Connect with us

Blogs

Cancel Culture: Challenging Impunity or Threatening Free Speech?

Cancel culture enables people to call out injustices, but is it all good, or does it just make the internet a “vogue for public shaming and ostracism”?

Published

on

Artwork by Fernardine Hernandez

There are two reasons why a person could become the talk on social media. It’s either they did something noteworthy like donating to frontliners or delivering a superb performance in a movie or TV show or something terrible like spouting anti-poor and elitist comments on workers during quarantine like mocking tricycle drivers. If it is the latter, chances are that person is already “cancelled” on social media.

The situation mentioned above refers to cancel culture: the act of calling out and boycotting people on the internet because of a problematic act or statement. This includes boycotting a person or their works, which contributes to limiting their cultural influence. Cancel culture spares no one, from regular people posting racist views to big names like author J.K. Rowling and YouTuber Shane Dawson.

Cancel culture enables ordinary to call out injustices, but is it all good, or does it just make the internet a “vogue for public shaming and ostracism”?

Challenging a culture of impunity

Like many of the terms used in modern internet vernacular, the term “canceled” came from Black Culture.

After an episode of Love and Hip Hop: New York aired in 2014 wherein a cast member said “you’re cancelled,” the term quickly spread on social media, particularly on Black Twitter. After some time, the term evolved from a meme-able reaction to an act of mass boycott and call-out of an individual or group, particularly famous ones who did something unpleasant or unacceptable.

Today, being “cancelled” is in the vocabulary of every internet-savvy user. When someone made insensitive comments on social media, or was called out for being racist, it’s almost certain that they will be canceled. 

However, the effects of cancel culture goes beyond the confines of social media. Several “cancelled” individuals also face real-life consequences, from getting fired from their jobs to being thrown in jail. For example, YouTube confirmed that they demonetized vlogger Shane Dawson’s channels due to the resurfacing of his old videos that show racism and him sexualizing Willow Smith, who was 11 years old at that time.

Cancel culture enables ordinary people to make a powerful person with a huge cultural influence accountable for their wrongdoings. It challenges a culture of powerful people getting away with something using their money or power and a culture of passivity and impunity that the powerful exploits for their benefit.

Promoting a culture of censoriousness?

Cancel culture can help in making a powerful wrongdoer accountable, but does it also hinder a person’s free speech? 

Harper’s Magazine published an open letter on cancel culture and free speech entitled “A Letter on Justice and Open Debate.” The letter was signed by 152 public personalities, including J.K. Rowling, Margaret Atwood, Noam Chomsky, and others.

The letter laid issues such as the rise of illiberalism amidst the widespread protests on different social issues like gender equality, racism, police reform, and others. It also pointed out free speech as the “the lifeblood of a liberal society,” and the spread of “censoriousness,” citing examples such as “intolerance of opposing views, a vogue for public shaming and ostracism, and the tendency to dissolve complex policy issues in a blinding moral certainty.”

The letter also addressed cancel culture’s “swift severe retribution in response to perceived transgressions of speech and thought,” citing instances of “punishments” of several canceled individuals. Lastly, it called for dialogue, saying that for people to “defeat bad ideas,” one must practice “exposure, argument, and persuasion, not by trying to silence or wish them away.”

While the arguments presented in the open letter seemed progressive, many pointed out that some of its signatories were more concerned about their own freedom to get away with doing something problematic than free speech in general. 

In 2016, The Handmaid’s Tale author Margaret Atwood faced backlash after she signed an open letter asking the University of British Columbia for transparency over the firing of Steven Galloway due to sexual misconduct allegations. Atwood also wrote an op-ed criticizing the #MeToo movement in 2018. 

Author J.K. Rowling also drew ire due to her tweets and essay on trans people, as well as her continuous tweets promoting anti-trans views.

In essence, the letter did not capture the culture’s meaning, painting it like an Orwellian threat to free speech. It did, however, make some valid points such as the importance of free speech and the use of dialogue. But the letter, in their own words, just “dissolved a complex policy issue in a blinding moral certainty.” 

Cancel culture is not a threat to free speech, but a threat to a system of impunity long held by those in power. Painting cancel culture in that light is an insult to areas where free speech is threatened by things like media shutdowns and laws that can be weaponized to threaten dissenters. In short, there are more pressing matters to focus on, especially at these turbulent times.

Great power, greater responsibility

Cancel culture is a tool against impunity. It lets ordinary people create a culture free of problematic and harmful individuals. It helps in making a powerful person be held accountable without them using their power and prestige to get away with their sins. However, it is not a quick fix for societal problems. It points out a problem for the world to see, but it does not magically make things like homophobia, racism, sexism, and the likes go away overnight. 

While it is good in holding people accountable for their wrongdoings, there are still dangers regarding its use.

If used incorrectly, cancel culture will be like the killer bee drones in the Black Mirror episode “Hated in the Nation,” where every hashtag has the possibility of killing someone. Anger towards people who preach bigotry and hate is valid, but it should never drive us to bully and harass someone. We must still practice basic human decency, especially on the internet where the world can see every post we make.

Apart from that, misusing cancel culture will just return someone into a cycle of problematic behavior. If we only cancel people without the aim to educate them about their problematic behavior, they’ll continue doing it until more people are hurt. Indeed, their wrong actions must be called out, but space for them to grow and learn should also be given.  

Cancel culture has sharp fangs and it lacks a heart and mind. Rather than condemning or isolating people, it should also aim to teach and transform. The world will not be a better place if we punish an individual without the intention to correct their mistakes. 

Cancel culture is a force that arose out of modern internet culture, a power that sprung from the collective rage of people towards powerful people who always get away with the consequences of their problematic actions. While it can hold people accountable for bad deeds, it can also educate and transform if used correctly. Just like any great power, it comes with greater responsibilities. We must wield this power accordingly, and use it to make the internet, and the world, in general, a better place—a place where no bad deed, no matter how big or small, goes unnoticed. Ian Gabriel Trinidad

Comments

Blogs

Kamalayan sa pandemya: Mga pelikulang tampok sa Cinemalaya 2020

Sa ika-16 nitong taon, handog ng Cinemalaya ang ilang pelikulang Pilipino na kalahok sa taunan nitong paligsahan at pagdiriwang. Ito ang listahan ng mga kwentong matutunghayan sa pagdiriwang ng pista ng mga pelikula ngayong buwan ng Agosto!

Published

on

Litrato galing sa website ng Cinemalaya

PAGTATATUWA: Lahat ng poster na ginamit sa artikulong ito ay hindi pagmamay-ari ng TomasinoWeb.

Sa ika-16 nitong taon, handog ng Cinemalaya ang ilang pelikulang Pilipino na kalahok sa taunan nitong paligsahan at pagdiriwang. Dala ng epekto ng pandemya, napagpasya ng komite ng Cinemalaya na isagawa ang mga programa sa iba’t ibang mga online platform at ipalabas ang mga ibibidang pelikula sa Vimeo.

Narito ang listahan ng mga kwentong matutunghayan sa pagdiriwang ng Cinemalaya ngayong buwan ng Agosto. 

Main Competition Short Films

1. Ang Gasgas na Plaka ni Lolo Bert nina Janina Gacosta at Cheska Marfori

Handog ng pelikulang ito ang isang nakakaantig na kwento ng pag-ibig sa pagitan ng isang biyudo at isang matandang mayroong HIV. Sa gitna ng kalungkutan at kalumbayan, namuo ang isang makabuluhang pagsasama ang dala ng kanilang pagmamahal sa musika.

2. Pabasa kan Pasyon (Chanting the Passion) ni Hubert Tibi

Sa kawalan ng mapagkakakitaan, inilarawan ng pelikulang Pabasa kan Pasyon ang kwento kung paano bumaling sa relihiyon at pananampalataya ang isang pamilya upang makaraos sa kahirapan. Mula sa pagganap bilang Haring Herodes sa entablado hanggang sa pagiging DJ sa isang relihiyosong istasyon, sinikap ng dalawang magkapatid na dumiskarte upang kumita ng pera sa kasagsagan ng semana santa sa Bicol.

3. Fatigued ni James Robin Mayo

Sa pamamagitan ng isang interaktibong karanasan, sinalamin ng Fatigued ang bangungot ng kahirapan at balakid sa mundong nagbubulagan sa pagsamo ng bawat Pilipino. Sa kagustuhang mabuhay ng isang ordinaryong Pilipino, makakayanan nga ba niyang maiahon ang sarili sa paggunita ng mga alaalang nagbibigay ligaya o tuluyan na lamang sumuko sa kabila ng pagnanais na mabuhay?

4. Tokwifi (Star) ni Carla Pulido Ocampo

Tuon ng pelikulang Tokwifi ang isang modernong pagsasalaysay ng kwentong-bayan mula sa Bontoc. Matapos ang mala-bulalakaw pagbagsak ng isang telebisyon sa kanilang nayon, nakilala ni Limmayug si Laura—isang aktres na mistulang nakulong sa telebisyon. Sa kabila ng hadlang sa komunikasyon, isang natatangi at nakakabagbag-damdaming pagkakaibigan ang sumibol sa pagitan ng dalawa.

5. Quing Lalam Ning Aldo (Under the Sun) ni Reeden Fajardo

Nang malaman ng isang transgender at butihing magsasaka ng sampaguita na uuwi ang kanyang anak, dalian niyang pinaghandaan ang kanyang pagdating sa pamamagitan ng pagkumpuni ng kanilang lumang kusina. Matapos maudlot ang kasiyahan ni Budang nang hindi natuloy ang pag-uwi ng kanyang anak, sinikap ng kanyang kaibigang si Georgia na tipunin ang kanilang mga kasama upang ituloy ang pagkukumpuni. 

6. Ang Pagpakalma sa Unos (To Calm the Pig Inside) ni Joanna Vasquez

Isang pagbabalik tanaw sa mapait at malagim na karanasang sinapit ng mga biktima ng bagyong Yolanda ang tuon ng pelikulang ito. Maliban sa bakas ng pinsala at pighating idinulot nito, inilahad din ni Anna Rong sa kanyang pagsasalaysay ang ilang mga alamat at paniniwalang bumalot sa kanilang nayon noong kasagsagan ng trahedya.

7. Living Things ni Martika Ramirez Escobar

Ang pelikulang Living Things ay umikot sa kwento ng magkasintahang sina Kints at Charles. Laking gulat na lamang kay Kints na biglaang makita ang kanyang minamahal bilang isang cardboard standee. Bagamat naririnig at nakakausap pa rin nila ang isa’t isa, kumbinsido si Charles na malabong babalik pa siya sa dati. May pag-asa pa kayang bumalik si Charles sa dati o tuluyan na ding maging cardboard si Kints?

8. Utwas nina Richard Salvadico at Arlie Sweet Sumagaysay

Pangingisda ang pangunahing kabuhayan ng pamilya ni Toto. Sa gabay ng kanyang ama, natuto siyang mangisda at sumisid. Ngunit, kasabay ng kanyang pagkamangha sa likas na ganda ng karagatan ay ang kanyang pagharap sa iba’t ibang panganib na dulot ng mapaminsalang paraan ng pangigisda ng kanilang kapwa. 

9. Excuse Me, Miss, Miss, Miss ni Sonny Calvento

Para sa mga kontraktwal na manggagawa, tila’y mas mahalaga pa sa kanilang buhay ang maregularisa sa kanilang trabaho sapagkat kaakibat nito ang pamilyang kanilang binubuhay. Isa na dito si Vangie—isang saleslady sa Trendysitas mall na nanganganib masibak sa trabaho. Sa halip na makumbinsi ang kaniyang boss, isang nakakakilabot na sikreto at dagok ng katotohanan ukol sa regularisasyon ang sumalubong kay Vangie. 

10. The Slums ni Jan Andrei Cobey

Isang pangugutya sa pananamantala ng media sa buhay ng mga mahihirap ang ipininta ng pelikulang The Slums. Dito, sinundan ng isang grupo ng mga dokumentarista ang buhay ng isang mahirap na pamilya kasunod ng pagsiklab ng sunog sa kanilang lugar at pagkasira ng kanilang telebisyon. Sa pangako na sila’y matutulungan, walang nagawa ang pamilya kundi sumunod sa mga hiling ng mga dokumentarista kahit na taliwas ang mga ito sa kanilang tunay na kalagayan. 

Indie Nation A Short Films

1. Igib (Fetch) ni Joey Paras

Kasunod ng pagsabog ng bulkang Taal, sinikap ni Josa na mag-igib ng tubig at maglaan ng serbisyo sa kanyang mga kapitbahay upang makapag-ipon ng perang maipapadala niya sa kanyang pamilya na naapektuhan ng kalamidad. Kasabay din nito ang kanyang pagsisikap na maisaayos ang pakikitungo nila ng kanyang anak na si Dagul na kasama niyang naninirahan sa Maynila.

2. Jepoy ni Avid Liongoren

Si Jepoy ay isang bata na mahilig sa komiks at superheroes. Subalit, hilig din siyang asarin at apihin ng mga batang kasama niya sa pag-uwi. Nang mapanood niya ang nangyaring kalamidad sa Fukushima, Japan, napagtanto niya na ang panganib na dala ng nuclear radiation ang siyang sagot sa kanyang mga problema.

3. Ang Meron Sa Wala nina Arby Laraño at Christine Laraño

Sa pelikulang ito, isinalaysay ni Alfredo Laraño ang hirap, pagod, at sakripisyo na kanyang pinagdaanan mula noong siya’y musmos pa lamang hanggang noong siya’y naging isang ama. Dala ng kahirapan, napilitan siyang iwanan ang kanyang panganay na anak. Sa kagustuhan na ituwid ang kanyang pagkakamali, ginugugol niya ang kanyang oras at lakas sa pagtulong sa kanyang pangalawang pamilya. Tanging hiling lamang ni Tatay Alfredo ang pagkikita nila at kapatawaran mula sa kanyang minamahal na panganay

4. Pinakanakapagpapabagabag-damdamin ni Jermaine Tulbo

Buhat ng pagkamatay ng kanyang mga magulang, napilitang magsilbing haligi at ilaw ng tahanan ang binatang si Cesar. Sa kanilang tahanan, dinalaw siya ng kanyang matalik na kaibigang si Miguel na kanyang inaya upang lumangoy sa dagat. Subalit, lingid sa kaalaman ng binata na kapalit ng kanyang ligaya sa paghahagis ng basura sa dagat ay ang mapait na kinahitnatnan ng isang mahalagang tao sa kanyang buhay. 

5. Sakmit ni Seph Tan

Matapos ang isang engkwentro kasama ang dalawang ilegal na magtrotroso, sinikap ni Ruben na panatilihin ang kalagayan ng gubat na kanyang tinitirhan at inaalagaan. Sa kabila ng alok ng kanilang alkalde, tinanggihan ni Ruben na lumisan sa kanyang tahanan sapagkat proteksyon mula sa gobyerno para sa kagubatan ang kanyang hinihingi. 

Indie Nation B Short Films

1. Dama de Noche ni Lawrence Arvin Sibug

Ipinapakita ng pelikulang ito ang reaksyon ng pamilya Resurreccion sa pag uwi ng bangkay ng kanilang bread-winner na si Judy na namatay habang nagtatrabaho sa bilang isang Oversease Filipino Worker o OFW sa Saudi.

2. Mata ni Bryan Kenette Padilla

Pangunahing pangkabuhayan ni Kurt ang pagtitinda ng burger sa gilid ng kalsada. Bagamat inosente, pinagkamalan siya bilang isang magnanakaw buhat ng kanyang pisikal na itsura.

3. Grand Gestures ni Cody Abad

Kasunod ng pagpanaw ng haligi ng kanilang tahanan, matinding pighati at pagdadalamhati ang naramdaman nina John at ng kanyang ina na si Leia. Subalit, hindi rito nagtapos ang kanilang pagsubok sapagkat kinailangan nilang masanay sa pansamantalang pagbabago ng ayos ng gamit sa kanilang bahay alang-alang sa lamay ng kanilang mahal sa buhay.

4. Si Glora at Si Juan ni Galliano Salvador

Matapos maihian ang punso malapit sa kanilang bahay, nabalot ng takot ang mag-asawang sina Gloria at Turing nang ligaligin sila ng isang duwendeng nagngangalang Juan. Bukod sa gabi-gabi nitong pagdalaw, sinundan din niya si Gloria kung saan man siya magpunta.

5. Tarang (Life’s Pedal) ni Arvin Belarmino

Kinukwento ng pelikulang ito ang mga pamilyang nakatira sa gilid ng kalsada at nagtutulungan upang makaipon ng pera. Karamihan ng mga lalaki ay nagtatrabaho bilang drayber ng pedicab habang ang mga babae naman ay binebenta ang kanilang mga katawan. Sa kabila ng matinding pisikal at emosyonal na epekto ng prostitusyon, isa si Aya sa mga pilit na iniinda ito para lamang maitaguyod ang kanilang mga anak. 

Indie Nation C Short Films

1. Himagsik ng Hiwaga ni Geoffrey Solidum at Jane Almira

Noong unang panahon, ang mga mahiwagang nilalang at mga ordinaryong tao ay magkasamang namumuhay ng payapa. Ngunit, nagbago ang lahat ng ito nang dumating ang mga dayong kastila na siyang nagpalaganap ng kaisipan na ang mga mahiwaga ay mga masasamang nilalang na nakakabit sa demonyo.

2. Ang Nawalang Haligi ni Sarah Regacho

Ipinakita ng pelikulang ito ang pakikipagsapalaran ng isang ama sa paghahanap sa kanyang nawawalang anak. Sa kanyang paghahanap, hanggang saan kaya siya dadalhin ng kanyang mga paa?

3. Paon ni Seb Valdez

Nababalot ng takot ang mga taong naninirahan malapit sa ilog ng Himogaan matapos ang sunod-sunod at kahina-hinalang pagkawala ng ilang mga residente. Isang mangingisda ang nagtangkang gumamit ng kanyang tamod upang mahuli ang shokoy na pinaniniwalaang sa likod ng mga misteryosong paglaho.

4. Sumasaiyo ni Jermaine Tulbo

Sentro ng pelikulang Sumasaiyo ang nakakaantig na kwento ng sakripisyo ng isang dalaga para sa kanyang pilay na kapatid. Isinalaysay ni Isabel sa isang liham  ang kanyang pasasalamat para sa kanyang ate na nagsilbi niyang gabay at nagparamdam ng pagmamahal na walang pag-iimbot sa kanya mula pagkabata hangang sa kanilang pagtanda. 

5. Tahanan ni Mick Quito

Bagong laya sa preso si Ginoong Fernando. Bagamat tanggap siya ng bagong pamilya ng kanyang anak na si Mike, napagtanto niya na maraming bagay na hindi na maibabalik sa dati. Sa huli, iniwan na lamang siya ng kanyang anak at mga manugang sa pangangalaga isang tahanan para sa mga matatanda. 

Indie Nation D Short Films

1. OctoGod ni Shievar Olegario

Si Karl ay isang digital collage artist na utak sa likod ng website na www.14thspider.com. Matapos ang pag-update ang kanyang website, nagsimula siyang magkaroon ng mga bangungot tungkol sa isang nilalang na nais siyang dakupin.

2. Kung Saan Patag ang Bundok ni Dolliete Echon

Ipinamalas ng pelikulang ito sa pamamagitan ng pagsasayaw ang hirap na kinailangang pagdaanan ni Maya upang mapuksa ang mga mapaminsalang opinyon laban sa kanya bilang isang babae sa kabukiran.

3. Habak ni Paolo Matibag at Mia Salisbury

Mula sa pagiging guro ng wikang Ingles, pinili ni Dong na magtrabaho bilang isang tauhan ng kainan sa Australia. Bagamat wala pa siyang aprubadong Visa, pinagpatuloy pa rin niya ito upang makapagpadala ng pera sa kanyang kapatid at ina na mayroong sakit sa Pilipinas. Kasabay ng kanyang pakikipagsapalaran sa ibang bansa, hinarap niya ang maraming pagsubok mula ang kanyang pagkasisante sa trabaho hangang sa pagkwestiyon sa kanyang pananampalataya.

4. Gulis ni Kyle Jumayne Fransisco

Nagdadalamhati ang binatang si Andrei nang malaman niyang positibo siya sa HIV. Ngunit sa kabila ng malubhang sakit na ito, siniguro ng kanyang ama na hindi sya nag-iisa sa kanyang laban.

5. Displaced ni Aedrian Araojo

Sa pelikulang ito, isinalaysay ng iba’t ibang bata ang kanilang pinagdaanang trahedya noong lusubin ng grupo ng terrorista, Islamic State of Iraq and Syria, na mas kinikilala na ISIS ang bayan ng Marawi sa Mindanao.

Indie Nation E Short Films

1. Ang Tumuluo ni Aldrich Rosano

Iniulat ng pelikulang Ang Tumuluo ang pagbabalik ng dalagang si Thea sa isang kulto upang iligtas ang kanyang minamahal na si Seva mula sa mga mapanakit at mapanirang tao, bagay, at paniniwala. Sa pagtakbo ng tila pangkaraniwang kumbento sa bukid, naibunyag ang mga lagim at kapahamakan nitong tinatago sa likod ng maskara ng kaligtasan. 

Ipinamalas ng pelikulang ito ang mensahe na hindi lahat ng nasasaksihan ay purong katotohanan. Bagkus, makikita lamang natin ito kapag hinayaan nating buksan ang ating mga mata. 

2. Buding, Ang Babayi Nga Naglutaw ni Mark Raymund L. Garcia

Para sa isang ordinaryong pulis, tila hindi nga naman kapani-paniwala ang makarinig ng ulat tungkol sa biglaang paglutang ng isang babae sa kanyang tahanan. Sa mata ng tatlong indibidwal na nakasaksi nito, malayong maituturing itong simpleng biro o kathang isip lamang. Subalit sa pananaw ni Buding, tila ang kanyang paglutang ang tanging takas na hinahanap niya mula sa realidad na kanilang hinaharap. 

3. Saliwat ni Jay Palmares

Matagal nang mayroong tinatagong pagtingin si Leo para sa kanyang matalik na kaibigang si Amara. Kasama ang kanilang mga kaibigang sina Ed at Pascual, nilibot nila ang ilang mga tanawin sa Pilipinas. Sa paglalakbay na ito, mahahanap na kaya ni Leo ang lakas ng loob para umamin o tuluyan na siyang susuko para sa ikabubuti ng kanilang pagkakaibigan? 

Ilan lamang ang mga ito sa nagpapamalas at nagpapatunay ng likas na galing, talento, at pagkamalikhain ng Pilipino sa larangan ng pelikula. Sa loob ng humigit-kumulang 15 minuto, sari-saring emosyon, kwento, aral, at paksa sa buhay ng tao ang ipaparamdam at ipapamulat ng mga ito. 

Hadlang ang kasinungalingan at panlilinlang ng mga makapangyarihan sa ating pagtuklas sa katotohanan ng ating mundong kinagagalawan. Gayunpaman, magsisilbing gabay ang mga likhang sining na ito upang ating buksan at gisingin ang natutulog nating kamalayan. 

Huwag palalampasin ang mga nakapagpapabagong karanasang handog ng Cinemalaya. Bisitahin ang kanilang website upang malaman ang mga detalye kung paano matutunghayan ang mga pelikulang ito mula sa iyong tahanan. 

Comments

Continue Reading

Blogs

Online classes: Paghandaan, pagdaanan, lagpasan

Matututo kaya ako? Paano kapag biglang nawalan ako ng internet sa gitna ng klase? Kaya ba ng laptop ko kaming magkakapatid? Kaya ko ba? 

Published

on

Litrato ni Annie Spratt galing sa Unsplash

Ang panibagong taon ng pasukan ay nagpapaypay sa iyo ng mga paru-parong may iba’t ibang kulay ng pag-aalala at pangamba. Bagamat nakasanayan mo na ang pakiramdam na ito bago magsimula ang klase, ngayon ay napagtanto mo na mas malalakas ang hampas nila sa iyong bituka sapagkat hindi pamilyar sa iyo ang panibagong mukha ng edukasyon. 

Upang maipagpatuloy ang paghahatid ng edukasyon, ipinatupad ng Kagawaran ng Edukasyon at Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon ang pagkakaroon ng online classes para sa darating na panuruang taon. Marahil ngayon ay naglalaro ang mga katanungan sa iyong isip na tila ngingangatngat ang lingid ng kapayapaang iyong pinaka-iniingatan. Matututo kaya ako? Paano kapag biglang nawalan ako ng internet sa gitna ng klase? Kaya ba ng laptop ko kaming magkakapatid? Kaya ko ba? 

Bago magsimula ang online classes

Litrato ni Kyle Gregory Devaras galing sa Unsplash

Karaniwan ang pakiramdam ng pagtahak ng daan sa dilim sa mga bagay na kakambal ng pangangapa — tulad noong panahong napag-desisyunan mong kumuha ng entrance exam sa unibersidad o noong pumasok ka sa silid-aralan nang walang nakikilalang mukha. Ngayon, ang kanto lamang ng iyong silid ang magsisilbing pugad ng iyong pagkatuto. Wala mang bagong mukhang tatambad sa iyo, maaari namang mahaluan ang iyong almusal ng sansinukob na problema mula sa loob at labas ng bahay.  Ito ay maaaring magdulot ng pagka-paralysa sa gawain, pagkawala ng inspirasyong magpatuloy ng trabaho, o pilit na pagsubsob sa trabaho. 

Sa isang kumot ng mga posibilidad at pagkabalisa, mainam na iyong panghawakan ang kahit gahiblang tiwalang may hangganan din ang lahat, na lilipas din ang sitwasyon, kasabay ng pagtanggap ng buong kalooban sa sistema at proseso. 

Gumawa ng sariling iskedyul

Litrato ni Estée Jansens galing sa Unsplash

Simulan mo ang panibagong taon sa pamamagitan ng paggawa ng iyong iskedyul kung saan nakatala ang oras ang pag-simula ng bawat klase. Mainam rin na isaayos mo ito ayon sa iyong pangangailangan at kagustuhan. . Isa ito sa mga paraan ng paglalagay ng kontrol sa iyong araw lalo na sa panahong nababalot ng walang-kasiguraduhan. 

Mas makabubuti rin kung isasama mo sa iyong mga pang-araw-araw na  gawain ang mga bagay na nagpapaalab sa upos ng iyong damdamin. Sa ganitong paraan, ang bawat araw ay hindi pawang nalulunod sa gawaing pang-paaralan lamang at sa halip ay may kaunting puwang para magpahinga.

Sabihin ang nararamdaman sa mga taong malapit sa iyo

Litrato ni Andy Art galing sa Unsplash

Ang kaisipan ng pagsasagawa ng online classes sa loob ng ilang buwan kasabay ng pag-aalala sa pangkalahatang sitwasyon ng ating bansa ay maaring magdala ng bigat sa iyong damdamin at magdulot ng pagkawala ng inspirasyong magpatuloy. Tuwing ito ay nararanasan, mainam na isipin na ikaw ay hindi nag-iisa sapagkat ito ay kolektibong karanasan na pinagdadaanan ng bawat estudyante. Ang simpleng pangangamusta at pakikipagkuwentuhan sa iyong mga kaibigan ay maaaring makatulong sa paghahanap muli ng saysay upang matuto. Gamitin mo rin ang social media upang makihalubilo sa mga tao’t diskursong nakararanas at nakaiintindi ng iyong pinagdadaanan. 

Sa gitna ng online classes

Litrato ng SCREEN POST galing sa Unsplash

Kaagapay ng pagtanggap at paglalagay ng pananampalataya sa proseso ay ang pag-ayon at pag-aangkop ng sarili sa sitwasyon. Bagamat iba-iba ang pagdaloy ng emosyon sa bawat tao, mayroong mga paraang makatutulong sa pagbuo nito na siyang magdudulot sa malusog na kalusugang pangkaisipan.

Humingi ng tulong kung kinakailangan

Litrato ni John Schnobrich galing sa Unsplash

Ang simpleng pagtatanong sa kung paano gawin ang takda sa isang paksa at paglapit sa pamilya, kaibigan, at mga eksperto tulad ng guidance counselors ukol sa iyong nararamdaman ay ilan sa mga paraan upang matulungan ang iyong sarili. Mainam na gawain ang pagkilala sa mukha ng tulong at paghingi nito, maging ito man ay nauugnay sa pang-akademikong kaanyuan o patungkol sa pangkalahatang konteksto. 

Maging mabait sa sarili

Litrato ni Kinga Cichewicz galing sa Unsplash

Bagamat pawang sirang plaka na ang mga paalala ukol sa pagpapagaan ng damdamin, ang pagbaon ng mababait na salita para sa sarili ay makatutulong upang magawa ang mga gawain sa paaralan. Maging matiyaga sa pagpapaalala na tayo ay mayroong kanya-kanyang panahon at paraan sa paggalaw. Maging mas mabait sa pagbatid sa kabiguan bilang kapatid ng kapalaran kung sakali mang ito ay mararanasan. Ang ganitong pananalita ay higit na magiging kaagapay hindi lamang sa pagtahak ng iyong papel bilang estudyante, ngunit pati na rin bilang isang taong nababalot ng kapayapaan. 

Maglagay ng linya sa pagitan ng iyong mga papel

Litrato ni Mike Tinnion galing sa Unsplash

Isa sa malalaking balakid sa kinagagalawang mundo ngayon ay ang malimit na pagkarita sa pagitan ng pagpapalawig ng kaalaman sa bansa – kahit na puno ng nakapanlulumong balita – o ang pag-hilom at patuloy na pagyabong ng kalagayan ng mental health. Ito maaari ang isa sa mga kadalasang nagdudulot ng stress, lalo na sa pagsasagawa ng makabagong pamamaraan ng pag-aaral na naka-angkla sa plataporma nang walang hadlang. Maari mong ipaghiwalay ang oras sa paggamit ng social media para sa paaralan at paggamit nito para makakalap ng impormasyon. Mainam na ugaliing magpasya ng oras para sa mga papel na iyong ginagampanan upang maiwasang mapagod ang isip at damdamin.

Magkaroon ng mga kutkutin o pagkain kasabay ng pag-aaral

Litrato ni Pixzolo Photography galing sa Unsplash

Karaniwang bahagi ng mga alituntunin sa klase ang pagbabawal ng pagkakaroon ng pagkain sa loob ng silid-aralan. Ngayong dinadala na ng online class ang mga silid-aralan sa ating tahanan, kaakibat nito ang kalayaang gawin ang mga bagay na hindi papayagan sa paaralan. Kumuha at kumain ng mga pagkaing kinahihiligan habang nagkaklase upang magkaroon ng sigla at lakas habang nakikinig o gumagawa ng gawain. Ang mga pagkain tulad ng mani at tsokolate ay nakatutulong din sa pag-aalala ng mga aralin habang nag-aaral o nakikinig sa talakayan.

Sundin ang iskedyul sa klase kasama ang mga break at recess

Litrato ni Cathryn Lavery galing sa Unsplash

Nakasanayan na sa tuwing papasok ay makaligtaan ang pagkain dahil sa dami ng mga gawain sa paaralan. Subalit ngayong nasa tahanan na lamang, maiging pagtuunan mo ng pansin ang wastong pagkain bilang paraan na rin ng pag-aalaga sa iyong sarili at pagpapalakas ng iyong resistensya sa panahon ng pandemya. Ugaliing sundin ang schedule sa klase maglaan ng kaunting oras upang makapagpahinga at mabawasan ang nararamdamang stress na maaaring idulot nito sa sarili. 

Maglagay ng mga gamit o mga paalala na nakagagaan at nakapagpapalakas ng loob

Litrato ni Vana Ash galing sa Unsplash

Sa kasalukuyang panahon, bagama’t marami ang nakararanas ng bigat na dulot ng online classes, nangingibabaw pa rin ang pakiramdam ng pag-iisa at kalungkutan. Maaari itong maging sanhi ng burn-out na matinding kalaban ng mga mag-aaral lalo na sa matataas na antas. Makabubuti sa kalusugang pangkaisipan at damdamin ang paglalagay ng mga bagay o paskin na magpapalakas o di kaya’y makapagpapagaan ng loob upang maibsan ang mga matinding damdamin na nararamdaman.

Sa pagtatapos ng online classes

Litrato ni Priscilla Du Preez galing sa Unsplash

Matapos ang isang mahabang araw sa pakikipaglaban kasama ng mga guro at propesor, mabuting ihanda mo ang sarili para sa pagpapahinga. Hindi man tulad ng mga manggagawa sa araw-araw na nakikipagsapalaran sa kabila ng peligrong kinakaharap, may sariling digmaan pa rin na kinakalaban ang mga tulad mong mag-aaral at sangguruan. 

Kasama ng mga ilang manggagawa na nasa work-from-home na sistema, kalaban din sa bawat online class ang mga mahinang signal ng internet, mabagal na computer o cellphone, at maingay o madilim na paligid. Kaya naman sa dulo ng bawat araw na malalampasan ang mga hadlang na ito, mainam na bigyan ang sarili ng espasyo upang huminga’t makawala.

Maglibang gamit ang mga streaming site o mga video games

Litrato ni JESHOOTS.COM galing sa Unsplash

Sadyang kinatutuwaan ng lahat ngayon ang panonood ng mga palabas sa mga website tulad ng Netflix o mga vlog at mga bidyo sa YouTube. Bilang pasasalamat sa iyong sarili, maaaring manood at maglibang pagtapos ng mga klase. Kung ang kinahihiligan mo naman ay ang maglaro, maaaring maglaan ng oras para maglaro ng mga video games tulad ng Mobile Legends. Pagkakataon din ang mga online na larong ito upang magkaroon ng panahon na makasama ang mga kaibigan kahit sa virtual na pamamaraan lamang.

Kausapin ang mga kaibigan at ibang mahal sa buhay

Litrato ni Andrea Tummons galing sa Unsplash

Isa sa mga kapana-panabik para sa iba ang pag-uwi sa tahanan upang makasalamuha ang pamilya. Mayroon ding nag-aabang ng pagkakataong lumabas kasama ng mga kaibigan o sinisinta. Bagama’t may mga limitasyon lalo na sa pisikal na distansya, maaari ka pa ring magkaroon kahit papaano ng paraan upang mas mapalapit sa iyong mga mahal sa buhay. Mula sa pagkakaroon ng group call kasama ng barkada, watch party kasama ng sinisinta, o di kaya’y pagsasama-sama sa hapag ng pamilya, marami pa ring maaaring gawin upang payabungin ang mga ugnayan sa ating mga mahal sa buhay.

Maglaan ng panahon para magmuni-muni o magnilay-nilay

Litrato ni Priscilla Du Preez galing sa Unsplash

Kabilang sa mga pagsubok na kinakaharap ng lahat sa panahong ito ay ang mga emosyong naiipon o naiimbak dahil sa pagkawala ng mga nakasanayang libangan. Gayunpaman, maaaring mong subukan ang pagninilay-nilay o ang simpleng pagmumuni-muni upang mas madaling maproseso ang iba’t ibang damdamin sa buong araw. Makatutulong din ito upang maibsan ang bigat ng iyong dinadala dulot ng iba’t ibang dahilan sa buhay. 

Ang pagbaybay mo sa mundong ginulo ng ‘di inaasahang krisis ay kabilang sa bilyong mga buhay na malubhang naapektuhan. Kaisa mo ang bawat guro at mag-aaral na pilit nakikipagsapalaran sa kabila ng mga limitasyon matagal nang tinik sa tagiliran ng bawat isa. Hindi ka nag-iisa sa bawat pagsubok na iyong kinakaharap at gaano man kahirap ang suliraning pagdaraanan, palagi mong tatandaan na mayroon kang kakayahan upang malampasan ito. 

Sa patuloy nating pakikipagbuno, laban sa sakit at laban sa ating mga sariling anino, mahalaga na bigyang pagpapahalaga ang ating kalagayan. Palaging bigyang priyoridad ang ikabubuti ng sarili sa kabila ng mga matataas na ekspektasyon ng sistema. Huwag hayaang manatiling nakayukod ang ulo sa kabila ng unos sapagkat darating din ang panahon na lahat tayo’y makakabangon.

Comments

Continue Reading

Blogs

July 2020: A great storm of misplaced priorities

What’s the plan now?

Published

on

Photo courtesy of Reuters

We have all managed to get past the halfway mark of 2020, but Pandora’s box has barely opened.

As infections skyrocketed and millions continued to struggle due to the pandemic, the government had arguably been taking a detour from the main assailant. While they celebrated the “success” of their recent maneuvers, the public simmered with outrage and discontent.

In true bayanihan spirit, Filipinos continued to come together in physical protests and social movements to voice their dissent and frustration towards the government’s lack of concern for the real issue and its crumbling effects. Considering how the pandemic has been exhausting hospitals and healthcare workers, many echoed the urgent need for a concrete and feasible plan as the country is a ticking time bomb. It would only be a matter of time and misplaced priorities for it to go haywire.

We listed down the events and movements that made headlines this month.

1. Harry Roque and the UP Prediction

Photo courtesy of CNN Philippines

With the country’s COVID cases tallying to 36,438 on June 29, Presidential Spokesperson Harry Roque congratulated the Philippines for its victory against the pandemic and the 40,000 cases prediction by the University of the Philippines. Rather than cheers, this caused a stir on social media as many expressed their dismay over the government downplaying the COVID situation to a mere “UAAP Game” statistics.

On the same day, the UP OCTA Research projected that the number of COVID-19 infections would likely reach 60,000 by the end of July based on the infectivity rate of the virus. However, the number of cases had already breached the 60,000-mark in the second week of July.

While some netizens congratulated UP for winning this round, many raised their concerns for the drastically increasing number of infections and again urged for immediate actions from the government. A recent estimate by UP researchers showed that the reproductive rate of the country rose from 1.28 to an alarming 1.75. If the trend continues to grow at this rate, not only would this result in a staggering number of cases and deaths but also overwhelm the already struggling healthcare system.

2. ABS-CBN remains off-air

Photo by Jire Carreon/Rappler

On July 10, the franchise renewal battle of ABS-CBN concluded as the House Committee on Legislative Franchises voted 70-11 to reject their bid for a 25-year extension. In the 13 congressional hearings conducted, Congress cited issues on Gabby Lopez III’s dual citizenship, tax avoidance, foreign ownership, and unjust labor practices as some of the network’s violations of its constitutional provisions.

Support for the network poured on social media through the hashtags #NOtoABSCBNFranchiseDenial, #IbalikAngABSCBN, and #DefendPressFreedom, to name a few. While House Speaker Alan Cayetano insisted that the issue was not press freedom, journalists, media groups, and student organizations argued otherwise. As Senate Minority Leader Franklin Drilon puts it, “The sword of Damocles will continue to hand perilously over other media networks. Both the legislators and the executive can wield the sword at their whim and caprice. This is when democracy starts to weaken.”

Together with the employees and supporters of the network, various media groups and human rights organizations joined the noise barrage held at the company’s headquarters in Quezon City to voice their dissent following the said decision and to shed light on the importance of press freedom. ABS-CBN’s regional stations also took part in the movement in their respective provinces.

This week, the People’s Initiative for Reforms and Movement for Action (PIRMA Kapamilya) was launched by a group of citizens in an effort to grant the network a “people’s franchise.” The initiative, which currently has 13,000 signatures, aims to gather 7 million more to comply with RA 6735.

3. People of the Philippines vs. the Anti-Terrorism Act of 2020

Photo courtesy of Rappler

Amid the coronavirus health crisis, President Duterte signed the feared Anti-Terror Bill into law despite strong warnings from legal experts and concerns from human rights groups. Filipinos went on social media to denounce the law that blatantly “penalizes” freedom of speech and other constitutional rights.

On July 4, a group of lawyers and civic leaders, led by Professor Howie Calleja, filed the first petition seeking to nullify the said law. More appeals from senators, Muslim lawyers, veteran journalists, human rights groups, and church leaders followed suit. As of this writing, 19 petitions challenging the newly signed law have been submitted before the Supreme Court.

Public protests also sparked all over the country to denounce the passage and call for the immediate scrapping of the controversial law. Various organizations in Metro Manila held an indignation rally in UP Diliman while maintaining social distancing. 

In another protest in Cabuyao, Laguna, 11 members of Karapatan, Gabriela, Pamantik KMU, and other youth organizations were arrested. Kyle Salgado, a member of Karapatan ST, stated that they were not informed of the charges against them upon arrest. “Free Cabuyao Eleven” then trended on social media, demanding the immediate release of the captured activists.

4. The call for an academic freeze

Photo courtesy of 8List

As the coming academic year shifts to other modes of learning, the future of Philippine education came into question. Last week, DepEd Secretary Leonor Briones stood firm by her decision to open classes on August 24 despite the constant plea of students and teachers regarding the lack of resources. Likewise, CHED Chairman Prospero de Vera III said that universities and colleges are “ready to open classes this August” through the implementation of flexible learning.

While many students and teachers understood the importance of learning, they feared that this would further compromise the quality of education to be delivered and the academic competence that the students will gain. On a socioeconomic stand, effectuating an “online and offline” mode of learning would aggravate the digital divide among students and burden families to pay for the delivery fees of modules and requirements. 

With face-to-face classes still being far from reality, students and youth groups urged government agencies to initiate an ‘academic freeze’ which would require “a flexible academic term, calendar, and curricula to lessen the school days required, lower the number of course requirements, and reduce tuition and other fees.”

5. SONA 2020

Photo courtesy of The Summit Express

Despite several invitees testing positive for COVID-19, President Duterte pushed through with delivering his 5th State of the Nation Address at Batasang Pambansa. Only 50 officials, mostly Duterte’s allies, were present to physically witness the annual tradition, whereas the usual attendees were present through Zoom.

The incumbent president opened his speech by assuring the Filipino people that a vaccine is “around the corner” and thanking the frontliners for their sacrifices. He then spent the next minutes to praise his administration’s “success” in the 30th Southeast Asian Games and Senator Bong Go for his work on several bills filed in the Senate.

Duterte called on Congress for the quick passage of the Bayanihan to Recover as One Act, Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act, and National Land Use Act, among others. He also sought for the creation of government agencies for OFWs, protection of online consumers, support to provide accessible food for every Filipino, implementation of “e-governance,” and the revival of the death penalty for drug convicts.

Although he raised measures to improve the country’s healthcare system, there was no mention of a concrete and detailed plan to address the current health crisis—a point which Malacañang officials said he would lay down. Instead, he detoured and went on a tirade about tangential matters like fire trucks and telecommunication services and his grudge towards the “oligarchs” of ABS-CBN and Senator Drilon who “defended” them. Surprisingly enough, the enactment of the highly debated Anti-Terror Law was not brought to light in his penultimate speech.

6. #SONAgkaisa: The unified resistance

Photo by Mark Demayo/ABS-CBN News

As with previous addresses, this year’s SONA was met with protests from various groups and organizations in the country. Thousands of people from all walks of life marched to UP Diliman to condemn the government’s response towards the pandemic, the signing of the anti-terror bill, and the franchise denial of ABS-CBN, among others. Issues on human rights, education, livelihood, and freedom were also raised.

Unlike past protests, the traditional burning of an effigy was done through a stop-motion video shown during the program. Along with the iconic singing of ‘Bayan Ko,’ a Filipino rendition of Les Miserables’ ‘Do You Hear the People Sing?’ titled ‘Di Niyo Ba Naririnig’ was also performed.  

During the protest, veteran journalist Ces Drilon spoke out on how ABS-CBN’s shutdown would negatively affect the press as many might fear to report the truth. Likewise, it carried the warning that anyone who reports on them may be shut down next. Meanwhile, when asked to rate the president’s performance, human rights lawyer Chel Diokno said that he could not give one since the president himself insults human rights.

A focal point at the unified protest was an urgent call for the government to realign its priorities in responding to the COVID-19 crisis as millions more will suffer if trivial matters are attended to first. Placards raised during the event highlighted the resumption of operations for jeepney drivers, environment protection, mass testing, red-tagging of students and indigenous people, and the call to oust the president.

This year’s protest drew attention not only for its cause but also for its creativity. Artist-activist Mae Paner who went viral with her iconic Debold Sinas look in last month’s Grand Mañanita, dressed up for this year’s protest in a swimming attire while carrying inflatable dolphins as a reference to Spokesperson Harry Roque’s trip to Subic Bay despite the strict quarantine protocols.  

Along with wearing face masks and social distancing, the event capped off after a few hours in adherence to health protocols. Those unable to attend physically registered their support through an online rally and use of the hashtag #SONAgkaisa. The mass protest also spread to many regions in the country like Cavite, Laguna, Baguio City, and Cebu City who each rallied for their demands and causes.

READ: Walking in unity for this year’s #SONAgkaisa

7. The sudden surge in COVID-19 cases

Photo courtesy of the Manila Bulletin

On July 1, the Department of Health recorded a total of 38,511 infections, with deaths at 554 and recoveries at 5,131. As the month comes to a close, the country stands at a record-high number of 83,873 cases, 1,947 deaths, and 26,617 recoveries.

This month also saw the highest single-day rise in COVID-19 cases and deaths with 2,539 infections on July 8 and 162 deaths on July 13. Private hospitals St. Luke’s Medical Center and Makati Medical Center also reported that their COVID-19 bed allocation and workforce had reached full capacity, which meant that they could no longer accept critically ill patients.

As the alarming rise in infections continued to strain the healthcare system, the public threw a question to the government: “Ano ba talaga ang plano?”

8. Getting close to a cure

Photo from Gilead Sciences via Reuters

In his annual address, President Duterte asserted that a vaccine is around the corner and had sought the help of President Xi Jinping to prioritize the country in any case that one becomes available. Realistically speaking, how far along are we towards a cure?

Of the 140 candidates, six vaccines from six different companies and research institutes, namely Moderna (US), BioNTech (Germany/US), AstraZeneca (Sweden/UK), Sinopharm (China), Sinovac (China), and Murdoch (Australia), are currently in phase 3 of clinical trials. In this final stage, the vaccine would be administered to thousands of people to test its safety and effectiveness.

Once proven to be safe and effective, it will be submitted to the Food and Drug Administration for approval, and only then can the approved vaccine be cleared for mass production and public use. However, Dr. Anthony Fauci of the National Institute of Health reminded the public to be “cautiously optimistic” as phase 3 trials will take months.

The rain continues to pour, but it’s safe to say that this month created the perfect storm of fear, disappointment, confusion, and frustration. The pandemic may have masked our mouths; it certainly did not silence our voices. At a time where critical matters are being neglected, it is high time for us to continue exercising our right to free speech and wield it to overcome the fear and intimidation that the powerful use to hold us from upholding the truth. With enough magnitude and force, perhaps we can make them listen.

As we move forward to more days grappling with the pandemic, our actions should also be as strong as our voices. Behind the curtain, healthcare workers and scientists work around the clock to save lives while risking theirs. Our part in abiding by health protocols and quarantine guidelines is our most significant contribution in breaking the chain and easing their burdens.

These challenging times for all of us, but hope should never be lost. In unity, we will prevail against our enemies: both the invisible and visible.

Comments

Continue Reading

Trending