya & Drama | PG

Dulot ng katandaan, si Mamang, kaagapay ang kanyang anak na si Ferdie, ay lumalaban sa sakit na dementia. Hindi nagtagal, lumala ang kondisyon nito at hindi na matukoy ang pinagkaiba ng realidad mula sa memorya ng nakaraan.

ml poster

6. ML ni Benedict Mique

90 na minuto | Suspense Thriller | R-16

Dahil sa pagtatanggol ni Carlo sa Martial Law, hinamon siya ng kanyang guro upang patunayan ang kanyang pahayag. Sa paghahanap ng kasagutan, kasama ang kanyang kasintahan at kaibigan, nakilala nila ang isang matandang retiradong sundalo na magiging daan sa pagtuklas sa katotohanan. Mananatili pa kaya ang magandang pagtingin ni Carlo matapos ang lahat?

musmos na sumibol sa gubat ng digma poster

7. Musmos na Sumibol sa Gubat ng Digma (Unless the Water is Safer than the Land) ni Lionel Arondaing

105 na minuto | Social Drama |G

Sa kabila ng hidwaan na nagmula sa kultura, nagtapo ang landas ng dalawang bata mula sa magkaibang angkan. Sa loob ng pitong araw pinili nila na tumira sa gitna ng kagubatan upang makatakas gulo. At sa mga ng pamamalagi sumibol ang pagmamahal at pagkakaibigan.

pan de salawal poster

8. Pan de Salawal (The Sweet taste of Salted Bread and Undies) ni Anna Francesca Espiritu

100 na minuto | Drama | G

Ang bawat araw ay isang malaking dagok para sa mga taong nakatira malapit sa riles, kabilang na dito si Sal. Si Sal ay 78-anyos na panaderong may sakit sa bato. Dahil sa kanyang malubhang karamdaman, binalak nitong magpasagasa sa tren. Ngunit sa pagdating ni Aguy, isang bibong bata, nag-iba ang lahat. Sa hindi mapaliwanang na rason, ang bata ay kayang magpagaling ng may karamdaman sa pamamagitan ng sampal o suntok. Marami sa lugar na iyon ang natulungan ni Aguy, maliban na lang kay Sal. Sa paglala ng sakit ng panadero, nagdesisyon si Aguy na gawin ang pinakamasakit na sakripisyo para sa kaibigang tinuring siyang anak.

school service poster

9. School Service ni Luisito Ignacio

95 na minuto | Social Drama | R-13

Sa libo-libong mga bata na nagkalat sa lansangan ng Maynila, anu-ano kayang mga kwento ang hatid ng bawat isa?

Si Maya, isang walong-taong-gulang na bata sa probinsya, ay tinatahak ang daan mula eskuwela patungo sa kaniyang bahay. Habang naglalakad, isang ‘School Service’, na sa hindi inaakalang pagkakatao’y mga sindikato pala, ang nagpumilit na siya’y ihatid na pauwi. Hatid ng kamusmusan, si Maya – kasama ang iba pang mga inosenteng bata – ay itinapon sa Maynila upang mamalimos kung saan-saan. Maatim pa kaya ni Maya ang mangarap para sa kaniyang kinabukasan? Madadakot pa kaya nito ang kalayaan bilang biktima ng ‘School Service’?

the lookout poster

10. The Lookout ni Afi Africa

105 na minuto | Psycho-Drama | PG

Sa mundo kung saan talamak ang panghuhusga’t panunupil, nariyan si Lester Quiambao (Andres Vasquez) – isang baklang ‘hired killer’. Bata pa lamang, inihubog na ng kaniyang relasyon sa mga mapang-abusong tao ang kaniyang puso na ngayo’y puno nang hinagpis at kabuhungan. Upang makaganti sa masalimuot na nakaraan nito, kakailanganin niyang pagtaksilan si Travis Concepcion (Jay Garcia) – ang lalaking kaniyang minamahal. Magawa nga kaya ni Lester na talurisain ang kaniyang minamahal? O mahahadlangan ito ng kaniyang pag-ibig para kay Travis?

SHORT FEATURE

si astri maka si tambulah poster

1. Si Astra Maka Si Tambulah (Astri and Tambulah) ni Xeph Suarez

18 na minuto | Fiction, Drama | PG

Sa isang pag-iibigan, paano nga bang maaring hadlangan ng tradisyon ang pagmamahalan ng isang lalaking cisgender at isang transwoman mula sa tribo ng Badjao? Bukod sa pag-ibig at tradisyon, ayon sa may akda, nais din ng pelikula na ipakita ang iba pang suliranin na kinakaharap ng komunidad ng LGBT.

jodilerks dela cruz poster

2. Jodilerks Dela Cruz, Employee of the Month ni Carlo Francisco Mantad

13 na minuto | Dark Comedy | R-13

Ang dedikasyon ni Jodilerks sa kanyang trabaho ay hindi matatawaran ngunit dahil sa nagbabadyang pagsara ng gasolinahan, ang trabahong kanyang nakagisnan ay mawawala na. Paano nga bang haharapin ni Jodilerks ang kanyang huling gabi bilang gas station attendant?

logro poster

3. Logro ni Kani Villaflor

15 na minuto | Drama | PG

Sawa na sa pagtrato’t sahod na natatanggap sa isang karinderya, tatahakin ni Bruno ang mundo ng “Underground Fighting” sa kabila ng pagiging pandak upang mapanalunan ang premyo’t makamit ang kaniyang ambisyon sa buhay. Mapagtagumpayan kaya ito ni Bruno? O tuluyan na lamang lilimitahan ng mapanghusgang lipunan ang kaniyang mga pangarap para sa sarili?

sa saiyang isla poster

4. Sa Saiyang Isla (In his Island) ni Christian Candelaria

20 na minuto | Drama | G

Sa kabila ng pagdurusa ng mga mangingisda sa nararanasang oil spill, may isang batang lalaki ang magbibigay ng galak sa madla sa pamamagitan ng kanyang mga kwento at pangarap na maging sirena.

nangungupahan poster

5. Nangungupahan (Who Rents there now?) ni Glenn Barit

12 na minuto | Drama, Family, Experimental | G

Tinatalakay nito ang bawat istoryang nakatatak sa isipan ng mga nanirahan sa isang kuwarto sa magkakaibang panahon. Bagamat nanirahan sa magkaparehong silid, iba-iba ang naging pamumuhay ng mga ito. Sa pamamagitan ng paghahabi ng kanilang mga alaala sa kuwartong iyon, sa huli ay mapagtatantong hindi lamang espasyo ang kanilang ibinahagi sa isa’t isa, bagkus, gayundin ang mga memoryang isa-isa nilang itinatak sa espayong iyon.

you me mr wiggles poster

6. You, Me and Mr. Wiggles ni Jay Velasco

19 na minuto | Drama, Comedy, Experimental | R-18

Kung kailan tila magkasundo’t magkatugma na para sa isa’t isa, susubukin ng tadhana ang relasyon nina Carlo at Anj sa pamamagitan ng isang gabi. Isang gabing may hatid na sorpresa’t balakid sa pagtatalik ng magkasintahan. Ituloy pa kaya ni Anj ang kaniyang relasyon kay Carlo gayong alam na niyang ito’y may ‘erectile dysfunction’? O tuluyan na kayang manlambot ang pagsasama ng dalawa?

babylon poster

7. Babylon ni Keith Deligero

20 na minuto | Drama, Comedy, Satire | R -13

Upang magawa ang misyon na patayin ang diktador, kinakailangan ng dalawang batang babae na maglakbay sa ibang panahon. Sa paglipat ng panibagong dimensyon, makakaranas ang dalawa ng mga kakaibang pangyayari tulad ng pagsasalita ng mga tandang at iba pa.

kiko poster

8. Kiko ni Jojo Driz

19:33 na minuto | Drama | R-16

Ang pagiging matanda at bulag ay hindi naging hadlang kay Kiko upang buhayin ang kanyang mga mahal sa buhay. Sa pamamagitan ng pagiging labandera, nasusuportahan nito ang kanyang ampon na si Ton-ton at ang lalaking kaniyang minamahal na si Rex.

siyudad sa bulawan poster

9. Siyudad sa Bulawan (City of Gold)  ni Jarell Serencio

15:16 na minuto | Drama | G

Ang magkakapatid na sina Yoyong, Abet, at Darwin ay papasukin ang madilim na kuweba ng Mt. Diwalwal sa Compostella Valley upang magmina ng ginto. Sa kabila ng panganib na dala ng iba pang mga nagmimina, maglalakas loob ang mga musmos na ito makapag-aral lamang at makaangat sa hirap ng buhay. Gaya ng kanilang minimina, kuminang naman kaya ang kanilang kinabukasan? O mawawalan na lamang sila ng pag-asa gaya ng gintong unti-unti nilang inuubos sa bundok?

yakap poster

10. Yakap (Embrace) ni Mika Fabella at Rafael Froilan

6 na minuto | Drama, Experimental | G

Nakaratay sa kama, isang babae ang kinakapusan na nang hininga. Sa nalalapit niyang pagpanaw, unti-unti niyang binibisita ang mga gunitain ng mga alaalang ‘di malilimutan. Kaakibat nito’y ang paglitaw ng isang lalaking pamilyar ang mukha na tila kaniyang tagapagsundo. Handa na kaya itong yakapin ang katotohanang kaniya nang lilisanin ang mundong ibabaw?

 

Ang mga Full Length at Short Features ay mapapanuod sa Cultural Center of the Philippines, Glorietta, Greenbelt 1, Trinoma, UP Town Center, at Legazpi City.  Bisitahin ang website ng Cinemalaya  http://www.cinemalaya.org/ upang makita ang iba pang detalye.

Comments

Continue Reading

Trending